Payo sa Pag-aasawa (1 ng 2 bahagi)
Deskripsyon: Simple at tapat na mahahalagang payo sa pag-aasawa para sa mga bagong Muslim.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,467 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin:
·Upang maitala ang ilang mga bagay-bagay para sa isang bagong Muslim na mag-isip bago gawing seryoso ang tungkol sa kasal.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Istikharah prayer - ang pagdarasal para sa patnubay o gabay.
·InshaAllah – sa Kagustuhan ng Allah, kung nais ng Allah na mangyari. Ito ay isang paalala at pagkilala na walang mangyayari maliban sa kalooban na Allah.
Mga Unang Bagay na Dapat Malaman
Ang isa sa mga pinaka-kapaki-pakinabang na payo, sa opinyon ng may-akda, na ang isang bagong Muslim ay dapat na isabuhay ang Islam ng dahan-dahan. Ito ay isang kabuuang paraan ng pamumuhay na nangangailangan ng panahon na maisaayos. Maaari itong gumugol ng maraming taon na maiwanan ang maraming mga hindi Islamikong pag-uugali, ngunit ang pananatili sa Islam ay nagdadala ng kaligayahan sa buhay na ito at sa darating na panahon. Samakatuwid, bigyan ang iyong sarili ng panahon na umunlad bilang isang Muslim at isabuhay o gawin kung ano ang iyong natutunan.
Para sa isang bagong Muslim, ipinapayo ng may akda na maghintay ng hindi bababa sa isang taon, mas mabuti na higit pa, bago isipin ang tungkol sa pagpapakasal. Ang pagpapakasal ay isang malaking desisyon at ang isa ay dapat na binibigyan ang sarili na magkaroon ng sapat na panahon na umunlad bago gumawa ng naturang desisyon na magpapabago sa buhay. Marami sa ating mga pananaw ay magbabago pagkatapos na pumasok sa Islam. Ang pag-aasawa ay magbibigay ng direksyon sa iyong buhay at malalaman kung paano mo kikilalanin ang iyong sarili sa pagpapatuloy ng buhay. Kung ano ang maaari mong makita na katanggap-tanggap sa kasalukuyan, ay maaaring hindi katanggap-tanggap pagkaraan ng ilang mga taon ng pagiging isang Muslim. Sa halip na isipin kaagad ang pag-aasawa, gumugol ng ilang oras na hindi lamang para matuto, ngunit isabuhay ang Islam. Gusto mong pakasalan ang isang tao na may parehong dedikasyon at antas ng pagsunod sa Islam na kagaya mo. Ang antas na iyan ay magbabago sa pagdaan ng mga taon ng pagiging isang Muslim.
Kadalasan, ay natatagpuan ng isang bagong Muslim ang kanyang sarili na malungkot pagkatapos na tanggapin ang Islam, kaya ang pagpapakasal ng masyadong maaga upang maghanap ng makakasama ay karaniwang nagbubunga ng isang mabilis na diborsyo at kapaitan. Kadalasan ay nalilimutan ng mga tao na ang pag-aasawa ay nangangailangan ng pinansiyal at emosyonal na katatagan.
Pagkatapos itaguyod ang isang matatag na saligan para sa iyong bagong relihiyon, ay maaari mong matutunan ang mga detalye sa pag-aasawa sa Islam.
Maghanap ng isang Muslim na Makakasama sa Buhay
Ano ang layunin ng iyong pagkalikha? Ito ay upang sambahin ang Allah at upang mapalapit sa Kanya. Dahil dito, pumili ng isang makakasama na tutulong sa iyo na matupad ang layunin ng iyong pagkalikha. Huwag isantabi ang mga kadahilanan sa pagpili ng isang makakasama na tutulong sa iyo sa darating na buhay. Sa ganitong paraan, In-sha-Allah, ang iyong pagmamahal ay pagpapalain.
Isaalang-alang kung gaano kaseryoso ang iyong piniling makakasama na susubukang mapalapit sa Allah, at hindi lamang kung gaano kaganda o kaakit-akit ang kanyang panlabas na anyo. Kasabay nito, ay dapat tandaan na may ilang antas ng pisikal na kagandahan na kailangan sa pagpapakasal. Bukod pa rito, dahil sa sinisikap ng isang tao na maging mabuting Muslim ito ay hindi nangangahulugan na sila ay hindi na magkakasala o maging angkop sa pag-aasawa . Ang sapat na mga pagsisiyasat ay kailangan ding gawin.
Ang isang bagong Muslim na pumasok sa Islam na may maraming inaakalang mga paniniwala at mga ideya na huhubog sa kanilang pananaw kung paano nila mauunawaan ang mga bagay. Ang kultura sa Kanluran ay itinataguyod ang pag-aasawa bilang isang pangako sa isang tao pagkatapos na sumamang lumabas o makisama sa marami, kahit alam na ang isang iyon ang "tamang" tao. Ang konsepto ng Islam ay malaki ang pagkakaiba. Halimbawa, sa Islam kadalasan ay hindi "nahuhulog sa pagmamahal" bago ikasal, subali't pagkatapos ng kasal. Sa Islam, ang pag-aasawa ay hindi bunga ng romantikong pag-ibig lamang, na nagdadala ng matinding pagmamahal sa simula, na sinusundan ng pagkabigo pagkatapos. Sa Kanluran, kung gaano kabilis ang tao na "mahulog sa pagmamahal," sila ay "bumabagsak sa kawalan ng pagmamahal!" Sa Kanluran, iniisip ng mga tao na ang "tamis ng kanilang pulo't-gata" ay mananatili magpakailanman. Hindi ito nangyayari. Iyon ang dahilan kung bakit, ang mga tao ay patuloy na lumilipat mula sa isang kapareha tungo sa iba pa, sinusubukang mapanatili ang kagalakan.
Sa kabilang banda, ang Islam ay nagbibigay ng liwanag sa ating pag-iisip upang manatiling magkasama sa oras na matapos ang "tamis ng pulot-gata". Nagbibigay ito sa iyo ng mga alituntunin upang mapanatili ang isang mabuting pagsasama sa natitirang bahagi ng iyong buhay. Ang pag-ibig ay malinaw na bahagi ng isang pagpapakasal sa Islam, ngunit hindi katulad ng ipinapalabas sa mga pelikula at mga romantikong nobela ng kabataan. Hindi makatwirang sirain ang iyong buhay sa paghahanap ng romantikong pag-ibig na umiiral lamang sa mga pelikula at mga nobela.
Karaniwang Kahulugan sa Pag-aasawa
1. Ang Allah ay nagbabala sa atin,
“At huwag magpakasal sa mga babaeng hindi naniniwala hanggang sa sila ay maniwala... kahit na ikaw ay naaakit sa kanya. Ni ipakasal ang babaeng naniniwala sa mga hindi naniniwala hanggang sa sila ay maniwala... kahit na ikaw ay naaakit sa kanya. Ang mga hindi naniniwala ay nag-anyaya sa iyo patungo sa Apoy ... "(Qur'an 2: 221)
Ang taong iyong makakasama sa natitirang bahagi ng iyong buhay ay walang pag-aalinlangan na may malaking impluwensya sa iyo. Kaya dapat mong tiyakin na magkapareho ang inyong mga layunin sa buhay. Ang dapat na nangunguna sa mga layuning iyon ay ang paghahanap sa ikasisiya ng Allah. Kapag natagpuan mo na ang iyong ninanais na asawa, magtanong. Hindi dahil ang isang tao ay mukhang relihiyoso, ay hindi nangangahulugan na hindi siya naninigarilyo o palaging nagdarasal sa tamang oras. Katulad nito, kung ang isang babae ay mukhang relihiyoso ay hindi nangangahulugang na alam niya kung paano maging isang mabuting asawang Muslim at ina. Magtanong tungkol sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Huwag ipagwalang bahala ang kahit na anong bagay. Talakayin ang mga pananalapi, mga bata, mga kamag-anak, trabaho o pag-aaral pagkatapos ng kasal, paghahati ng mga gawaing-bahay, sa maikling salita, anumang bagay na mahalaga sa iyo. Makakatulong ito sa iyo na gumawa ng desisyon tungkol sa kung nais mong pakasalan ang taong iyon o hindi.
Ang pagtatanong tungkol sa tao bago magpakasal ay pinapayagan sa Islam. Ang nasabing desisyon ay magliligtas sa iyo mula sa maraming sakit at pagdurusa sa hinaharap. Bukod dito, ay mag-alay ng pagdarasal na Istikharah (ang panalangin para sa paghingi ng gabay). [1]
2. Huwag asahan ang malaking mga pagbabago sa isang tao pagkatapos ng kasal. Ang mga tao ay nagbabago sa paglakad ng panahon, at kadalasan ay hindi nila binabago kung ano ang inaasahan natin o kung ano ang nais nating baguhin nila. Halimbawa, kung ang isang tao ay may isang natatanging katauhan na tulad ng kawalang-sigla o pag-aaksaya, malamang na hindi ito kayang baguhin ng mabilis at madalian. Ang pag-aasawa ng may maling iniisip ay makasasama at mapanganib. Huwag punahin ang isang tao dahil sa kanilang mga pisikal na kakulangan sa hinaharap na mga panahon. Sisirain nito ang inyong pagsasama. Maging tapat sa iba at sa iyong sarili at tanggapin ang pananagutan sa iyong mga pinili. Ang unang pagpili ay magpapakita kung gaano kalaki ang pagsisikap na dapat mong gawin sa inyong parating na pagsasama upang maging daan sa isang masayang buhay may-asawa na magbibigay lugod sa inyong Nag-iisang Tagapaglikha.
Mahalaga ring mag-isip ng mabuti bago magdala ng bata sa buhay ng mag-asawa. Ang isang sanggol ay dapat dalhin sa isang malusog, matatag na pagsasama. Maraming tao ay nauuwi sa pagiging mga solong magulang, pagdadala sa mga bata sa isang hindi matatawag na pamilya kung saan walang ama o walang ina.
3. Ang dalawang tao na mabubuting Muslim ay hindi nangangahulugan na sila ay magiging isang mabuting mag-asawa. Mahalaga ang pagiging tugma. Mahalagang pumili ng isang asawa na ang pagtingin at pagsunod sa Islam ay katulad ng sa iyo. Bukod dito, ang relihiyon ay hindi lamang ang natatanging bagay upang maging tugma. Ang trabaho, patuloy na pag-aaral, pakikisalamuha, lungsod o bayan na tinitirhan, mga bata, at pananalapi ay kabilang din sa mga mahahalagang bagay.
4. Alamin kung ano ang iyong mga karapatan at mga tungkulin bilang isang asawang Muslim at tuparin ang mga ito sa abot ng iyong kakayahan.
5. Panghuli, kapaki-pakinabang para sa mga bagong yakap sa Islam na maghanap ng isang mabuting huwaran. Sundin ang taong huwaran sa kung ano ang kanilang ginagawa na naaayon sa Islam at hayaan ang iba.
Nakaraang Aralin: Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
Susunod na Aralin: Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (1 sa 2 bahagi)
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (2 sa 2 bahagi)
- Ang Pagbuo ng mga Mabubuting Gawi para sa mga Bagong Muslim
- Pagsulyap sa Buhay ni Propeta Noah
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (2 ng 2 bahagi)
- Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
- Payo sa Pag-aasawa (1 ng 2 bahagi)
- Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang
- Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa
- Ang Nagpapatibay sa isang Islamikong Pagsasama
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (1 ng 2 bahagi): Pagtitiis, Pasasalamat at Pagtitiwala
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (2 ng 2 bahagi): Pagtibayin ang ugnayan sa Allah
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Yusuf (Joseph)
- Ang Panalangin ng Patnubay
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Ayub
- Madaling Patnubay sa Zakah (1 ng 2 bahagi)
- Madaling Patnubay sa Zakah (2 ng 2 bahagi)
- Mga Sulyap sa Buhay ni Propeta Moses
- Dapat Ko bang Baguhin ang Aking Pangalan?
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Hesus
- Pagharap sa mga Pag-aalinlangan
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (1 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Makkah
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (2 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Madinah.
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (1 ng 2 bahagi)
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (2 ng 2 bahagi)
- Ang Mundo ng mga Jinn (Espiritu)
- Ang Mundo ng mga Jinn o Espiritu (2 ng 2 bahagi)