Naglo-load...

Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Ipinaliliwanag ng araling ito ang paninirang-puri at ang panlilibak sa etika ng Islam.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 113 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,938 (pang-araw-araw na average: 4)


Ang Mga Layunin

·Upang malaman ang kahulugan ng panlilibak at paninirang-puri at ang pagkakaiba nito.

·Upang maunawaan kung bakit ba tayo nanlilibak.

·Upang maunawaan natin kung bakit pinag bawal ang panlilibak.

·Upang malaman kung kailan maaring magbanggit ng masama sa kapwa.

Ang Islam ay isang relihiyon ng kapayapaan, pagmamahal at habag na nagtuturo sa atin na dapat nating igalang ang karangalan, reputasyon at pagkapribado ng iba. Ang mga kasinungalingan, hinala, panlilibak,paninirang-puri,at tsismis ay mapanirang bagay, at ang mga nabanggit ay pangunahing kasalanan na lumalabag sa pinaninindigan ng Islam at naghahasik ng poot at pagtatalo sa mga Muslim. Ang mga ito ay nagdudulot ng labanan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, mga kapitbahay, at mga kaibigan. Samakatuwid, malinaw na tinutukoy at matinding ipinagbabawal ng Islam ang mga ito.

Ano ba talaga ang Panllibak at Paninirang Puri?

Malinaw na ipinaliwanag ng ating Propeta ang mga ito. Isang beses tinanong niya ang kanyang mga kasamahan :

"Alam nyo ba kung ano ang panlilibak?" "Sinabi nila," Ang may pinaka nakaka-alam nito ay ang Allah at ang Kanyang Sugo. "Sabi ng Propeta,"Ang pagbanggit mo nang katagang patungkol sa iyong kapatid na alam mong kung kanyang maririnig ay hindi niya magugustuhan. "May nagsabi, " Paano kung ang sinasabi ko patungkol sa aking kapatid ay pawang katutohanan? "Ang sabi ng propeta," Kung ang iyong sinasabi ay totoo, siya ay iyong nilibak, at kung hindi naman ito totoo, samakatwid ay siniraang-puro mo siya..“ (Saheeh Muslim)

‘Ang Backbiting (Panlilibak) ay ang pagbanggit ng kahit na anong katagang patungkol sa isang tao kapag ito ay nakatalikod.’ (Silsilah as-Sahihah)

Ang pagtawanan ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng negatibong mga ekspresyon sa mukha o sa pamamagitan ng mga kilos ng kamay ng hindi nila nalalaman ay isang paraan ng panlilibak.

Bakit nga ba tayo ngatsi-tsismis o Nanlilibak?

·Upang pagaanin ang kanyang dibdib lalo na kung galit..

·Upang makisali sa mga kaibigan.

·Upang ipakita ang ating kataasan at maliitin ang iba.

·Upang kumilos ng katawa-tawa at pabiro.

·Mula sa paninibugho o galit.

·Dahil sa awa sa isang tao.

·Upang mapawi ang inip.

·Upang mapabilib ang iba.

·Dahil sa pagmamataas.

Mahigpit na Pagbabawal ng Panlilibak

Ipinagbabawal ni Allah sa Quran ang panlilibak sa pamamagitan ng paghahambing sa karumal-dumal na gawa ng kanibalismo: "O kayong mga naniniwala! Iwasan ang marami (negatibong) palagay. Sa katunayan, ang ilang mga palagay ay kasalanan. At huwag mag-ispiya o magsiraang-puri ang isa't isa. Gusto ba ninyong kainin ang lamang-loob ng kanyang patay na kapatid? Tiyak na hindi mo ito gugustohin (kaya iwasang manlibak). At matakot kay Allah; sa katunayan, ang Allah ay tumatanggap ng pagsisisi dahil Siya'y maawain. "(Qur'an 49:12)

Kadalasan tayo ay nanlilibak at nagsasabi ng kung anu-ano patungkol sa iba nang hindi natin pinag-iisipan. Gayunpaman, tinatrato lang nating mababang kasalanan ang panlilibak ngunit muli tayong pinaalalahanan ng Allah na sa katunayan ito ay maaaring isang malubhang kasalanan! Nabanggit sa Qur-an: : "Nang ipinapalaganap mo ito gamit ang iyong mga dila, at binibigkas ng iyong mga bibig nang hindi mo nalalaman, ibinilang mo ito na isang maliit na bagay, samantalang ito ay malaking kasalanan sa Allah ." (Qur'an 24:15)

Maraming tao ang abala sa pagkalat ng paninirang-puri na kanilang naririnig na hindi sila huminto nang ni-isang minuto upang pag-isipan kung ito ay totoo o hindi. Sinabi ng Allah: "At bakit, nang marinig mo ito, hindi ba sinabi mo: 'Hindi karapat-dapat na kami ay magsalita patungkol dito. Pinakadakila kayo, [O Allah]; ito ay isang dakilang paninirang-puri '? "(Quran 24:16)

Kailangan nating maging maingat sa katagang nabibitawan ng ating mga dila. Sinabi ni Propeta Muhammad: "Sa bawat araw na pagising ng isang tao, ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan ay nagbababala sa kanyang dila na nagsasabi: 'Matakot sa Allah tungkol sa amin, sapagkat kami ay nasa ilalim ng iyong awa; kung ikaw ay matuwid, kami ay magiging matuwid at kung ikaw ay masama, kami ay magiging masama. '"(Tirmidhi)

Ang gantimpala ng pagkontrol sa ating dila ay Paraiso. Sinabi ni Propeta Muhammad: "Siya na pinoprotektahan ang kanyang dila mula sa mga labag na pananalita at ang kanyang mga pribadong bahagi mula sa iligal na pakikipagtalik, ay gagarantiyahan ko siyang papasok sa Paraiso." (Saheeh Al-Bukhari, Muslim Saheeh)

Pagbabawal sa Pakikinig sa Tsismis

Hindi dapat bigyang pansin ang tsismis na pumupuna sa isang kapwa Muslim o matuwa sa pakikinig nito at umaasa na makakarinig pa ng ibang tsismis. Sinabi ng Allah, "At huwag mong itaguyod ang hindi ninyo nalalaman. Sa katunayan, ang pandinig, ang paningin at ang puso - lahat ng mga ito ay tatanungin. "(Qur'an 17:36) Sinabi ng Propeta," Sinuman ang nagtatanggol sa karangalan ng kanyang kapatid, ay po-protektahan ng Allah ang kanyang mukha mula sa Apoy sa Araw ng Muling Pagkabuhay." (Saheeh Muslim)

Dapat nating tandaan ang mga katangian ng pinakamahusay na Muslim na tinukoy para sa atin ng ating Propeta. Sinabi niya, "Siya na kung saan ang mga Muslim ay ligtas mula sa kasamaan ng kanyang dila at mga kamay." (Saheeh Muslim)

Kailan Ipinahihintulot ang Panlilibak?

Itinuturo sa atin ng Islam na kung ang mga tao ay nililibak o pinagtatawanan sa ating harapan, dapat nating ipagtanggol ang kanilang karangalan. Kung pabayaan natin ang paggawa nito, nilagay natin sa alanganin ang ating sarili sa kinakailangang tulong at habag mula sa Allah. Gayunpaman, ang ilang sitwasyon ay nagpapahintulot sa atin na ipaalam sa iba kung ano ang nagawa ng isang tao.

1. Ang reklamo sa isang taong may awtoridad na maaaring magkapagsabi ng mali kapag ang kawalan ng katarungan ay nagawa na.

2.Paghahangad ng gabay sa relihiyon mula sa isang Muslim na iskolar.

3.Upang makakuha ng tulong sa pagbabago ng isang mali o upang maiwasan ang isang kalamidad.

4.Konsultasyon tungkol sa pag-aasawa, negosyo, pagtatanong tungkol sa kapitbahay bago lumipat, atbp.

Sa mga kasong ito ay pinahihintulutan tayong ibunyag lamang kung ano ang nararapat tungkol sa tao. Ang lahat ng mga nabanggit Ipinahihintulot na anyo ng 'panlilibak' ay pinapayagan..

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6