Naglo-load...

Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal

Marka:

Deskripsyon: Kasaysayan, kahigtan, at pamamaraan.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 78 - Nag-email: 0 - Nakakita: 14,423 (pang-araw-araw na average: 6)


Mga Kinakailangan

·Pagdarasal para sa mga Baguhan (2 bahagi).

Layunin

. Na malaman ang kahalagahan ng adhan na ito ay sumasakop sa lahat ng pangunahing bagay ng pananampalataya.

. Ang matutunan ang kasaysayan ng Adhan.

. Ang matutunan ang 6 na kahigtan ng Adhan.

. Ang matutunan ang mga binibigkas sa adhan.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Adhan - ang pamamaraang Islamiko sa pagtawag sa mga Muslim para sa limang obligadong pagdarasal.

·Iqamah - Ito ay ang pangalawang pagtawag sa pagdarasal na binibigkas bago simulan ang pagdarasal.

·Shirk - ay salita na ang pakahulugan ay ang pagtatambal kay Allah, o pag-uukol ng mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o ang maniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kapinsalaan at mga biyaya ay galing sa iba at hindi kay Allah.

·Salah- salitang Arabe na pinapakahulugan ng direktang ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Sa mas detalyado, sa Islam ito ay ang pormal na pagdarasal ng limang beses sa isang araw at ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

·Tawheed - Ang kaisahan at pamumukod-tangi ni Allah sa kanyang pagkapanginoon, mga Pangalan at Katangian at Kanyang karapatan na sambahin.

·Hadith- (pangmaramihan - ahadith) ay isang impormasyon o kwento. Sa Islam ito ay naitalang pahayag na mga salita, kilos at gawa ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Fajr - ang pang-umagang dasal.

Panimula

Azhan_(part_1_of_2)_-_The_Call_to_Prayer_001.jpgSa salita, ang katagang Adhan ay nangangahulugang "panawagan" at ito ang ibig sabihin ng talata sa Qur'an:

“At ang panawagan (adthan) mula kay Allah at sa Kanyang Propeta sa lahat ng tao sa araw ng malaking pilgrimo na si Allah ay malaya mula sa mga obligasyon sa mga nagtatambal, at gayun din ang Kanyang Sugo.(Quran 9:3)

Sa kontekstong pang relihiyon, ang Adhan ay ang panawagang ginagawa na binubuo ng mga tukoy na mga "salita ng pag-alala", na ang oras ng mga obligadong dasal ay nagsimula na. Sa mundo ng kamusliman at ilang lugar sa Kanluran, ang panawagan sa pagdarasal ay pinananawagan ng limang beses sa isang araw sa bawat mosque na oras na ng pagdarasal, na alalahanin si Allah, at iwanan muna ang lahat ng mga alalahanin sa buhay upang maghanda sa pagsamba sa Nagbigay ng Buhay. Ang Pagdarasal "Ang Dios ay Pinakadakila" ay sumasalamin sa lahat ng pagkakatulad ng lahat ng sibilisasyon, mula sa maliliit na bayan hanggang sa malalaking siyudad.

Ang Adhan ay sumasakop sa lahat ng pangunahing bagay ng pananampalataya sa Islam sa ilang mga salita:

1. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kadakilaan ni Allah.

2. Ito ay testimonya ng tawheed (kaisahan) ni Allah at ng Kanyang natatanging karapatan na sambahin.

3. Ito ay nagtatanggi ng shirk - ang pagsamba sa lahat liban pa kay Allah.

4. Ang adhan ay pagsaksi na si Muhammad, sumakaniya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay Sugo ni Allah.

5. Binabanggit nito ang paniniwala sa isa sa pinakadakilang haligi ng Islam; ang salah (ritwal ng pagdarasal).

6. Pag-anyaya sa pagdarasal at ihinahalintulad ito sa kasaganahan, kaligtasan at tagumpay (sa Kabilang buhay).

7. Sinigurado nito ang gantimpala para sa Salah: kasaganahan para sa nagbubukod tangi kay Allah sa tawheed (kaisahan). Sumusunod sa Kanyang Propeta, nagtataguyod ng pagdarasal at iba pang mga haligi ng Islam.

8. Ipinahihiwatig nito ang kawalan ng isang hindi tumugon sa panawagan ng adhan at hindi nagdarasal.

Kasaysayan ng Adhan

Ang adhan ay ipinag-utos sa panahon ng unang taon ng Propeta sa paglikas sa Medina. Ito ay naituro sa pamamagitan ng panaginip ng dalawang kasamahan ng Propeta at ginawang bahagi ng buhay ng mga Muslim ng mismong Propeta. Si Abdullah ibn Zaid, isang kasamahan ng Propeta, ay nag-ulat:

"Nang ang Propeta ay pag-utusan na gumamit ng kampanilya upang tawagin ang mga tao sa pagdarasal, ay hinde niya ito nagustuhan sapagkat natutulad ito sa mga pamamaraan ng Kristiano. Habang ako ay natutulog, isang lalaki ang dumating sa akin na may dalang kampanilya. Sabi ko sa kanya 'O lingkod ni Allah, ipinagbibili mo ba ang kampanilya?'

Sabi niya: 'Anong gagawin mo dito?'

Sumagot ako: 'Tatawagin ko ang mga tao sa pagdarasal sa pamamagitan nito'

Tumugon siya: 'Nais niyo ba na ituro ko sa inyo ang kung anong mas mainam diyan?'

Sabi ko: 'Tiyak.'

Sabi niya: 'Marapat mong bigkasin:

Allahu akbar, Allahu akbar, Allahu akbar, Allahu akbar

Ashhadu alla ilaha illal-lah, ashhadu alla ilaha illal-lah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah,

ashhadu anna Muhammadar-Rasool-lal-lah

Hayya ‘alas-salah, hayyah ‘alas-salah

Hayya ‘alal-falah, hayya ‘alal-falah

Allahu akbar, Allahu akbar. La ilaha illal-lah.’

At pagkatapos ay lumayo siya ng kaunti at sinabi, 'kapag itatayo na ang dasal' ay bigkasin:

Allahu akbar, Allahu akbar

Ashhadu alla ilaha illal-lah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah

Hayya ‘alas-salah, hayya ‘alal-falah

Qad qaamatis-salah, qad qaamatis-salah

Allahu akbar, Allahu akbar. La ilaha illal-lah.’

Pagsapit ng umaga, pumunta ako sa Sugo ni Allah upang sabihin kung ano ang aking nakita, Sabi niya, 'Ang panaginip mo ay tunay, kung luloobin ni Allah. pumunta ka kay Bilal, at sabihin mo kung ano ang iyong nakita, at sabihin na gawin niya ang panawagan sa dasal, sapagkat siya ang may pinakamainam sa boses sa inyo.' Ako ay nagpunta kay Bilal at sinabi ko sa kanya kung ano ang gagawin, at ginawa nga niya ang pagtawag sa dasal. 'Si Umar ay nasa bahay niya ng marinig niya ito. Lumabas siya ng nakabalabal, at nagsabi 'Sumpa man sa Siyang nag angat sa iyo ng katotohanan, nakita ko ang tulad ng nakita mo.' Ang Propeta ay nagsabi, 'Lahat ng papuri ay para kay Allah.”[1]

Ang Propeta ay nagtalaga ng dalawang kasamahan upang magtawag ng adhan sa Medina sa kanyang mosque: Si Bilal na dating aliping Aprikano na binili ang kalayaan ni Abu Bakr, at si Ibn Umm Maktum para sa adhan ng Fajr. Tinalaga niya rin si Abu Mah-zura sa Mecca at Sa'ad al-Qaraz sa Quba'.

Ang Kahigtan ng Adhan

Maraming ahadith ng ating Propeta Muhammad ang naglalarawan sa mga kahigtan ng adhan at sa tumatawag nito:

(1) “Kung nalalaman lamang ng mga tao kung ano ang mayroon sa adhan at sa unang linya (sa dasal at kahigtan nito), at hindi nila ito makakamit maliban lamang sa pamamagitan ng palabunutan at magpapalabunutan nga sila.”[2]

Ang kahulugan ng hadith ay kung nalalaman lamang ng mga tao ang masaganang gantimpala na mayroon sa pagtawag ng adhan, at kung wala silang ibang makitang paraan para sa kung sino ang siyang magtatawag ng adhan maliban sa palabunutan, kung gayun ito ay gagawin nila para lamang makamit ang kahigtan nito.

(2) “Ang mga nagtatawag ng adhan ay sila ang may pinakamahahabang leeg sa Araw ng Pagbangon.”[3]

Ang kahulugan ng hadith na ito ay ipinaliliwanag na sila ay magiging mga amo at pinuno, Sapagkat ang mga Arabo ay inilalarawan ang mga namumuno na may mahahabang leeg, o pinapakahulugan na sila ang magtataglay ng mga pinakamagagandang gawain upang ibilang para sa kanila.

(3) “Si Allah at ang kanyang mga anghel ay nagpupugay sa kanilang nasa unang linya ng salah, at sa nagtatawag ng adhan ay pinatatawad hanggang sa layo ng nararating ng kanilang boses, at anumang nakakarinig sa kanila, may buhay o walang buhay, tinitiyak ang anumang sinabi niya, at magkakaroon siya ng gantimpala tulad ng kasama niyang nagdasal [4]

(4) “Ang iyong Panginoon ang Maluwalhati, ay nalulugod sa pastol na nagbabantay ng kanyang mga tupa at pagkatapos ay papanhik sa bundok upang tumawag sa pagdarasal at magdasal. Si Allah ang Maluwalhati ay magsasabi, 'Tignan mo ang Aking alipin na nagtatawag sa pagdarasal at nagdadasal dahil sa takot niya sa Akin. Pinapatawad ko Siya at papayagang pumasok sa Paraiso.’”[5]

(5) “Ang imam ay ang siyang tagapanagot o garantor, at ang nagtatawag sa dasal ang siyang katiwala. O Allah gabayan mo ang mga imam at patawarin mo ang mga nagtatawag sa dasal.”[6]

(6) “Sinuman ang tumawag ng dasal ng labindalawang tao ay gagantimpalaan ng Paraiso, at sa bawat araw ay may anim na mabuting gawa ang itatala para sa kanya dahil sa kahigtan ng adhan, at tatlumpong mabuting gawa ang para naman sa iqama.”[7]

Paano ang Pagtawag ng Adhan?

Ito ang mga binibigkas sa adhan.

Allahu akbar

Si Allah ay Dakila

Allahu akbar

Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kundi si Allah

Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kunid si Allah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah

Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah

Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah

Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay

Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

La ilaha illal-lah[8]
Walang dios kundi si Allah



Talababa:

[1]Ahmad, Abu Dawud, Ibn Majah, Al-Tirmidhi

[2]Saheeh Al-Bukhari and others

[3] Ahmad, Saheeh Muslim, Ibn Majah

[4] Nasai

[5] Ahmad, Abu Dawud, Nasai

[6]Al-Tirmidhi

[7] Ibn Majah

[8] Ahmad, Abu Dawud, Ibn Majah, Al-Tirmidhi

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4