Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
Deskripsyon: Isang paliwanag kung kailan inirerekomenda na gawin ang ghusl at maunawaan ang ilang mga pangkalahatang alituntunin at regulasyon na may kaugnayan sa kababaihan.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 121 - Nag-email: 0 - Nakakita: 13,422 (pang-araw-araw na average: 6)
Mga kinakailangan
· Tuntunin ng ritwal sa pagligo(Ghusl).
Mga Layunin
·Upang malaman ang mga okasyon kung saan ang pagganap ng ghusl ay hindi sapilitan ngunit isang inirerekomenda at kapaki-pakinabang na gawain.
·Upang maintindihan ang alituntunin para sa mga kababaihan patungkol sa ghusl.
· Upang maging pamilyar sa ilang mga pangkalahatang alituntunin na may kaugnayan sa ghusl.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Ghusl – ritwal na pagligo.
·Wudoo – espesyal na paghuhugas.
·Eid – pyesta o pagdiriwang. Ipinagdiriwang ng mga Muslim ang dalawang pangunahing relihiyosong malaking pista, na kilala bilang Eid-ul-Fitr (na nagaganap pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (na nangyayari sa panahon ng Hajj).
·Salat ul-Jumuah – pagdarasal sa araw ng Biyernes.
·Junub – isa na nasa isang estado ng pagkatapos ng pagtatalik.
·Fajr - pang umagang pagdarasal.
Kailan ba mas mainam ngunit hindi Kinakailangan mag-sagawa ng Ghusl?
May mga okasyon kung kailan ito inirerekomenda at kapaki-pakinabang para sa isang Muslim ang isagawa ang ghusl: ang iba sa kanila ay nakalista dito:
(1) Para sa Biyernes na pagdarasal (Salat ul-Jumuah sa Arabe).
Mas mainam isagawa ang ghusl bago ang dasal sa araw ng Jumu'ah. Ang oras ay umaabot sa pagitan ng bukang liwayway sa araw ng biyernes at ang oras ng panalangin ng Jumu'ah. Bagama't ito'y hindi posible para sa marami na magsagawa ng ghusl bago ang Jum'uah dahil sa trabaho o paaralan, pwede nila itong isigawa bago sila umalis sa umaga. Pag ang wudoo ay nasira at ito'y nawalan ng bisa kailangan mag wudoo ng panibago na di na kinakailagang maligo.
(2) Taunang pagdarasal para sa Eid.
Minumungkahi para sa isang Muslim ang magsagawa ng ghusl sa araw ng pagdarasal ng Eid. Maraming mga ulat mula sa mga Kasamahan ang naiulat tungkol sa bagay na ito.
(3) Pagpasok sa Mecca
Ito'y kanais-nais ang magsagawa ng ghusl para sa sinumang gustong pumasok sa Mecca.[2]
(4) Ghusl pagkatapos ng paghuhugas ng bangkay.
Ang pagsasagawa ng Ghusl ay mimumungkahi pagkaraang maghugas ng
bangkay.[3]
Ghusl para sa mga Kababaihan
Ang pagligo para sa kababaihan ay nakabalangkas sa itaas, maliban na kung siya ay may tinirintas na buhok hindi na niya kailangang tanggalin ito, kailangan lang maabot ng tubig ang kanyang anit. [4] Ito ay sapat na para sa kanya upang ibuhos ang tubig sa ibabaw ng kanyang ulo ng tatlong beses, siguraduhin na ang tubig ay ganap na umabot sa pinagtubuan ng kanyang buhok (anit).
Gayundin, ang nail polish o anumang iba pang agent na pumipigil sa tubig mula sa pag-abot sa mga bahagi ng katawan ay dapat alisin sa oras ng ghusl.[5]
Kanais-nais para sa isang babae pagkatapos isagawa ang ghusl dahil sa buwanang dalaw o kaya'y pagkatapos ng panganganak na gumamit ng bulak na may aroma at ipahid ito sa maselang bahagi ng katawan, ng sa gayon malinis niya ang kanyang sarili mula sa natitirang amoy ng dugo sa kabuwanang dalaw.[6]
Ang ghusl ay hindi kinakailangan sa mga sumusunod na dalawang kalagayan:
(i) Normal na may lumalabas sa maselang bahagi ng katawan. Ito'y normal para sa maselang bahagi ng katawan na mamasa-masa na para bagang isang uhog. Nagbabago ito sa buong buwanang pag-ikot (cycle) bilang tugon sa produksyon ng hormon ng katawan. Karamihan sa mga normal na kabataan at mas matatandang kababaihan ay may puting, malagkit na lumalabas na tinatawag na leucorrhea, isang likido na naiiba mula sa orgasmic fluid. Ito’y normal para sa mga kababaihan na magkaroon nito ng kaunti sa kanilang pananamit. Ang Lumalabas na likido sa katawan ay maaring mas basa ito o kaya'y tuyo, at maaring ito'y malagkit o kaya'y malapot. itong lumalabas ay maaring puti o kaya'y manilaw-nilaw kapag nalantad sa hangin. Normal sa maselang bahagi ng katawan na mamasa-masa na may katamtamang amoy, o walang aroma, at maaaring maging malinaw o malagatas ang kulay kapag namamasa-masa, naninilaw ang kulay pag natuyo, at namumuong bahagya. Maaaring mas mabigat sa panahon ng kalagitnaan ng buwan, kapag nangyayari ang obulasyon, sa panahon ng pagbubuntis, at kapag gumagamit ng mga tabletas para sa birth control. Ang Ghusl ay hindi kinakailangan sa ganitong kaso.
(ii) Laro bago magtalik (foreplay), ang pag-iisip tungkol sa pakikipagtalik at sekswal na pagpukaw ay nagiging sanhi ng mga ugat na lumawak. Ang pamamaga ay lumilikha ng isang "reaksyon ng pagpapawis" nagdudulot ng pamamasa ng maselang bahagi ng katawan at mabasa ang lagusan. Ang kombinasyon ng vaginal mocus at lubrikasyon ay ang nagdudulot ng sexual secretions sa kababaihan. Maaring ito'y puti na manipis at hindi sinusundan ng pakiramdam ng pagkahapo. Ito'y tinatawag na madhiy sa Arabe. Ang Ghusl ay hindi din kinakailangan sa kasong ito.
Ang isang babae ay itinuturing na hindi malinis pagkatapos makipagtalik at dapat magsagawa ng ghusl sa dalawang kaso:
(a) Pagpasok ng maselang bahagi ng lalake sa maselang bahagi ng babae, kahit pa walang lumabas mula sa lalaki, ito ay nangangahulugan na ang mag-asawa ay hindi malinis. Pareho silang nangangailangan ng ghusl upang ipagpatuloy ang pagsamba.
(b) Paglabas ng likido sa maselang bahagi ng katawan na tinatawag na maniy dahil sa panaginip[7] at sa orgasm ng babae.
Ang isang babae ay kinakailangan magsagawa ng ghusl pag nakaranas ng isang erotikong panaginip at nakaramdam siya ng pamamasa sa maselang bahagi ng katawan sa panahong siya'y nagising.
Gayundin, ang ghusl ay nagiging obligado pag ang babae ay nalabasan ng maniy at siya'y umabot sa orgasm dahil sa iba pang kadahilanan. Ang orgasm ay kasukdulan ng sekswal na aktibidad na sinamahan ng kotraksyon ng maselang bahagi ng katawan at iba pang mga pagbabago sa katawan, at mga karaniwang resulta mula sa pakikipagtalik. [8]
Makikilala ang kaibahan ng maniy mula sa normal na discharge mula sa maselang bahagi dahil sa amoy at kulay. Ang maniy ng mga kababaihan, ang likido na nangangailangan ng ghusl, ay makikilala sa pamamagitan ng maraming katangian:
(a) ito ay lumalabas bilang resulta ng pakiramdam na sekswal na kasiyahan at nararamdaman ng babae ang ibang pakiramdam kapag ito ay lumabas.
(b) ito ay sinusundan ng isang pakiramdam ng pagkahapo.
(c) ito ay may isang partikular na amoy.[9]
(d) ito ay karaniwang dilaw at di-malapot. Maaari itong maging puti.
Ang unang dalawang katangian ay marahil ang pinakamahalagang senyales. Ang likido na lumalabas sa maselang bahagi ng katawan ng babae na inilarawan sa itaas na hindi nakakatugon sa mga katangian ng maniy ay hindi nangangailangan ng ghusl, ngunit nangangailangan ng wudoo.
Pangkalahatang mga alintuntunin para sa Ghusl
Ang mag asawa ay maaring maligo ng magkasama, ngunit ito'y malaswa at ipinagbabawal na isagawa sa publiko. Ipinagbabawal na ilantad ang mga pribadong bahagi maliban sa asawa o para sa medikal na paggamot.
Sapat ng magsagawa ng isang ghusl para sa dalawang kadahilanan, tulad ng pagkatapos ng sekswal na aktibidad at panalangin sa araw ng Biyernes, kailangan lamang na gawin ang intensyon na magsasagawa ng ghusl para sa dalawang kadahilanan.
Ito ay sapat na para sa isang tao upang magsagawa ng ghusl kahit na hindi siya nagsagawa ng espesyal na paghugas ng isinasagawa niya ang ghusl.
ito'y ipinahihintulot para sa isang tao pagkatapos ng pagtalik (junub) o para sa babaeng may buwanang dalaw na alisin ang buhok, putulin ang kuko at mamasyal sa pamilihan at iba pa, at hindi ito itinuturing na nakakasirang mga gawain.
Pinapayagan para sa mga mag-asawa na gamitin ang tubig na natira ng isa na gaya din na pwede rin nilang gamitin ang iisang lalagyan para sa ghusl para magsagawa ng ghusl.
Ang mag-asawa ay hindi kinakailangang magsagawa ng ghusl kaagad pagkatapos ng pagtatalik. Pagkaraan ng pagdarasal sa gabi, ito'y ipinahihintulot na iantala ang pagligo hanggang sa umagang pagdarasal (Fajr). Sa ganitong pagkakataon nirerekomenda na mag-wudoo bago matulog.
Mga talababa:
[1]Sinabi ng Propeta, "Ang sinumang gumagawa ng paghuhugas at perpekto ito at pagkatapos ay pupunta sa panalangin sa araw ng Biyernes at nakikinig nang mabuti, ay mapapatawad siya sa panahon sa pagitan ng Biyernes at sa susunod na Biyernes, at isang karagdagang tatlong araw." (Saheeh Muslim)
[2] Iniulat ni Nafi na si Ibn Umar ay hindi kailanman pumasok sa Mecca nang hindi gumugol ng gabi sa Dhi Tawu hanggang sa madaling araw, at siya ay naligo, at pagkatapos ay papasok sa Mecca sa umaga. Binanggit niya (Ibn Umar) na ang Sugo ng Allah ay gumawa ng gayon. (Ang Dalawang Saheehs. Ang bersyon na ito ay mula sa Saheeh Muslim)
[3]Ang Propeta ay naiulat na nagsabi, "Ang sinuman na naghugas ng bangkay ay dapat magsagawa ng ghusl, at sinuman ang nagdala sa kanya ay dapat maghugas. "(Musnad, Abu Dawud, Al-Tirmidhi, Nisa'i, Ibn Majah)
[4] Si Umm Salamah na asawa ng Propeta ay nagsabi, "O Sugo ng Allah, Ako ay isang babae na may tirintas sa aking ulo. Kailangan ko bang tanggalin ang mga ito para sa ghusl pagkatapos ng pakikipagtalik? "Sabi niya," Hindi, sapat na upang ibuhos ang tatlong dakot ng tubig sa iyong ulo at pagkatapos ay ibuhos ang tubig sa iyong sarili. Pagkatapos ng paggawa nito, ikaw ay malinis na. "(Musnad, Saheeh al Bukhari, at Al-Tirmidhi)
[5] Ito ay batay sa utos ni Allah na hugasan ang mga mukha at kamay, atbp (isagawa ang wudoo) sa Quran 5: 6 bago manalangin. Ayon sa mga iskolar, ang paghuhugas ay nagpapahiwatig na ang tubig ay dapat na talagang maabot ang balat, kaya ang anumang bagay na sumasaklaw dito ay dapat alisin.
[6] Isang babaeng kasamahan ang nagtanong sa Sugo ng Allah tungkol sa ghusl matapos ang regla. Sinabi niya (Sugo): "Dapat niyang gamitin ang tubig na may halong dahon ng puno ng lote at linisin ang sarili. Pagkatapos ay dapat niyang ibuhos ang tubig sa ibabaw ng kanyang ulo at kuskusin ito hanggang sa maabot nito ang pinagmumulan ng buhok, pagkatapos ay dapat ibuhos ang tubig sa ibabaw nito. Pagkatapos, dapat siyang kumuha ng isang piraso ng bulak na may musk o pabango at linisin ang sarili nito. "(Abu Dawood, Ibn Majah, at iba pa)
[7] Ang wet-dreams sa kababaihan ay maliit na pinag-aralan kahit ngayon, ngunit kinumpirma ito ni Propeta Muhammad 1400 taon na ang nakalilipas. Noong 1953, natagpuan ni Alfred Kinsey, Ph.D, isang researcher sa seksuwalidad, na halos 40 porsiyento ng 5,628 kababaihan na kanyang tinanong ay nakaranas ng orgasm sa gabi (orgasm habang natutulog), o "basang-panaginip (wet dream)" noong sila ay apatnapung taon gulang. Ang isang mas maliit na pag-aaral na inilathala sa Journal of Sex Research noong 1986 ay natagpuan na ang 85 porsiyento ng mga kababaihan na nakaranas ng mga orgasm sa gabi ay nangyayari sa edad na dalawampu't isa ...Ang iba sa kanila ay edad na labintatlo. Ang vaginal secretions ay maaaring maging tanda ng sekswal na pagpukaw nang walang orgasm.
[8] Karamihan ng mga kababaihan, ang likido ay hindi lumalabas sa panahon orgasm, ngunit kadalasan ay nakararanas ng pamamasa ng maselang bahagi ng katawan.
Sa ilang mga kababaihan, ang "bulalas (ejaculation)" ng isang malinaw na likido ay pinaniniwalaan na gawa ng mga glandula ng Skene (skenes glands) na katulad ng komposisyon sa glandula ng prostate ng isang lalake. Ito ay nangyayari sa panahon ng orgasm at hindi ihi. Ito ay katulad sa komposisyon ng semen, subalit walang sperm. Ang likido na ito ay naiiba sa mga secretions ng babae sa panahon ng pagpukaw.
[9] Kahit na ito ay hindi pamilyar sa maraming mga mambabasa, ito ay inilarawan ng gaya ng paglalarawan ng pollen ng palm tree at amoy ng harina, sa madaling sabi ay napakalinaw.
Nakaraang Aralin: Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
Susunod na Aralin: Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)