Naglo-load...

Pagsulyap sa Buhay ni Propeta Noah

Marka:

Deskripsyon: Mga pangyayari mula sa talambuhay ni Propeta Noah.

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 88 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,655 (pang-araw-araw na average: 4)


Layunin:

·Upang suriin ang ilang mga kaganapan at matutunan ang mahalagang mga aral na naaangkop sa kasalukuyan.

Mga Katawagan sa Arabik:

·Nuh – Ang pangalan sa Arabik ni Propeta Noah.

Ang pangalang Noah ay pamilyar sa lahat ng tatlong monoteistikong (relihiyon na naniniwala sa Nag-iisang Diyos) pananampalataya na laganap sa mundo ngayon, ang Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Sa Islam ang kasaysayan ni Propeta Noah at ang baha ay katulad ng sa kung ano ang matatagpuan sa Bibliya, gayunpaman ang Quran ay may mas malawak na detalye. Kapag isinama ito sa mga kasaysayan na sinabi sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad, makakabuo tayo ng isang mas mahusay na larawan ng buhay ni Propeta Noah at matutunan ang ilang mahahalagang mga aral na angkop sa kasalukuyan dahil ang mga ito ay naganap noong nakalipas na panahon.

Si Propeta Nuh ay nanirahan sa kapanahunan na halos kapareho sa ating panahon. Ang kasalanan at kawalan ng batas ay tila nangingibabaw sa mga tao. Ang mga matuwid na tao ay tila kakaunti at ang mga sumusunod sa relihiyon ng kanilang ninuno na si Adan ay mahina at madalas na inaapi o pinahihirapan. Ito ay halos katulad ng mundo na tinitirhan natin sa kasalukuyan kung saan ang mga taong nagpahayag ng paniniwala sa Nag-iisang Diyos ay madalas na kinukutya at minamaliit at ang paggawa ng kasalanan ay iniisip na katuwaan.

Si Noah ay may kaakit-akit na pananalita at nabighani ang mga tao sa mga kwento tungkol sa paglikha at mga hiwaga ng daigdig, subalit nang sinubukan niya na bigyang babala ang kanyang mga tao sa isang paparating na kakila-kilabot na kaparusahan sila ay nagalit at naghinanakit. Sila ang unang mga tao na lumihis mula sa tunay na relihiyon at nang magbigay ng babala si Noah sa kanila sa kaparusahan ng Allah, ang kanyang mga salita ay hindi pinakinggan. Sa kabila ng panlilibak at pangungutya ay nagpatuloy si Noah sa loob ng 950 taon na nanawagan sa kanyang mga tao pabalik sa pagsamba sa Nag-iisang Tunay na Diyos.

Aralin 1

Kailanman ay huwag susuko.

Huwag kailanman iwanan o ilayo ang iyong sarili mula sa iyong pamilya o mga kaibigan dahil sa hindi nila paniniwala, dahil ang Allah lamang ang nakakaalam kung kailan ang iyong mga salita o mga gawa ay maaaring makapagbukas ng pinto na magdadala sa kanila tungo sa landas ng kaligtasan.

Alam nating lahat ang kuwento ng baha. Isinalaysay ito halos sa bawat sinaunang sibilisasyon at tulad ng nabanggit na, ang bahagi nito ay binubuo ng mga relihiyon ng Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Inatasan ng Allah si Noah na bumuo ng isang arka (barko) at ibinigay ang hatol sa mga hindi naniniwala sa anyo ng isang baha. Ito ay isang kasaysayan na madalas na iniisip na isang pambatang kwento, ngunit ang salaysay na ito ay may patong-patong na kahulugan at ito ay may kaugnayan sa mga nasa tamang gulang. Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi:

“At buuin ang barko sa ilalim ng Aming pagmamasid at sa Aming Inspirasyon at huwag Akong tawagin sa ngalan ng mga nagkasala; sila ay tiyak na malulunod. "(Quran11: 37)

Nang ang tubig ay nagsimulang mahulog mula sa kalangitan at bumulwak mula sa lupa, dahil ito ay hindi ordinaryong bagyo, inutusan ng Allah si Noah na pumasok sa arka (barko) kasama ang kanyang pamilya, mga mananampalataya at isang pares ng bawat hayop, ibon o insekto. Ang mga hindi naniniwala ay nanonood ng hindi kapani-paniwala, patuloy na nanlilibak at nangungutya, ngunit ang mga salita ay bumara sa kanilang mga lalamunan nang ang tubig ay nagsimulang tumaas, at tumaas, at tumaas.

Aralin 2

Walang kapangyarihan at lakas maliban sa Allah. Siya ang Pinakamakapangyarihan. Kapag iniatas Niya ang isang bagay, walang makakapigil dito.

Habang ang makamundong kapangyarihan, lakas o paggalang ay tila nagbubunga, ang katotohanan na tayo ay mahina at nangangailangan; gaano kaliit na kapangyarihan mayroon tayo sa ating mundo at ang ating mga gawain ay maglalaho sa paghahalintulad sa kapangyarihan at pagka-Panginoon ng Allah.

Ang asawa ni Noah ay hindi sumama sa kanya sa arko, sapagkat hindi siya kailanman naniwala sa mensahe na kanyang ipinangangaral sa mahabang panahon. Hindi rin ang kanyang panganay na anak na lalaki, isang sumasamba sa idolo na mas ginustong umakyat sa pinakamataas na bundok na kanyang nakikita, ngunit ang tubig ay patuloy na tumataas at lumalaki. Nakita ni Propeta Noah ang kanyang anak na lalaki na inanod ng mga alon ng tubig at sumigaw sa kanya na sumakay sa arko. Ngunit tumanggi ang kanyang anak, at siya ay nalunod.

“At tinawag ni Noah ang kanyang anak, na inihiwalay ang kanyang sarili (palayo), 'O aking anak! Sumakay kayo kasama namin at huwag sumama sa mga hindi naniniwala. 'Sumagot ang kanyang anak,' Ako ay magtutungo sa isang bundok; ito ay magliligtas sa akin mula sa tubig. "Sinabi ni Noah: 'Ngayon ay walang kanlungan mula sa utos ng Allah, maliban sa mga pagkakalooban Niya ng awa.' At isang alon ang dumating sa pagitan nila kaya siya (ang anak) ay kabilang sa mga nalunod. "(Qur'an 11: 42-43)

Ang mga halimbawa ng pakikipag-ugnayan ni Nuh sa kanyang anak na sumasamba sa mga Diyus-diyusan at di-naniniwalang asawa ay nagpapatunay sa mga nakaraang aral at nagdaragdag ikatlong aral.

Aralin 3

Pinili natin kung ano ang nais nating paniwalaan at kung paano natin nais na kumilos.

Kahit na walang alinlangan na tayo ay ipinanganak na may likas na pangangailangan upang makipag-ugnayan sa Allah, ang ating espirituwal na pagkakakilanlan ay hindi magkakaroon ng katapusan. Lahat tayo ay darating sa edad na kung saan maaari nating piliin ang ating paniniwalaan, anumang relihiyon kung saan tayo ipinanganak. Sa oras na pumili, tayo ngayon ay mabubuhay kasama ng magiging bunga ng desisyon na iyon.

Sa kanyang higaan (kung saan siya binawian ng buhay) ay tinawag ni Noah ang kanyang natitirang mga anak sa kanyang tabi at sila ay pinayuhan.

‘Sa katunayan ay bibigyan ko kayo ng masidhing payo. Inuutusan ko kayo na maniwala na walang ibang tunay na Diyos maliban sa Allah (Nag-iisang Panginoon) at na kung ang pitong kalangitan at pitong kalupaan ay inilagay sa isang bahagi ng timbangan at ang mga salitang "walang tunay na diyos maliban sa Allah" ay inilagay sa kabila, ang huli ay malalagpasan ang bigat ng dati. Binabalaan ko kayo laban sa mga pagtatambal sa Allah at laban sa pagmamataas. "[1]

Ang karamihan sa mga nasasakupan ni Noah ay tumanggi sa kanyang mensahe, ngunit ang mensahe na ito ay nanatili sa mga puso at isipan ng mga Muslim hanggang sa kasalukuyan. Ang nakaaaliw na mga salita, at ang mga pag-asa ng kaligtasan na ipinahayag ni Noah sa kanyang mga anak habang nasa kanyang higaan (kung saan siya binawian ng buhay), nanatili ang bahagi ng paniniwala sa isang Muslim at pinagtibay ang kanyang saloobin sa Allah. Si Propeta Muhammad, mapasakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi rin sa atin na gumawa ang Allah ng isang kasunduan sa mga mananampalataya: Na kung wala tayong ibang Diyos na sasambahin maliban sa Allah, sa gayon ay hindi Niya ipagkakait sa atin ang Paraiso. [2]



Pinagkunan:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Hinango mula sa pangwakas na talata ng kasaysayan ni Noah, kung saan maaari mo ring basahin ang kanyang kasaysayan nang mas malalim.(http://www.islamreligion.com/articles/1199/viewall/)

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagsulyap sa Buhay ni Propeta Noah

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5