Naglo-load...

Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Panimula sa mga sekta na iniuugnay sa Islam. Ang Bahagi 1 ay tumutukoy sa pananaw ng Islam sa mga sekta at kung paano maiiwasan ng isang Muslim ang pagkalito.

Ni C. Mofty (© 2012 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 154 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,996 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin ng leksyon:

·Upang maunawaan na ang Islam ay nag-uutos ng pagkakaisa at pumipigil sa pagkakawatak-watak

·Upang maunawaan na ang lahat ng mga sekta ay magkakaiba: may mga sekta na may mga "maliliit" na pagkakamali, ngunit mga Muslim pa rin at mayroong mga kulto na tinatawag na mga Muslim ang kanilang sarili, ngunit tinuturing bilang mga di-Muslim.

·Upang malaman ang patnubay ng Islam kung paano maiiwasan ang pagkalito.

·Upang maunawaan ang kahalagahan ng "Sahabah".

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinasalin na mga Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay maraming pakahulugan depende sa uri ng pag-aaral gayunpaman ang pangkalahatan nitong kahulugan na tanggap ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa o sinang-ayunan ng Propeta.

SectsInIslam.jpgHabang ang karamihan ng mga Muslim ay may parehong pangunahing paniniwala, na may 1.62 bilyon na mga tagasunod- nasa halos isang-kapat (1/4) ng populasyon ng Daigdig [1]kumalat halos sa lahat ng mga kontinente at sa 49 na mga bansa kung saan ang mga Muslim ay mayorya at may kasaysayan ng higit pa sa isang libong taon, ang lahat ng mga tao na tumawag sa kanilang sarili na Muslim ay hindi eksaktong magkakapareho. Kung minsan ay may malaking pagkakaiba sa relihiyon sa pagitan nila. Sa mga sumusunod na dalawang aralin, masasakop natin ang mga sumusunod na mga punto:

Ang pagkakaroon ba ng mga sekta ay nangangahulugan na ang mga aral ng Islam (nakapaloob sa Quran at Sunnah) ay nag-uutos dito? Ang sagot ay hindi. Ang mahalaga ay ang mapagtanto na hindi ito katulad ng ibang mga relihiyon, si Allah ay ginawang protektahan ang Islam - ang huling kapahayagan at ang pinaka kumpletong relihiyon ng Diyos para sa sangkatauhan. Hindi ka makakatagpo ng anumang pangako mula sa Diyos sa Biblia o halos anumang iba pang relihiyosong teksto na pinangalagaan Niya ng ganito. Sa kabilang banda, nakikita ang dalawang mahahalagang pangako mula sa Diyos sa Quran:

“Ginawang kumpleto ng Diyos ang Kanyang relihiyong Islam” (Quran 5:3)

Ang Diyos ang mangangalaga at magpoprotekta sa kanyang relihiyon sa anumang anyo ng pagbabago (Quran 15:9)

Ang pag-iral ng mga sekta ay dahil sa mga kadahilan na ang pagtalakay ay di sasapat sa araling ito lamang.

Ang Lahat ng Sekta ay Hindi Pantay: Paghahalintulad sa Bilog

Ang pagkakatulad ay mainam na maipaliwanag ang isyu ng mga sekta. Ang Quran at Sunnah ay nasa gitna na kung saan maraming mga lupon. Ang ilang mga Muslim ay nananatili sa loob ng isang bilog, ngunit ang iba ay namamalagi sa labas nito. Sa ibang salita, ang ilang mga Muslim ay mas malapit sa sentrong aral, ang iba ay maaaring malayo. Kung gayon, isipin ang isang pulang bilog na kung saan ay malayo mula sa sentro na ang sinumang namamalagi sa labas ng pulang bilog na iyon ay hindi itinuturing na isang Muslim. Ang radius ng bilog ay isang sukatan kung sino ang "ligaw" na sekta.

Sa madaling salita, ang pinaka-"ligaw" na mga sekta, ay maaaring tawagin sila na mga kulto, sila ay nasa labas ng pulang bilog. Sila ang magiging mga pinaka malubhang taga-salungat sa itinatag na paniniwala at kasanayan sa Islam. Ang mga halimbawa ay si Ahmadis, Bahais, at ang Druze.

Nakakalito ang mga Sekta, Sinong Susundin Ko?

Ang nagiging nakalilito ay ang siyang pagkakaroon ng iba't ibang mga sekta, Sino ang susundin ng isang bagong Muslim, lalo na kapag ang karamihan sa mga sekta ay nagsasabing sumusunod sa Quran at Sunnah. Ano ang gagawin ng isang bagong Muslim? Paano niya matutukoy kung sino ang tama at sino ang mali? Sa simpleng salita, paano maiiwasan ng isang bagong Muslim ang pagkalito? Iwaksi natin ang sagot sa tanong na ito sa ilang mga punto:

Una, kung babalik tayo sa Quran at Sunnah, makikita natin ang sagot sa tanong na ito. Makikita mo, ang Quran at Sunnah ay mga teksto; ang ilan ay susubukan na batayan ang Quran lamang, na ihihiwalay ito mula sa Sunnah (Tradisyon ng Propeta). Bibigyan nilang pakahulugan ang Quran ayun sa kanilang mga sairling unawa. Ang tanging paraan upang maintindihan nang maayos ang Quran ay sa pamamagitan ng pagbabalik sa mga tradisyon ng Propeta at sa liwanag ng pagka-unawa ng mga taong nandoon sa panahon ng pagkapahayag nito. Ang mga tekstong ito ay inihayag sa kanilang panahon, marami sa mga teksto ay ipinahayag para sa kanila[2], at mayroon silang pinakamahusay na guro (ang Propeta ni Allah) upang ipaliwanag sa kanila ang anumang bagay na kailangan ng pagpapaliwanag. Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Propeta tungkol sa bagay na ito,

“Ang pinakamainam sa mga tao ay ang aking henerasyon, at pagkatapos ay ang mga sumusunod sa kanila, at pagkatapos ay ang mga sumusunod sa kanila.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Ang Propeta ay kinilala ang unang tatlong henerasyon ng mga Muslim upang maging "pinakamainam." Kung ang mga ito ay ang "pinakamainam" ayon sa Propeta ng Islam, makatuwiran lamang na naiintindihan at gampanan natin ang Islam kung paano nauunawaan at tinupad ng mga taong "pinakamainam" sa Islam.

Ikalawa, mahalagang malaman na ang unang henerasyon ng Islam ay kilala bilang henerasyon ng "Sahabah." Ang salitang "sahabah" ay nangangahulugang "mga kasamahan" sa wikang Arabe. Ang pang-isahan nito ay "sahabi," na nangangahulugang isang "kasama." Ang pangalawa at pangatlong henerasyon ay may mga pangalan din, ngunit ang "sahabah" ang pinakamahalagang termino na malaman mo ngayon.

Ikatlo, mahalaga na ang isang tao ay hindi maghuhusga kung sino ang Muslim pa o hindi na. Kapag ang isang tao ay walang sapat na kaalaman, ang mga isyu na tulad nito ay dapat na ipagkatiwala sa mga iskolar. Mayroong ilang mga sekta na may kabutihan at may kasamaan na isinama sa kanilang mga paniniwala. Ang mga Sufi [3] bilang isang halimbawa. Ang lahat ng kanilang mga paniniwala at gawi ay hindi naman mali, ngunit ang iilan. Ang isa ay dapat maging maingat dahil sa kawalan ng kaalaman upang hindi malito.

Talababa:

[1] (http://www.pewforum.org/The-Future-of-the-Global-Muslim-Population.aspx)

[2] Kung minsan ang isang teksto ay maaaring magkaroon ng isang tiyak na dahilan para sa paghahayag nito, ngunit ang pangkalahatang kalikasan nito ay marapat bigyan ng konsiderasyon.

[3] http://www.islamreligion.com/articles/1388/

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4