Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
Deskripsyon: Isang maiksing pagsasalarawan sa mga Malalaking Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom bago ito maganap.
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 83 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,062 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Tanging ang Allah lamang ang may alam kung kailan ito mangyayari ( ang Araw ng Paghuhukom), gayun paman alam natin kung ano ang ating hinahanap at ang mga ito ay marapat nating gamiting palatandaan bilang katibayan na ang Allah ay lubos na nakaka alam sa Lahat at kontrolado Niya ang lahat ng mga pangyayari.
Mga Arabikong Termino:
·Fitnah - ay salitang Arabik na kung saan mahirap bigyan ng angkop na kahulugan sa ibang lingguwahe . Na ang ibig sabihin ay panahon ng pagsubok at kapighatian, isang sitwasyon na pipigilan ang pagsamba ng derekta sa panginoon, o magiging dahilan ng mga gawaing pagsuway o kawalang paniniwala.
·Sunnah - Ang Sunnah ay may ibat ibang kahulugan ito'y depende sa kung saang larangan ng Pag-aaral, Gayun paman ang pangkalahatang kahulugan na tinatanggap ay, anumang naiulat mula kay Propeta Muhammad (SAW) na kanyang salita, gawa, o sinang-ayunan.
·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ito'y isang impormasyon o kwento. Sa Islam ito'y talaan ng pagsasalaysay ng mga salita't gawa ng Propeta (SAW) at ng kanyang mga kasamahan.
·Iqamah – Ang salitang tumutukoy sa pangalawang pagtawag sa pagdarasal ito'y mabilisan lamang bago paman simulan ang pagdarasal.
Ang Malalaking Tanda ng Araw ng Paghuhukom ay ang mga pangyayari na mangyayari na panandalian bago magsimula ang Araw na iyon (Araw ng Paghuhukom). Ang mga ito ay hindi pangkaraniwan at napakamahimala na mga pangyayari at hindi nagaganap nang paulit-ulit . Ang mga kaganapang ito ay ang pasimula sa aktuwal na pag-ihip sa trumpeta kapag ang buhay na alam natin ay tuluyan ng mawawala.
Ang paglitaw ng Mahdi
Isang tao mula sa mga inapo ng Propeta Muhammad ang lilitaw at ang relihiyon ng Allah ay mananaig. Ang Mahdi ay mamamahala sa lupa (o sa Mundo) at mapupuno ito ng katarungan, Ang paggawa ng mali at pang-aapi ay tuluyan ng mawawala. At nabanggit sa isang tunay na hadith na ang pangalan ng Mahdi ay magiging tulad ng pangalan ni Propeta Muhammad at ang pangalan ng kanyang ama ay magiging tulad ng pangalan ng ama ng Propeta. Siya ay magiging isang inapo ni Fatimah, ang anak na babae ni Propeta Muhammad (SAW) at siya'y lalabas sa Silangan.
Ang Dajjaal (Ang Antikristo)
Siya'y isang lalaki na mula sa angkan ni Adam. Ang kanyang mga katangian ay binanggit sa tunay na ahadith; Siya ay may mamula- mulang kutis at kulot na buhok, at mayroong isang mata, na ang kanyang kanang mata ay parang isang nakalitaw na ubas. Sa pagitan ng kanyang mga mata ay may nakasulat na mga titik na "kaaf-fa-ra" (sa hindi magkakatabing mga titik) o "kaafir" (hindi naniniwala), na kung saan ang bawat Muslim, edukado o hindi maalam, ay makakabasa. Siya rin ang magiging huli sa kanyang angkan, baog walang mga anak.
Ang fitnah (Pagsubok, kapighatian) ng Dajjal ang pinakamalaking Fitnah sa lahat dahil sa kapangyarihan na ibibigay o ipapahintulot sa kanya ng Allah. Gagawa siya ng malalaking mga himala na nakakamangha at nakalilito. Magkakaroon siya ng isang paraiso at impiyerno, ngunit ang kanyang paraiso ay sa katunayan ay isang impiyerno, at ang impyerno ay paraiso. Magkakaroon siya ng mga ilog ng tubig at mga bundok ng tinapay. Uutusan niya ang kalangitan upang umulan, at ito ay uulan, at kaniyang uutosan ang kalupaan na ilabas ang kung anong meron dito, at ito ay maglalabas ng kung anong meron ito.
Ang pagkawasak (katapusan) ni Dajjaal ay darating sa mga kamay ni Isa ibn Maryam (Jesus), “Ang Dajjaal ay magmumula sa aking umma (nasyon) ... at si Allah ay kanyang ipapadala si Isa ibn Maryam ... at hahabulin siya (si Dajjal) at pupuksain .”[1]
Ang pinagmulan ni Isa ibn Maryam (si Jesus, anak ni Maria)
Pagkatapos na lumitaw ni Dajjaal at magdulot ng fitnah sa buong kalupaan, si Allah ay magpapadala kay Isa ibn Maryam, na bababa sa lupa sa puting minarete sa Silangan ng Damascus, Syria, na nakapatong ang kanyang mga kamay sa mga pakpak ng dalawang anghel. Siya ay bababa sa panahon kung kailan itatawag ang iqamah para sa pagdarasal, at siya ay magdarasal sa likod ng pinuno ng grupong iyon. Ang komentarista ng Koran na Si Ibn Kathir ay kaniyang nilikom ang ilang hadith tungkol sa pagbaba ni Isa ibn Maryam nang sabihin niyang "si Isa ibn Maryam ay bababa bago ang kaganapan ng Araw ng Paghuhukom bilang isang makatarungang pinuno at patas na pinuno”.
Ang Yajooj at Majooj (Gog and Magog)
Ang Yajooj at Majooj ay mga tao, na nagmula kay Adam at Hawa (Eva). Ayon sa mga paglalarawan sa sunnah ay sila'y lalabas sa lahi ng Turkic-Mongol, na may maliliit na mga mata , pangong pag-iilong at malapad na pagmumukha. Ang kanilang paglitaw sa katapusan ng panahon ay isa sa mga palatandaan ng Oras , “Hangang sa, kapag ang Yajooj at Majooj ay nakawala (mula sa kanilang kinaroronan), at mabilis silang kukuyog sa bawat tambak (mound) At ang tunay na pinangako (Araw ng Pagkabuhay na muli) ay nalalapit na (magaganap na)…” (Quran 21: 96 & 97)
Ang paglamon ng lupa
Ang ibig sabihin nito na ang isang ay lugar lalamunin ng Lupa at ito'y maglalaho, tulad sa nabanggit sa banal na Quran, "Kaya Aming pinangyaring siya at ang kanyang pamamahay ay lulunin ng lupa,…” (Quran 28:81) Tatlo sa mga kaganapang ito ang mangyayari.
Nabanggit na tatlong malalaking pag guho ng lupa o lindol (tsunami) ang mangyayari, isa sa Silangan, isa sa Kanluran at isa sa Peninsula ng Arabia.
Ang Usok
Isa pang malaking pangunahing palatandaan ng Oras (Araw ng paghuhukom) ay ang paglitaw ng "Usok". “Kaya ikaw ay maghintay [O Muhammad sa mga hindi naniniwala] sa araw na ang kalangitan ay magpadala ng makapal na usok. Ito ay lalaganap o babalot sa buong sangkatauhan: ito ay isang masakit na parusa .” (Quran 44:10 & 11)
Ang usok ay makakaapekto sa parehong mga mananampalataya at mga hindi mananampalataya. Ang mga mananampalataya ay maaapektuhan gaya ng paghihirap mula sipon habang ang mga di-mananampalataya ay mabibigyan ng mawawalan ng malay.
Ang Pagsikat ng Araw sa Kanluran
“Ang Takdang Araw (ang Paggunaw ng Mundo) ay hindi magsisimula hanga't ang araw ay hindi sumisikat sa kanluran, Kapag ito'y sumikat na at ang mga tao'y kanilang makikita, lahat sila'y maniniwala, ngunit yan ay mangyayari kung saan ang paniniwala nila ay wala ng saysay ( di na tatanggapin), kung di siya naniniwala dati, at nag ipon ng marami (mga nagawang kabutihan) dahil sa kanyang paniniwala (relihiyon)2]
Ang pagsikat ng araw sa kanluran ay gagawa ng matinding suliranin sa Lupa. Ito'y lilitaw na kasalungat sa likas ng Mundo at ito ay nagpapakita at nagpapatunay sa dakilang kapangyarihan ng Allah. At sa mga Oras na iyon ang pinto ng pagbabalik loob ay nakasara na. Ang paniniwala at pagsisisi bago paman ang kababalaghang pangyayaring ito ay napakahalaga.
Ang paglitaw ng Halimaw sa Lupa
“May tatlong bagay kung saan, kapag ito'y nangyari na, hindi na makakabuti ang kanyang paniniwala, kung siya'y hindi naniniwala dati, nag ipon ng marami (sa paggawa niya ng mabubuting gawain) dahil sa kanyang paniniwala: Ang pagsikat ng Araw sa Kanluran, ang Dajjaal, at ang halimaw sa kalupaan.”[3]
Maraming mga opinyon tungkol sa kung saan darating ang halimaw at anong hitsura nito. Gayunpaman ang lahat ay sumasang-ayon na ang hayop na ito ay isang malaking nilalang na lilitaw mula sa Lupa, hindi tao. kanyang makilala ang mga tao at kanyang ipapahayag kung sino ang isang mananampalataya at sino ang isang di-mananampalataya.
Ang Apoy na magtitipon sa mga Tao para magsama-sama
Ang huling palatandaan sa ating talakayan ay ang malaking apoy na lilitaw mula sa direksyon ng Yemen. Ito ay isang napakalaking Apoy na maghahatid sa mga tao sa lugar ng pagtitipon. Ang trumpeta ay hihipan at ang dakilang Araw (Araw ng Paghuhukom) kung saan ay walang makakatakas ay magsisimula na.
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)