Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Ang isang maikling paglalarawan ng buhay at katangian ng dalawang mga kilalang asawa ni Propeta Muhammad at ilang salita hinggil sa mga malakas na mga huwaran na dapat na makaimpluwensya sa iba.
Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 104 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,016 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin:
·Upang maunawaan kung paano maaaring maging impluwensya ang mga matatanda at kung bakit ang pag-uugali ng mga huwaran ay dapat magpakita ng mga asal at kaugalian sa Islam.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinalin sa tagalog na Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Hadith - (pangmaramihang - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Al-Fatihah – ang pambungad na kabanata ng Quran. Sa Literal - ang pagbubukas.
Dahil ang mga tao ay natututo nang labis sa pamamagitan ng paggaya sa pag-uugali ng iba, mahalaga na piliin o mabigyan sila ng daan sa mga mabubuting mga huwaran. Sa mundo na mas madalas kaysa sa hindi ang pagkutya sa kaasalan at kaugalian sa Islam ay mahalaga na ang mga Muslim ay may mga taong titingalain, hahangaan at tutularan. Walang mas mabuting mga tao kaysa sa miyembro ng mga sahabah, ang mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na malapit kay Propeta Muhammad at tinuruan ng Islam sa kung paano ito inihayag. Sa naunang aralin tinalakay natin ng maikli ang dalawang lalaki na sahabi at ngayon ay tatatalakayin natin ang dalawa sa pinaka-maimpluwensyang mga asawa ni Propeta Muhammad.
Khadijah, ang anak ni Khuwaylid
Si Khadijah ang una, at sa loob ng 25 na taon, ang tanging asawa ni Propeta Muhammad. Siya ay 40 na taóng gulang at dalawang beses na nabalo nang magpakasal siya kay Muhammad, na nasa edad na 25, na wala pa sa yugtong iyon na naibigay ang pagiging propeta. Si Khadijah ay isang mahusay na negosyante, mayaman sa sariling kakanyahan na may reputasyon sa pakikitungo sa mga may kapansanan, mga ulila, mga balo at mga mahihirap na may kabaitan at habag; siya ay kilala bilang "At-Tahira", ang dalisay.Minamahal at sinuportahan ni Khadijah si Propeta Muhammad sa mga unang mahirap na mga taon ng Islam. Ginawa niya ito sa diwa ng pakikipagtulungan at pagsasama na likas sa isang tunay na kasal sa Islam.
Si Khadijah ang unang tao na tumanggap ng mensahe ng Islam at siya ay tumayo sa tabi ng kanyang asawa sa kabila ng pagtalikod sa kanya ng kanyang pamilya at mga kaibigan, at nagplano upang patayin siya. Sinuportahan ni Khadijah ang pagbangon ng Islam sa pamamagitan ng kanyang kayamanan at kalusugan. Nagbigay siya ng pagkain, tubig at mga gamot para sa tinaboy at binoykot na komunidad. Kahit na hindi siya sanay sa kawalan o kahirapan, hindi kailanman nagreklamo si Khadijah hinggil sa mahihirap na kondisyon na pilit niyang pinagtiisan. Matapos mamatay si Khadijah (tatlong taon bago ang paglipat ng mga Muslim mula sa Makkah patungong Madina), sinabi ni Propeta Muhammad na siya ay isang mapagmahal na ina, isang matapat at mapagpatawad na asawa na nakihagi sa lahat ng kanyang pinakamalalim na mga lihim at pangarap.
Aisha, ang anak ni Abu Bakr
Si Aisha ay ang anak na babae ni Abu Bakr, isa sa pinakamalapit na kasamahan ni Propeta Muhammad. Sa panahon ng kanilang pagsasama (Aisha at si Propeta Mohammad), ang mag-asawa ay nagkaroon ng napakamalapit na ugnayan at sa mga kamay ni Aisha ay namatay si Propeta Muhammad noong 632 CE. Ang itinuturing ng marami bilang kanyang paboritong asawa, siya ay isang aktibong tao sa maraming mga kaganapan at isang mahalagang saksi sa marami pang iba.
Si Aisha ay mapagbigay at matiisin. Dinala niya ang kahirapan at gutom ng walang reklamo na karaniwan sa mga unang araw ng Islam. Sa ilang araw na walang usok na nasisilaban sa walang gaanong kagamitan sa pagluluto o paggawa ng tinapay na bahay ng Propeta at sila ay nabubuhay lamang sa mga datiles at tubig. Ang kahirapan ay hindi nakapinsala o nagpahiya kay Aisha at ang kasaganaan nang dumating ito ay hindi nagbago sa kanyang mabait na kaparaanan.
Si Aisha ay kilala rin sa kanyang karunungan at pagkamausisa. Lagi siyang magtatanong at magpapaliwanag kahit na ang mga pinakamaliit na punto; dahil dito siya ay naging napakahalagang mapagkukunan ( mga hadith). Higit sa 2,000 na salaysay ng mga hadith ang maaaring masubaybayan pabalik sa kanya. Dahil sa kanyang malawak na kaalaman, siya ay madalas na kinukunsulta bago dinidesisyunan ang paghatol o mga kinukuhang desisyon. Siya ay nabuhay nang matagal pagkatapos ng kamatayan ng Propeta at nakapagturo siya sa mga Muslim ng kanilang relihiyon sa maraming taon bago siya mamatay.
Gaya ng tinalakay natin sa aralin 1, ang mga tao, lalo na ang mga bata ay natututo sa pamamagitan ng paggaya sa pag-uugali ng mga mahahalaga o mga sikat na tao sa kanilang buhay. Subukang tandaan ang huling pagkakataon na nakinig ka sa mga bata na naglalaro; marami sa kanila ang nagnanais na maging pinakabagong sports star o music sensation. Nakalulungkot sa ilang mga kaso na sa oras na maabot nila ang hustong gulang ay maaari nilang sabihin sa iyo ang lahat ng tungkol sa mga bituin sa media ngunit hindi ang isang katotohanan hinggil sa mga kasamahan ni Propeta Muhammad. Maaari nilang banggitin ang mga estatistik sa isport ng perpekto ngunit natitisod sa pagbigkas ng Al-Fatihah. Sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ang mga tinitingalang ito ay hindi papansinin at itatatwa ang lahat ng mga taong kinuha ang mga ito bilang mga huwaran. Kapansin-pansin, sa pagtatapos ng isang Reebok ad ang huwaran sa basketball ay naglakad sa camera at nagsasabing, "Hindi dahil sa nag-dunk ako ng bola ay hindi ibig sabihin na kailangan kong palakihin ang inyong mga anak." Kahit na ang mga bituin mismo ay mapagtatanto nila na hindi sila palaging nagpapakita ng pag-uugali na dapat hangarin o sundin ng iba.
Hindi lamang ipinakita ng mga huwaran ang pinakamabuting pag-uugali, ipinapakita din nila kung paano matututo sa mga pagkakamali at pagkabigo. Kadalasan ay natagpuan ng mga sahabah ang kanilang mga sarili sa mahirap na mga sitwasyon at sa matarik na pakurba ng pag-aaral. Sa maraming mga kaso, si Propeta Muhammad mismo ang nagwawasto sa kanilang pag-uugali, at ginawa niya ito sa isang paraan na hindi nagpapahiya o nagalit sa nagkasala. Ang mga huwaran, gaya ng pagtuturo ng mga sahabah sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali; tinuturuan nila ang mga tumitingala sa kanila upang mamuhay sa isang paraan na nakalulugod kay Allah. Mula sa mga ito natutunan natin na ang mga tao ay hindi perpekto ngunit maaari nilang hangarin na malugod si Allah sa lahat ng kanilang ginagawa at sa bawat reaksyon sa mga impluwensya sa labas.
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)