Naglo-load...

Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Yusuf (Joseph)

Marka:

Deskripsyon: Mga pangyayari mula sa buhay ni Propeta Yusuf na nagtuturo sa atin ng mga mahahalagang aral na angkop sa kasalukuyan tulad ng sa buhay ni Yusuf.

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 102 - Nag-email: 0 - Nakakita: 12,943 (pang-araw-araw na average: 5)


Layunin:

·Upang suriin ang ilang mga pangyayari sa buhay ni Propeta Yusuf at talakayin ang mga ito kaugnay sa kung anong payo ang maaari nating gawin at gamitin sa ating mga sariling pamumuhay bilang mga Muslim sa ika-21 siglo.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Yusuf - ang pangalan sa Arabik ni Propeta Joseph.

·Yaqub – ang pangalan sa Arabik ni Propeta Jacob.

·Surah – kabanata sa Qur'an.

·Sabr - pagtitiis at ito ay nagmula sa salitang ugat na ang kahulugan ay huminto, pigilan, o magtimpi.

·Sabr Jameel – magandang pagtitiis.

·Fitnah - isang salitang Arabik na mahirap isalin sa wikang Ingles. Ito ay nangangahulugan ng isang panahon ng pagsubok o kapighatian, tumutukoy sa isang pangyayari na pumipigil sa isang tao mula sa pagsamba sa Allah ng tama, o nagiging sanhi ng mga gawaing pagsuway o kawalan ng paniniwala.

Ipinaliliwanag ng Quran ang konsepto ng Allah, ipinaliwanag nito nang detalyado kung ano ang pinahihintulutan at kung ano ang ipinagbabawal, ipinaliliwanag nito ang mga pangunahing kaalaman sa mga mabuting kaugalian at mga asal, at nagbibigay ng mga kapasyahan tungkol sa pagsamba. Inilalarawan nito ang Paraiso at Impiyerno at nagsasabi ng mga kasaysayan tungkol sa mga Propeta at ang ating mga matuwid na sinaunang tao. Ang mga kasaysayan sa Qur'an ay karaniwang nakasaad sa maliliit na mga bahagi at inihayag sa ilang mga kabanata; ang kasaysayan ni Propeta Yusuf ay isinalaysay sa isang kabanata mula sa umpisa hanggang katapusan. Bagama't nabanggit si Propeta Yusuf sa maraming mga lugar sa buong Qur'an, ang isang kabanata na ito, ang kabanata 12 ay ang kanyang kumpletong kasaysayan at karanasan.

Ang diwa ng Kabanata Yusuf o Surah Yusuf ay pagtitiis, sabr sa panahon ng kahirapan. Ang sabr ay nangangahulugan ng pagtanggap sa mga bagay na hindi natin hawak, isang bagay na natutunan ni Propeta Yusuf mula sa pinakamurang edad. Sa panahon ng kahirapan at pag-aalala, ang pagkakaroon ng kakayahan na sumuko sa kalooban ng Allah ay isang lunas na hindi masusukat. Naranasan ni Yusuf ang mga kahirapan, nguni't hindi nya tinangap na maging sagabal at hinayaang makaapekto sa buhay Niya. Nagsumikap siya na masiyahan ang Allah sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Sinabi sa atin ng kilalang iskolar ng Islam na si Ibnul Qayyim na ang kahulugan ng sabr ay ang pagkakaroon ng kakayahan na pigilan ang ating mga sarili mula sa kawalan ng pag-asa. Nakuha rin niya ang 1000 mga aralin mula sa Surah Yusuf.

Gayunman sa artikulong ito ay susulyapan natin ang buhay ni Propeta Yusuf at susuriin lamang ang tatlong mga mahahalagang aralin.

Aralin 1

Ang Allah lamang ang may kontrol sa lahat ng mga bagay.

Noong kanyang kabataan si Propeta Yusuf ay inihagis sa isang balon ng kanyang mga kapatid na naiinggit sa kanya, at sa kalaunan ay napulot ng isang mangangalakal at pagkatapos ay ibinenta upang maging alipin. Para sa isang mas detalyadong kwento tungkol sa buhay ni Propeta Yusuf, mangyaring bisitahin ang:

http://www.islamreligion.com/articles/1790/viewall/

Ang kanyang mga matatandang kapatid na lalaki ay naiinggit sa pagiging malapit ni Yusuf sa kanyang matandang ama, kaya kinumbinsi nila ang kanilang ama na pahintulutan si Yusuf na samahan sila sa pagkakasiyahan at mga paglalaro, nguni't ang kanilang intensyon ay upang patayin siya. Gayunpaman, ang isa sa kanila ay naramdaman na mali ang kanilang gagawing paraan at iminungkahi na sa halip na patayin si Yusuf, ay mas makabubuting itapon na lamang siya sa isang balon. Kung matatagpuan ng ilang dumadaan na naglalakbay siya ay maibebenta bilang isang alipin, kaya siya ay magsisilbing isa ng patay sa pamilya. Naniniwala rin sila, sa kanilang pagkabulag ( walang makitang maganda dahil sa paninibugho), na ang pagkawala ni Yusuf ay makapag-aalis sa kanya sa isipan ng kanilang ama.

Ang Allah ay may ibang mga plano, kaya habang binabati ng magkakapatid ang kanilang mga sarili, ay pinanatili Niya (Allah) si Yusuf sa lupain ng Ehipto upang turuan siya ng kaalaman at pang-unawa. Ang sakit at pagdurusa na nadama ni Yusuf sa pagkawalay sa kanyang ama at takot na maibenta sa pagkaalipin ay mga pagsubok na itinalaga upang hubugin ang kanyang pagkatao. Ito ang mga unang hakbang sa landas ng kadakilaan at itinalaga siya bilang isang Propeta ng Allah. Ang mga sabwatan at mga plano ng kanyang mga taksil na kapatid ay hindi makatwiran.

Aralin 2

Ang (sabr)tunay na pagtitiis ay isang susi sa mga Pintuan ng Paraiso.

Nang bumalik ang mga kapatid ni Yusuf sa kanilang ama at sinabi sa kanya na si Yusuf ay kinuha ng isang lobo, ang puso ni Yaqud (Jacob) ay napuno ng sakit at takot. Alam niya na ang kanyang mga anak ay nagsisinungaling nguni't wala siyang pagpipilian kungdi ang harapin ang takot na may lubos na pagsuko sa Allah. Lumapit siya sa Allah nang may pag-asa at pagtitiis. Ang ganitong uri ng pagtitiis ay ang tinatawag sa Islam na sabr jameel - magandang pagtitiis (sabr)

“Hindi, subalit ang inyong mga sarili ay gumawa ng isang kasinungalingan. Kaya (para sa akin) ang pagtitiis ay pinaka-karapat-dapat. At ang Allah (lamang) ang maaaring hingan ng tulong laban sa kung ano ang inyong iginigiit. "(Quran 12:18)

Sa loob ng maraming mga taon hanggang sa makitang muli ni Yaqub ang kanyang minamahal na anak na lalaki na si Yusuf, ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Sa isang pagkakataon nang ang kanyang mga anak ay nagtanong kung siya ay mananangis habambuhay, siya ay tumugon na sa Allah lamang siya dumadaing ng kanyang pighati at kalungkutan, at na alam niya, dahil sa kanyang ganap na pagtitiwala sa Allah, sa mga bagay na hindi nila nalalaman.

Aralin 3

Ang kumpletong pagtitiwala sa Allah ay dapat patuloy na isinasagawa, sa lahat ng mga sitwasyon, mabuti, masama, madali, o mahirap.

Kung tanggapin natin na tayo ay hindi hihigit sa mga alipin ng Allah, inilagay sa mundong ito, upang masubukan, sinusubok at tinutukso, ang buhay ay maaaring magkaroon ng ganap na bagong kahulugan. Parehong kinikilala ni Yusuf at ng kanyang ama na si Yaqub na tanging pagtitiwala sa Diyos ang nag-iisang bagay sa kanilang buhay na maaari nilang lubos na asahan.

Sa panahon ng kanyang pagtigil sa tahanan ng isa sa mga pinaka-mataas na Ministro ng Ehipto, si Yusuf ay napilitang sanggahin o paglabanan ang mga sekswal na pang-aakit ng babaeng asawa ng kanyang tagapag-alaga/amo. Si Yusuf ay humingi ng tulong sa Allah. Kanyang sinabi,

“O aking Nag-iisang Panginoon! Ang bilangguan ay mas gugustuhin kopa kaysa sa kanilang ginagawang pang-aakit sa akin. Maliban na lamang kung aalisin Mo ang kanilang masamang balak sa akin. Nararamdaman ko na yuyukod ako sa kanila at magiging isa sa mga gumagawa ng kasalanan at nararapat na sisihin o mga taong gumagawa ng mga gawain ng mga mangmang. "(Quran 12:33)

Naniniwala si Yusuf na ang pagtigil sa bilangguan ay mas mainam kaysa sa pamumuhay sa isang kapaligiran na puno ng karangyaan, kasakiman at pang-aakit. Hindi niya nais na mapasailalim sa kasamaan o fitnah, na laganap din sa ating sa ika-21 siglong pamumuhay. Sinagot ng Allah ang kanyang panalangin at iniligtas siya sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanya na ipadala sa bilangguan. Ang kakayahan ni Yusuf na manatili sa pagtitiis, pagtitiyaga at manatiling malayo mula sa kasalanan ay nagdala sa kanya sa tiyak na tagumpay.

Aralin 4

Pagpapatawad sa iba.

Itinuro sa atin ni Propeta Yusuf na maging maluwag sa pakikitungo at maging mapagpatawad sa iba at huwag mawalan ng pag-asa sa habag at pagpapatawad ng Allah. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng mga kapatid, sila ay pinatawad ni Propeta Yusuf. Nang ipinakilala ni Yusuf ang kanyang tunay na pagkatao sa kanyang mga kapatid, siya ay maingat na nagsalita sa kanila sa paraang malalaman nila na sila ay pinatawad na niya sa kanilang malupit na pakikitungo.

Kanyang sinabi: "Hindi ka makakarinig ng mga paninisi sa araw na ito, nawa'y patawarin ka ng Allah, at Siya ang Pinakamaawain sa mga taong nagpapakita ng awa!" (Qur'an 12:92)

Gayundin si Propeta Yaqub ay nagpakita ng kamangha-manghang pagpipigil at pagpapatawad.

Kanilang sinabi, "O aming ama, ihingi kami ng kapatawaran sa aming mga kasalanan; tunay, na kami ay naging mga makasalanan. "Sinabi niya:" Hihilingin ko sa aking Panginoon ang pagpapatawad para sa inyo, tunay na Siya lamang! Tanging Siya ang Mapagpatawad, ang Pinakamaawain. "(Quran 12: 97-98)

Sa ibang banda ay pinuri ng Qur'an ang katangian ng pagpipigil sa galit at pagpapatawad sa mga tao:

“...at kung sino ang magpigil ng kanilang galit at patawarin ang mga tao, tunay, na minamahal ng Allah ang mga matuwid. "(Qur'an 3: 134)

Para sa isang mas detalyadong salaysay tungkol sa buhay ni Propeta Yusuf, mangyaring bisitahin ang:

http://www.islamreligion.com/articles/1790/viewall/

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Yusuf (Joseph)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5