Naglo-load...

Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Simpleng pang araw-araw na panalangin para sa espirituwal na proteksyon mula sa Quran at Sunnah ng Propeta Muhammad.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 92 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,871 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Matuto ng ilang mga panalangin kasama ang kanilang mga benepisyo, na makakatulong na protektahan ang isang tao mula sa pinsala.

1. Pang-umaga at Panggabing Panalangin

Tandaan na ang "Umaga" ay nagsisimula sa oras ng oras ng Fajr at "Gabi" ay nagsisimula sa oras ng Asr. Upang mahanap ang oras ng Fajr at Asr ayon sa iyong lungsod, bisitahin www.islamicfinder.org.

(a) The verse of Al-Kursi (Quran 2:255)

Transliteration

Translation

Allaahu laa ilaaha illaa Huwa

Allah – walang tunay na diyos maliban sa Kanya

Al-Hayyul-Qayyoom,

Ang Palagiang-Buhay, ang Tgapagtustos ng lahat ng buhay

Laa ta khuthuhu sinatun wa laa nawm

Hindi rin siya dinaratnan ng antok o natutulog

Lahu maa fis-samaawaati wa maa fil-ardh

Kanya ang pag-aari ng anumang nasa kalangitan at anumang nasa lupa

Man thal-lathee yashfa’u ‘indahu illaa bi ithnih

Sino ang maaaring mamagitan sa Kanya maliban sa Kanyang pahintulot?

Ya’lamu maa bayna aydeehim wa maa khalfahum

Alam niya kung ano ang naroroon sa harap nila at kung ano ang susunod sa kanila

Wa laa yuheetoona bishay-in min ‘ilmihi illaa bimaa shaa’a

hindi nila nalalaman ang kahit isang bagay sa Kanyang kaalaman maliban sa kung ano ang Kanyang naisin

Wasi’a kursiyyuhus samaawaati wal-ardh wa laa yaooduhu hifdhuhumaa

Ang Kanyang Kursi ay umaabot sa kalangitan at sa lupa, at ang pag-iingat nito ay hindi nakakapagod para sa Kanya

Wa Huwal- ‘Aliyyul- ‘Adheem

At Siya ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila.

Sinabi ng Propeta, "Sinuman ang magsasabi nito kapag siya ay bumabangon sa umaga ay protektado mula sa mga engkanto hanggang sa sumapit ang gabi, at sinuman ang nagsasabi nito kapag naghihintay sa gabi ay protektado mula sa kanila hanggang siya ay bumabangon sa umaga.”[1]

Basahin ang sumusunod na tatlong surah (mga kabanata ng Quran) tatlong beses bawat isa sa wikang Arabe. Sinabi ng Propeta, "Kung sinuman ang bumabanggit ng tatlong beses sa umaga at sa gabi, magkakaroon sila ng sapat na (bilang isang proteksyon) laban sa lahat ng bagay.”[2]

(b) Al-Ikhlaas (Quran, chapter 112)

Transliteration

Translation

Bismillaahir-Rahmaanir-Raheem

Sa ngalan ni Allah ang Pinakamaawain at ang Napakamaawain

Qul Huwallaahu Ahad

Sabihin, "Siya ay si Allah na Nag-iisa.

Allaahus-Samad

Kay Allah, ang walang hanggang kanlungan.

Lam yalid wa lam yoolad

Hindi Siya nanganak at hindi siya ipinanganak

Wa lam yakun lahu kufuwan ahad

At sa Kanya ay walang katulad.”

(c) Al-Falaq (Quran, chapter 113)

Transliteration

Translation

Bismillaahir-Rahmaanir-Raheem.

Sa ngalan ni Allah ang Pinakamaawain at ang Napakamaawain

Qul a’oothu birabbil-falaq

Sabihin, "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng pagsikat ng araw

Min sharri ma khalaq

Sa kasamaan ng Kanyang nilalang

Wa min sharri ghaasiqin itha waqab

at sa kasamaan ng kadiliman kapag ito ay sumasapit

Wa min sharrin-naffaathaati fil-’uqad

At sa kasamaan ng umiihip sa taling nakabuhol

Wa min sharri haasidin ithaa hasad

At sa kasamaan ng mga naiinggit kapag naiinggit

(d) An-Naas (Quran, chapter 114)

Transliteration

Translation

Bismillaahir-Rahmaanir-Raheem.

Sa ngalan ni Allah ang Pinakamaawain ang Napakamaawain

Qul a’oothu birabbin-naas

Sabahin mo: Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng mga tao.

Malikin-naas

Sa Hari ng mga tao

Ilaahin-naas

Sa Diyos ng mga tao

Min sharril-waswaasil-khannaas.

laban sa kasamaan sa bulong ng khannas (demonyong aatras pagkatapos bumulong)

Allathee yuwaswisu fee sudoorin-naas

Sa siyang bumubulong ng kasamaan sa dibdib ng mga tao

Minal-jinnati wannaas

mula sa engkanto at mga tao”

(e) Binibigkas ng tatlong beses sa umaga at gabi:

“Bismillaahil-lathee laa yadhurru maas-mihi shayun fil-ardhi wa laa fis-samaai wa Huwas-Samee ul- Aleem”

“Nagsisimula ako sa Pangalan ni Allah, Na sa Kanyang Pangalan ay walang maaaring maging sanhi ng pinsala sa lupa ni sa langit, at Siya Ang Nakaririnig, Ang Nakaaalam.”

“Ang sinumang bumigkas nito ng tatlong beses sa umaga ay hindi maaapektuhan ng anumang kapahamakan bago ang gabi, at kung sinuman ang bumigkas nito ng tatlong beses sa gabi ay hindi maaabutan ng anumang kalamidad bago ang umaga”[3]

2. Panalangin bago matulog

a)Pagdikitin ang iyong kamay na bukas ang mga palad, at bigkasin ang parehong tatlong kabanata ng Quran na nabanggit sa itaas (Kabanata 112, 113 at 114). Pagkatapos ay hipan ang iyong mga kamay at ihaplos ang mga ito sa halos buong katawan hanggang sa kayang maabot, simula sa ulo at ang mukha, pagkatapos ang buong harap ng iyong katawan. Gawin ito nang tatlong beses.[4]

b)Basahin ang talata ng Al-Kursi (Quran, 2: 255), na binanggit din sa itaas. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang sinumang magbasa nito kapag bago mahiga ay magkakaroon ng tagapag-alaga mula kay Allah na manatili sa kanya, at si Satanas ay hindi makalalapit sa kanya hanggang sa siya ay bumangon sa umaga..[5]

3. Panalangin kapag aalis ng bahay

“Bismillaahi, tawakkaltu alallaahi, wa laa hawla wa laa quwwata illaa billaah”

“Nagsisimula ako sa Pangalan ni Allah, inilagay ko ang aking tiwala kay Allah, walang kapangyarihan at walang lakas maliban sa pamamagitan ni Allah.”[6]

4. Panalangin sa Pagpasok sa Bahay

“Bismillaahi walajnaa, wa bismillaahi kharajnaa, wa alaa Rabbinaa tawakkalnaa”

“Sa Pangalan ni Allah ay pumapasok tayo, sa Pangalan ni Allah, tayo ay lumabas, at sa ating Panginoon ay nakasalalay tayo (pagkatapos ay sabihin ang As-Salaamu 'Alaykum sa mga naroroon)..”[7]

Sinabi ng Propeta na dapat isaalang-alang ng isang tao na bigkasin ang Pangalan ni Allah kapag pumapasok sa bahay at kapag nagsimulang kumain, at ng ang diyablo sa pagkarinig nito ay nagsabi: "Walang silungan para sa amin dito ngayong gabi o pagkain..”

5. Panalangin sa Pagpasok sa Palikuran

“Bismillaahi Allaahumma innee aoothu bika minal-khubthi wal khabaa-ith”

“Nagsisimula ako sa Pangalan ni Allah. O Allah, humihingi ako ng proteksiyon sa Iyo laban sa lalaki at babaeng mga karumal-dumal na engkanto..”[8]

6. Panalangin upang maprotesiyunan ang Bahay laban sa Diablo

Sinabi ni Propeta Muhammad: "Si Allah ay nagsulat ng Aklat dalawang libong taon bago niya nilikha ang kalangitan at ang lupa, kung saan ang huling dalawang talata ng Surah al-Baqarah ay ipinahayag. Kung sila ay binabanggit, walang Satanas (diablo) ay lalapit malapit sa bahay sa loob ng tatlong gabi. ”[9] Kaya sikaping bigkasin ang dalawang talata minsan tuwing tatlong araw.

The last two verses of chapter 2 (Quran 2:285-286):

Transliteration

Translation

Aamanar-rasoolu bimaa unzila ilayhi mir-Rabbihi wal-mu-minoon

Naniniwala ang Mensahero sa kung ano ang ipinahayag sa kanya mula sa kanyang Panginoon, at gayon din ang mga mananampalataya.

Kullun aamana billaahi wa malaa-ikatihi wa kutubihi wa rusulihi

Lahat sila ay naniwala kay Allah at sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga aklat at sa Kanyang mga mensahero, na nagsasabi,

Laa nufarriqu bayna ahadim-mir-rusulihi

“Wala tayong tuturinging pagkakaiba sa pagitan ng alinman sa Kanyang mga mensahero"

Wa qaaloo sami’naa wa ata’naa ghufraanaka Rabbanaa wa ilaykal-maseer

At sinasabi nila, "Naririnig namin at sinusunod namin. [hinahangad namin] Ang iyong kapatawaran, aming Panginoon, at sa Iyo ay ang [pangwakas] na patutunguhan. "

Laa yukallifullaahu nafsan illaa wus’ahaa

Si Allah ay hindi nag-aatang sa isang kaluluwa maliban sa [sa loob ng] kapasidad nito.

Lahaa maa kasabat wa ‘alayhaa mak-tasabat

Magkakaroon ito ng [resulta] na [mabuti] kung ano ang nakamit nito, at ito ay mag-aani (kahihinatnan ) ng masama.

Rabbanaa laa tu aakhithnaa in naseenaa aw akhta’naa

“Aming Panginoon, huwag isisi sa amin ang mga bagay na aming nakalimutan o kami ay nagkamali".

Rabbanaa wa laa tahmil ‘alaynaa isran kamaa hamaltahu ‘alal-latheena min qablinaa

Aming Panginoon, at huwag Mo ipaabot sa amin ang isang pasanin na katulad ng iyong inilagay sa mga nauna sa amin.

Rabbanaa wa laa tuhammilnaa maa laa taaqata lanaa bihi

Aming Panginoon, at huwag mo kami bigyan ng pasanin sa hindi namin makakaya.

Wa’fu ‘annaa, waghfir lanaa warhamnaa

At pagpasensyahan mo kami; at patawarin mo kami; at maawa ka sa amin.

Anta Mawlaanaa fansurnaa ‘alal-qawmil-kaafireen

"Ikaw ang aming tagapagtanggol, kaya bigyan mo kami ng tagumpay laban sa mga taong hindi mananampalataya.”

7. Panalangin habang nananatili sa bahay o anumang lugar:

Kapag nasa bahay o kapag ikaw ay nagpapahinga o tumigil sa anumang lugar, tulad ng kapag camping o picinic, maaari mong bigkasin ang:

“A’oodhu bikalimaatil-laah al-taammah min sharri ma khalaq”

“Nagpapakupkop ako sa mga perpektong salita ni Allah mula sa kasamaan ng nilikha ”

Sinabi ni Propeta Muhammad: "Sinumang tumitigil sa isang lugar at nagsasabing: 'A'oodhu bikalimaatil-laah ...', walang makakasakit sa kanya hanggang sa siya ay gumagalaw mula sa lugar na iyon.[10]

Sa iba pang ulat, may isang tao na nagreklamo kay Propeta Muhammad na siya ay tinuklaw ng isang alakdan noong isang gabi. Ang Propeta ay sumagot na kung binigkas niya ang panalanging ito, hindi siya nasugatan. Pinoprotektahan din ng pananalangin na ito ang isang tao mula sa pisikal na pinsala na dadapo sa kanya.

8. Panalangin kapag nakakaramdam ng pagkatakot

Sa pangkalahatan, kung ang isang tao ay nangangamba sa isang bagay o nakakatakot, maaari niyang bigkasin ang nabanggit sa itaas sa No. 1 (a) hanggang 1 (d) at No 7.

Ang ilang mga tao ay may ugali na isisi ang halos lahat ng mga problema at kalamidad sa mga makababalaghang bagay tulad ng pangkukulam, mga demonyo atbp. Ang tao ay hindi dapat maging paranoid tungkol dito at tingnan ang mga bagay sa makatwirang paraan. Gayunpaman kung mayroong malinaw na katibayan sa pagkakaroon ng mga kababalaghan ng mga bagay na nangyayari sa paligid, kung gayon ay tiyakin at isaalang-alang ng seryoso ito at protektahan ang sarili mula sa mga itinagubiling panalangin.



Talababa:

[1] Hakim

[2] Abu Dawud and Tirmithi

[3] Abu Dawud

[4] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[5] Saheeh Al-Bukhari

[6] Abu Dawud, Tirmithi

[7] Saheeh Muslim

[8] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[9] Saheeh at-targheeb

[10] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4