Naglo-load...

Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao

Marka:

Deskripsyon: Panimulang aralin sa kahalagahan ng pagbuo ng mabuting moral na katangian.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 81 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,303 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Pahalagahan na ang pagbuo ng katangian ay may kaugnayan sa paniniwala at hindi batay sa mga slogans.

·Unawain ang relasyon sa pagitan ng mga propeta ng Allah at mabuting katangian.

·Alamin ang kahulugan ng ilang mga hadith ng Propeta Muhammad sa kanyang mabuting katangian.

·Tukuyin ang tatlong pangunahing kaalaman ng mabuting katangian.

Mga bagong Termino

·Khuluq - pagkatao o panloob na likas ng ugali.

PerfectingOurCharacter.jpgNabubuhay tayo sa henerasyon kung saan ang karakter ay nawawalan na ng saysay, kung saan ang moralidad ay umiiral na walang mabuti o masama. Ang karamihan sa mga modernong lipunan ay nabawasan ang moralidad sa walang laman na mga panuntunan: "Maging mahinahon, sundin ang mga patakaran," "Sabihin lang hindi," "Basta gawin ito," "Gawin ang tamang bagay."

Ang pagkatao ay nabubuo na may kaugnayan sa pananalig (matibay na paniniwala) at ang kakayahang tumayo sa pamamagitan ng pananalig kapag sila ay hinamon. Iyan ang ipinagkakaloob ng Islam: malinaw na mga patnubay upang mapabuti ang indibidwal na karakter sa pamamagitan ng paghadlang, paglilimita, pagbubuklod, pananagutan, at pag-uudyok sa mananampalataya. Nagdudulot ito ng mga masunurin na mga kaugalian na nagbabago ng ugali ng isang tao at ng lipunan. Kahit na ang terminong Arabe na "khuluq" ay naglalarawan ng karakter ng isang tao o sa kanyang panloob, natural na kalooban. Ang Islam, kung sinusundan ang wastong paggabay, binabago ang kaloob-looban ng isang tao, ang "khuluq."

Tinitingnan ng Islam ang mabuting katangian bilang isang katangian ng mga propeta ng Allah na nais ng sinumang Muslim na tularan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Pinuri ng Allah si Propeta Muhammad dahil sa kanyang magagandang asal. Ang Allah, ang Dakila ay nagsabi,

“At sa katunayan ikaw ay nasa isang mataas na pamantayan ng pag-uugali.” (Quran 68:4)

Ang Propheta Muhammad ay nagsabi, “Ang pinaka mahusay na mananampalataya sa kanyang paniniwala ay yaong mga may mabuting asal.” (Tabarani)

Ang isa sa mga pangunahing mga aral ng Islam ay ang buhay na ito ay magtatapos at ito ay susundan ng isa pang buhay na walang hanggan. Ang mga tao ay hahatulan at ipapadala sa alinman, Impiyerno o Paraiso. Ang isang paraan na hahatulan sila ay ang pagtimbang ng kanilang mga gawa, o ang mga pagkilos na kanilang ginawa sa buhay na ito. Sa pagsasalita tungkol sa katotohanang iyon, si Propeta Muhammad ay nagsabi "Ang pinakamabigat na bagay na ilalagay sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Paghuhukom ay ang mabuting katangian, at ang Allah ay napopoot sa (taong gumagamit) mapang-abuso at malaswang (lenggwahe).” (Tirmidhi)

Ano ang nagtutulak sa isang Muslim na isinumite ang lkanyang sarili kay Allah? Ano ang nakapagpabago sa isang mananampalataya na tinanggap ang "paniniwala"? Natural, ito ay kung ano ang sinasabi ng taong naniniwala. Ang isang Muslim ay nagpapahayag ng paniniwala kay Allah at sa Huling Araw, Ang Araw kung saan ang timbangan ay itatakda upang timbangin ang mga gawa ng mga tao. Gamit ang pinaka-makapangyarihang pagganyak upang hikayatin ang mga Muslim na bigyang-pansin ang kanilang moral at pagkatao, Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, “Hayaan siya na naniniwala kay Allah at sa Huling Araw na magsalita ng mabuti o manatiling tahimik, at siya na naniniwala kay Allah at sa Huling Araw ay mapagbigay sa kanyang kapwa, at hayaan siyang sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw na maging mapagbigay sa kanyang panauhin. "(Muslim)

Ang pagmamahal kay Propeta Muhammad ay isang pangunahing panganga-ilangan ng pananampalataya. Ang isang tao ay hindi maaaring maging isang Muslim na walang pagmamahal kay Propeta Muhammad. Ang pag-aaral ng higit pa tungkol sa kanya ay nagdudulot ng pagmamahal at pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo ng labis para sa ating kapakanan. Ang natural na resulta ng pag-ibig na iyan ay ang pagnanais ng isang Muslim na makilala at makita ang Propeta sa buhay na darating, sa Huling Araw. Ang isang tao na gumugol ng mas maraming oras upang makilala ang Propeta at nagbabasa tungkol sa kanyang buhay ay talagang nanaisin na makasama siya sa Araw na iyon! Tinatalakay ang malalim na pagnanais ng tunay na mananampalataya upang makilala siya at makasama siya, sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang pinakamamahal sa akin at ang pinakamalapit sa inyo sa akin sa Araw ng Paghuhukom ay ang mga may mabubuting asal." (Tirmidhi)

Mayroong kahigitan ang pagkatao o pag-uugali sa paggalang, responsibilidad, pakikiramay, katapatan, at pakikilahok sa pamayanan. Kaya, ano ang eksaktong magandang karakter? Maraming mga iskolar na itinuturing na ang mahusay na karakter ay may tatlong aspeto:

1.Ang magkaroon ng isang masayahing mukha

Natural, ang epekto nito ay lubos na kabaligtaran ng pagtugon sa mga tao na may pagsimangot. Ang pagbati ng mga tao na may masaya, nakangiting mukha ay nagpapasaya sa kanila, nagdudulot ng pagmamahal sa isa't isa, at nakakadama ng pag ka komportable ang ibang tao.

2.Ang maging mapagbigay

Mayroong higit pa kaysa sa pagiging mapagbigay sa paggastos ng pera. Kabilang dito ang pagbigay ng iyong oras, gamit ang iyong posisyon o kasanayan, o kahit na ang iyong kaalaman at kadalubhasaan sa isang partikular na lugar upang matulungan ang iba.

3.Ang hindi makapinsala nang sinuman

Madaling sabihin na wag maminsala sa pamamagitan ng iyong salita at mga gawa, gayunpaman ang kinakalabasan ay nakakagawa tayo ng mga iyon - na sinasaktan ang iba sa pamamagitan ng ating mga salita at mga aksyon, at kadalasan nang hindi nag-iisip ng mabuti. Tandaan lamang na ang isang mahilig manakit na tao ay may masamang karakter, tandaan, "bago ako tumingin sa iba, kailangan kong tingnan muna ang aking sarile!" Isipin kung gaano ka karaniwan para sa mga tao na magtsismis tungkol sa mga katrabaho sa opisina, para sa mga kamag-anak na libakin ang mga kamag-anak na hindi nila gusto, at maging ang mga magulang at mga kapatid na nagsasalita ng masama sa likuran ng bawat isa. Ang lahat ng tsismis ay hindi pareho sa mga tuntunin ng kasalanan. Ang pag papasakit sa mga magulang ay ang pinakamasama, kasunod ng iba pang malalapit na kamag-anak at mga kapitbahay.

Ang pagpapahusay o pagperpekto ng ating pagkatao ay nangangailangan ng pagsisikap, determinasyon, at disiplina sa sarili. Tandaan na ang ating pagkatao ay nabubuo at nag-uudyok ng: pagmamahal sa Propeta, paniniwala sa Allah at sa Huling Araw, pagnanais na paramihin ang "bigat o timbang" ng ating mga mabubuting gawa sa Araw na iyon, at simpleng maging isang mahusay na mananampalataya.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4