Naglo-load...

Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Ayub

Marka:

Deskripsyon: Ang mga pangyayari mula sa buhay ni Propeta Ayub ay nagtuturo sa atin ng mahahalagang aral na naaangkop sa kasalukuyan dahil ang mga ito ay nangyari sa panahon ni Ayub.

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 81 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,466 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang suriin ang ilang mga pangyayari sa buhay ni Propeta Ayub at talakayin ang mga ito kaugnay sa kung anong payo ang maaari nating tanggapin at gawin sa ating mga sariling buhay bilang mga Muslim sa ika-21 siglo.

Mga Katawagan sa Arabik:

·Ayub - ang pangalan sa Arabik ni Job.

·Sabr - pagtitiis at ito ay nagmula sa salitang ugat na ang kahulugan ay huminto, pigilan, o magtimpi.

·Shaytan - minsan ito ay nakasulat na Shaitan or Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at wikang Arabik upang tukuyin ang diyablo o Satanas, ang pagbibigay ng katauhan sa kasamaan.

·Jinn - isang nilalang ng Allah na nilikha bago ang tao mula sa walang usok na apoy. Ang mga ito ay dating tinutukoy na mga nilalang na espiritu, mga banshee (isang espiritu ng babae na ang pag-ungol ay nagbababala ng isang paparating na kamatayan sa isang tahanan) , mga guni-guni, engkanto at iba pa.

GlimpsesLivesProphets5.jpgAng buhay ng lahat ng mga Propeta ng Allah ay puno ng mga aral. Ang ilang mga aral ay angkop sa kasalukuyan tulad sa panahon kung saan sila nakaranas. Dumating ang mga Propeta na may dalang mga aral na dapat matutunan at maunawaan, mga mensahe, at mga batas. Kung minsan ang mga batas ay binago upang magbigay ng isang partikular na panahon at lugar ngunit ang pangunahing mensahe na kanilang dinala ay pareho. Inutusan nila ang kanilang mga tao na sambahin lamang ang Nag-iisang Diyos, at huwag mag-ugnay ng anumang bagay o sinuman sa pagsamba sa Kanya. Ang kasaysayan ng buhay ng mga Propeta ay nagbigay-diin sa pangunahing katuruan o paniniwala sa Islam na ang Diyos ay Iisa.

Ang kasaysayan ni Propeta Ayub ay bahagyang kakaiba mula sa mga iba na ating kilala. Sa pamamagitan ng kanyang kasaysayan, ay makikita natin ang pakikibaka ng sangkatauhan sa isang higit na pansariling kakayahan. Hindi sinasabi sa atin ng Allah ang tungkol sa mga paraan ng pangangaral ni Ayub (Job) o kung ano ang reaksyon ng kanyang mga tao sa kanyang mga babala at paalala. Hindi sinasabi sa atin ng Allah ang tungkol sa naging kapalaran ng mga tao ni Ayub. Sa halip, ay sinasabi Niya sa atin ang pagtitiis o sabr ni Ayub. Pinuri Niya (ang Makapangyarihan sa lahat) si Ayub (Job) sa pagsasabing, "Katotohanan! Natagpuan namin siyang matiisin. Isang napakabuting alipin! Tunay, na siya ay laging bumabalik sa Amin upang magsisi! "(Qur'an 38:44)

Aralin 1

Upang maging Matiisin (sabr)

Sa puntong ito marahil ikaw ay nag-iisip na ang lahat ng mga Propeta na ating tinalakay hanggang sa ngayon sa hanay na ito ng mga aralin ay nagpakita ng pagtitiis (sabr) at tiyak na ikaw ay tama. Ito ay isa mga pinaka-mahalagang aralin upang matuto at magsanay. Subali't ang Allah, ang Pinaka-Matalino ay ginamit ang kasaysayan ni Propeta Ayub upang tingnan ang ibang mga bagay na maaaring nakaligtaan sa pag-aaral ng mga Propeta ng Allah at ang kanilang pagtitiis. Ang kasaysayan ni Ayub ay isang pagtitiis, walang duda tungkol dito, gayunpaman hindi ito pagtitiis sa mga minuto, mga oras o kahit na mga araw. Si Propeta Ayub ay nagtiis sa maraming mga taon, walang pahinga. Ang mga iskolar ay nagkakaiba tungkol sa kung ilang mga taon nguni't tila pito ang pinaka-mababang bilang ng mga taon. Dinala ni Propeta Ayub ang lahat ng mga paghihirap ng may pagtitiis. Upang higit na matutunan ang tungkol sa paghihirap at hindi malilimutang pagtitiis ni Propeta Ayub, mangyari lamang na bisitahin ang:

http://www.islamreligion.com/articles/2721/

Aralin 2

Ang atin bang katapatan at pagsamba sa Allah ay nakasalalay sa Kanyang mga pagpapala sa atin?

Ang kaligayahan at mga kapighatian ay mga pagsubok mula sa Allah. Nahaharap tayo sa mga pagsubok at nakakaranas tayo ng mga tagumpay. Kung naaalala natin ang Allah sa mga panahon ng ating tagumpay, sasamba pa rin tayo nang may katapatan kapag nahaharap tayo sa kawalan o pagdurusa. Ito ang nais ng Shaytan na malaman,nang kanyang imungkahi sa Allah na alisin ang mga biyayang yaman ni Ayub, kalusugan at pamilya. Si Ayub ay nakatuon sa pang-araw-araw na panalangin at madalas na pasalamatan ang Allah para sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa kanya ngunit naniniwala ang Shaytan na si Ayub ay tatalikod mula sa kanyang Nag-iisang Panginoon kapag siya ay nakaranas ng matinding pagdurusa, sakit at pagkabalisa. Alam ng Allah na ang kanyang tapat na alipin ay hindi tatalikod sa kanyang pananampalataya kaya pinahintulutan Niya ang Shaytan na pahirapan si Ayub sa pagbibigay ng mga sunod-sunod na kalamidad.

Ginawang napakalinaw ng Allah na ang mga anak at kayamanan ay mga palamuti lamang ng maikling buhay na ito at susubukan Niya tayo sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa kanila.

Ang kayamanan at mga anak ay ang mga atraksyon sa makamundong buhay na ito, ngunit ang pangmatagalang mabuting mga gawa ay may mas mabuting gantimpala mula sa iyong Nag-iisang Panginoon at nagbibigay ng mas mabuting dahilan ng pag-asa. (Qur'an 18:46)

Maaari niyang kunin ang kagandahan ng buhay mula sa atin na kasingdali ng pagbibigay Niya ng mga ito sa atin, kaya't hindi tayo dapat na umasa sa makamundong buhay na ito, o makaramdam ng kaligtasan. Sa kasaysayan ni Ayub, itinuturo sa atin ng Allah na ang mga makamundong kayamanan sa huli ay walang halaga; kaya huwag pahintulutan ang mga kagandahan ng materyal na buhay na ito na manirahan sa iyong puso o maging bulag sa kung ano ang mahalaga. Huwag bigyan ng halaga ang materyal na bagay at isantabi ang iyong pagsamba at paggalang sa iyong Nag-iisang Tagapaglikha.

Aralin 3

Walang mangyayari kung hindi Kalooban ng Allah.

Ginamit ng Allah ang buhay ni Propeta Ayub upang turuan ang Shaytan ng isang aral. Ito ay isang aral na mapagkukunan rin natin ng pakinabang. Ang aral na tanging ang Allah ang tagapamahala ng lahat ng bagay o pangyayari. Ang mga tao, Jinn o Shaytan ay maaaring magplano, o gumawa lamang ng mga plano, ngunit wala sa kanila ang maaaring magtagumpay nang walang pahintulot ng Allah. Kung babasahin mo ng buo ang kasaysayang ni Propeta Ayub iyong mapapansin na alam ito ng Shaytan at humingi ng pahintulot upang subukan si Propeta Ayub.

Naunawaan ni Propeta Ayub na anuman ang mga kalamidad na dumating sa kanya, nangyayari ang mga ito sa pahintulot ng Allah. Siya rin ay may kumpletong pagtitiwala sa Habag ng Allah sa pagkakaalam na kung nagmamahal at nagtitiwala siya sa Allah kahit na mas marami pa ang panahon ng kapighatian siya ay magkakamit ng hindi masukat na gantimpala.

“Katotohanan! Ang pighati ay sumakop sa akin at Ikaw ang Pinakamaawain sa lahat ng mga nagpapakita ng awa. "Kaya tumugon kami sa kanyang panawagan, at inalis namin ang kanyang pighati, at ibinalik namin sa kanya ang kanyang pamilya (na nawala sa kanya), at kasama ng mga ito ay ang awa mula sa aming mga Sarili at isang Paalala para sa lahat ng sumasamba sa Amin. (Quran 21: 83-84)

Ang kasaysayan ni Ayub at ang mga aral na maaari nating makamit, na ito ay magsisilbing isang tapat na paalala para sa ating lahat. Kung tayo ay dumadaing at tumatangis tungkol sa mga maliliit na bagay na nagpapagalit sa atin at ang isang maliit na burol na maging isang bundok ng kawalan ng pag-asa, dapat nating isipin ang matibay na pananalig at pagtitiwala na ipinakita ni Propeta Ayub. Paglalaruan ng Shaytan ang ating isipan, damdamin at kahinaan ngunit ang ating kanlungan ay tanging ang Allah lamang, na gagantimpalaan tayo sa ating pagtitiis at pagtityaga. Kahit na alam natin na ang ating tunay na gantimpala ay nasa Kabilang Buhay, ay ginagawa ng Allah kung ano ang Kanyang naisin at maaari rin tayong gantimpalaan sa mundong ito.

Ang mga tradisyon ni Propeta Muhammad (SAW) ay naglalaman ng isang karagdagang kasaysayan ni Propeta Ayub. "Minsan habang si Ayub ay naliligo sa isang hubad na kalagayan biglang may isang malaking bilang ng mga balang na ginto na nagsimulang bumagsak sa kanya at sinimulan niyang tipunin ang mga ito sa kanyang mga damit. Tinawag siya ng kanyang Nag-iisang Panginoon, 'O Ayub! Hindi ba Ako nagbigay sa iyo ng sapat na kayamanan upang ipamahagi na lamang kung ano ang iyong nakikita? Sinabi ni Ayub, 'Oo, O aking Nag-iisang Panginoon! Ngunit hindi ko maipagwawalang bahala ang Iyong mga Biyaya'"[1]

Bagama't ang Allah ay nagbigay ng hindi mabilang na mga pagpapala kay Propeta Ayub, hindi niya ipinagsawalang-bahala o isinantabi ang anumang mga biyaya dahil alam niya na maaaring dumating ang isang panahon kung kailan ang Allah sa mga kadahilanang Siya lamang ang nakakaalam ay maaaring pigilin ang kanyang mga pagpapala.

Walang sinuman sa atin ang may kakayahan na iwasan ang mga pagpapala ng ating Nag-iisang Panginoon, o ang isantabi ang mga ito, kaya dapat nating tandaan na ginagawa ng Allah kung ano ang Kanyang naisin at ibinibigay lamang sa atin kung ano ang tanging makabubuti para sa atin.


Pinagkunan:

[1] Saheeh Al-Bukhari

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Ayub

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5