Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Ang kahulugan, mga kapakinabangan, at pamamaraan ng panalangin (du'a).
Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 96 - Nag-email: 1 - Nakakita: 12,423 (pang-araw-araw na average: 5)
Layunin:
·Unawain ang kahulugan ng du'a
·Pahalagahan na ang du'a ay pagsamba
·Matutunan ang 18 na kapakinabangan ng du'a
·Unawain ang wastong etiketa at pamamaraan ng pagsasagawa ng du'a
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Du’a: Panalangin, dasal, ang paghiling kay Allah ng isang bagay.
·Shirk: Ang salita na nagpapahiwatig ng pagtatambal kay Allah, o paghahalintulad ng mga banal na katangian sa iba maliban kay Allah, o ang paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod kay Allah.
·Halal: Ipinapahintulot
·Taqwa: Sa panglenguahe ang ibig sabihin nito ay "upang protektahan" o "magsanggalang", tulad ng upang protektahan ang sarili mula sa maling gawain. Sa Islam, ang Taqwa ay tumutukoy sa kamalayan kay Allah. Inilalarawan nito ang isang estado ng kamalayan kay Allah sa lahat ng iyong ginagawa.
·Aameen: Ang isang ekspresyon na sinasabi sa dulo ng panalangin, na nangangahulugang 'O Allah, mangyaring Inyong tanggapin.'
·Qiblah: Ang direksyon na kung saan nakaharap ang isa sa tuwing magsasagawa ng mga pormal na pagdarasal.
Ang salitang Arabik na “du’a” ay nangangahulugan ng paghiling sa iyong Panginoon ng Kanyang tulong at suporta. Ito ay maaaring isalin bilang panalangin o dasal. Ito ay isang uri ng pagsamba dahil si Allah ay nag-uutos sa atin na magsagawa ng du'a sa Kanya:
“At ang inyong Panginoon ay nagsabi, Manalangin kayo sa Akin at kayo ay Aking diringgin!’” (Quran 40:60)
Yamang ang du'a ay isang gawaing pagsamba, ang paraan ng pagkakagawa nito, ang pamamaraan na dapat sundin, at ang paraan na kailangang gawin kapag isinasagawa ang pagsamba na ito ay nararapat na mula sa Quran at Sunnah.
Ang du'a ay may malapit na kaugnayan sa pananampalataya ng isang tao. Isa, ito ay isang bukas na deklarasyon na naniniwala ka kay Allah at kay Allah lamang. Ikalawa, nararamdaman mo na wala kang kontrol sa iyong buhay, kundi si Allah. Ito ang dahilan kung bakit ka pupunta sa Kanya at hihingi sa Kanya ng iyong mga pangangailangan. Tatlo, nagpapaalala ito sa iyo na si Allah ay tunay na nakakarinig sa iyong du'a at tutugunan ito.
Dahil ang du'a ay isang gawaing pagsamba, ang pagsasagawa ng du'a sa ibang tao maliban kay Allah ay isang gawaing Shirk. Ang du'a ay maaari lamang idirekta kay Allah at kay Allah lamang. Ang isang talata mula sa Quran ay sapat upang ilarawan ang puntong ito:
“Sabihin (O Muhammad), ‘Ako ay dumadalangin lamang sa aking Panginoon, at ako'y hindi nagtatambal sa Kanya ng iba pang diyos.’” (Quran 72:20)
Ipagpalagay na ang isang tao ay nagsasagawa ng du'a sa iba maliban kay Allah, ito man ay isang idolo o isang santo, habang naniniwala na ang nilalang na iyon ay makaririnig sa kanya tulad ni Allah, at maaaring sumagot sa kanyang du'a, kung gayon ang paggawa niya nito ay paghahalintulad niya ng bagay o tao kay Allah . Iyon ay tiyak na shirk.
Ang Kapakinabangan ng Du’a:
1.Ang du'a ay isa sa mga dakilang gawain sa paningin ni Allah.
2.Ang du'a ay ang diwa ng pagsamba.
3.Ang du'a ay tanda ng pananampalataya.
4.Ang pagsasagawa ng du'a ay pagsunod kay Allah.
5.Si Allah ay malapit sa taong nagsasagawa ng du'a.
6.Sa pamamagitan ng du'a si Allah ay nagpapakita ng Kanyang pagkamapagbigay sa atin.
7.Ang du'a ay tanda ng kapakumbabaan.
8.Ang du'a ay nagtataboy sa galit ni Allah.
9.Maaaring mailigtas ng du'a ang isang tao mula sa Apoy ng Impiyerno.
10.Ang pagsasagawa ng du'a ay nagpapakita ng pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa Makapangyarihan.
11.Minamahal ni Allah ang du’a.
12.Ang du'a ay nagbubukod sa isang mananampalataya mula sa isang di-mananampalataya.
13. Ang du'a ay ang sandata ng mananampalataya at ng mga ginawan ng kasalanan.
14.Ang du'a ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Lumikha.
15.Ang du'a ay isang madaling gawain ng pagsamba.
Bago Ka Magsagawa ng Du'a
1.Ipantanto na tanging si Allah ang tumutugon sa du'a
“Hindi ba Siya ang tanging tumutugon sa panalangin ng isang nagdadalamhati, kapag siya ay nanawagan sa Kanya, at Siyang pumapawi ng kasamaan, at gumagawa sa inyo bilang mga tagapaghalili sa kalupaan? Mayroon pa bang ibang diyos na kasama si Allah?Sadyang napakaliit ng inyong naaalala.!” (Quran 27:62)
2.Maging tapat kay Allah kapag nagsasagawa ng du'a
“At yaong inyong mga dinadalanginang bukod sa Kanya [kay Allah] , ay walang kakayahang tumulong sa inyo at walang maitutulong sa kanilang mga sarili.” (Quran 7:197)
3.Huwag magmadali kapag nagsasagawa ng du'a
Ang Propeta ay nagsabi, “Ang alipin ay makatatanggap ng tugon hangga't ang kanyang du'a ay hindi nagsasangkot ng kasalanan o pagtatapos o paghihigpit ng mga relasyon sa pamilya, at hangga't hindi siya nagmamadali. "Sinabi," Ano ang ibig sabihin ng pagmamadali? "Sinabi niya:" Kapag sinabi niya, 'nagsagawa ako ng du'a at nagsagawa ako ng du'a, at hindi ako nakakita ng anumang tugon,' at siya ay nabigo at tumigil sa pagsasagawa ng du'a”[1]
4.Magsagawa ng du'a para sa mabubuting bagay
Gustung-gusto ni Allah ang Kanyang mga alipin na humihiling sa Kanya ng lahat ng bagay na nasa kanilang espirituwal at makamundong pakinabang tulad ng pagkain, inumin, damit, gabay at kapatawaran atbp. Si Propeta Muhammad, nawa ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:: “Hayaang hilingin ng isa sa inyo sa kanyang Panginoon ang kanyang mga pangangailangan, kahit na humiling sa Kanya para sa sintas ng kanyang sapatos kung ito ay naputol.”[2]
5. Magsagawa ng du'a nang may masigasig na puso
Tumutok sa pagsasagawa ng du'a, tumuon sa kung ano ang iyong hinihiling kay Allah, ilagay mo ang iyong isip at puso dito. Isipin kung ano ang sinabi ni Propeta Muhammad, “ Magsagawa ng du'a kay Allah sa isang estado na ikaw ay tiyak na ang iyong du'a ay tutugunan, at dapat na iyong malaman na si Allah ay hindi sumasagot sa isang du'a mula sa isang pabaya, walang pag-iintindi na puso.”[3]
6.Kumita ng iyong kabuhayan mula sa mapagkukunan na pinapahintulan ng Islam at kumain ng halal na pagkain
Ang pagbebenta ng alak at karne ng baboy, pagsusugal, pagnanakaw, at pagtanggap ng mga suhol ay mga halimbawa ng hindi ipinapahintulot na pinagkukunan ng kita. Sinasabi nito sa Quran:
“Si Allah ay tumatanggap ( ng mga gawa) lamang mula sa mga may taqwa (takot sa Kanya).” (Quran 5:27)
Habang Nagsasagawa ng Du'a
1.Purihin si Allah bago ang du'a at magpadala ng mga panalangin sa Propeta
Ang Propeta (ang kapayapaan at pagpapala ay sumakanya) ay nakita ang isang tao na nagsagawa ng du'a. Inutusan ng Propeta ang taong iyon,“…kapag natapos mo ang iyong pormal na pagdarasal, ay umupo ka at purihin si Allah ng papuri na karapat-dapat sa Kanya, at manalangin sa akin, pagkatapos ay sabihin ang iyong du'a.”[4]
Sinabi din ng Propeta,“Ang isang du'a ay hindi itataas kay Allah maliban kung ang taong nagsasagawa ng du'a ay kabilang dito ang 'panalangin sa Propeta.’”[5]
Samakatuwid, maaari mong simulan ang iyong du'a sa mga salitang tulad nito
Alhamdulillah was-Salatu was-Salam ‘Ala Rasulillah
“Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para kay Allah at ang kapayapaan at pagpapala ni Allah ay mapasa Kanyang Sugo na si (Muhammad)."”
2.Itaas ang iyong mga kamay
Ang mga Muslim ay kilala na itinataas ang kanilang mga kamay kapag nananalangin kay Allah. Mayroong maraming mga ulat mula kay Propeta Muhammad na itinataas niya ang kanyang mga kamay habang nananalangin kay Allah.
3.Humarap sa qiblah (ang direksiyon na hinaharapan mo kapag nagdarasal ng mga pormal na pagdarasal).
May mga ulat na humaharap ang Propeta sa qibla kapag nagsasagawa ng du'a.
4.Subukan na umiyak kapag nagsasagawa ng du'a
Ang pagtangis ay nagpapakita ng katapatan na ang isang tao ay nagpapakumbaba sa kanyang sarili sa harap ng Allah.
5.Asahan ang pinakamabuti mula kay Allah at iyong malaman na Siya ay tutugon
Si Propeta Muhammad ay nagsabi: ” Walang Muslim na hindi nananalangin ng anumang du'a kung saan walang kasalanan o pagtatapos o paghihigpit ng mga relasyon sa pamilya maliban na si Allah ay magbibigay sa kanya ng isa sa tatlong mga bagay bilang kapalit: ito ay kung Siya ay sasagot sa kanyang du'a sa lalong madaling panahon, o ito ay iipunin para sa kanya sa Kabilang Buhay, o ilalayo Niya ang isang katumbas na kasamaan mula sa kanya dahil dito. "Sinabi nila:" Kami ay magsasabi ng maraming mga du'a. "Sinabi Niya:" Si Allah ay mas mapagbigay.”[6]
6.Magsagawa ng du'a nang may kapakumbabaan at takot.
Sinabi ni Allah sa Quran,
“Manalangin kayo sa inyong Panginoon ng may kapakumbabaan at lihim . Katotohanang, Siya ay hindi nalulugod sa mga lumalabag sa pag uutos.” (Quran 7:55)
7.Aminin ang iyong mga kasalanan.
8.Maging matatag sa pagsasagawa ng iyong du'a
Sinabi ng Propeta, “Kapag ang isa sa inyo ay nagsagawa ng isang du'a, kung gayon ay hayaan siyang maging matatag sa kanyang du'a at huwag siyang hayaan na magsabi ng, 'O Allah, kung gagawin mo, kung gayon mangyaring patawarin mo ako,' sapagkat walang sinuman ang makakapilit kay Allah na gumawa ng anumang bagay.”[7]
9.Ulitin ang du'a ng tatlong beses
Ang pag-ulit ng du'a ng tatlong beses ay iniulat mula sa Propeta sa maraming mga hadith.
10.Sabihin ang "Ameen" sa dulo
Ang "Aameen," ay karaniwang binabaybay na "Amin" sa panitikang Ingles sa Islam at ang katumbas ng wikang Ingles na"Amen." Sa wikang Arabe, nangangahulugan itong, 'O Allah, mangyaring Inyong tanggapin.'
Nakaraang Aralin: Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
Susunod na Aralin: Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)