Naglo-load...

Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan

Marka:

Deskripsyon: Ang pagpapatuloy ng mga alituntunin ng awrah kasama ang kung ano ang isusuot sa pagdarasal, isang maiksing pagsasalarawan ng karunungan na karaniwan na sa Islamikong pamatayan ng pananamit.

Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 90 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,521 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin ng Aralin:

·Maunawaan kung ano ang dapat takpan sa panalangin para sa kalalakihan at kababaihan.

·Maunawaan ang batayang karunungan sa likod ng pamantayan ng pananamit.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Awrah – ang mga bahagi ng katawan na dapat takpan.

·Mahram – isang tao, lalaki o babae na may partikular na kaugnayan sa indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Hindi siya pinapayagang maging asawa ang mga ito tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.

·Haya – natural o likas na pagkamahiyain at isang pakiramdam ng kahinhinan.

·Hijabang salitang hijab ay mayroong maraming iba't ibang kahulugan, kabilang ang pagtatago, pagtatakip at tabing. Karaniwang tumutukoy ito sa belo ng isang babae at mas malawak na mga tuntunin sa katamtamang pananamit at pag-uugali.

·Masjid - salitang arabe na moske.

Sa aralin 2, tinalakay namin ang awrah sa iba't ibang grupo ng mga tao. Matutulungan ka ng madaling-gamiting talahanayan na maunawaan mo ang makatwirang, hindi kumplikadong mga panuntunan.

ANG MGA BATAS NG AWRAH ~

(ANO ANG MAARING WALANG TAKIP)


ASAWA

Walang awrah sa pagitan ng mag-asawa.

MAHRAM NA KALALAKIHAN

Iyan na karaniwang nakikita tulad ng kanyang buhok, mukha, leeg, braso, mga binti mula sa ibaba ng tuhod at paa.

DI-MAHRAM NA KALALAKIHAN

Mukha at mga kamay

BABAENG MUSLIM

Iyan na karaniwang nakikita tulad ng kanyang buhok, mukha, leeg, braso, mga binti mula sa ibaba ng tuhod at paa.

BABAENG HINDI-MUSLIM

Ang mga iskolar ay nagkakaiba-iba. Ang ilan ay pinahihintulutan ang parehong pantakip sa kababaihang Muslim; inirerekomenda ng iba na mas mahigpit na ipatupad ang pagtatakip depende sa sitwasyon.

MGA BATANG MALILIIT

Tulad ng para sa mga babaeng Muslim.

MGA MATATANDANG ANAK NA LALAKE

Tulad ng para sa mga mahram na lalaki.

MGA NASA WASTONG EDAD NA BATANG LALAKI (HINDI KAPAMILYA

Tulad ng para sa mga di-mahram na lalaki.

Ang Awrah Habang Nagdarasal

IslamicDress03.jpgSa unang dalawang aralin natutunan natin ang maraming mga bagong salita at sinubukang gayahin ang maraming bagong impormasyon. Pinapalitan natin ngayon ang paksa o pukos sa kung ano ang isusuot kapag nagdarasal. Ang dasal ay isang bagay na ginagawa ng bawat Muslim ng hindi bababa sa limang beses bawat araw. Ito ay higit pa sa ilang mga sandali ng tahimik na pagninilay - ito ay isang panahon kung kailan ang isang indibidwal ay konektado sa Lumikha ng daigdig -ang Allah. Para sa kasiyahan na ito ay makatuwiran na nais nating tingnan at maramdaman ang pinaka kaaya-aya para sa ating sarili.

Kapag ang oras ay dumating para sa isang babae upang manalangin, ang isa sa mga kondisyon na dapat matupad upang ang kanyang panalangin ay balido o katanggap-tanggap ay na siya ay nagtatakip ng kanyang awrah.

"... Kunin ang iyong panggayak (sa pamamagitan ng pagsusuot ng malinis na damit) habang nagdarasal ..." (Quran 7:31)

Sinabi ng Propeta, 'Hindi tinatanggap ng Allah ang panalangin ng isang babae na umabot na sa pagdadalaga maliban kung siya ay nagsusuot ng tabing o takip'.

Ang awrah ng isang babae kapag siya ay nananalangin ay kapareho ng para sa mga di-mahram na lalaki. (Mangyaring sumangguni sa talahanayan sa itaas). Gayunpaman ito ay ganap na katanggap-tanggap para sa isang babae na magsuot ng isang mahabang maluwag na damit sa ibabaw ng kanyang panloob na mga damit, ipagpalagay na siya ay nananalangin na mag-isa sa kanyang tahanan. Kung siya ay nagdarasal sa masjid, siyempre siya ay may suot na damit na katanggap-tanggap sa harap ng mga hindi kakilala.

Upang ang panalangin ng isang lalaki ay tanggapin o maging balido ay dapat din niyang takpan ang kanyang awrah, na mula sa pusod hanggang sa tuhod. Gayunpaman dahil ang Islam ay isang relihiyon na lubhang nag-aalala sa pagkakaisa ng komunidad at paggalang sa iba, ang isang tao ay dapat palaging alam niya kung san siya lulugar. Alinsunod sa diwa ng haya palaging ipinapayo para sa isang Muslim (lalaki o babae) na maging maingat tungkol sa mga bagay na maaaring makaapekto sa kanya o sa mga nakapaligid sa kanya.

Ito ay kanais-nais para sa isang tao na magsuot o maglagay ng pabango kapag siya ay nakatayo sa harap ng kanyang Panginoon para sa panalangin. Ang mga babae ay dapat mag-ingat sa puntong ito. Bagaman ito ay pinapahintulutan, kahit na kanais-nais para sa kanya na magsuot ng pabango sa bahay ay hindi katanggap-tanggap para sa alinman sa kanyang katawan o ang kanyang damit na may pabango kung nais niyang manalangin sa masjid.

"Kung sinuman sa inyo (kababaihan) ang dadalo sa pagdarasal sa gabi, huwag siyang magsuot o hahawak ng pabango."[1]

Ang Karunungan sa Islamikong Pananamit

May mahusay na karunungan sa Islamikong pamantayan ng pananamit. Upang makita at maunawaan ito nang malinaw dapat tandaan ng ilan ang ilang mga pangunahing konsepto. Unang una sa lahat, na ang Islam ay ipinahayag para sa lahat ng mga tao sa lahat ng lugar, sa lahat ng oras. Kaya't kung ano ang nasa o wala sa uso ay hindi nauugnay. Pangalawa, ang Islam ay isang pangkalahatang relihiyon na binibigyang halaga ang pisikal, espirituwal at emosyonal na kalusugan ng tao, at hindi lamang para sa bawat indibidwal kundi para sa komunidad o lipunan sa kabuuan. Kabilang dito ang paggalang; para kay Allah, para sa bawat isa at para sa sarili.

Pangatlo, ang pamantayan ng damit ay kinakailangan para sa parehong kalalakihan at kababaihan, ang Islam ay hindi lubos na naglagay ng buong responsibilidad sa isang kasarian, at sa katunayan ang unang mga talata na inihayag ay pitutungkulan ang mga kalalakihan. Gayunpaman, ang mga kalalakihan at kababaihan ay inutusang pababain ang kanilang paningin at protektahan ang kanilang kahinhinan; at ang parehong mga kalalakihan at kababaihan ay inaasahan na bumuo ng isang malusog na panlipunang kapaligiran na may mapagpalagay (constructive) na moral, kaugalian at mga pagpapahalaga.

Ang salitang hijab, ay higit sa isang belo at higit sa pamantayan ng pananamit. Ito ay isang salita na nagpapahiwatig ng mababang-loob na pananamit at mababang-loob na pag-uugali. Halimbawa, kung ang isang babaeng Muslim ay nakadamit ng tamang kasuotan sa Islam, ngunit gumagamit o nagsasalita naman ng masamang wika, hindi niya ginagampanan ang mga requirements ng hijab. Kung ang isang lalaking Muslim ay natatakpan mula sa pusod hanggang sa tuhod ngunit naglalakad na nakakatawag pansin sa pampublikong lugar o kumikilos nang walang saysay hindi rin siya kumikilos sa angkop na paraan.

Ang mga kababaihan na nagsusuot ng hijab ay nagpapahiwatig ng maraming benepisyo na makukuha mula sa pagsunod sa Islamikong pananamit. Ang ilan ay naglalarawan sa pagsusuot ng hijab bilang "pinalaya" mula sa hindi makatotohanang mga inaasahan ng lipunan. Hindi na sila naiisip na sekswal na mga bagay, ngunit ninanais dahil sa kanilang pag-iisip. Hindi na sila pinahahalagahan para lamang sa kanilang hitsura o hugis ng katawan kundi para sa kanilang pagkatao at katangian. Ang mga babaeng may suot na hijab sa trabaho ay naiulat na nababawasan ang sexual harshment o pang-aabuso sa lugar ng trabaho.

Maraming mga kababaihan ang nag-uulat na ang mga tao (parehong mga Muslim at hindi Muslim) ay mas gusto na magpakita ng mabuting asal sa isang babae na naka-belo. Ang mga lalaki ay nagbubukas ng mga pintuan, nagbibigay ng upuan sa pampublikong transportasyon, humihingi ng tawad para sa masamang wika, at nag-aalok upang magdala ng mga pinamili at maraming iba pang maliliit na kabaitan na dating isang normal na bahagi ng buhay sa karamihan ng mga komunidad sa kanluran.



Talababa :

[1] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4