Ang Nagpapatibay sa isang Islamikong Pagsasama
Deskripsyon: Tinatalakay ng artikulo ang mahahalagang detalye ng isang Islamikong kasalan na dapat malaman ng bawat bagong Muslim bago magpakasal.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 81 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,774 (pang-araw-araw na average: 4)
Layunin:
·Upang malaman ang mga layunin ng pag-aasawa.
·Upang malaman ang kahulugan at tungkulin ng isang walee.
·Upang bigyang-halaga ang pamantayan sa pagpili ng isang asawa.
·Upang malaman ang mga panuntunan sa pakikipagkita sa isang hinahanap bago ikasal at ang panukala ng kasal.
·Upang maunawaan ang mga kondisyon sa bisa ng kontrata ng kasal sa Islam.
·Upang malaman ang tungkol sa dote (dowry) at ang pagdiriwang ng pag-iisang-diddib.
Mga Katawagan sa Arabik:
·Imaan - Pananampalataya, paniniwala at pananalig.
·Halal - pinahihintulutan o pinapayagan.
·Imam - ang tao na namumuno sa pagdarasal.
·Walee - Legal na tagapangalaga.
·Taqwa - Ang pitagan o takot sa Allah, paggalang sa Allah, pagkabatid sa Allah. Inilalarawan nito ang isang estado ng kamalayan sa Allah sa lahat ng ginagawa ng bawat isa.
·Idda - panahon ng paghihintay para sa isang balo o hiwalay.
·Istikharah prayer - ang panalangin sa paghingi ng gabay.
·Mahr - dote, regalo sa kasal, na ibinigay ng isang lalaki sa kanyang asawa.
·Waleemah - pagdiriwang pagkatapos ng kasal.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa saklaw ng pinag-aaralan subali't ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, kahit ano na iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o pinahintulutan.
Ang pag-aasawa ay isang magandang institusyon sa Islam. Ito ay isang pagbubuklod sa pag-iisa ng isang lalaki at ng isang babae para sa pang-habambuhay na layunin na mahalin ang isa't isa, pagtulong sa isa't isa, at sa pagpaparami at pagpapalaki ng mga anak upang maging mabubuting Muslim. Tunay na sa pamamagitan ng pagpapakasal sa isang Muslim na lalaki at babae ay pagsamba sa Allah. Sinabi ng Propeta ng Allah (SAW), "Kapag ang isang tao ay nag-asawa, pinangalagaan niya ang kalahati ng kanyang Imaan (pananampalataya), kaya't hayaan siyang magkaroon ng kamalayan sa Allah tungkol sa iba pang kalahati." (Tabarani)
Mga Layunin sa Pag-aasawa
1. Pagkakaroon ng mga supling at pagpapatuloy ng mga uri ng tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga anak sa isang natural na paraan.
2. Pagtamasa sa mga biyaya ng Allah, paghahanap ng makakasama, pagtupad sa sekswal na mga pangangailangan ng isang tao, at ang pagkuha sa kaligayahan sa isang halal (pinapayagan) na paraan.
3. Ang pagbaba ng paningin, pagsasanay sa pagpipigil sa sarili, pagpapanatili ng kahinhinan, at pagpapanatili sa sarili na lumayo mula sa kung ano ang ipinagbabawal.
Hinihikayat ng Propeta ng Allah (SAW) ang mga Muslim na mag-asawa. Sinabi niya, "Mga kabinataan, sinuman sa kanila ang may kakayahang magpakasal, hayaan siyang mag-asawa, sapagkat ito ay mas mahusay sa pagbaba ng tingin at pagbantay sa kalinisan ng kanyang puri. Ang sinuman na hindi kayang magpakasal, hayaan silang mag-ayuno, dahil ang pag-aayuno ay isang gawain ng pagpigil para sa kanya. "(Saheeh Al-Bukhari)
Kung ang isang tao ay hindi kayang magsanay na pigilan ang sarili at nag-aalala na makagawa ng isang bagay na ipinagbabawal, sa gayon ang pag-aasawa ay magiging obligado.
Ang Tagapangalaga sa Kasal (Walee)
Ang isang babaeng Muslim ay nangangailangan ng isang tagapag-alaga ng kasal, na kilala bilang isang walee, upang tulungan siya sa pag-proseso. Ang Muslim na ama ng isang babaeng o kapatid na lalaki ay magsisilbi bilang kanyang walee. Para sa isang bagong Muslim na walang kamag-anak na Muslim na lalaki, ang Imam ng moske ay dapat na magsisilbi bilang isang walee o maaaring siya magtakda ng isang tao upang maging kanyang walee at tulungan siya sa pag-aayos o pag-proseso.
Ang trabaho ng isang walee ay upang tulungan ang isang babae na makapag-asawa, makipag-usap sa mga inaasahang mga mangingibig, magtanong sa kanila tungkol sa kanilang mga intensyon, gumawa ng mga kinakailangang pagsisiyasat, at payuhan siya sa kanilang pagiging angkop. Ang walee ay naroroon upang makatulong at mapadali ang pagpapakasal ng babae sa isang nababagay na lalaki.
Pagpili ng isang Asawa
Ipinaliwanag ni Propeta Muhammad (SAW),
“Ang isang babae ay pakakasalan sa apat na kadahilanan: dahil sa kanyang kayamanan, ang kanyang marangal na pinagmulan, ang kanyang kagandahan, at ang kanyang relihiyon. Kaya, pakasalan ang isang taong may pananampalataya at ikaw ay bubuti. "(Saheeh Al-Bukhari)
Sa isa pang magandang hadith, sinabi niya, "Ang mundo ay isang pagdiriwang, at ang pinaka-mabuting kasiyahan sa mundong ito ay isang matuwid na asawa." (Saheeh Muslim)
Ang Propeta ay nagpayo na mag-asawa ng isang babae na may relihiyosong disposisyon o pananampalataya dahil tutulungan niya ang isang lalaki sa pang-araw-araw na buhay sa ikasisiya ng Allah at pananatilihin siyang ligtas mula sa paggawa ng mga makasalanang gawain.
Ano ang dapat hanapin sa isang asawang babae o maybahay:
·Pagiging Banal(Taqwa)
·Likas na mapagmahal
·Masunurin
·Matiisin
·Matiwasay
Ano ang dapat hanapin sa isang asawang lalaki:
·Pagiging Banal(Taqwa)
·Halal na kita upang suportahan ang kanyang pamilya.
·Pangunahing kaalaman sa Islam
·Kakayahang mag-isip nang maayos.
·Mapagpasensya, marunong kontrolin ang galit
·Pananagutan o Tungkulin
Pagtitipon bago ang Kasal
Ito ay pinahihintulutan para sa isang lalaking Muslim at isang babaeng Muslim na makipagkita sa isa't isa, na makita ang bawat isa, at makipag-usap sa isa't isa na may layuning magpakasal. May ilang mga ipinagbabawal na mahigpit na dapat sundin. Hindi sila dapat magkita nang nag-iisa. Hindi sila dapat makipagtipan. Ang kanilang pag-uusap ay hindi dapat mauwi sa sekswal na pag-uusap. Ang kanilang layunin ay dapat na ipahayag at ang kanilang pagtitipon ay dapat na may kasama. Ang dahilan nito ay upang makagawa sila ng tamang desisyon na hindi malalagay sa kompromiso ang mga limitasyon ng kahinhinan. Ang walee ay may malaking tungkulin sa pag-aayos ng mga pagpupulong na ito.
Sinabi ng Propeta (SAW),
“Kung ang isa sa inyo ay naramdaman sa kanyang puso na dapat siyang mag-alay ng plano sa pagpapakasal sa isang na tiyak babae, hayaan siyang tumingin sa kanya, sapagka't mas malamang na ito ay upang itaguyod ang pagkakapalagayang-loob sa pagitan nila. "(Musnad)
Pag-alok ng Kasal
Ang susunod na hakbang para sa isang lalaki na naghahanap ng isang angkop o tamang babae, ay ang mag-alok. Sa Islam, ang pag-aalok ng kasal ay isang simpleng pangako na magpakasal. Ang pagsira sa pangakong iyon nang walang mabuting dahilan ay kawalan ng katapatan.
Kung ang babae ay isang balo o diniborsyo, dapat hintayin ng lalaki ang kanyang idda (panahon ng paghihintay) na matapos. Ang Idda ay ipaliliwanag nang mas detalyado sa susunod na aralin. Hindi rin pinapayagan na mag-alok sa isang babae na inalok na ng ibang lalaki at ang kanyang alok ay tinanggap na.
Panalangin para sa Patnubay (Istikhara) at ang Paghingi ng Payo
Tinuruan tayo ni Propeta Muhammad (SAW) na magdasal ng isang natatanging panalangin na kilala bilang panalangin ng Istikharah o ang panalangin para sa Patnubay. Ito ay inaalay kapag kailangang magsagawa ng mahalagang desisyon o gumawa ng isang pagpipilian sa isang komplikadong sitwasyon. Ang pagdarasal ng Istikharah ay binubuo ng dalawang yunit ng panalangin na may natatanging paghiling na ginawa pagkatapos. Sa loob nito, ang isang tao ay humihiling sa Allah para sa pinaka-mabuting dapat gawin [1]. Bilang karagdagan sa panalanging ito, ang isa ay dapat ding humingi ng payo sa mga pinagkakatiwalaan niya.
Kontrata ng Kasal
Sa Islam, ang kasal ay isang kontrata sa pagitan ng dalawang partido. Ang apat na pangunahing mga kondisyon para sa kontrata ng kasal na maging tanggap ay:
1.Pahintulot ng walee ng babae (tagapangalaga ng kasal)
2.Kasunduan ng babae
3.Dalawang lalaki, mga saksing Muslim
4.Ang alok na magpakasal at ang pagtanggap
Ang Karapatan ng Babaeng Ikakasal sa dote (Mahr)
Sa Islam, ang asawang babae ay may karapatan sa asawa na siya ay bigyan ng isang dote, na kilala bilang "mahr" sa Arabik. Ano ang mahr? Ito ay isang regalo ng isang asawang lalaki na dapat ibigay ng kanyang asawa sa oras ng kasal ayon sa kanyang kagustuhan na walang anumang bagay na inaasahang kapalit. Ang mahr ay karapatan ng isang babae sa kanyang asawa na magiging kanyang pag-aari. Walang pinaka-maliit o pinaka-malaking limitasyon para sa mahr. Mas makabubuti na panatilihin itong abot-kaya upang gawing madali ang pag-aasawa. Ang mahr ay maaaring anumang bagay na pinagkasunduan ng dalawang partido. Maaari itong maging isang palatandaan lamang o isang bahay at kotse, o higit pa. Ipinahayag ng Propeta na kahit na isang singsing na bakal ay sapat na kung ito ay tatanggapin ng babae o pagtuturo sa kanya ng ilang mga kabanata ng Quran.
Ang Kapistahan ng Kasalan (Waleemah)
Ang bagong mag-asawa ay lubos na hinihikayat na magbigay ng isang tradisyonal na kapistahan ng kasal na tinatawag na "Waleemah" sa Arabik. Ang kapistahan ay isang itinatag na Sunnah ni Propeta Muhammad (SAW). Nang ang isa sa kanyang mga kasamahan, na si Abdur-Rahman bin Auf ay nagpakasal, sinabi sa kanya ng Propeta, "Mag-alay ng isang kapistahan para ipagdiwang ang kasal, kahit na ito ay binubuo lamang ng hindi hihigit sa isang tupa." [2] Nang pinakasalan ng Propeta si Safiyya, siya ay nagbigay ng piging ng kasalan pagkatapos ng tatlong araw. [3]
Sino ang inaanyayahan sa pagdiriwang ng waleemah? Ang asawa ay hindi dapat kilalanin ang pagitan ng mayaman at mahirap. Sinabi ng Propeta ng Allah (SAW), "Ang pinakamasamang pagkain sa pista ng kasalan ay kung saan ang mga mayayaman lamang ang inanyayahan at ang mga mahihirap ay iniwasan. At sinumang hindi tumugon sa imbitasyon ay sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo. "(Saheeh Al-Bukhari)
Pinagkunan:
[1] Para sa karagdagang detalye tungkol sa Istikharah, mangyaring bisitahin ang: http://www.newmuslims.com/lessons/163/
[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[3] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
Nakaraang Aralin: Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa
Susunod na Aralin: Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (1 sa 2 bahagi)
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (2 sa 2 bahagi)
- Ang Pagbuo ng mga Mabubuting Gawi para sa mga Bagong Muslim
- Pagsulyap sa Buhay ni Propeta Noah
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (2 ng 2 bahagi)
- Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
- Payo sa Pag-aasawa (1 ng 2 bahagi)
- Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang
- Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa
- Ang Nagpapatibay sa isang Islamikong Pagsasama
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (1 ng 2 bahagi): Pagtitiis, Pasasalamat at Pagtitiwala
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (2 ng 2 bahagi): Pagtibayin ang ugnayan sa Allah
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Yusuf (Joseph)
- Ang Panalangin ng Patnubay
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Ayub
- Madaling Patnubay sa Zakah (1 ng 2 bahagi)
- Madaling Patnubay sa Zakah (2 ng 2 bahagi)
- Mga Sulyap sa Buhay ni Propeta Moses
- Dapat Ko bang Baguhin ang Aking Pangalan?
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Hesus
- Pagharap sa mga Pag-aalinlangan
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (1 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Makkah
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (2 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Madinah.
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (1 ng 2 bahagi)
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (2 ng 2 bahagi)
- Ang Mundo ng mga Jinn (Espiritu)
- Ang Mundo ng mga Jinn o Espiritu (2 ng 2 bahagi)