Naglo-load...

Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Kung ang lahat ng bagay ay itinakda na ng Diyos, papaanong ang isang tao ay magtataglay ng anumang kalayaan? Ang sagot ay nailatag sa dalawang bahagi na araling ito.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 112 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,720 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Kinakailangan

·Pambungad sa mga Haligi ng Islam at mga Saligan ng Pananampalataya (2 bahagi).

Mga Layunin

·Upang matutunan ang ikalawa sa dalawang bahagi na ang paniniwala sa banal na kapasyahan ay nangangahulugang, ang lahat ay nangyayari sa pamamagitan ng Kagustuhan ng Allah at ang Kanyang Kakayahan ay perpekto, at ang Allah ang siyang lumikha ng lahat.

·Upang linawin at alisin ang kalituhan tungkol sa katanungan sa kalayaang pumili (freedom of will).

Terminong Arabik

·Qadr – banal na kapasyahan.

(3) Ang Kalooban ng Allah ay Mangyayari, at ang Kanyang Kakayahan ay Walang Kapintasan (Perpekto)

Mangyayari ang anumang loobin ng Allah, at anuman ang hindi Niya naisin ay hindi magaganap. Walang nangyayari sa kalangitan o sa kalupaan nang wala Niyang kapahintulutan. Samakatuwid, anuman ang nasa sanlibutan ay nangyayari sa pamamagitan ng Kagustuhan ng Allah, maging ito ay gawaing banal o anumang pagkilos ng sinumang nilikha.

“kung Kanyang ninais lamang, katotohanang kayo ay mapapatunubayan Niyang lahat.” (Quran 6:149)

Kung sasabihin natin na ang isang bagay ay nangyayari nang walang kapahintulutan ng Allah, mangangahulugan itong ang mga bagay ay nagaganap nang wala ang Kalooban ng Allah, at iyon ay isang pagkukulang sa kapangyarihan at kalooban ni Allah. Sa halip, ang lahat ng nangyayari ay maaari lamang kung nais ng Allah. Kung hindi Niya ito nais maganap, hindi ito kailanman mangyayari.

Gayundin ang mga kilos o gawain ng nilikha ay nangyari sa pamamagitan ng Kagustuhan ng Allah:

“At wala kayong magagawa maliban na lamang kung ito ay loobin ng Allah – ang Panginoon ng mga Nilalang.” (Quran 81:29)

Walang sinuman ang maaaring gumawa ng anumang bagay maliban kung ito ay naisin ng Allah, kung gusto Niya na hindi ito maganap, hindi ito mangyayari.

(4) Nilikha ng Allah ang Lahat

“Nilikha Niya ang lahat, at sinusukat ito nang ganap ayon sa sarili nitong sukat..”

“Nilikha Niya ang lahat ng bagay at itinakda Niya ang mga ito ayon sa (Kanyang sariling) disenyo.” (Quran 25:2)

Kabilang dito ang ating mga katangian at ang ating mga gawa.

Ang mga tao ay nilikha ng Allah at gayon din ang mga pagkilos at pahayag na nanggagaling sa kanila. Ito ay dahil ang mga pagkilos at ang mga pahayag ng isang tao ay ang kanyang mga katangian; kung ang tao ay isang nilikha, gayon din na ang kanyang mga katangian ay pawang likha rin ng Allah.

“Samantalang ang Allah ang lumikha sa inyo at yaong inyong ginagawa.” (Quran 37:96)

Pinagkalooban tayo ng kakayahang pisikal at pagpipilian. Ang ating mga kakayahan tulad ng katalinuhan at memorya ay magkakaiba katulad din ng ating mga katangian gaya ng taas, timbang, at kulay. Gayundin, binigyan tayo ng kagustuhan at pagpipilian.

Kung wala ang isa sa mga ito, wala ring maisasakatuparan. Ang Allah ang siyang lumikha ng pagpili at kakayahan, ang Lumikha ng dahilan at epekto. Yamang kapwa ito nilikha ng Allah, ang ating kakayahan at pagpili, kung kaya't ang lahat ng ating ginagawa ay nilikha rin ng Allah.

Ang Kalayaang Pumili ng Tao

Ang Islamikong paniniwala hinggil sa banal na kapasyahan (Qadr), ay nangangahulugang ang bawat gawa ng tao sa materyal at espirituwal na buhay ay naitakda na, at pinanatili ang ganap na kalayaan ng tao nang hindi itinakwil ang banal na pagkilos ng Diyos sa mga gawain ng tao. Hindi nito pinipigilan ang prinsipyo ng tao sa kanyang kalayaang moral at pananagutan. Ang tao ay hindi isang inutil na nilalang na inanod lang ng kapalaran. Isang kamalian na paniwalaan na ang pagkilos ng kapalaran ay bulag, nagkataon lamang, at malupit.

May kabatiran sa lahat, ngunit ang kalayaan ay ipinagkaloob din.

Ang tao ay may pananagutan sa kanyang mga nagawa. Ang mga mahinang bansa at indibidwal na tamad sa kanilang mga gawain ang siyang dapat sisihin sa kanilang mga kahihinatnan, hindi ang Allah. Nakatakdang sundin ng tao ang moral na batas; magtatamo siya ng karampatang parusa o gantimpala habang nilalabag o sinusunod ang mga ito. Kung magka ganoon, ang tao ay dapat na may karapatan na sirain o sundin ang batas. Hindi tayo pananagutin ng Allah sa mga bagay malibang nagawa natin ito dahil ito ay abot ng ating kakayahan:

“Walang sinumang kaluluwa ang binigyan ng Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin.” (Quran 2:286)

“Kaya't pangambahan ninyo ang Allah sa abot ng inyong makakaya.” (Quran 64:16)

Alam ng lahat ang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging napilitang gumawa ng isang bagay at pagiging malaya; ang pagkakaroon ng kakayahang pumili, sa pagitan ng isang baril na itinutok sa ulo ng isang tao at maging malaya na gumawa ng mga desisyon.

Nagkakamali ang ilan upang isipin na ang banal na pasiya ng bawat isa sa kanilang buhay sa hinaharap ay maghigpit at detalyado nang itinakda ng Allah na maging ang kanilang mga pagsuway at pagnanasa ay walang kapangyarihang mabago ayon sa magiging takbo ng mga pangyayari. Napipinsala nito ang karaniwang pag-iisip na tanggihan ang pananampalataya o gumawa ng kasalanan kahit na bago pa man niya malaman kung ito ay nakatakda nang maganap! Ang bawat tao'y may kakayahang pumili sa pagitan ng katuwiran at kasamaan, kaya paano kung ang isang tao ay sadyang piliin ang daan sa kapahamakan at gamitin ang banal na pasiya (Qadr) bilang dahilan? Mas angkop na lumakad sa pinagpalang landas at ipahiwatig ito bilang kanyang tadhana. Malaon nang batid ng Allah nang may buong katiyakan kung sino ang maliligtas at mapapahamak, samantalang taglay nang Allah ang lubos na kaalaman, tayo, sa ating kalagayan, ay walang ganap na katiyakan kung paano tayo magtatapos. Ang Propeta, mapasakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagwika ng katotohanan nang sinabi niya:

“Hanapin kung ano ang kapaki-pakinabang sa iyo, at hingiin ang tulong ng Allah. Huwag mawalan ng pag-asa, at kung may isang bagay na nagpapahirao sa iyo, huwag sabihin na 'Kung ginawa ko lang sana ito at ito', dahil sa pagsasabing 'Kung' ay nabubuksan ang mga pintuan para sa diyablo.”

“Kung siya ay mula sa mga matagumpay, ang mga gawa ng mga matagumpay ay gagawing madali para sa kanya.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)


Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.