Naglo-load...

Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams

Marka:

Deskripsyon: Ang pagpapatuloy ng mga alituntunin ng awrah na panuntunan sa pangkalahatang Islamikong pananamit at isang simpleng paliwanag tungkol sa mahram.

Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 84 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,322 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin:

·Upang maunawaan kung ano ang dapat takpan ng mga kababaihan sa harap ng iba't ibang grupo ng mga tao.

·Upang maunawaan ang mga relasyon ng mahram.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Awrah – ang mga bahagi ng katawan na dapat takpan.

·Mahram – isang tao, lalaki o babae na may kaugnayan sa isang partikular na indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Hindi siya pinapayagang maging asawa ang mga ito tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.

·Haya – natural o likas na pagkamahiyain at isang pakiramdam ng kahinhinan.

·Hijab – ang salitang hijab ay mayroong maraming iba't ibang kahulugan, kabilang ang pagtatago, takip at tabing. Karaniwang tumutukoy ito sa belo ng isang babae at sa mas malawak na katawagan ay mga tuntunin sa katamtamang pananamit at pag-uugali.

Awrah

Ang kahulugan ng awrah ay ang mga bahagi ng katawan na dapat sakop at ito ay nag-iiba sa iba't-ibang mga sitwasyon sa iba't-ibang grupo ng mga tao. Sa aralin 1 nasasakop natin ang mga kondisyon ng pananamit para sa parehong mga kalalakihan at kababaihan at sa gayon ay maunawaan ang awrah o, kung ano ang dapat takpan sa mga pampublikong lugar. Gayunpaman, upang lubos na ipatupad ang Islamikong pananamit mahalaga na maunawaan ang ilang iba pang mga sitwasyon kung saan ang awrah ay nagiging mahalaga.

Ang awrah ng isang babae sa harap ng kanyang asawa:

Walang awrah sa pagitan ng mag-asawa. Kapag ang isang babae ay nag-iisa sa kanyang asawa siya ay pinahihintulutang magsuot ng anumang damit na nakalulugod sa kanilang dalawa.

At kabilang sa Kanyang mga Tanda ay ang paglikha Niya para sa inyo ng mga kasamahan mula sa inyong mga sarili, upang kayo ay manahan ng may katahimikan sa kanila, at Siya ay nagbigay ng pag-ibig at awa sa pagitan ng inyong mga puso. (Qur'an 30:21)

Ang awrah ng isang babae sa harap ng kanyang mahrams:

Sino ang aking mahram? Para mapadali ang pagsulat at pag-unawa ay binalangkas namin ang mahrams para sa isang babae; gayunpaman ang mga relasyon ng mahram ay pareho kung ang taong pinag-uusapan ay babae o lalaki. (Ama / ina anak / anak na babae at iba pa)

Ang isang mahram ay isang tao na hindi pinahihintulutan na maging-asawa, dahil sa isang malapit na relasyon sa dugo, pagpapasuso o pag-aasawa. Ang isang asawa ay isa ring mahram. Ang mahram ay isang tao na pinapayagan na makasama mag-isa (babae at lalaki lang).

·Isang malapit na kaugnayan sa dugo: Para sa isang babae, ang kanyang ama, lolo, anak, apong lalaki, kapatid na lalaki, mga tiyuhin at tiyahin (mga kapatid ng kanyang ama at ina) at mga pamangkin. Gayundin para sa isang lalaki, ang kanyang ina, anak na babae, apong babae, kapatid na babae, mga tiyuhin at tiyahin (mga kapatid ng kanyang ama at ina) at mga pamangkin.

·Pagpapasuso: Kabilang dito ang sinuman, lalaki o babae na pinasuso ng parehong ina o katulong. (at kinabibilangan ng kapatid na lalaki o asawa ng taong nagpasuso sa taong pinag-uusapan)

·Kasal: Ang mga taong naging iyong karelasyon sa pamamagitan ng pag-aasawa tulad halimbawa ng biyenan na lalaki, biyenan na babae, tiyuhin, tiyahin, stepson.

Kapag ang isang babae ay nasa kanyang mga mahrams, ang mga iskolar ng Islam ay sumang-ayon na ang isang babae ay hindi dapat obserbahan ang mahigpit na panuntunan ng pagtatakip na makakapag-pakita ng buhok, mukha, kamay, binti mula sa ibaba ng tuhod, at paa. Gayunpaman, ang isang Muslim na babae ay dapat laging tandaan na siya ay kilala para sa kanyang kahinhinan at haya, samakatuwid hindi siya dapat gumawa ng isang mahalay na pagpapakita ng kanyang sarili.

At sabihin sa mga naniniwalang kababaihan na ibaba ang kanilang paningin (mula sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay), at protektahan ang kanilang mga pribadong bahagi (mula sa mga iligal na sekswal na kilos, atbp.) At hindi upang ipakita ang kanilang palamuti maliban lamang kung ano ang nakikita na at mag suot ng kanilang mga belo at huwag ihayag ang kanilang kagandahan maliban sa kanilang mga asawa, kanilang mga ama, mga ama ng kanilang asawa, mga anak na lalaki, mga anak ng kanilang asawa, mga kapatid na lalaki o mga anak ng kanilang kapatid, o mga anak ng kanilang kapatid na babae, o ang kanilang mga babae, o ang (babaeng) mga alipin, na nasasakop nila o matandang tagapag-lingkod na lalaki na wala ng kalakasan, o mga bata na hindi pa nakakaalam ng mga pribadong aspeto ng mga babae ... (Qur'an 24:31)

Ang awrah ng isang babae sa harap ng iba pang (Muslim) na kababaihan:

Ang isang babae ay dapat magdamit nang disente sa harap ng iba pang mga Muslim na kababaihan; maaari niyang ipakita kung ano ang karaniwang pinakikita niya, ang kanyang buhok, mga bisig, mga paa. At tungkol sa iba pang mga bahagi ng kanyang katawan, tulad ng kanyang mga hita, at bandang dibdib, hindi dapat nakikita.

Bagaman pinahihintulutan siyang mag-suot ng mga damit na maganda at nakakabigay-puri, dapat siyang mag-ingat sa pagkilos at magsanay sa isang paraan na angkop sa kanyang katayuan at hindi nakakasakit ng haya (kahinhinan)ng iba pang mga babae.

Kung ang isang babaeng Muslim ay nakikita niya ang kanyang sarili sa isang sitwasyon kung saan may iba pang mga kababaihan na kilala na masama ang moral, dapat siyang magdamit nang naaayon at dapat sundin ang parehong mga alituntunin ng awrah na nararapat kapag nasa publiko. (Ang mga patakaran na natutunan natin bilang mga kondisyon ng hijab.)

Ang awrah ng isang babae sa harap ng mga babaeng hindi Muslim:

Ito ay tungkol sa ilang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga iskolar. Sinasabi ng ilan na ang parehong mga alituntunin ay angkop para sa mga Muslim na kababaihan, ngunit ang iba naman ay nagsasabi na ang isang babae ay dapat obserbahan ang mga mahigpit na alituntunin para sa pagtatakip kung kasama ang mga babaeng hindi Muslim.

Sa panahon ng Propeta, ang mga Hudyong babae at ang mga sumamba sa mga idolo ay madalas na bumibisita sa mga asawa ng Propeta para sa iba't ibang mga kadahilanan. Hindi naisalaysay na ang mga asawa ng Propeta, ang pinakamahuhusay at pinaka-maka-diyos na kababaihan, ay nagtakip sa kanilang sitwasyon ng panahon na iyon.[1]

Kapag ang isang babae ay nagpapasya sa kung anong uri ng pantakip ang kanyang isusuot sa harap ng mga babaeng hindi Muslim dapat na tandaan na ang mga di-Muslim na babae ay maaaring hindi alam na hindi niya dapat ilarawan ang kagandahan ng isang Muslim na babae sa sinumang lalaki.

Kaya mahalaga na gawin niya ang kanyang mga desisyon batay sa iba't ibang sitwasyon. Ang Muslim na kababaihan ay dapat magbihis ng mga damit na naglalarawan ng kanyang kahinhinan at karangalan. Kung may mga hindi kilalang babae sa isang pagtitipon marahil ay mas mahusay na magkaroon ng isang mas maayos na pananamit.

Ang awrah ng isang babae sa harap ng kanyang mga anak:

Kung ang bata ay isang sanggol o hindi pa naiintindihan ang kahulugan ng awrah at sekswalidad siya ay pinapayagan na alisin ang takip sa kanyang sarili na kagaya din pag nasa harap siya ng mga Muslim na kababaihan. Kapag ang anak na lalaki ay dumating na sa edad kung saan siya ay nakaka-unawa na ng kahulugan ng awrah at ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan kung ganoon ang awrah ng kababaihan ay katulad na ng para sa iba pang mga mahram na lalaki.

Ang lahat ng mga Muslim, lalaki o babae, ay dapat mapanatili ang kahulugan ng haya (kababaang-loob) sa lahat ng oras dahil ang haya ay bahagi ng pananampalataya. Ang damit ng isang tao ay karaniwang isa sa mga tagapag-pahiwatig ng kanilang kahinhinan.

Sinabi ng Propeta, "Ang pananampalataya ay binubuo ng higit sa anim-napung sangay (hal.bahagi) At ang haya ay bahagi ng pananampalataya."[2]



Mga talababa :

[1] Sheikh Ibn Baaz, in al-Fataawa al-Jaami’ah li’l-Mar’ah al-Muslimah

[2] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4