Naglo-load...

Ang Panalangin ng Patnubay

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling paliwanag sa pagdarasal ng Istikharah, kabilang ang dahilan kung bakit ang pagsasagawa ay isang inirerekomendang gawain.

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 107 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,932 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin

·Upang maunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng panalangin ng Istikharah.

·Upang malaman kung kailan at kung paano isagawa ang panalangin ng Istikhara.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa saklaw na pinag-aaralan subali't ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, kahit ano ang naiulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o pinahintulutan.

·Du’a - pagsusumamo, pagdarasal, paghiling sa Allah ng isang bagay.

·Hajj - isang paglalakbay sa Makkah kung saan ang mga manlalakbay o peregrino ay nagsasagawa ng itinakdang mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na kung saan ang bawat isang Muslim na nasa tamang edad ay obligadong magsagawa isang beses sa kanilang buhay kung sila ay may kakayahang pinansyal at pisikal.

·Tasleem – Ang pagbati ng kapayapaan sa pagtatapos ng panalangin.

·Halal - pinahihintulutan o pinapayagan.

Ano ang Istikharah?

Istikhara.jpgAng Istikharah ay isang panalangin na ginagawa kasabay ng hindi obligadong pagdarasal; ito ay isang kusang-loob na panalangin na itinagubilin ni Propeta Muhammad (SAW) sa sinumang nagnanais na gawin ang isang bagay ngunit nag-aalinlangan tungkol sa paggawa nito. Ito ay ang paghahanap ng patnubay upang makagawa ng tamang desisyon. Iniulat na si Propeta Muhammad (SAW) ay nagtuturo sa kanyang mga kasamahan ng pagsasagawa ng Istikharah tulad ng pagtuturo niya sa kanila ng mga talata mula sa Quran. Ang isang tao ay dapat magdasal ng dalawang yunit ng hindi obligadong panalanagin at pagkatapos ay bigkasin ang du'a (panalangin) ng Istikharah.

Du'a ng Istikharah

Allahumma innee astakheeru-ka bi-’ilmik wa astaqdiru-ka bi-qudratik wa as-alu-ka min fadlikal-‘azeem fa-inna-ka taqdiru wa laa aqdir wa ta’lamu wa laa a’lam wa Anta ‘Allamul-ghuyoob. Allahumma in kunta ta’lamu anna hadhal-amr khairul-lee fee deenee wa ma’aashee wa ‘aaqibati amree faqdur-hu lee wa yassir-hu lee thumma baarik lee feeh. wa in kunta ta’lamu anna hadhal-amra sharrul-lee fee deenee wa ma’aashee wa ‘aaqibati amree fasrifhu ‘annee wasrifnee ‘anh waqdur liyal-khayra haythu kaan thumma ardhinee bih.

O Allah, hinihiling ko sa Iyo na ipakita sa akin kung ano ang pinakamabuti, sa pamamagitan ng Iyong kaalaman, at hinihiling ko na pagkalooban Mo ako ng kapangyarihan, sa pamamagitan ng Iyong kapangyarihan, at ako ay nagsusumamo sa Iyo na pagkalooban ako ng Iyong napakalaking tulong, sapagkat mayroon kang kapangyarihan, samantalang ako ay walang kapangyarihan , at mayroon kang kaalaman, samantalang ako ay walang kaalaman, at Ikaw ang Nag-iisang nakakaalam ng lahat ng mga bagay na hindi nakikita.

O Allah, kung alam Ninyo na ang bagay na ito (ang bagay na nabanggit na nangangailangan ng kapasyahan) ay makabubuti para sa akin, sa aking relihiyon at sa aking buhay at para sa aking kabutihan sa darating na buhay, kung gayon ito ay ibigay at gawing madali para sa akin, at pagkatapos ay pagpalain ako sa bagay na ito.

At kung alam Mo na ang bagay na ito ay makakasama para sa akin, sa aking relihiyon at sa aking buhay at para sa aking kabutihan sa darating na buhay, kung gayon ay ilayo ito mula sa akin, at ilayo ako mula rito, at ibigay sa akin kung anuman ang makabubuti, at tulungan akong maging kuntento dito. "

Kailan bibigkasin ang Panalangin (du'a) ng Istikharah

Pinapayagang bigkasin ang du'a ng Istikharah maging bago o pagkatapos ng tasleem. Ang ilang mga iskolar ay inirerekomenda na bago, dahil mismong si Propeta Muhammad (SAW) ay laging nagsasagawa ng maraming panalangin o du'a bago mag tasleem.

Kailan Mananalangin ng Istikharah

Sumasang-ayon ang mga Iskolar ng Islam na ang Istikharah ay iminumungkahi kapag ang isang tao ay hindi alam ang tamang desisyon na gagawin. Kung ang isa ay hindi sigurado kung tama o hindi na ang kanyang gagawing mga pagkilos ay magdadala ng mabuti dito sa mundo at sa kabilang buhay. Kung ang isang tao ay nag-aalala, hindi alam kung "ito" ang tamang bagay na gawin, kung sa gayon, ang Istikharah ay ang panalangin o du'a na magbibigay ng kapanatagan sa kanyang isip. Ito ang du'a na kumikilala sa Allah bilang tanging mapagkukunan ng lakas at tanging makapangyarihan sa mundong ito. Ang Kanyang patnubay ay kinakailangan upang matiyak na ang mga tao ay sumusunod sa tuwid at tamang landas na maghahatid sa kanya sa walang hanggang kaligayahan. Halimbawa, kung nais ng isang tao na malaman ang tamang panahon sa paggawa ng isang bagay, tulad ng kung gagawin o hindi ang boluntaryong paglalakbay o Hajj sa taong ito, o mag-alok ng kasal sa isang natatanging tao, sa gayon ito ay katanggap-tanggap at inirerekomenda na siya ay magdasal ng Istikharah . Intindihing mabuti na ang Istikharah ay para sa alinmang mga bagay na itinuturing na pinapayagan o inirerekomenda. Ito ay para sa mga sitwasyon kung saan mayroong hindi pagkakaintindihan. Dapat ba akong magbigay ng kawanggawa dito o sa iba? Dapat ba akong pumasok sa pinapayagan o halal na trabaho o sa iba? Ang isa ay dapat na manalangin ng Istikharah tungkol sa mga bagay na iniisip niya na magiging mas mabuti at pagkatapos ay tumuloy sa paggawa nito.

Ang Istikharah ay hindi pinapanalangin para sa mga bagay na itinuturing na obligadong gawaing pagsamba, o para sa paglayo sa mga kasalanan at mga masasamang gawain.

Itinatagubilin na bago manalangin ng Istikharah, ay sumangguni sa isang tao na kilala mong tapat, mapagmahal at may karanasan, at kung sino ang mapagkakatiwalaan tungkol sa kanyang pangrelihiyong dedikasyon at kaalaman.

Mga karaniwang Pagkakamali

·Paniniwala na may nakatakdang bilang kung kailan dapat gawin ang panalangin ng Istikhara.

Walang itinakdang oras sa pagdarasal ng Istikharah at ito ay pinahihintulutan na ulitin ng higit sa isang beses.

·Paniniwala ng Pangangailangan sa isang panaginip.

Ang ilang mga tao ay naniniwala na pagkatapos manalangin ng Istikharah ay dapat silang makaranas ng isang panaginip o makaramdam ng kaginhawahan. Ito ay hindi tama. Kahit na wala ang ganoong bagay, kapag ang isang tao ay gumawa ng desisyon ito ay may dapat na asahan, dahil sa taos-pusong panalangin (du'a) ng Istikharah, ito ay magiging pinaka-mabuting desisyon.

·Naniniwala na ang du'a ay hindi sinasagot.

Kung ang isang tao ay hindi magtagumpay sa isang desisyon na ginawa niya pagkatapos ng pagdarasal ng Istikharah, hindi ito nangangahulugan na ang du'a ay hindi ibinigay kung ano ang pinaka-makakabuti. Kadalasan sa kalagayang ito ay alam ng Allah kung ano ang pinaka-makakabuti samantalang tayong tao ay hindi. Kung uunawain natin ang mga salita ng du'a ay ating mapapansin na hindi lamang tayo humihiling sa Allah sa kung ano ang pinaka-mabuti kundi humihiling din tayo sa Kanya na alisin mula sa atin, ang mga bagay na hindi magbibigay ng pakinabang sa atin, maging sa buhay na ito o sa hinaharap .

Pagkatapos manalangin ng Istikharah, at ang mga bagay ay ginawang madali ng Allah para sa iyo, kung gayon ang bagay na ito ay isang tanda na ang iyong napagpasyahan ay makabubuti para sa iyo at kung ang mga hadlang ay dumating sa daanan at ang mga bagay ay naging mahirap, kung gayon ito ay isang pahiwatig na inilalayo ka ng Allah mula sa isang masamang desisyon.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Panalangin ng Patnubay

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5