Naglo-load...

Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa

Marka:

Deskripsyon: Ang mga karapatan ng mag-asawa sa isa't-isa ay tatalakayin batay sa Quran at mga katuruan ni Propeta Muhammad (SAW).

Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 98 - Nag-email: 1 - Nakakita: 18,613 (pang-araw-araw na average: 8)


Layunin:

·Upang malaman ang mga karapatan ng mga asawang lalaki.

·Upang malaman ang mga karapatan ng mga asawang babae.

·Upang matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa tamang pakikipagtalik sa pagitan ng mag-asawa.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Mahr - dote (dowry), regalo sa kasal, na ibinigay nang isang lalaki sa kanyang asawang babae.

·Ramadan - Ang ika-siyam na buwan sa islamikong kalendaryo. Ito ang buwan kung kailan itinalaga ang obligadong pag-aayuno.

RightsResponsibilitiesHusba.jpgMalinaw na ipinahayag ng Islam ang mga karapatan at pananagutan ng isang asawang lalaki sa kanyang asawang babae at ng isang asawang babae sa kanyang asawang lalaki. Ang ideya na ang mag-asawa ay may mga karapatan sa isa't-isa ay medyo kakaiba sa Islam. Ang pinaka-kahanga-hanga ay kung gaano kalinaw na ipinahahayag ang mga ito, kaya ang mga hindi pagkakaunawaan ay maaaring mabawasan. Ang mga tagapayo sa kasal ay tinawag itong mga dapat “asahan," ngunit walang malinaw na palagay kung ano ang mga dapat na asahan. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga ito ay iniwan sa mga mag-asawa na magpasya. Maraming mga beses na hindi nila kayang magpasya o sumang-ayon, kaya nagtatapos ang pagsasama.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pinakamahalagang karapatan at responsibilidad ng mga asawang lalaki at mga asawang babae. Ang ilang mga bagay ay dapat tandaan bago basahin ang mga ito:

1. Ang Allah ang nagbigay ng mga karapatang ito at mga pananagutan.

2. Tulad ng isang asawang lalaki na may karapatan sa kanyang asawang babae, ganoon din naman ang asawang babae ay may karapatan sa kanyang asawang lalaki. Pareho silang dapat na magsikap na tuparin ang mga karapatan ng bawat isa sa abot ng kanilang makakaya at patawarin ang bawat isa hangga't maaari kung sila ay magkulang.

3. Ang mag-asawa ay dapat na maging mahinahon na may paggalang sa mga karapatan at mga pananagutang ito. Hindi nila dapat ipaalala ang isa sa kanilang mga karapatan sa panahon ng galit at pag-aaway upang magdagdag ng mas malaking kaguluhan. Sa madaling sabi, huwag gamitin ang iyong mga karapatan bilang kasangkapan sa pang-aabuso.

4. Maraming mga bagong Muslim ang nagbabasa ng mga website na dalubhasa sa mga Islamikong legal na batas at mga libro tungkol sa Islamikong batas bilang mga gabay sa mas mahusay na pamumuhay. Ang mga mapagkukunang ito ay karaniwang naglalaman ng kasulatan ng batas, hindi kinakailangan ang "diwa" ng batas. Ang "diwa" ng batas ay upang mabuhay sa kapayapaan at pagkakaisa nang hindi sumusuway sa Allah. Laging tandaan na ang pagmamahal, kahinahunan, at awa ay mga mahalagang bahagi ng isang masaya, ng Islamikong pagsasama.

Mga Karapatan ng Asawang Babae sa kanyang Asawa

Pinagkalooban ng Islam ang isang asawang babae ng mga karapatan sa kanyang asawang Muslim. Ang ilan sa kanila ay pinansyal, ang iba ay hindi.

1. Mahr

Ang isang babae ay may pinansyal na karapatan upang makatanggap ng mahr, o regalo sa kasal, mula sa kanyang asawa.

2. Magandang Pakikitungo

Ang Qur'an ay nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa maayos na pakikitungo sa kanyang asawang babae. "... At mabuhay kasama nila sa kabutihan..." (Quran 4:19). Bilang karagdagan sa Qur'an, ay binigyang-diin din ng Propeta ng Allah (SAW) na, 'Ang pinakamabuti sa inyo ay siya na pinakamabuti sa kanyang asawang babae.' (Tirmidhi)

Dapat tandaan ng isang lalaking Muslim ang payo ng ating minamahal na Propeta, "Matakot sa Allah tungkol sa mga kababaihan. Binigay sila sa iyo bilang isang pagtitiwala mula sa Allah at sa pamamagitan ng salita ng Allah sila ay naging legal para sa iyo. "(Muslim) Ang isang asawang babae ay isang pagtitiwala, kahit na ang isang alipin, o ang isang aso at dapat ay tratuhin ng maayos

3. Sustentong Pinansyal

Ang asawang babae ay may karapatan sa sustentong pinansyal, kabilang ang pagkain, pananamit, at tirahan ayon sa kung ano ang kayang ibigay ng asawang lalaki. Responsibilidad ng asawang lalaki na magtrabaho at itaguyod ang kanyang asawang babae.

4. Proteksyon

Dapat protektahan ng asawang lalaki ang kanyang asawang babae kabilang na dito ang pisikal at emosyonal na kaayusan.

1. Pagsunod

Sa Islam, ang isang asawang babae ay kinakailangang sundin ang kanyang asawa sa mga bagay na hindi sangkot ang pagsuway sa Allah. Ang konseptong ito ay ganap na hindi kilala ng maraming mga taga-Kanluran, kaya't unawain itong mabuti. Sa Kanluran, tinawag nila itong 'pagpigil' at kung minsan ay 'emosyonal na pang-aabuso'. Alinman sa mga ito ay hindi. Ang ilang mahalagang bagay ay dapat na isaalang-alang.

Una, ang isang asawang babae ay dapat sumunod sa kanyang asawa bilang pagsunod sa Allah. Sinabi ng Propeta, 'Kung ang isang babae ay nagsasagawa ng kanyang limang pang-araw-araw na panalangin, nag-aayuno sa buwan ng Ramadan, binabantayan ang kalinisan ng kanyang puri at sumusunod sa kanyang asawa, sasabihin sa kanya sa Araw ng Paghuhukom, "Pumasok ka sa anumang pintuan ng Paraiso na iyong nais. "'(Ibn Hibban)

Ikalawa, ang asawang babae na sumusunod sa kanyang asawa ay hindi tulad ng isang alipin na sumusunod sa panginoon! Siya ay isang malayang babae, hindi isang alipin. Ang ibig sabihin nito na ang kanyang asawa ay hindi maaaring abusuhin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang asawa at kumilos bilang isang punong malupit. Dapat niyang alalahanin na siya ay tagapaglingkod ng Allah at tatanungin kung paano niya pinakitunguhan ang kanyang asawa.

Ikatlo, ang isang asawang lalaki ay dapat magsagawa ng mga gawain sa kanyang pamilya na may pagkonsulta sa kanyang asawa, ngunit sa huli, siya ang magpapasya at siya ang may pananagutan sa harap ng Allah sa kanyang desisyon. Ang isang asawang babae ay hindi dapat tumutol sa kanyang kapangyarihan na gumawa ng desisyon at kilalanin tulad ng bawat kumpanya na may isang CEO, ang "pamilya" ay tulad ng isang kumpanya at ang asawang lalaki ay ang CEO nito. Tandaan na dapat timbangin ng asawang lalaki ang kanyang kapangyarihan na may mabuting pakikitungo, at iyon ang karapatan ng asawang babae sa kanya.

2. Pangangalaga sa Karangalan at Dignidad ng Asawang Lalaki

Dapat niyang pangalagaan ang kanyang kayamanan at mga anak, bukod sa iba pang mga bagay, sa kanyang tahanan. Sinabi ng Propeta Muhammad (SAW), "Ang asawang babae ang tagapangalaga sa tahanan ng kanyang asawa at ng kanyang mga anak." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim) Kinakailangan niyang palakihin ang kanyang mga anak sa Islamikong kaugalian.

3. Hindi Pag-alis sa Tahanan ng Walang Pahintulot ng Asawa

Sinabi ng Propeta, "Kung ang asawa ng sinuman sa inyo ay dapat humingi ng pahintulot na pumunta sa moske, huwag siyang pigilan." (Muslim) Hindi ito nangangahulugan na kailangan niyang hingin ang kanyang pahintulot bawat oras bago siya umalis ng bahay, magsabi, "Maaari ba akong umalis?" Ang ibig sabihin nito ay hindi siya dapat pumunta sa isang lugar na hindi niya pinapayagan. Mapipigilan nito ang hindi pagkakaintindihan at mapanatili ang kaligayahan sa pamilya. Ang moske ay hindi kasama. Maaari siyang pumunta sa moske nang walang pahintulot at pagsang-ayon ng kanyang asawa.

4. Hindi Pinapayagan ang Sinuman na Pumasok sa Kanyang Tahanan nang wala ang Kanyang Pahintulot

Sinabi ng Propeta, "At ang iyong karapatan sa kanila ay ang hindi nila payagan ang sinuman na ayaw mong umupo sa inyong upuan." [1] Muli, ang ibig sabihin nito ay huwag hayaan sa tahanan ang sinuman na hindi sinasang-ayunan ng asawang lalaki upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at mapanatili ang pagkakaisa.

5. Pagtatago ng mga Lihim sa loob ng Silid-tulugan

Hindi dapat sabihin o ikwento ng asawa sa mga kaibigan at kapamilya ang tungkol sa kanilang pagtatalik. Ito ay itinuturing na hindi tama, malaswa, at kahiya-hiya. Pareho nilang dapat igalang ang pagkapribado ng bawat isa sa bagay na ito.

Ang pagtatalik ay isang karapatan ng mag-asawa para sa isa't-isa. Ang bawat asawa ay may karapatan sa pakikipagtalik. Ang pagtatalik gamit ang harapang maselang bahagi ay ipinagbabawal sa panahon ng pagdating ng buwanang dalaw ng isang babae at pagdurugo pagkatapos ng panganganak. Ang pagtatalik gamit ang likurang maselang bahagi (anal) ay mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng oras.


Pinagkunan:

[1] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5