Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Galugarin ang mga pangunahing konsepto na may kaugnayan sa paglilinis ng kaluluwa mula sa pananaw ng Islam.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 87 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,298 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Unawain ang kahalagahan ng paglilinis ng kaluluwa at tamang paraan nito.
· Pagpapahalaga sa mga pakinabang ng paglilinis ng kaluluwa.
Ang "paglilinis ng kaluluwa" ay tumutukoy sa puso. Ang mga puso ay hindi maaaring makuha ang kanilang pagnanais maliban kung sila ay konektado sa kanilang Panginoon. Hindi sila makakonekta sa kanilang Panginoon maliban kung sila ay "dalisay," dahil si Allah ay Dalisay at tumatanggap lamang kung ano ang dalisay. Mas dalisay na puso, mas mapapalapit ito sa Panginoon at kasiyahan ang makasama Niya.
Ang "paglilinis ng kaluluwa" ay nangangahulugang dalisayin at linisin ang puso mula sa mga bisyo at imoral na mga katangian habang nag dadagdag ito ng kagandahan sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Tawheed – Ang kaisahan at pamumukod-tangi ni Allah sa Kanyang pagkapanginoon, mga pangalan at katangian at Kanyang karapatan na sambahin.
·Sunnah - - Ang salitang Sunnah ay maraming pakahulugan depende sa uri ng pag-aaral gayunpaman ang pangkalahatan nitong kahulugan na tanggap ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa o sinang-ayunan ng Propeta.
Bakit dapat linisin o dalisayin ang kaluluwa?
1.Ang Quran at Sunnah, ang awtorisadong pinagkukunan ng Islam, ay nagbigay-diin sa paglilinis ng kaluluwa nang paulit-ulit. Kung ang mga banal na pinagkukunan ay nagbigay ng diin sa isang bagay, dapat itong maging mahalaga para sa atin dahil si Allah ay nagnanais na gabayan tayo. Malinaw, si Allah at ang Kanyang Propeta ay hindi mag-aaksaya ng ating panahon! Ang isang halimbawa ay ang taludtod kung saan sinabi ni Allah sa atin, "Kasaganahan sa mga taong nagpapadalisay sa kanilang sarili." (87:14)
2.Isa sa mga dahilan kung bakit ipinadala si Propeta Muhammad ay upang linisin ang mga kaluluwa upang sambahin nila ang kanilang Panginoon. Hindi tulad ng sinabi ng maraming Orientalista tungkol kay Propeta Muhammad at lahat ng negatibong imahe na ginawa ng media tungkol sa Islam, ang isa sa mga misyon ni Propeta Muhammad ay magturo sa atin, ang mga mananampalataya, kung paano lilinisin ang ating mga kaluluwa. Nakakalungkot na kapag ang mga tao ay nagsasalita tungkol sa kabanalan, karamihan ay hindi iniisip ang malalim na espirituwal na pamana ni Propeta Muhammad! Mangyaring tandaan na ang paglilinis sa iyo mula sa loob at gawin kang mas mainam na tao, mas dalisay na Muslim, ito ang layunin ng misyon ng ating Propeta.
3.May mga gantimpala na makukuha sa pamamagitan ng paglilinis ng iyong kaluluwa. Ang mga gantimpala ay ipinangako ni Allah sa tao na nagdadalisay sa kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng pagiging masunurin at deboto at ang pananatiling malayo sa mga kaguluhan (tulad ng mga kasalanan at kasamaan). "Mga hardin ng pangmatagalang kaligayahan na may mga dumadaloy na batis, at doon sila mananatili. Ganyan ang gantimpala ng mga nagdadalisay sa kanilang sarili! "(Qur'an 20:76)
Paano Lilinisin Ang Iyong Kaluluwa?
Hindi mo kailangang pagdamutan ang iyong sarili ng mga partikular na pagkain o espesyal na damit. Hindi mo na kailangang umakyat sa isang yungib o umupo sa pagninilay ng mahabang oras. Ang espiritwalidad ay nahahabi o nabubuo ng islamikong paniniwala at kaugalian.
1.Upang maunawaan ang dalisay na Tawheed. Ang Quran ay nagsabi: "Ibigay ninyo ang inyong sarili kay Allah at huwag ninyo Siyang itambal sa iba, sapagkat ang taong gumagawa nito ay katulad ng isang taong ipinukol mula sa himpapawid at dinagit ng mga ibon o nadala sa malayong lugar ng hangin." ( Quran 22:31)
Ang iyong paniniwala ay mahalaga. Sa mga panahong ito, iniisip ng mga tao na maaari kang maging espirituwal sa pamamagitan ng pagsunod sa anumang relihiyon, o walang relihiyon sa bagay na iyon! Itinuturo ng Islam ang kabaligtaran. Hindi mo talaga mapapadalisay ang iyong kaluluwa maliban kung hawak mo ang mga tamang paniniwala tungkol sa Lumikha ng iyong kaluluwa. Bilang isang Muslim, tinanggap mo na tanging ang Islam ang magbibigay sa iyo ng mga tamang paniniwala tungkol sa iyong Lumikha. Iyon ang dahilan kung bakit ang dalisay na Tawheed ay napakahalaga.
2.Pagsasanay ng mga gawaing laan sa pagsunod at pag iwas sa mga ipinag babawal at maging matiisin sa paggawa sa dalawang bagay na ito. Ang pag uulit-ulit at palagiang pagganap nito ay may dakilang halagang pang-espiritual, kaya pagtitiis ang susi. Ang pagiging deboto ay nagpapagaan sa puso at nagpapalakas sa mga paa, samantalang ang mga pinagbabawal ay nagpapadilim sa puso at nagiging tamad ang isang tao. Pag-isipan ito: kung gusto mong linisin ang iyong sarili, gagawin mo ito sa espirituwal na mga kasanayan na gawa lamang ng mga tao o sa debosyonal na pagsamba na itinakda ni Allah?
3.Paghahanap ng kaalamang pangrelihiyon sa mga kamay ng mga kwalipikadong iskolar na mahusay at sanay sa mga sakit ng puso at mga lunas na naaayon sa paraan ng mga propeta. Ang kaalaman ang susi. Si Ibn ul-Qayyim, isang klasikal na iskolar na kinilala para sa kanyang pagsunod sa Sunnah at ang kanyang malalim na espirituwal na mga sinulat, ay nagsulat, "Ang paglilinis ng kaluluwa ay mas mahirap kaysa pagpapagaling ng katawan. Ang taong nagdadalisay sa kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng espirituwal na kasanayan at bumubukod, mga pamamaraan na hindi itinuro ng mga propeta, ay tulad ng isang taong may sakit na ginagamot ang kanyang sarili. Alam ng mga propeta kung paano mapagagaling ang mga puso. Walang paraan upang linisin ang kaluluwa o iwasto ito maliban sa pamamagitan ng kanilang paraan at pagsunod dito. "Hinahayaan ka ng mabubuting iskolar na magtanong at gabayan ka sa wastong kaalaman. Mahalagang sundin ang espirituwal na landas ng Propeta na matatagpuan sa loob ng turo ng Islam. Kapag siniyasat ng isang tao ang pamamaraan na ginagamit ng mga modernong guro tulad ni Deepak Chopra o ng Dalai Lama, tiyak na mauunawaan nila ang kawalang-kabuluhan at kawalang-pakinabang ng kanilang mga pamamaraan.
4.Pagpapanatili ng mabuting mga kasamahan at mag-ingat sa pagpili ng iyong mga kaibigan. Ang kasamahan na tutulong sa iyo sa paglilinis ng iyong kaluluwa at paglayo sa mga nakaka abala. Ang tao ay lubhang naiimpluwensyahan ng kanilang kapaligiran. Ang mabuting kasamahan ay tutulungan ka kapag ikaw ay dumadaan sa mga pagsubok sa buhay sa pangkalahatan o bilang isang Muslim. Ipapaalala sa iyo ng isang mabuting kaibigan kapag nakalimutan mo at hinihikayat ka kapag kinakailangan. Ang pananatili sa paligid ng mga taong nag-iisip, nagsasabuhay ng Islam ay hindi ipapadama sa iyo na hindi ka kabilang.
Mga Benepisyo ng Paglilinis ng Kaluluwa
·Tagumpay sa buhay na ito at sa buhay na darating.
·Kasiyahan at kaginhawahan ng puso.
·Katatagan sa pagsabuhay ng Islam at pagsunod kay Allah.
Ang isang kaluluwa na malakas at naghahanda sa pamamagitan ng pag-aalaala kay Allah, paghingi ng kapatawaran mula sa Kanya, at nagbabalik loob kay Allah , ay mas magagawang mapaglabanan ang mga pagsubok ng buhay.
Talababa:
[1] Iba't ibang uri ng yoga ang ginagawa ngayon sa Kanluran; ang ilan ay nagsasama ng Hindu mantras at simbolismo, samantalang ang iba ay nag aalok sa mga ospital at mga paaralan na mas likas na nakagagaling. Kung saan ang mga relihiyosong elemento ay naalis na. Ang mga ito ay mas malapit sa isang uri ng pagbabanat (exercise) lamang. Ang una ay hindi pinapayagan, samantalang ang huli ay maaari sa ilang mga kaso.
Nakaraang Aralin: Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
Susunod na Aralin: Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)