Naglo-load...

Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (2 ng 2 bahagi)

Marka:

Deskripsyon: Isang dalawang bahagi ng aralin ay nagpapaliwanag sa pananaw ng Islam sa tatlong laganap na kasamaan: mga droga, alkohol, at pagsusugal. Ikalawang Bahagi 2: Ang kapasyahan o batas ng Islam sa iba't ibang uri ng pagsusugal na laganap sa modernong lipunan kasama ang gabay mula sa Quran at kaugalian ng Propeta o Sunnah upang makaiwas mula sa mga bisyong ito.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 112 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,717 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Kilalanin ang laganap na mga uri ng pagsusugal sa modernong lipunan.

·Alamin ang kapasyahan ng Islam sa pagsusugal at mga uri nito.

·Alamin ang anim na mga pamamaraan upang harapin ang mga bisyo ng alak, droga, at pagsusugal.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Du’a - pagsusumamo, pagdarasal, paghiling sa Allah ng isang bagay.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa bagay na pinag-aaralan subali't ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, kahit na anong iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o pinahintulutan.

Pagsusugal

Ang pagsusugal ay nagpapahina sa matapat na gawain at hinihikayat ang kasakiman, materyalismo at kawalan ng kasiyahan. Hinihikayat nito ang "mabilis na pagyaman" ang pag-iisip na walang ingat na pamumuhunan mula sa biyayang ibinigay ng Allah.

“Ang pagkagumon sa pagsusugal" ay isang kinikilalang problema sa kalusugan ng pag-iisip! [1] Ang pagtaya sa mga laro, pagbili ng mga tiket sa lotto, paglalaro ng poker, mga makinang hinuhulugan ng pera (slot machine), o roleta ay ilan lamang sa mga aktibidad kung saan nakikibahagi ang mga masugid na manlalaro. Habang ang marami ay mas gustong magsugal sa isang casino, ang bilang ng pagkagumon sa online na pagsusugal ay lumalaki.

Ipinagbabawal sa Islam ang pagsusugal. Ang pagbabawal ay batay sa Quran at Sunnah ng Propeta. Sa Quran, mababasa natin:

"O kayo na naniniwala, ang mga nakalalasing, pagsusugal, [pagsasakripisyo sa] mga bato at ang mga (panghuhula sa pamamagitan) ng mga sibat ay ang mga gawaing kasuklam-suklam at gawain ni Satanas, umiwas mula sa ganitong (kasuklam-suklam), upang ikaw ay maging matagumpay. Ang plano ni Satanas ay (walang iba) kungdi ang buhayin ang pagkapoot at galit sa pagitan ng iyong sarili gamit ang mga inuming nakalalasing at pagsusugal at upang ilayo ka mula sa pag-alala sa Allah, at mula sa pagsamba. Kaya hindi ka ba magpipigil? (Quran 5: 90-91)

Ang Sugo ng Allah (SAW) ay nagbigay-diin sa pagbabawal ng pagsusugal sa isang hangganan na kahit na ang pagsasaalang-alang na makilahok sa pagsusugal ay itinuturing na pagkakasala. Sinabi ng Sugo ng Allah (SAW) na: "Ang sinumang nagsabi sa iba: 'halina tayo ay magsugal' ay dapat magbigay sa kawanggawa (bilang isang uri ng kabayaran para sa pagtangkang pagsusugal)." (Saheeh Al-Bukhari)

Maaari nating sabihin na ang pagsusugal ay isang gawain kung saan ang mga manlalaro ay boluntaryong naglilipat ng pera o isang bagay na may halaga mula kanilang mga sarili, ngunit ang transaksyong ito ay may kondisyon na ang kalalabasan ay isang pangyayari sa hinaharap na hindi sigurado.

Sa katunayan, may dalawang pangunahing bumubuo ng pagsusugal:

1) Ang unang uri ng pagsusugal ay kung walang partido na obligadong magbayad ng anumang halaga para dito; sa halip, ang pagbabayad ng bawat partido ay nakasalalay sa isang hindi tiyak na kaganapan sa hinaharap. Sa kasong ito, ang magsusugal ay hindi itinaya ang kanyang pera sa simula, sa halip ang pera ay inilalagay sa pagtaya sa pamamagitan ng pangakong magbabayad pagkatapos.

Halimbawa, kung ang A at B ay lumahok sa karera o paligsahan, na may pangako na ang natalo ay magbabayad sa nagwagi ng $ 100. Sa halimbawang ito, walang katiyakan ng pagbabayad mula sa isang partido; sa halip ang pagbabayad ay nakasalalay mula sa magkabilang panig ng mananalo at matatalo.

Kasama rin sa uri nito ang pagtaya na nagaganap sa karera ng mga kabayo at iba't ibang palaro. Halimbawa, sinabi ng A sa B na kung ang koponan X ay manalo sa labanan, babayaran kita ng $ 100, ngunit kung ang koponan X ay matatalo, kailangan mo akong bayaran ng $ 100.

2) Ang pangalawang uri ng pagsusugal ay kung saan ang pagbabayad ay tiyak mula sa isang panig, at hindi tiyak mula sa iba. Ang isang tao na magbabayad sa isang bagay ay tunay na itinaya ang kanyang kayamanan, na maaaring magdala ng mas maraming kayamanan o maaaring mawala ito ng tuluyan. Ito na marahil ang pinaka-laganap na uri ng pagsusugal at may maraming iba't ibang mga anyo.

Kasama rin ang iba't ibang uri ng mga loterya (lottery), ripa (raffle), at swipstik (sweepstake), kung saan dapat magbayad ang isang tao upang maisama sa bolahan, kahit na ang pagbabayad na ito ay sa pamamagitan ng mga bayad sa pagpasok, pagbili ng mga tiket o anumang iba pang uri. Ang dahilan dito ay ang kabuuang halaga ng naipon na salapi ay ipamamahagi sa mga pangalan na lumabas sa bolahan bilang mga premyo ng mga nanalo, kung saan malinaw na pagsusugal. Kung ang pangalan ng isang tao ay hindi lumabas sa bolahan, ang isa ay mawawalan ng kayamanan nang walang anumang bagay na kapalit.

Planong Paggamot

1.Tamang Pagpapalaki

Ang isang mabuting pamilya ay nagbibigay ng katatagan na kailangan ng mga bata at kapag itinanim ang pagmamahal at takot sa Allah sa kanilang mga anak, ito ay magiging isang matibay na sandata laban sa mga sumusunod na pagnanasa. Ang pinaka-epektibong paraan na magagawa ng isang magulang ay ang magbigay ng magagandang mga halimbawa sa kanilang mga anak. Hindi lamang mga salita, ngunit kailangan din ang paggawa mula sa mga magulang.

2.Magsisi at Humingi ng Kapatawaran

Ang isang mananampalataya ay kaagad na humihingi ng kapatawaran pagkatapos makagawa ng isang kasalanan at nakakaramdam nang kahihiyan dahil sa pagsuway sa Allah. Samakatuwid, ang sinumang Muslim na kasangkot sa pagkalulong sa droga, pagkagumon sa alak, o pagsusugal, ay dapat malaman na nandiyan lamang ang Allah upang tulungan siya at patawarin siya sa kanyang mga kasalanan. Siya ay dapat magbalik sa Allah na may isang nagsisising puso. Ang Propeta ng Allah (SAW) ay nagsabi, "Ang isang tao na nagsisisi mula sa kasalanan ay tulad ng isang hindi nakagawa ng anumang kasalanan." (Ibn Majah)

Gayunpaman, ang pagsisisi ay dapat na ganap na taos-puso. Ang isang tao ay dapat na makaramdam ng hiya at pagkakasala dahil sa paggawa ng kasalanan. Dapat din siyang magpasya na iwasan ang kasalanan sa hinaharap. Dapat siyang magbago upang mabayaran ang nasabing kasalanan.

3.Panatilihin ang Mabuting Kasamahan

Ang pagkakaroon ng mabuting mga kasamahan ay bahagi ng paggamot gayundin ng pag-iwas. Kung wala ito, ang paggamot ay hindi kumpleto. Ang isang tao ay dapat gumawa ng bawat pagsusumikap upang makabuo ng mga magandang ugnayan. Ang napapalibutan ng mga mabuti, o mga banal na tao ay hindi matatawaran. Kapag ang isang tao ay pinagkaitan ng tapat na mga kaibigan, walang sinuman ang magpapa-alala o magpapayo sa kanya kung siya ay nakakaramdam ng kalungkutan o pag-iisa. Maraming tao ang nahuhulog sa mga bisyo ng droga, alkohol, at pagsusugal sa pamamagitan ng pagkakalantad sa mga masamang kaibigan o kasama. Manirahan malapit sa moske at magpalipas ng oras sa loob nito, palitan ang mga kapit-bahay, lumipat sa labas ng lungsod, gawin ang anumang kinakailangan.

4.Okupahin ang Iyong Oras

Kapag ang isang tao na may libreng oras ay nabigong gamitin ito sa pagsunod sa Allah, malamang na gagamitin niya ito sa pagsuway sa Allah. Karamihan sa mga nalulong ay dumadaing ng pagka-inip! Ang libreng oras ay dapat makita at magamit bilang isang pagkakataon upang masiyahan ang Allah at makamit ang Kanyang gantimpala sa Kabilang Buhay. Sinabi ng Propeta "May dalawang mga pagpapala kung saan maraming mga tao ang pinagkaitan: ang kalusugan at libreng oras." (Saheeh Al-Bukhari)

Gamitin ang iyong oras upang mag-aral ng Quran, pag-aaral ng wikang Arabik, pag-aralan ang tungkol sa Islam, pagkatapos ay ibahagi ito. Gamitin ang iyong libreng oras upang bumuo ng mga kasanayan, kumuha ng pagsasanay para sa isang trabaho, o edukasyon.

5.Kumonsulta sa isang Tanggapan ng Rehabilitasyon (Rehab Center)

Pumunta sa isang programa ng rehabilitasyon at hingin ang lahat ng tulong na kinakailangan mo.

6.Panalangin (Du'a)

Ang panalangin o Du'a mismo ay isang epektibong panglunas. Sa du'a ang isa ay nagsusumamo sa Pinaka-Makapangyarihan na kung saan ang Kanyang lahat ng kautusan ay nangyayari. Kapag isinama ng isang tao ang panalangin sa iba pang mga pagsisikap, ang Allah ay tiyak na tumutulong at nangangalaga sa Kanyang mga tagapaglingkod.


Pinagkunan:

[1] (http://www.ncpgambling.org)

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (2 ng 2 bahagi)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5