Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
Deskripsyon: Dalawang bahagi na aralin na nagbibigay ng pangkalahatang ideya patungkol sa espesyal na pagdarasal (salah), na siyang pinaka-mahalagang uri ng pagsamba para sa isang Muslim. Unang Bahagi: Paghahanda sa mga pagdarasal kasama ang pag-alam sa kanilang mga katawagan, eksaktong oras at ang direksyon ng pagdarasal.
Ni NewMuslims.com
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 153 - Nag-email: 0 - Nakakita: 32,391 (pang-araw-araw na average: 13)
Mga Paunang Kinakailangan
·Ang Paraan o Paano ang Pagdarasal para sa mga Bagong-yakap sa Islam (2 bahagi)
Mga Layunin
·Matutunan kung paano hanapin ang nakatakdang oras ng pagdarasal at ang direksyon kung saan haharap sa pagdarasal (qiblah).
·Matutunan ang limang obligadong pagdarasal kung ano ang kanilang katawagan, ang kanilang oras, at ang bilang ng mga yunit (rakahs) ng mga ito.
·Matutunan ang ilang mga punto sa paghahanda ng sarili para sa pagdarasal (salah).
Mga Terminolohiyang Arabik
·Salah - ay salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na pormal na pagdarasal na siyang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
·Rakah - yunit ng espesyal na pagdarasal.
·Qiblah - ang direksyon kung saan humaharap kapag nagdarasal.
·Wudoo - espesyal na paghuhugas
·Ghusl - espesyal na pagligo
·Ka'bah - ang bahay-dasalan na istrakturang hugis parisukat na nasa syudad ng Makkah. Ito ang nagsisilbing sentrong direksyon kung saan humaharap ang lahat ng mga Muslim sa tuwing nagdarasal.
·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – ang mga katawagan ng limang pang-araw-araw na espesyal na pagdarasal sa Islam.
·Fard – obligadong gawain.
Nakatalang Oras ng Pagdarasal
Ang oras ng pagdarasal ay nagbabago sa pagitan ng tag-lamig at tag-init. Ikaw ay may tatlong pagpipilian:
(a) Magtanong sa isang relihiyosong Muslim kung kailan ang oras ng espesyal na pagdarasal at tandaan ang mga ito. May kunting pagbabago sa mga ito paglipas ng mga araw.
(b) Maari mong malaman online mula sa link na ito:
http://www.islamicfinder.org/
Maari mong malaman ang mga oras ng espesyal na pagdarasal (salah) saan mang bahagi ng mundo. Ang site na ito ay mayroon ding listahan ng mga bahay-dasalan (masjid / o mosque) na malapit sa'yo.
(c) Kadalasan, ang mga bahay-dasalan (masjid) o mga Islamic center ay nagi-imprinta ng nakatakdang oras para sa espesyal na pagdarasal na nagsasaad rin ng oras para sa sabay-sabay na pagdarasal sa bahay-dasalan (masjid). Mangyaring makipag-ugnayan sa kanila para makakuha ka ng kopya nito. Sa bahay-dasalan (masjid) rin ay makakatagpo ng suportang kinakailangan ang isang bagong Muslim.
Katawagan ng Dasal sa Arabik |
Salin ng Katawagan ng Dasal sa Tagalog |
Bilang ng yunit (Raka'ah) |
Oras |
Fajr |
Pagdarasal sa Bukang-liwayway |
2 |
Simula sa pagbukang-liwayway hanggang sa hindi pa nagsimula ang pagsikat ng araw |
Dhuhr |
Pagdarasal sa Tanghali |
4 |
Simula sa oras ng Dhuh'r hanggang sa pagsimula ng oras ng As'r |
Asr |
Pagdarasal sa Kalagitnaan ng Hapon |
4 |
Simula sa oras ng As'r hanggang sa hindi pa nagsisimula ang paglubog ng araw |
Maghrib |
Pagdarasal Matapos ang Paglubog ng araw |
3 |
Simula sa oras ng Maghrib hanggang sa bago magsimula ang oras ng Isha |
Isha |
Pagdarasal sa Gabi |
4 |
Simula sa oras ng Isha hanggang sa kalagitnaan ng gabi, na sa pangangailangan, ay pwede pa hanggang sa hindi pa nagsimula ang bukang-liwayway |
Saang Direksyon Ako Haharap sa Pagdarasal?
Ang isang Muslim ay dapat humarap sa direksyon ng Ka'bah (ang Sagradong bahay-dasalan sa Makkah) sa bawat pagsagawa ng pagdarasal (salah). Ang Kabah ay ang unang bahay-dasalan na itinayo para sumamba sa Nag-iisa't Tunay na Panginoon ng lahat ng tao. Lahat ng muslim, saan mang panig ng mundo sila naroroon ay humaharap dito sa tuwing nagdarasal, pansamantalang iniiwan ang mundong pinagkakaabalahan habang isinusubmita ang kanilang mga sarili sa Nagbibigay-biyaya. Ang direksyong ito ay tinatawag na qiblah at ito ay madali lamang mahanap.
Muli, may iilan kang pagpipilian kung paano mo aalamin ang direksyon kung saan haharap sa pagdarasal (qiblah)
(1) Magtanong sa kapwa Muslim kung saan ang direksyong kailangan sa pagdarasal.
(2) Sa http://www.islamicfinder.org/ ay malalaman mo kung saan ang lokasyon ng Ka'bah mula sa lugar na kinaroroonan mo.
(3) May mga orasang-pambisig na mabibili sa mga tindahan na mas pinadadali ang paghanap ng direksyon sa pagdarasal, lalo na kapag nasa hindi pamilyar na lugar o kaya'y nasa paglakbay. Maari silang mabili online[1].
Paghahanda para sa Espesyal na Pagdarasal (Salah)
1. Ang pagdarasal ay inobliga sa bawat Muslim na nasa tamang gulang at nasa matinong pag-iisip kapag sumapit na ang oras ng pagdarasal.
2. Ang pinakaminimum na kinakailangan sa pagdadamit ay dapat na matugunan ng parehong lalaki at babae para sa pagdarasal.
Para sa lalaking Muslim, dapat magsuot ng damit na tumatakip sa pusod na aabot hanggang sa natakpan ang tuhod, at siguraduhin na may nakapatong na damit sa kanyang balikat.
Para sa babaeng Muslim, dapat ay magsuot ng maluwag na damit na tumatakip sa kanyang buong katawan, kasama ang kanyang ulo (at tenga) at paa. Hindi niya kailangang takpan ang kanyang mga kamay at mukha.
3. Ang isang Muslim ay dapat na nasa estado ng pagiging dalisay, ibig sabihin:
·dapat na magsagawa ng wudoo (espesyal na paghuhugas) kung siya ay nilabasan ng hangin (utot), umihi, dumumi, o nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog simula ng huling beses niyang isagawa ang wudoo.
·dapat na magsagawa ng ghusl (pagligo) kung nagising mula sa wet-dream, nilabasan ng similya, mula sa pakikipag-talik, at para sa mga kababaihan pagkatapos ng buwanang dalaw o pagdurugo pagkatapos ng panganganak.
4. Dapat niyang siguraduhin na walang bahid ng dumi (najis) sa kanyang damit, katawan o sa lugar kung saan siya magsasagawa ng pagdarasal.
5. Dapat ay nakaharap sa direksyon ng pagdarasal (qiblah).
6. Gawing naka-intensyon na sa kanyang puso na siya ay magsasagawa ng pagdarasal na kanyang gaganapin.
7. Ang espesyal na pagdarasal (salah) ay dapat isagawa sa lengguwaheng Arabik, mangyaring basahin ang naisatitik mula sa Arabik na naibigay sa huling bahagi ng paksang 'Ang Pagdarasal para sa mga Baguhan (ika-2 bahagi ng 2)'. Ang salin sa tagalog ay para lamang sa pag-unawa sa kahulugan ng inyong binabanggit.
(Paunawa: Lahat ng mga ibinigay na link ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon. Ang newmuslims.com ay hindi responsable sa anumang nilalaman ng nasabing mga website.)
Nakaraang Aralin: Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
Susunod na Aralin: Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Halina’t kilalanin natin si Muhammad (part 1 of 2)
- Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)
- Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
- Kahalagahan ng Salah
- Mga Alituntunin ng Espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Benepisyong Pang-kaluluwa ng Pagdarasal
- Medikal na benepisyo ng Panalanagin
- Mga Alituntunin ng Pagtugon sa tawag ng kalikasan
- Ang Buwanang-dalaw (Regla)
- Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Paano mag-ayuno
- Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
- Nasaan ang Allah?
- Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)
- Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha
- Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an