Naglo-load...

Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim

Marka:

Deskripsyon: Ang mga huwaran ay mga tao na maaari nating tingalain; tayo ay madalas na nagsisikap na tularan ang kanilang mga pinakamabubuting kahusayan at mga katangian. Hindi kinakailangang sila ay mga sikat na mga tao na hinahangaan natin, bagaman ang ilang mga sikat na tao ay maaaring magkaroon ng ilang mga kapuri-puring katangian. Ang unang henerasyon ng mga Muslim, ang mga kalalakihan, kababaihan at mga bata sa palibot ng Propeta ay mga huwaran ng pinakamataas na kaayusan[1]. Sa unang aralin na ito, tinalakay natin kung bakit at masusing tinignan ang dalawang lalaking kasamahan, sina Abu Bakr at Umar Ibn al Khattab.

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 66 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,650 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang maunawaan ang kahalagahan ng mga huwaran.

·Upang malaman ang hinggil sa mga pinakamabuting katangian ng mga kasamahan ni Propeta Muhammad.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinalin sa tagalog na Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·Imaan – pananampalataya, paniniwala o pananalig.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta , ginawa, o naaprubahan.

·Ummah - Ang tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim na walang pagsasaalang-alang sa kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

RoleModelsinIslam1.jpgTinataya na hanggang sa 95% ng lahat ng pag-uugali ng mga tao ay natutunan sa pamamagitan ng pagtingin sa mga huwaran. Gayunpaman, kahit na ito ay bahagyang totoo ay isang napakahusay na dahilan upang pumili ng positibong mga mga huwaran, para sa ating sarili at sa ating mga anak. Nakakalungkot, ngayon ay lunod sa kapiligiran ng media 24/7 na tayo ay mas malamang na pumili ng mga huwaran sa larangan ng sports at entertainment nang hindi sinusubukang kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang huwaran at isang bayani. Ang isang bayani ay isang tao na iyong hinahangaan marahil dahil sa kanyang kahusayan sa paglalaro o sa kanyang napakahusay na kakayahang pagganap ngunit pinapatnubayan ba nila ang uri ng buhay na dapat nating tularan? Ang mga huwaran, sa kabilang banda, ay mga tao na nagtataglay ng mga katangian na gusto nating taglayin at ang mga taong nakakaapekto sa atin sa paraang ginugusto natin na maging mas mahusay na tao. Halimbawa, mula sa mga huwaran na natututunan natin kung paano haharapin ang mga problema sa buhay.

Madali tayong maimpluwensiyahan ng mga taong nakapaligid sa atin at kung sino ang tinitingala natin. Madali natin nakukuha ang kanilang mga gawi at mga katangian nang hindi natin namamalayan. Kung ang mga ito ay mabubuting katangian, kung gayon ito ay isang magandang bagay, ngunit paano kung ang mga taong itinuturing mong mga huwaran ay nagtulak sa iyo palayo mula sa pag-alaala kay Allah? Ito ay maaaring isang kalamidad. Sa kabutihang palad, ang kasaysayan ng Islam ay pinaulanan ng mga kahanga-hangang mga huwaran - mga kalalakihan, kababaihan at mga bata - mula sa kung saan natututunan natin kung paano maging mahusay na mga ina, ama, guro, kaibigan, estudyante, atbp. Ang positibong pagpapakita ng mabuting pag-uugali at asal, determinasyon, kapangyarihan, at ang mataas na pamantayan sa etika ay tumutulong sa iba na tularan ang mga positibong katangian na ito.

Ayon sa Islam, ang pinakamabuting tao ay ang mga propeta. Pagkatapos nito, ang mga pinakamabuting tao ay ang mga kasamahan, mga disipulo, at tagasunod ng mga propeta. Siyempre ang pinakadakilang halimbawa ng kapuri-puri na pag-uugali sa anumang ibinigay na sitwasyon ay si Propeta Muhammad mismo. Alam natin mula sa kanyang mga awtentikong tradisyon - ang Sunnah, na ang kanyang katangian ay ang Quran, ibig sabihin na siya ay namumuhay at humihinga ng lahat ng itinuturo ng Quran. Kapag naghahanap tayo ng mga huwaran ay hindi na natin kailangang maghanap pa kundi ang Propeta mismo at ang mga nakapaligid sa kanya sa mga unang araw ng Islam. Sa katunayan, kapag sumusunod tayo sa mga sahabah ay sinusunod natin si Propeta Muhammad dahil hindi nila natutunan ang Islam mula sa sinuman maliban sa kanya. Tunay na ang kanilang mga kabutihan ay marami; sapagkat sila ang mga sumuporta sa Islam at ipinalaganap ang pananampalataya, nakipaglaban kasama ang Propeta, at ipinadala ang Quran, Sunnah at ang mga batas ng Islam. Isinakripisyo nila ang kanilang sarili at ang kanilang kayamanan para sa kapakanan ni Allah. Mahal natin sila dahil mahal nila si Allah at ang Kanyang Sugo.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi, "Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang aking henerasyon, at pagkatapos ay ang mga sumusunod sa kanila, pagkatapos ay ang mga sumusunod sa kanila."[2] Ang mga sahabah ay hindi lahat ay may eksaktong parehong personalidad, pinagmulan, isip, pananaw, o panlasa. Lahat sila ay magkakaiba; subalit sila ay nagkakaisa sa Islam. Bilang mga Muslim, tayo ay hindi rin pare-pareho. Tayo ay may mga natatanging aral na nakukuha mula sa bawat isa sa mga sahabah; natututo tayo mula sa kanilang mga karanasan.Ang ilan ay banayad, ang iba ay mahigpit; ang ilan ay may pinag-aralan na mga kalalakihan at kababaihan, habang ang iba ay walang pinag-aralan. Ang ilan sa mga sahabah ay asetiko habang ang iba ay mga milyonaryo at nangungunang mga negosyante sa kanilang panahon. Ito ay mula sa awa ni Allah na binigyan Niya tayo ng maraming mga huwaran sa pag-uugali, pagkatao, at pagkilos. Ipagpatuloy natin ang ating pagtuklas sa pamamagitan ng pagtingin sa dalawang pinakamalapit na kaibigan ni Propeta Muhammad.

Abu Bakr

Si Abu Bakr ay isang matagumpay na mangangalakal na may reputasyon sa katapatan at kabaitan. Siya ang unang nasa wastong gulang na lalaki na pumasok sa Islam, at agad na tinanggap ang mensahe ni Propeta Muhammad. Sinabi ni Propeta Muhammad na kung tatalakayin niya ang Imaan ni Abu Bakr ito ay mas malaki kaysa sa buong Ummah. Si Abu Bakr ay nangunguna sa lahat ng uri ng pagsamba at kilala bilang "As-Sabbaaq" - ibig sabihin ang isa na nanalo sa bawat kumpetisyon. Si Umar Ibn Al-Khattab ay isang beses na nagbigay ng kalahati ng kanyang kayamanan upang pondohan ang Labanan ng Tabuk, umaasa na matatalo si Abu Bakr, na malaman-laman lamang na naibigay na ni Abu Bakr ang kanyang buong kayamanan. Si Abu Bakr ay magiliw at mahabagin. Dumadamay siya sa mga dukha at pinahahalagahan ang kahabag-habag at kapag binibigkas ang Quran, siya ay umiyak.

Umar Ibn Al-Khattab

Si Umar Ibn Al-Khattab ay nagmula sa pagiging isa sa pinakamalakas na kalaban ng Islam sa isa sa mga matatag na mananampalataya nito. Si Umar ay isang nangungunang tao sa mundo ng Islam. Siya ay isang lider, isang negosyante, isang relihiyoso at Muslim na may kamalayan sa Diyos na nagpakita ng paggalang sa lahat ng mga indibidwal kabilang ang mga di-Muslim at inutusan niya ang mga Muslim na pakitunguhan ang mga hindi Muslim na may paggalang. Ipinakita niya sa atin kung paano gamitin ang utos ng Quran na 'walang sapilitan sa relihiyon'. Si Umar ay kilala sa kanyang kapangyarihan, at lakas at ginamit niya ito, ang kanyang matatalinong pag-iisip, at ang kanyang masinop na karunungan para sa kapakanan ng Islam at para sa pagpapalakas ng mga Muslim. Si Propeta Muhammad ay tinatawag si Umar na "Al-Farooq" - ang Pamantayan sa pagitan ng mabuti at masama.



Talababa:

[1] Ang mga bahagi ng artikulong ito ay iniangkop mula sa napakahusay na artikulo na naka-archive sa http://muslimmatters.org/2012/01/02/find-your-role-model-in-the-sahabah/

[2] Saheeh Muslim

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4