Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Isang maikling talakayan kung paano naranasan ng mga Propeta at mga Kasamahan ang mga pagsubok at kapighatian ng may taqwa at pagtitiis.
Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 90 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,568 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin:
·Alamin kung paano tularan ang ating mga matuwid na nagbabantay.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Taqwa - Ang pagkamangha o pagkatakot kay Allah, kabanalan, kamalayan sa Diyos. Inilalarawan nito ang isang estado ng kamalayan kay Allah sa lahat ng ginagawa ng bawat isa.
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinasalin na mga Kasamahan. Ang sahabi, bilang sa salita ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Shaytan - paminsan-minsan ay sinusulat na Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at ang wikang Arabe upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan sa lahat ng kasamaan.
·Sunnah –Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta , ginawa, o sinangayunan.
Ang isa sa mga tunay na nakakaginhawang bagay hinggil sa Islam ay ang malaman na ang lahat ay nangyayari sa Kapahintulutan ni Allah. Walang isang dahon na bumagsak, o isang ibon na kumanta, walang isang sanggol na ipinanganak o isang gusali na itinayo nang walang kaalaman at pahintulot ni Allah. Si Allah ang lumikha ng sansinukob at nagpapanatili sa lahat ng buhay; Siya ay responsable para sa mabuti at masama (tulad ng nakikita natin), ang mga oras ng kahirapan at ang mga oras ng kagaanan. Nakakatuwa na malaman nang may katiyakan na ang ating pag-iral ay bahagi ng isang mahusay na maayos na mundo at ang buhay ay nailalahad ng kung ano ang dapat; ito ay isang konsepto na nagdudulot ng katahimikan at kapayapaan.
“At katiyakan, kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na nakakapangamba, gutom , kawalan ng yaman, buhay at mga pananim, subali't magbigay ng magandang balita para sa mga matiisin.” (Quran 2:155)
Ang mga Propeta ni Allah ay mga matutuwid na tao, na puno ng taqwa, ngunit sila din ay humarap sa mga pagsubok at kapighatian. Hinarap nila ang kanilang mga pagsubok nang may pagtitiis at pati pasasalamat at tayo ay natututo mula sa kanilang mga karanasan. Sila ay inusig ng kanilang sariling mga komunidad at nagdusa. Inanyayahan ni Propeta Noah ang kanyang mga tao patungo kay Allah, dumaan ang mga araw, mga taon sa loob ng 950 na taon, at araw-araw ay dinala niya ang kanilang mga pang-aalipusta at panunuya hanggang sa huli ay hindi na niya ito makayang dalhin at sinagip ni Allah si Noah at ang mga mananampalataya hindi lamang mula sa pagtaas ng baha kundi pati na rin sa kasamaan ng mga tao. Si Propeta Joseph ay inabandona ng kanyang mga kapatid na lalaki, itinapon sa isang balon, ibinenta sa pang-aalipin at gumugol ng maraming taon sa bilangguan. Tulad ni Noah, hindi niya pinahintulutan ang kanyang pananampalataya kay Allah na mag-alinlangan. Ang kanilang taqwa ang kanilang kalasag o sanggalang.
Bilang mga tao tayo ay nagdurusa sa mga pagsubok at kapighatian ng madalas sa anyo ng pagkakasakit, mga karamdaman at kondisyong medikal ngunit wala nang higit pa kaysa kay Propetang Job. Sa kabila ng lahat ng nawala sa kanya, pagkawala ng kayamanan, ari-arian, at pamilya, nanatili siyang mapagtiis at patuloy na umaasa kay Allah. Sa huli ang kalusugan ni Job ay kinuha mula sa kanya. Siya ay dinapuan ng isang sakit sa balat, at nasa sobrang kirot sa gabi at araw at tinalikuran ng lahat ng nakakakilala sa kanya maliban sa kanyang asawa, na mula sa awa ni Allah ay nanatili kay Job kahit na wala silang kapera-pera. Hindi kailan man sinisi ni Job si Allah, at ang kanyang kalusugan, kayamanan at pamilya ay ibinalik sa kanya. Ang isang buong kuwento ng kuwento ni Job ay matatagpuan dito.[1]
Ang pagsamba kay Allah nang buong pagsuko ay nangangailangan ng pagtitiis. Madaling sumamba sa loob ng ilang araw o ilang linggo, ngunit kailangan natin itong gawin ng tuloy-tuloy. Ang pagdarasal sa gabi ay nangangailangan ng pagtitiis, ang pag-aayuno ay nangangailangan ng pagtitiis, at ang pamumuhay na may mga kapighatian at pagsubok ay nangangailangan ng pagtitiis. Iyon ang dahilan kung bakit madalas marinig na si ganito at si ganyan ay may "pagtitiis ni Job". Si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ang kanyang sarili mismo ay nagdusa mula sa sakit. Ang kanyang minamahal na asawa na si Aisha ay nagsabi, "Wala akong nakita na kahit sino na naghirap ng sobra mula sa karamdaman na tulad ng Sugo ni Allah". Para sa isang mananampalataya, ang paghihirap ay maaaring maging isang pagpapala. Nalalaman ng isang mananampalataya na si Allah, sa Kanyang awa, ay aalisin ang ilan sa kanyang mga kasalanan kung mananatili siyang matiisin. Sa Sunnah makikita natin na sinabi ni Propeta Muhammad, "Walang Muslim ang napinsala dahil sa karamdaman o sa iba pang kahirapan, maliban na si Allah ay aalisin ang kanyang mga kasalanan para sa kanya tulad ng isang puno na naglaglag ng mga dahon”.[2]
Marami sa mga Sahabah ang malubhang inusig o pinatay pa pagkatapos maging Muslim. Ang tiyuhin ni Uthman ay binalot si Uthman ng isang banig ng dahon ng palma, at sinilaban ang ilalim niya. Nang nabalitaan ni Umm Mus'ab ang tungkol sa pagbabalik-loob ng kanyang anak sa Islam, tumanggi itong pakainin siya at pagkatapos ay pinalayas siya mula sa kanyang tahanan. Si Bilal ay pinagpapalo ng malubha ng kanyang amo nang malaman ng huli ang kanyang pagbabalik-loob sa Islam. Minsan ang isang lubid ay ipinalibot sa kanyang leeg at pinakaladkad siya sa mga kalalakihan sa kalye sa mga lansangan at pataas at pababa sa mga burol na nakapalibot sa Mecca. Minsan siya ay ginugutom, minsan ay ginagapos at pinapadapa sa napakainit na buhangin sa ilalim ng nakakadurog na pasan ang mabibigat na bato. Nakaligtas si Bilal at may karangalan na maging unang tao na tumawag sa mga Muslim sa pagdarasal; ang kanyang kuwento ay maaari ring basahin dito.[3]
Ang mga problema at kahirapan na minsan ay lumilitaw pagkatapos ng pagbabalik-loob sa Islam ay hindi isang sukatan ng karakter ng isang tao o sukatan ng kasiyahan o pagkasuklam ni Allah. Ang mga ito ay isang napakahalagang bahagi ng pagsubok sa tinatawag nating buhay ng mundong ito. Kailangan nating kayanin ang mga ito ng may pagtitiis at may lubos na pasasalamat na nalalaman ng husto na ang ating tunay na buhay ay hindi pa nagsisimula. Si Allah lamang ang nakakaalam ng kumpletong karunungan sa likod ng kung bakit ang magagandang bagay ay nangyayari sa masasamang tao, o kung bakit ang masasamang bagay ay nangyayari sa mabubuting tao. Sa pangkalahatan, ang anumang nagiging dahilan ng ating pagbabalik kay Allah ay mabuti at dapat tayong magtiis at maging mapagpasalamat. Sa mga panahon ng kagipitan, ang mga tao ay lumalapit kay Allah sapagkat Siya ang pinagmumulan ng lahat ng kaginhawaan at habag. Nais ni Allah na gantimpalaan tayo ng buhay na walang hanggan at kung ang sakit at pagdurusa ay maaaring magdala sa atin sa Paraiso, kung gayon ang mga pagsubok at kapighatian ay pagpapala. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Kung nais ni Allah na gumawa ng mabuti sa isang tao, pinapahirapan Niya ito ng mga pagsubok."[4]
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)