Naglo-load...

Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno

Marka:

Deskripsyon: Ang mga pangunahing kaalaman ng boluntaryo o nafl na pag-aayuno ay ituturo sa araling ito.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 127 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,959 (pang-araw-araw na average: 5)


Mga Layunin

·Upang pahalagahan ang pagkakaiba sa pagitan ng nafl and fard na mga pagdarasal o panalangin.

·Upang malaman ang pinakamahalagang nafl (boluntaryo) ang pag-aayuno.

·Upang matutunan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga obligadong pag-aayuno (tulad ng Ramadan) at ang mga boluntaryong pag-aayuno.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Nafl - ang boluntaryong gawain na pagdarasal

·Muharram, Sha’ban, Ramadan, Shawwal, Dhul-Hijjah -Ang mga pangalan ng ilan sa mga importanting buwan sa Islam. Muharram ay ang pinaka-unang buwan sa kalendaryo ng Islam, Sha’ban ang 8th, Ramadan ang 9th, Shawwal ang 10th and Dhul-Hijjah ang 12th.

·Yaum ul-Arafah – Araw ng Arafah ito'y kung kailan natitipon ang mga manlalakbay (nagsasagawa ng hajj) sa lugar na tinatawag na Arafah.

·Ashura - ang ika-sampung araw sa buwan ng Muharram sa Islam.

·Eid - Pista o Pagdiriwang. Ipinagdiriwang ng mga Muslim ang dalawang pangunahing opisyal na pangrelihiyong pista ng Islam, na kilala bilang Eid-ul-Fitr (at ito'y nagaganap pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (na nagaganap sa panahon ng Hajj).

·Fard - ang obligadong gawain.

·Fajr - ang pang-umagang pagdarasal.

·Hadith - (pang-maramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang rekord ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad (SAW) at kanyang mga kasamahan.

·Hajj - Ay ang pagpunta sa Mecca kung saan ang manlalakbay (nagsasagawa ng hajj) ay nagsasagawa ng mga ritwal. Ang Hajj ay kasama sa Limang Haligi ng Islam, kung saan ang nasa tamang gulang na muslim ay obligadong isagawa ito ng isang beses sa kanyang buong buhay, kung ito'y kanyang makakaya nang kanyang kalusugan at pangangatawan.

·Rakah - bilang ng pagdarasal.

·Ramadan - ito ang pang-siyam na buwan sa pang-Islamikong kalendaryo. Kung saan sa buwan nato pinag-utos ang obligadong pag-aayuno.

VoluntaryFasts.jpgAng unang dapat maunawaan ay kung ano ba ang pagkakaiba ng tinatawag na fard at tinatawag na nafl. Ang fard ay isang obligadong gawain, na siyang pinag utos sa atin ng Allah na gawin ito, at kapag ito’y ating iniwan ay isang kasalanan at ito’y pananagutan natin sa araw ng paghuhukom. Ang Halimbawa nito’y ang dalawang rakah sa Fajr na pagdarasal at Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.

Ang Nafl sa literal na kahulugan nito ay Karagdagan, nafl (boluntaryong) pagdarasal ay hindi pinag-utos na gawin o kinakailangang gawin ng isang Muslim , sa halip ito’y nasa indibidwal kung ito’y kanilang gagawin o gustohing gawin. Dahil ito’y hindi kinakailangan gawin at isang boluntaryong gawain lamang. Ang isang Muslim ay hindi magkakasala kapag ito ay kaniyang iniwan, ngunit siya ay gagantimpalaan sa paggawa at pag ganap niya rito (boluntaryong pagdarasal). At ang mga halimbawa nito ay ang mga boluntaryong pag-aayuno na siyang tatalakayin sa araling ito.

Madalas ang isang bagong Muslim ay nababalisa o nabibigla tungkol sa pag-aayuno sa buong buwan ng Ramadan (ikasiyam na buwan ng Islam). Ang boluntaryong pag-aayuno ay nagbibigay ng isang magandang pagkakataon upang magsagawa ng pag-aayuno habang nag-iipon ng gantimpala bago paman sumapit ang buwan ng Ramadan. Gayun din, dapat tandaan na wag mapagod, pero gawin ng paunti-unti nang walang pag-papabaya.

Ang Pinakamahalagang Boluntaryong (Nafl) Pag-aayuno

1. Ang anim na araw sa buwan ng Shawwal (ang susunod sa buwan ng Ramadan o ang ika-sampung buwan sa Islam. )

Ang Propeta (SAW) ay nagsabi,

“Sinuman ang mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan at pagkatapos ay kanyang sinundan ng anim na araw ng pag-aayuno sa buwan ng Shawwal siya'y gagantimpalaan na para bang ang kanyang napag-ayunuhan ay ang buong taon.”[1]

Pinag-babawal ang pag-aayuno sa Eid or Eid-ul-Fitr upang ito'y matukoy. Maari mo itong isagawa (ang anim na araw na pag-aayuno) pagkaraan ng Araw ng Eid at ito'y maari rin naman na hindi magkakasunod-sunod (na araw) ang pagsasagawa nito. Kung nais mo maaari kang mag-ayuno ng hindi magkakasunod-sunod na araw (magkakahiwalay na araw) hangga't sila ay makumpleto sa loob ng buwan ng Shawwal.

2. Pag-aayuno sa Ikasiyam na Araw ng Dhul-Hijjah (ika-12 buwan sa Islam)

Ang buwan sa Islam kung saan ang Hajj ay ginaganap ay kilala bilang Dhul-Hijjah. Ang Yaum ul-Arafah o ang "Araw ng Arafah" ay ang ikasiyam na araw ng buwan na iyon.

Inirerekomenda para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj ang pag-aayuno sa araw na ito gaya ng sinabi ng Mensahero ng Allah: "Ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay kabayaran para sa dalawang taon (na kasalanan), ang taon bago ito at ang taon na susunod." [2]

3. Pag-aayuno sa ikasampung araw ng Buwan ng Muharram (ika-1 ng buwan ng Islam)

Ang Muharram ay ang unang buwan sa pang-Islamikong Kalendaryo. Ang ikasampung araw sa buwan na ito ay may isang espesyal na pangalan - "Ashura." Ano ang makukuha ng tao para sa pag-aayuno rito? ang Propeta (SAW) ay nag-sabi,

"Ang pag-aayuno sa araw ng Ashura ay isang pagbabayad para sa nakaraang taon (kasalan)." [3]

4. Pag-aayuno sa araw Lunes at Huwebes

Si Abu Hurairah, ang malapit na kasamahan ng Propeta Muhammad (SAW), ay iniulat na ang Propeta ay nag-aayuno sa Lunes at Huwebes. Nang tanungin ito, ang Propeta, nawa'y mapa sa kanya ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi: "Ang mga Gawain ay itinataas sa (langit) sa araw ng Lunes at Huwebes. Pinapatawad ng Allah ang bawat Muslim o bawat mananampalataya, maliban sa mga (taong) pumuputol sa ugnayan ng bawat isa. Sinabi niya (tungkol sa kanila): 'Iwan mo sila.’”[4]

Noong tanungin ang Propeta (SAW) tungkol sa pag-aayuno sa araw ng Lunes, kanyang sinabi: “Ito ang araw kung saan ako ay pinanganak at ito rin ang araw kung saan ako ay tumanggap ng rebelasyon (galing kay Allah).”[5]

5. Ang pag-aayuno sa buong buwan ng Sha'ban (ika-8 buwan ng Islam)

Ang Sha'ban ay ang pangalan ng buwan sa Islam na dumarating bago ang Ramadan. Ang Propeta ay nag-aayuno sa halos buong buwan ng Sha'ban.

'Si Aisha, ang asawa ng Propeta (SAW), ay nagsabi: "Hindi ko nakita ang Sugo ng Allah na nag-ayuno ng isang kumpletong buwan maliban sa Ramadan, at hindi ko pa nakita sa kanya na nag-ayuno ng marami sa loob ng isang buwan maliban sa buwan ng Sha'ban." [6]

Mga Pagkakaiba sa Pagitan ng Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan at Mga Boluntaryong Pag-aayuno

1. Ang pagsa-gawa ng intensyon para sa isang boluntaryong pag-aayuno ay maaaring gawin sa araw.

Sabihin nating nagising ka at nagdasal ka ng Fajr. Wala kang intensiyon na mag-ayuno sa araw na iyon at hindi ka rin kumain, uminom, nakikipagtalik, o kung hindi man ay gumawa ng anumang bagay na makakasira sa pag-aayuno ng isang tao.

Sa pagsikat ng Araw (umaga), maaari mong gawin ang intensyon mo para sa isang boluntaryong Pag-aayuno kung hindi mo nagawa ang alin man sa mga bagay na sumisira sa pag-aayuno. Ito ay batay sa 'hadith ni Aishah: "Ang Propeta ay dumating sa amin isang araw at nagsabi: 'Mayroon ba kayong (pagkain)? 'Sinabi namin, 'Wala. 'Sinabi Niya: 'Samakatuwid, ako ay nag-aayuno."[7]

Dapat kang magkaroon ng intensyon sa gabi palang bago mag-ayuno sa susunod na araw para sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan .

2. Pinapahintulutan para sa isang nagsasagawa ng boluntaryong pag-aayuno na itigil ang kanyang pag-aayuno.

Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: "Ang isang nag-aayuno ng kusang-loob ang namamahala sa kanyang sarili. Kung nais mo maaari kang mag-ayuno at kung nais mo naman ay maaari mo na itigil ang iyong pag-aayuno."[8]

Sinabi ni Abu Sa'id al-Khudri: "Naghanda ako ng pagkain para sa Propeta. Dumating siya sa akin kasama ang ilan sa kanyang mga kasamahan. Noong ang pagkain ay inilatag, ang isa sa mga lalaki ay nagsabi: 'Ako ay nag-aayuno. 'Sinabi ng Sugo ng Allah: 'Inanyayahan ka ng iyong kapatid at gumastos para sa iyo. Pagkatapos ay sinabi sa kanya, 'Iwaksi ang iyong pag-aayuno at mag-ayuno sa susunod na araw para palitan ito kung nais mo."[9]

Ang pagsira ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan nang walang lehitimong dahilan, sa kabilang banda, ay isang malubhang kasalanan kahit na ang tao ay binayaran ito sa ibang mga araw.


Talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Muslim

[3] Saheeh Muslim

[4] Musnad

[5] Saheeh Muslim

[6] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[7] Saheeh Muslim, Abu Dawud

[8] Musnad

[9] Baihaqi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6