Paraiso (part 2 of 2)
Deskripsyon: Dalawang-bahagi na aralin na nagbibigay ng sulyap sa Paraiso at kung ano ang meron dito ayon sa Quran at mga Hadeeth ni Propeta Muhammad, ang awa at bendisyon ng Allah ay sumakanya. Ikalawang Bahagi: Hitsura ng Mananampalataya na papasok sa Paraiso at ang mga kagalakan sa Paraiso.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 96 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,051 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin
·Upang malaman ang ilan sa mga kagalakan na tinataglay ng Paraiso.
·Upang pahalagahan na ang pinakadakilang kagalakan ay ang makita ang Allah sa Paraiso.
Ang Mga kagalakan sa Paraiso
Ang mga papasok sa Paraiso ay gagawin ito sa kanilang pinaka perpekto, at magandang anyo. Ang kanilang mga puso ay magiging isa. Sila ay hindi dudura, ni sisinga. Sila ay mananatiling nasa kabataang edad magpakailanman, malakas at walang mga alalahanin sa mga buhok sa katawan.
Ang makamundong kaligayahan ay maglalaho sa harap ng kaluguran sa kalangitan. Ang mga kasiyahan sa mundong ito ay panandalian at maikli ang buhay, sapagkat ‘…maikli ang kasiyahan ng mundong ito,’ samantalang ang kagalakan ng Paraiso ay walang katapusan, sa dahilang ‘…ang probisyon ay walang hanggan.’
Ang magagandang damit, masasarap na pagkain nakapapawing uhaw na mga inumin, makintab na mga hiyas, at malalaking palasyo sa Paraiso ay higit na nakahihigit sa kung ano ang nasa daigdig na ito . Ang 'tunay na kalagayan' ng Paraiso ay inilarawan ng Propeta na mas mahusay kaysa sa buong mundo
Ang paraiso ay malaya sa anumang polusyon, marumi na amoy, sakit, o kakulangan sa ginhawa. Ang mga puso at pananalita ay magiging dalisay. Walang masasaktan o mapipinsala
Ang masarap, hinog na mga bunga sa Paraiso ay madaling maabot, handa para sa mga residente nito na pumitas ng anumang prutas na naisin . Anumang pagkain o inumin ay nariyan anung oras man naisin. Ang Paraiso ay may karagatan ng tubig, alak, gatas, at pulot-pukyutan na kung saan ang mga ilog dito ay dumadaloy . Kailangan mo lamang pumili! Mayroon itong mga bukal na may halimuyak ng alkampor at luya, at malilim na mga lambak. Ang alak ay hindi magdudulot ng hangover. Ito ay "kaluguran para sa mga umiinom",ni hindi magdudulot ng pagkalasing o pagsisimulan ng kamangmangan o pagkikipag away.
Ang mga naninirahan sa Paraiso ay pagsisilbihan gamit ang mga ginto at pilak na mga kopa at pinggan. Ang kanilang pinakamainam na mga damit na sutla ay papalamutian ng ginto, pilak, at perlas ... mas mahusay kaysa sa sinuot na gawa ng tao! Ang halimuyak ng Musk ay magmumula sa kanilang mga katawan. Ang kanilang mga palasyo ay makikilala sa pamamagitan ng pinong karangyaan at kumpletong kagamitan. Magagawa nilang umupo at makahiga sa kanilang mga hardin. Ang magaganda at maliliwanag na kulay na upuan ay may disenyo nang sutlang brokeid. Ang maka agaw pansin na mga upuan at magagandang karpet ay magdaragdag ng estilo at luho. Isang maginhawang lugar na pinapangarap lamang ng karamihan sa mundo at tahimik na lugar, malayo sa distraksyon; mapayapa, kumportable, at mayaman sa palamuti.
Ang mananampalataya, ay pagsisilbihan ng imortal na mga kabataan, ng tasa, at timba, at baso mula sa dumadaloy na alak ;’ masasarap na pagkain na nakalagay sa mga mamahaling lalagyan.
Ang mga mananampalataya ay magbibisitahan sa isa't isa at magsasama-sama muli ang mga magkakapamilya at mga magkakaibigan na pumasok sa Paraiso. Ang lahat ng mga inaasam ay matutupad, ang ilan sa hindi inaakalang mga paraan. Sinabi ng Sugo ng Allah:
“Kung nais ng isang mananampalataya sa Paraiso ang magka-anak, ito ay ipaglilihi at ipapanganak, at lalaki hanggang sa nais na edad sa isang iglap.” (Al-Tirmidhi)
Siyempre, ang paghabol ng makamundong mga kaligayahan kapalit ng mga kaluguran sa kalangitan ay magiging sanhi ng labis na kalungkutan para sa mga taong papasok sa Impiyerno.
Mga asawa at pagpapalagayang-loob sa Paraiso
Kung paanong ang ilang mga tao ay hindi makakilala ng kulay, tulad nito maaaring tayo ay mga kaluluwang-bulag at bingi. Ang pagnanais ng kaluluwa ay hindi umaabot sa ating kamalayan; kung magkagayon man, sinisikap nating balewalain ito, gamit ang mga gamot o di kaya ng mga walang kabuluhang gawain. Ang resulta ng pangbabalewala na ito ng ating mga puso ay nagsasanhi ng kalungkutan. Nais ng kaluluwa na makipag-ugnay at maki-halubilo, sapagkat sa pamamagitan ng ganitong pakikipag ugnayan, napagyayaman, napapasimulaan at napapalalim ang pagpapalagayang loob. Ang mga mananampalataya ay masisiyahan sa kanilang mga asawa dito sa mundo at sa kabilang buhay, mapunuan ang kanyang pag aasam na magkaroon ng makakasama at katuwang sa buhay. Lahat ng pangagailangan ng kaluluwa – ang damdamin ng pananabik, ang pagnanais para sa isang maganda, tugma na katuwang sa buhay, at ang pagnanais na bisitahin ang mga dating kaibigan - ay matutugunan. Ang mga piling tao na ito ay magagalak sa piling ng kanilang mga magulang, asawa at mga anak na mga mananampalataya.
Ang mga mananampalataya ay nabibihisan sa pinakamamahaling sutla at brokades, at papalamutian ng mga pulseras na ginto at pilak, at korona na gawa sa mga perlas, at gagamitan ng mga sutlang karpet, upuan, at unan. Upang tamasain ang lahat ng mga ito, si Allah ay magbibigay sa kanila ng walang hanggang kabataan, kagandahan, at kalakasan. May isang hadeeth na nagsasabing sila ay papasok sa Paraiso sa gulang na “tatlumpu't tatlong taung gulang.” Ito ang pinaka-perpektong edad kung saan ang isang tao ay nagtatamasa ng pisikal na kasiyahan, ang panahon ng kalusugan at kalakasan ay pinaka-perpekto. Ito ay pinatunayan mula sa Propeta "hindi sila mawawalan ng kanilang kabataan."
Ang mga mananampalataya ay papasok sa Paraiso na nasa pinakamahusay at pinaka-perpekto na kalagayan ang lahat ng mga pandama. Sila ay mananatiling bata magpakailanman, ang kanilang walang hanggang na kaligayahan ay walang katapusan , at sila ay mamumuhay na puno ng kasiyahan.
Ang mga mananampalataya ay bibiyayaan ng espesyal na mga dalaga, o houris, ng Paraiso, nilikha hindi mula sa luad, tulad ng sa kaso ng mortal na babae, bagkus mula sa purong bango ng "musk" , dalisay, at wala ni anumang bahid ng depekto . Sila ay magaganda, mahihinhin at malayo mula sa pampublikong pagtingin sa mga guwang (pavillions) na perlas, may pangangatawan na magbibigay ng kasiyahan.
Pag tanaw kay Allah
Sa langit ang mananampalataya ay makakakita sa Allah, malinaw at may katiyakan. Dito sa lupa ay "nakikita" natin Siya ngunit hindi tuwiran at sa pamamagitan ng pagsalamin sa mga nilikha.
Sa Paraiso, walang nilalang ang tatayo sa pagitan ng Allah at ng mga mananampalataya na nagagalak na Siya ay masulyapan. Ang pinaka-kahanga-hangang himig sa lahat ay ang tinig ni Allah na bumati sa mga alipin (mananampalataya) niya
Sa pagkita sa mukha Ng Allah ng harapan ang mga mananampalataya ay makakatagpo ng perpektong kaligayahan at tunay na kaluguran . Ang pangitain ay maaaring tinatawag na "beatific". Ang kagalakan ng pagka kita sa Kanya ay higit na malaki kaysa sa iba pang kagalakan sa Paraiso, gaya ang mga ilog, mga palasyo, mga tolda ng perlas, ang dalisay na mga mga asawa o ang pagkain at inumin. Ang lahat ng iba pang mga kagalakan ay maputla kumpara sa kagalakan ng pagtingin sa pinakamagandang Mukha ng Allah.
Sinabi Niya:
“Ang ilan sa mga mukha sa Araw na iyon ay magliliwanag sa pagtingin sa kanilang Panginoon.” (Quran 75:22-23)
Kaya ang mga mukha ng mga mananampalataya ay magniningning din at maging maganda sa dahil Kanyang Liwanag.
Ang Propeta ay nagsabi:
“Kapag ang mga tao ng Paraiso ay pumasok na sa Paraiso, Sasabihin ng Allah, ‘May ninanais pa ba kayo ?’ Sasabihin nila, ‘Hindi Mo ba napaliwanag ang aming mga mukha, pinapasok kami sa Paraiso at iniligtas mula sa Impiyerno?’ Ang tabing ay itataas at hindi na nila makikita ang anumang higit na mahal sa kanila kaysa sa pagtingin sa Panginoon, Siya ang Kaluwalhatian at Kataas-taasan. Ito ang ibig sabihin ng 'higit pa.’” At binigkas niya ang sumunod na mga talata:
“Para sa mga nakagawa ng mabuti ay ang pinakamagandang gantimpala at higit pa (ibig sabihin, ang pagkakaroon ng karangalan na masilayan ang Mukha ng Allah)” (Quran 10:26)
Sa sandaling malaman mo na ang mga tao ng Paraiso ay hindi mabibigyan ng anumang bagay na mas mahal kaysa sa pagtingin sa Mukha ng kanilang Panginoon, isipin mo ang mga ipinagkait sa mga makasalanan na inilarawan Ng Allah:
“Hindi! Katiyakan, sila (mga makasalanan) ay lalagyan ng harang sa kanilang harapan upang hindi nila makita ang Allah sa araw ng Muling Pagkabuhay.” (Quran 83:15)
Sinabi ng mga tao: “O Sugo ng Allah, makikita ba namin ang Allah sa araw ng Muling Pagkabuhay?” Ang Sugo ng Allah, sumakanya nawa ang papuri ng Allah,ay nagsabi: “Nagduda ka ba na nakikita mo ang buwan sa gabi ng kabilugan nito?” Sabi nila, “Hindi, O Sugo ng Allah.” Sinabi niya, ‘Nag-aalinlangan ka ba na nakikita mo ang araw kapag walang ulap?” Sabi nila, “Hindi, O Sugo ng Allah.” Sinabi niya, “Makikita nyo rin Siya…”
Manalangin tayo sa Allah upang mapanatili tayong matatag sa buhay na ito at upang biyayaan tayo ng Paraiso mula sa Kanyang awa sa buhay na darating at biyayaan tayo ng Kanyang pangitain.
Footnotes:
[1]Non-intoxicating, as mentioned in Quran 56:19. There will be no need for intoxication in Paradise, as we will be in the highest state of pleasure.
Nakaraang Aralin: Paraiso (part 1 of 2)
Susunod na Aralin: Ang Gabi ng Paglalakbay
- Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
- Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
- Paraiso (part 1 of 2)
- Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Gabi ng Paglalakbay
- Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)
- Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa pamilya (bahagi 2 ng 2)
- Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
- Mapanatili ang Magandang Samahan
- Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed
- Paniniwala sa mga Propeta
- Paniniwala sa mga Kapahayagan
- Paniniwala sa mga Anghel
- Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga