Naglo-load...

Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)

Marka:

Deskripsyon: Pambungad sa koleksyon ng hadith, ang pangangalaga nito at paghahatid. Bahagi 4: Ikatlo at pangapat na yugto sa pagkalap ng hadith at pamamaraan ng pangangalaga nito.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 97 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,514 (pang-araw-araw na average: 2)


Kinakailangan

·Gabay para sa mga Baguhan sa Hadith at Sunnah.

Mga Layunin

·Kilalanin ang apat na mga yugto ng pagkalap ng hadith.

·Kilalanin ang tungkulin ni Umar bin Abdulaziz sa pangangalaga ng Sunnah.

·Kilalanin ang pagkumpleto ng koleksyon ng hadith sa ikatlong siglo at ang mga pangunahing gawain ng panahon.

·Alamin ang ibat-ibang paraan ng pangangalaga ng hadith.

Terminong Arabic

·Sunnah- ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

·Hijrah - ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungong Medina at siyang pagsisimula rin ng Islamikong kalendaryo.

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.

Ikatlong Yugto sa Koleksyon ng Hadith

Sa paglipas ng henerasyong direktang nakakita at nakarinig sa Propeta, ang pagsisikap sa pagkalap ng hadith ay pumasok sa ikatlong yugto. Dahil sa ang mga Kasamahan ay naglakbay ng malayo sa Islamikong mundo at ipinagkatiwala ang kaalaman ng Sunnah sa kanilang mga magaaral bago ang kanilang pagpanaw wala nang anumang ulat na mahahanap mula sa ibang mga tao, at ang kabuuan ng naipong hadith ay pagaari na ngayon ng ibat-ibang mga guro na nagturo sa ibat-ibang mga lundayan. Subalit sa ikalawang yugto, ang hadith ay naisalin mula sa pansariling pagtataglay tungo sa pampublikong pagaari, kung kaya't ang kabuuan ng natipon na hadith ay matututunan sa ikatlong yugto sa pamamagitan ng mga institusyon sa halip na hanapin mula sa ibat-ibang mga idibidwal.

Si Umar ibn Abdulaziz, ang Khalifa ng Umayyad, na namuno ng halos bago matapos ang unang dekada ng Hijrah, siyang kauna-unahang tao na nagpalabas ng tiyak na kautusan na magreresulta sa pagkakaroon ng nakasulat na koleksyon ng hadith. Sa sulat ni Umar ibn Abdulaziz kay Abu Bakr ibn Hazm:

“Hanapin ang anumang kasabihan mula sa Propeta, at isulat ito, sapagkat nababahala ako sa paglaho ng kaalaman at pagkawala ng mga maalam; at huwag tumanggap ng anuman maliban sa hadith ng Propeta; at nararapat na isiwalat ito sa publiko at pagusapan sa mga pangkat upang mabatid ng mga hindi nakakaalam, sapagkat hindi mawawala ang kaalaman hanggat hindi ito inililihim sa lahat.”[1]

Si Abu Bakr ibn Hazm ay ang gobernador ng Khalifa sa Madinah, at may mga katibayan ng mga katulad na liham para sa mga sentro. Bago ang kalagitnaan ng ikalawang dekada, ang liwanag ay tuluyan ng sumapit para sa nakasulat na mga koleksyon ng hadith. Daan-daang mga mag-aaral ng hadith ang nakibahagi sa pag-aaral nito sa iba't ibang mga sentro. Bawat iskolar ng hadith ay naglakbay sa paghahanap ng hadith. Si Khateeb al-Baghdadi, isang tanyag na klasikong iskolar, ay nakabuo ng sulatin, Ar-Rihlah fi Talab al-Hadith, or Paglalakbay sa Paghahanap ng Hadith. Ang Kapansin-pasin dito ay nagsasaysay ang sulatin tungkol sa mga iskolar na naglakbay sa paghahanap lamang para sa isang hadith! Sa ngayon ang pinaka mahalagang koleksyon ng panahon ay ang Muwatta ni Imam Malik na kamakailan lamang ay naisalin sa Ingles.

Pang-apat na Yugto sa Koleksyon ng Hadith

Ang pagsisikap hinggil sa koleksyon ng hadith ay nakumpleto sa ikatlong siglo ng Hijrah. Ang maingat na pagsasama-sama ng mga aklat ng hadith mula sa panahong ito ay nakarating sa atin sa kabuuan nitong anyo. Doon nabuo ang tatlong uri ng mga koleksyon ng hadith: Musnad, Jami’, at Sunan. Ang Musnad ang pinakaunang uri at ang Jami’ ang panghuli. Ang mga koleksyon ng hadith na kilala bilang mga Musnad ay nakaayos , hindi ayon sa paksa ng hadith, ngunit sa ilalim ng pangalan ng kasamahan na pinanggalingan ng huling kapamahalaan ng hadith. Ang pinaka mahalaga sa mga gawa ng ganitong uri ay ang Musnad ni Imam Ahmad Hanbal na naglalaman ng halos tatlumpong libong mga salaysay. Isinilang si Ahmad noong 164 A.H. at pumanaw noong 241 A.H. at isa sa mga pinakadakilang iskolar sa kasaysayan ng Islam. Ang kanyang koleksyon, gayunpaman, ay naglalaman ng ibat-ibang mga uri ng ulat. Ang Jami’ ay hindi lamang nagsaayos ng mga ulat ayon sa mga paksa, ngunit siya ring pinaka-kritikal. Anim na mga aklat sa pangkalahatan ang kilala sa pamagat na ito, bilang mga koleksyon ni Muhammad ibn Isma’il, na kilala sa tawag na Al-Bukhari (d. 256 A.H.), Muslim (d. 261 A.H.), Abu Dawud (d. 275 A.H.). Al-Tirmidhi (d. 279 A.H.), Ibn Maja (d. 283 A.H.) at Al-Nasa’i (d. 303 A. H.). Pinagbukod-bukod ng mga aklat na ito ang mga ulat ayon sa paksa, na siyang nagpadali sa pagsangguni sa hadith para sa mga iskolar ng Islam. Nakarating sa atin ang mga aklat na ito na isinulat ng mga orihinal na may akda. Ilan sa mga pangunahing gawa na ito ay naisalin sa Ingles.

Pamamaraan sa Pngangalaga ng Hadith

Sa buong yugto ng pagkalap ng hadith, walong pamamaran ang ginamit sa pangangalaga ng hadith. Tanging ang una at ikalawa lamang ang tatalakayin ng pahapyaw sa ibaba:

(1) Sama’: Ito ay pagbabasa ng guro sa mga mag-aaral.

(2) ‘Ard: pagbasa ng mga mag-aaral sa mga guro.

(3) Ijazah: pagpapahintulot sa isang tao na ipadala ang hadith o aklat sa kapamahalaan ng iskolar na hindi nababasa ninuman.

(4) Munawalah: ibigay sa isang tao ang nakasulat na materyal upang ipadala.

(5) Kitabah: sumulat ng hadith para sa isang tao.

(6) I’lam: ipagbigay-alam sa iba na ang tagapagsalita ay may pahintulot na magdala ng ilang materyal.

(7) Wasiyah: ipagkatiwala sa isang tao ang kanyang mga aklat.

(8) Wajadah: mangalap ng naisulat na hadith na isinulat gaya ng kung paanong nadiskubre ng mga Kristiyano ang Dead Sea Scrolls, o humanap ng pinakalumang manuskrito ng Bagong Tipan mula sa mga monghe ng Mt. Sinai ni Tischendorf. Walang pagkakataon na kinilala ng mg iskolar na Muslim na mapapanaligan ang ganitong pamamaraan ng paghahatid.

Sa panahon ng mga Kasamahan tanging ang unang pamamaraan lamang ang ginamit. Kadalasang nananatili ang mga magaaral sa kanilang mga guro, pinaglingkuran sila, at natuto sa kanila. Di naglaon, ang una at ikalawa ang naging pinakakaraniwang pamamaraan. Dahil ang wajadah ay hindi kinilala ng mga iskolar, anumang pamamaraan maliban sa pitong nakalista sa itaas ay hindi tinangap.

Kabilang sa Sama ang pagbigkas, pagbabasa mula sa mga libro, mga tanong at mga kasagutan, at pagdidikta. Ang pagsasagawa ng pagbigkas ng hadith ng mga guro ay nagsimulang manghina mula sa ikalawang bahagi ng ikalawang siglo, bagamat nagpatuloy ito sa mahabang panahon. Naging malapit ang mga magaaral sa isang iskolar sa mahabang panahon, hanggang sa ituring sila ng kanilang guro bilang mga may awtoridad sa hadith. Kakaunting hadith lamang, mga apat o lima ang natalakay sa isang aralin. Mas ginagamit ang pagbabasa ng guro mula sa kanyang sariling libro. Ang pagbabasa ng guro mula sa aklat ng kanyang magaaral ay ginawa rin. Ito ay upang masubukan ng guro kung naisaulo niya ng maayos ang kanyang hadith. Inilalakip nila ang hadith sa isang hadith na natutunan nila sa kanilang guro, at ibinibigay ang aklat sa kanilang guro upang basahin, upang makita kung gaano siya kahigpit sa kanyang pinanghahawakan. Ang mga nabigo na makilala ang mga karagdagang marteryal ay tinatanggihan at itinuturing na hindi mapagkakatiwalaan.

Ang ‘Ard ang pinaka karaniwang isinasagawa mula pa sa pagsisimula ng ikalawang siglo . Alinman sa ang mga kopya ay inihanda ng mga guro, o ginawa ng mga magaaral buhat sa orihinal. Minamarkahan nila nang pabilog tuwing pagkatapos ng bawat hadith. Sa sandaling mabasa ng estudyante ang hadith sa kanyang guro, minamarkahan nito ang binilugan na nagpapahiwatig na ang hadith ay nabasa sa guro. Kinakailangan ito sapagkat kahit na alam ng estudyante ang hadith mula sa mg aklat, hindi siya pinapahintulutan na ituro ito sa iba o idagdag sa kanyang mga tala hanggat hindi niya ito nakuha sa tamang pamamaraan. Kung hindi'y, matatawag siyang magnanakaw ng hadith, sariq al-hadith.

Ang regular na tala ay iningatan at pagkatapos na mabasa ang kumpletong aklat, isinusulat ng guro o isa sa mga bantog na iskolar na dumalo sa klase ang kanilang puna. Ibinibigay din nito ang mga detalye ng mga dumalo, yaong mga bahagya lamang nakisali, anong bahagi ang kanilang binasa, at anong bahagi ang nakaligtaan, kasama na ang mga panahon at lugar. Ang aklat na ito ay kadalasang nilalagdaan ng guro o ng kilalang dumalong iskolar, upang ipahiwatig na walang anumang mga karagdagan pa ang ilalagay sa aklat.

Pagwawakas

Bilang resulta ng pambihirang pagsisikap ng mga unang Muslim ang Sunnah at hadith ng Propeta ay napanatili para sa atin ng tama at mapagkakatiwalaan. Dahil ang Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay ang huling propetang ipinadala ng Allah sa sangkatauhan, makatwiran lamang na ang kanyang katuruan ay kumpletong mapangalagaan. Kung ang kanyang katuruan ay hindi napangalagaan, kinakailangan ng bagong propeta upang malaman ang relihiyon ng Allah at kung paano susundin ang Allah. Ang katuruan ni Propeta Muhammad ay napangalagaan hanggang sa Araw ng Paghuhukom at kung kaya't wala nang propeta pa ang lilitaw. Nasa sa atin na kung paano matuto at isabuhay ang Islam gaya nang kung paano ito itinuro ni Propeta Muhammad ng tama at ganap upang magkamit ng kaligtasan.


Komentaryo



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.