Naglo-load...

Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay

Marka:

Deskripsyon: Ang araling ito ay nagbibigay liwanag sa ilang natatanging pagkakataon kung saan ang Islamikong batas ay nagpapahintulot ng kaluwagan tungkol sa pagsasakatuparan ng kanilang gawain.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 81 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,223 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Kinakailangan

·Panalangin para sa mga Baguhan (2 bahagi).

Mga Layunin

·Upang matutunan ang mga kahulugan, kundisyon, at pamamaraan ng pagpupunas sa medyas.

·Upang matutunan kung paano bumawi/magbayad sa mga nakaligtaang mga pagdarasal.

·Upang matutunan ang tungkol sa panalangin ng naglalakbay.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – Ang mga pangalan ng limang beses na mga pagdarasal sa Islam.

·Salah - ay salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na pormal na pagdarasal na siyang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

·Wudoo – paglilinis.

·Ghusl – espesyal na pagligo.

·Adhan – isang Islamikong pamamaraan ng mga Muslim sa pagtawag sa limang obligadong pagdarasal.

·Iqamah – Ang salitang ito ay tumutukoy sa pangalawang ulit na pagtawag sa pagdarasal na isinasagawa bago ang pagsisimula ng panalangin.

·Masah – pagpapahid sa ibabaw ng medyas kapag nagsasagawa ng wudoo imbes na maghugas pa ng paa.

· Rakah – yunit ng pagdarasal

·Qada’ – Pagbabayad sa mga nakaligtaang panalangin.

Ang isang Muslim ay kinakailangang maghugas ng paa kapag nagsasagawa ng wudoo. Sa ibang pagkakataon ang batas ng Islam ay nagpapaubaya sa paghuhugas ng paa at sa halip ay pinapayagan ang isang Muslim na punasan na lamang ang mga medyas. ito ay tinatawag na masah sa Arabik.

Ang Pagpupunas sa mga Medyas

Ang mga sumususnod na kundisyon ay kinakailangang maisagawa upang maging katanggap-tanggap ang pagpupunas sa medyas:

(1) Kinakailangang isuot ang mga medyas matapos ang paghuhugas ng paa sa naunang wudoo o ghusl (paliligo).

(2) Ang medyas ay dapat natatakpan ang buong paa kasama ang bukong-bukong.

(3) Maaari mo lamang punasan ang medyas sa loob ng panahon na pinapayagan na gawin ito.

(4) Hindi dapat tanggalin ang medyas pagkatapos masira ang wudoo.

Takdang Sandali sa Pagpupunas sa mga Medyas

Kung ikaw ay hindi naglalakbay, maaari mong punasan ang iyong mga medyas sa loob ng dalawampu't apat na oras. Kung ikaw ay naglalakbay, maaari mo itong gawin ng tatlong araw; iyon ay pitompu't dalawang oras. Sa katapusan noon, kailangan mong tanggalin ang mga medyas at hugasan ang iyong paa para sa panibagong wudoo.

Kung ikaw ay mayroong wudoo sa pagtatapos ng dalawampu't apat na oras o sa tatlong araw (kung naglalakbay), hindi mo kinakailangang ulitin ang iyong wudoo hanggang sa ito ay mawalan ng bisa. Ang 24 na oras / 72 na oras ay nagsisimula sa unang pagpunas ng iyong mga medyas. Ang mga gawaing nakasisira ng karaniwang wudoo ay ang kaparehong kilos na makasisira ng wudoo sa pagpupunas. Halimbawa, ang pagtulog ay nakasisira ng wudoo, subalit ang basang panaginip (wet dream) ay nangangailangan ng paliligo (ghusl). Ang pagpupunas ng mga medyas ay hindi sapilitan, kahit na kapag naglalakbay, at ang patakaran ay saklaw parehong lalake at babae.

Pamamaraan

Ang pamamaraan nq gagamitin kapag magpupunas ng mga medyas ay ang pagpahid ng basang kamay sa ibabaw ng mga medyas. Ang talampakang bahagi ng medyas ay hindi na pinupunasan, subalit mainam na punasan kapwa ng sabay.

Maaari mo ring punasan ang sapatos na umaabot hanggang sa bukong-bukong katulad ng mga kundisyong nabanggit sa medyas. Katulad ng mga medyas, hindi mo na pupunasan ang sapatos kung tinanggal mo ito matapos masira ang iyong wudoo, manapa'y, sa sitwasyong ito, kailangan mong gawin ang masah sa mga medyas sa loob nito.

Ang Pagbabayad sa mga Nakaligtaang Pagdarasal

Ang pagbabayad sa mga nakaligtaang pagdarasal sinadya man o hindi ay tinatawag na qada’ sa Arabik. Pag uusapan lang natin ang pagbabayad sa salah kung ito ay hindi sinasadyang nakaligtaan. Ang isang taong nakaligtaan ang salah ay may pananagutang isagawa ito gaano man ka-huli niya ito maalala. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:

“Sinuman ang nakaligtaan ang salah, kailangan niya itong isagawa kapag naalala niya ito. Walang kabayaran maliban sa salah mismo.”[1]

Halimbawa, kung maalala mo sa oras ng Asr na nakaligtaan mo ang Dhuhr, kailangan mong magsagawa ng Dhuhr at pagkatapos ay magdasal ng Asr.

Pamamaraan

Kung ikaw ay nakatulog sa paglipas ng salah, ibig sabihin ay ang pagdarasal sa oras na iyon ay dumaan sa iyo habang ikaw ay natutulog, kailangan mong magsagawa ng wudoo pagkagising at isagawa ito. Isang gabi, habang naglalakbay kasama ang Propeta, ilan sa mga tao ang nagsabi, ‘Kung makapagpapahinga lang sana kami kasama ang Propeta sa mga huling oras ng gabi.’ Siya ay tumugon, ‘Nangangamba akong makatulog kayo at makaligtaan ang Fajr salah.’ Si Bilal ay nagsalita, ‘Gigisingin ko kayo.’ Silang lahat ay natulog, subalit si Bilal ay nakatulog din! Ang Propeta ay nagising habang nagsisimula nang sumikat ang araw at nagsabi, ‘O Bilal, anong nangyari sa sinabi mo?’ Siya ay tumugon, ‘Hindi naman ako nakatulog ng malalim!’ Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi, ‘Ang Allah ang kumuha ng ating mga kaluluwa sa kagustuhan Niya at nagpanumbalik nito sa kagustuhan Niya. O Bilal, bumangon ka at manawagan ng Adhan para sa pagdarasal.’ Ang Propeta ay nagsagawa ng wudoo at nang tuluyan ng makasikat ang araw, siya ay tumayo at nanalangin.[2]

Pagdarasal ng mga Naglalakbay

Ang Islamikong batas ay ginawang magaan ang salah para sa mga naglalakbay sa pamamagitan ng dalawang paraan:

Sa pamamagitan ng pagpapaigsi ng pagdarasal: ang apat na rakah na salah ay pinaigsi sa dalawang rakah.

Sa pamamagitan ng pagsasama ng mga panalangin: ang Dhuhr ay maaaring ipagsama sa Asr, ang Maghrib ay maaaring pagsamahin sa Isha. May mga pagdarasal, gayunpaman, na hindi maaaring pagsamahin sa anumang paraan. Ang Fajr ay hindi maaaring ipagsama sa Isha, ang Fajr ay hindi maaaring pagsamahin ng Dhuhr. Ang Asr ay hindi maaaring pagsamahin sa Maghrib.

Mga Kundisyon

Ang mga panalangin ay maaaring mapaigsi kapag naglalakbay. Hindi mo maaaring paigsiin ang mga panalangin maliban kung ganap na nalisan ang takdang layo ng iyong lungsod. Walang limitasyon sa oras sa kung paano mo paiigsiin ang iyong mga panalangin. Gayunpaman, karamihan sa mga iskolar ay nagpapahintulot ng hanggang sa apat na araw at gabi. Kapag masama ang panahon, ang mga panalangin ay maaaring pagsamahin (subalit hindi paiigsiin) sa mosque upang ang mga sumasamba, ay hindi na kailangang bumalik pa sa mosque habang masama ang panahon.

Pamamaraan

Mayroong dalawang paraan sa pagsasama ng mga panalangin.

Una, ang Dhuhr ay isinasagawa sa takdang oras at ang Asr ay ipagsasama dito. Nangangahulugan na ang Asr ay isinasagawa bago ang oras nito sa oras ng Dhuhr. Ganun din, ang Maghrib ay isinasagawa sa takdang oras nito kasama ang Isha. Ang Isha ay isinasagawa ng mas maaga sa oras naman ng Maghrib.

Pangalawa, ang Dhuhr ay inaantala nang lagpas sa oras nito at isinasagawa na kasama ng Asr at ang Maghrib ay inaantala pagkatapos nito at isinasagawa kasama ng Isha. Sa magkaparehong sitwasyon, ang Asr at ang Isha ay isinasagawa sa mga oras nito, ngunit ang Dhuhr at ang Maghrib ay inaantala hanggang sa oras ng susunod na panalangin.

Ang mga pagdarasal ay sinasamahan ng isang Adhan at dalawang Iqamah. Ang Adhan ay ipinapanawagan, na susundan naman ng Iqamah at ang unang panalangin ay isinasagawa. Kasunod nito, pagkatapos ng unang panalangin, agad na isusunod ang ikalawang Iqamah, na susundan ng pagsasagawa ng ikalawang panalangin.



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.