Naglo-load...

Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog

Marka:

Deskripsyon: Isang pagpapatuloy ng aralin kung paano gumawa ng pang-araw-araw na tungkulin sa kapaki-pakinabang na gawaing pagsamba sa pamamagitan ng pagsunod sa pangaraw-araw na espirituwal na kalakaran ng isang Muslim.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 98 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,448 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Kinakailangan

·Panalangin para sa mga Baguhan (2 bahagi).

·Payak na Kapaliwanangan ng Tatlong Maiigsing Surah ng Quran.

Mga Layunin

·Alamin ang pang-araw-araw na espirituwal na gawain ng isang Muslim mula tanghali hanggang sa oras ng pagtulog.

Arabikong Terminolohiya

·Salah - ay salitang Arabe upang tukuyin ang direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam ito ay tumutukoy sa pormal na limang beses na panalangin at siyang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

·Wudoo – espesyal na paghuhugas

·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – ang mga pangalan ng limang pang-araw-araw na panalangin sa Islam.

·Rakah - yunit ng pagdarasal.

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o kuwento. Sa Islam ito ay isang naitalang salaysay ng mga kasabihan at mga kagawian ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan

Sa Hapon

(1) Ang isang Muslim ay kumakain ng isang malusog na tanghalian sa ilalim ng Islamikong mga alituntuning pandiyeta.

(2) Pagsasagawa ng 4 rakah ng Dhuhr salah: Dapat munang magdasal ng 4 o 2 rakah Sunnah [1] bago ito, at 2 rakah Sunnah pagkatapos nito. Ang mga lalaki ay dapat na magsagawa ng mga obligadong pagdarasal sa moske sa kongregasyon lalo na kung ang isang moske ay malapit sa kanyang trabaho/paaralan at sa bawat mga katapusan ng linggo (Byernes). Tungkol sa sama-samang panalangin (kongregasyonal), ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:

“Ang panalangin sa kongregasyon ay nakahihigit sa panalanging isinagawa ng isang indibidwal ng dalawampu't pitong grado.”[2]

Hinggil sa panalangin ng Sunnah, si Aisha, kalugdan nawa siya ng Allah, ay nagsabi:

“Noong ang Propeta ay nasa bahay ko, nag-aalay siya ng apat na Sunnah rakah bago ang panalangin ng Dhuhr, pagkatapos ay nagtutungo at pinamumunuan ang kongregasyon, at pagkatapos ay bumabalik sa bahay at nag-aalay ng dalawang Sunnah rakah. Gayundin, pangungunahan niya ang Maghrib salah sa kongregasyon at bumabalik at mag-aalay ng dalawang Sunnah rakah. Gayundin, matapos pangunahan ang Isha salah, babalik siya sa aking tahanan at mag-aalay ng dalawang Sunnah rakah.”[3]

Mas mainam para sa mga kababaihan na gawin ang mga obligasyon at Sunnah na panalangin sa kanyang tahanan. Tungkol sa panalangin ng isang babae, ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:

“Huwag pigilan ang mga kababaihan na pumunta sa mga moske, bagaman ang kanilang mga bahay ay mas mabuti para sa kanila.”

(3) Ang Muslim ay nagsasagawa ng Asr salah (4 rakah) sa tamang oras na batid ang kahalagahan nito tulad ng sinabi ng Propeta:

“Siya na iwanan ang Asr salah ay tulad ng isang nawalan (ng ilan sa) kanyang pamilya at ari-arian.”[4]

“Hindi ipapadala sa Impiyerno ang sinumang tao na nagaalay ng kanyang Fajr at ng Asr salah.”[5]

(4) Maraming mga panalangin/pagsusumamo na dapat banggitin bago ang takip-silim, ngunit ang mga ito ay masyadong mahaba kaya't inilaan para sa isa pang aralin.

Sa Gabi

(1) Ang isang Muslim ay pumapasok sa kanyang bahay sa Pangalan ng Allah sa pamamagitan ng pagsasabi ng panalangin/pagsusumamo:

Bismillahi wa-lajna, wa Bismillahi kharajna, wa-’ala Rabbinaa tawak-kalnaa.

“Sa pamamagitan ng pangalan ng Allah tayo ay papasok at sa pamamagitan ng pangalan ng Allah tayo ay aalis, at sa ating Panginoon ay ipinapaubaya natin ang ating buong pagtitiwala.”[6]

(2) Pagsasagawa ng 3 rakah Maghrib salah: Gawin ang 2 rakah ng Sunnah pagkatapos nito. Dapat gawin ng isang Muslim ang lahat ng pagsisikap na manalangin sa moske kung siya ay nakatira malapit dito. Ang mga bata ay dapat rin isama upang makasanayan nila ang pagsamba sa Allah sa moske. Para sa mga naninirahan na lubhang malayo sa moske, hanggat maaari ay subukan nilang mag-alay ng panalangin na magkakasama. Ito ay isang mahusay na paraan ng pagpapalakas ng pagkakaisa ng ugnayan ng pamilya at pagtatakda ng isang positibong halimbawa para sa mga bata.

(3) Pagsasagawa ng pag-aaral sa loob ng tahanan. Ang gabi ay magandang panahon para sa mga miyembro ng pamilya upang magtipon-tipon para sa pag-aaral ng Quran, ahadith, Seerah (talambuhay ni Propeta Muhammad) at iba pang mga sangay ng kaalaman sa Islam. Ito ay isang bagay na maaaring gawing regular na bahagi ng pangaraw-araw o lingguhang iskedyul. Bagaman ang mga magulang ay ang siyang pangunahing responsable sa mga paksa at talakayan, ang mga nakatatandang bata ay maaaring bigyan ng mga takdang-aralin upang maghanda para sa grupo. Ang paghikayat sa kanila upang aktibong makibahagi ay makapagdaragdag ng kanilang kagalakan at interes sa pag-aaral. Ang mga malikhain at makatawag pansin na mga pamamaraan ay maaaring gamitin upang mapanatili ang atensyon ng mga bata, bagaman hindi sila dapat piliting umupo sa mahabang oras. Tungkol sa kahalagahan ng pagtuturo, ang Propeta ay nagsabi:

“Ang bawat isa sa inyo ay tagapangalaga, at ang bawat isa sa inyo ay tatanungin tungkol sa inyong pangangalaga. Ang pinuno ay isang tagapangalaga, at ang lalaki ay tagapangalaga sa mga tao ng kanyang bahay, at ang babae ay tagapangalaga sa bahay at mga anak ng kanyang asawa. Kaya ang bawat isa sa inyo ay tagapangalaga, at bawat isa sa inyo ay tatanungin tungkol sa inyong pangangalaga.”[7]

Ang pagsisikap ng isang tao sa pagtuturo sa kanyang pinangangalagaan, kung ito ay isinagawa sa ikalulugod ng Allah at hindi para sa kanyang sarili at mahal sa buhay, ay itinuturing na pagsamba.

(4) Ang isang Muslim ay dapat mag-ingat kung ano ang kanyang pinapanood sa TV at kung gaano karaming oras ang kanyang ginugugol sa Internet o sa chat room. Ang isang bahagi ng gabi ay dapat ilaan sa pakikipagusap sa pamilya dahil ito ay tamang oras para sa mga talakayang pangpamilya sapagkat karamihan sa mga miyembro ng pamilya ay malamang na naroroon. Ang isang ama ay dapat maglaan ng oras para sa mga miyembro ng kanyang pamilya, talakayin ang mga panuntunan, mga iskedyul, mga plano sa darating na bakasyon, tugunan ang mga isyu ng kabataan, at iba pa. Ang regular na pagsasagawa nito ay magpapakintal ng pananagutan at respeto sa mga bata upang kanilang maramdaman na sila ay mahalagang bahagi ng pamilya at ang ama ay nagtataglay ng mahalagang tungkulin sa pagpapalaki ng kanyang mga anak. Habang lumalaki ang mga bata at umabot sa tamang gulang, kinakailangan na isama na sila sa mga talakayan, pagdedesisyon, kahit na pagpaplano sa pananalapi, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kanila. Ito ang tamang oras para sa kanila na malaman ang pagpapatakbo ng isang pamilya dahil sa kalaunan ay magsisimula na rin silang bumuo nito. Kung kaya't, ang mga magulang ay dapat magpamalas ng pagiging magandang huwaran upang tularan ng mga bata. Ang pagkontrol sa kanilang mga aktibidad sa paglilibang at ang pagtitipon-tipon ng pamilya sa ikalulugod ng Allah ay mapupunta sa positibong bahagi sa talaan ng buhay ng isang tao kapag tinawag na tayo para sa Paghuhukom.

Ang isang Muslim ay tinatapos ang anumang pulong o pagtitipon sa pamamagitan ng:

‘Subhanakal-laa’hum’ma wa be’ham’dik. Ash’hadu an laa e’laahah il’la anta astagh-fe’roka wa a’too-bo e’laik’

‘Sukdulan ka O Allah, at pinupuri Kita. Ako ay sumasaksi na walang ibang dapat sambahin maliban sa Iyo. Hangad ko ang iyong kapatawaran at nagpapakupkop ako sa Iyo ng buong pagsisisi..’ [8]

(5) Pagsasagawa ng 4 rakah ng Isha salah: Kinakailangan mong magdasal ng 2 rakah Sunnah, at 3 o 1 rakah ng Witr pagkatapos nito.

Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:

“Wala ng mas mabigat pa sa mga mapagkunwari kaysa sa Fajr salah at ang Isha salah, ngunit kung batid lamang nila kung anong biyaya mayroon ito tiyak na kukunin nila ito, kahit na sila ay gumapang.”[9]

(6) Ang isang Muslim ay hindi dapat mag-aaksaya ng panahon sa panonood ng mga pelikula, paglalaro ng mga baraha, o iba pang mga hindi kailangang gawain sa gabi. Ang pag-iwas sa gayong mga bagay upang kalugdan ng Allah ay mabibilang bilang mabuting gawa. Ang pagpupuyat ay masama para sa kalusugan ng isang tao at ang pagbangon para sa Fajr salah ay nagiging mahirap.

Tuwing gabi kapag ang Propeta ay matutulog, pagdidikitin niya ang kanyang mga palad at kanya itong hihipan pagkatapos bigkasin ang Surat ul-Ikhlas, Surat ul-Falaq, at Surat un-Naas. [10] Ihahaplos niya kapagdaka ang kanyang mga kamay sa buong katawan sa kung saan ang maabot niya, simula sa kanyang ulo, mukha, at sa harapan ng kanyang katawan. Ginagawa niya iyon nang tatlong ulit.[11]

Ang Propeta ay nagsabi:

“Kapag ikaw ay matutulog, basahin ang talata ng Ang Trono (Ayat al-Kursi), ang ‘Allah! ay walang ibang Diyos maliban sa Kanya, ang Walang Hanggan, ang Tagapanustos at Tagapangalaga sa lahat ng nilalang...’ (Quran 2: 255) hanggang sa wakas, dahil doon ay mananatili sa iyo ang isang tagapag-alaga mula kay Allah, at si Satanas ay hindi ka lalapitan hanggang umaga.”[12]

Kinakailangan din na magsagawa ng wudoo bago matulog at bumaling sa bandang kanan sa paghiga.



Talababa:

[1] Ang salitang Sunnah sa araling ito ay tumutukoy sa mga pagdarasal na isinasagawa, ngunit hindi obligado.

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[3] Saheeh Muslim

[4] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[5] Saheeh Muslim

[6] Abu Dawood

[7] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[8] Tirmidthi

[9] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[10] Mayroong iba pang mga panalangin/pagsusumamo na binabanggit bago matulog, ngunit ang mga ito ay lubhang mahaba kung kayat inilagay para sa isa pang aralin.

[11] Saheeh Al-Bukhari and Saheeh Muslim

[12] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.