Naglo-load...

Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang araling ito ay nakatuon sa pamantayang pang-Islamiko na Pagkamahinhin bilang pag-uugnay sa pakikisalamuha o pakikipag-usap sa ibang kasarian.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 94 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,071 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin:

·Upang malaman ang kahulugan ng ikhtilaat.

·Upang palakihin pa ang kaalaman tungkol sa mga bagay na pinahintulutan ng Islam patungkol sa pagsasama-sama ng magka-ibang mga kasarian.

·Upang malaman kung paano nagawang makontrol ng Propeta Muhammad (SAW) ang paghahalo-halo ng mga kalalakihan at kababaihan sa masjed.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Imaan – Pananampalataya, paniniwala o pananalig.

·Ikhtilaat – ang pisikal na presensya ng mga kalalakihan at kababaihan sa iisang lugar.

·Haya - natural o likas na pagkamahiyain at pagkamahinhin.

·Riba – Tubo (galing sa haram na paraan).

·Mahram – ang tao, lalaki o di kaya'y babae na may kaugnayan sa partikular na tao sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Siya (lalaki o babae) na hindi niya maaring pakasalan, tulad ng tatay, pamangkin na tunay (anak ng kapatid mo), tito (kapatid ng tatay o nanay), etc

·Masjid – ang Arabikong tawag sa Moske.

·Sahabah – ang pangmaramihan ng “Sahabi,” na isinasalin sa "mga Kasamahan". Ang sahabi, ang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay ang taong nakita ang Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay maraming kahulugan depende sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap ay, anumang naiulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o kanyang inaprobahan.

Ating talakayin ang tatlong paunang mga punto:

1. Ang kawalang prinsipyo patungkol sa moralidad ng Modernong Lipunan

Islamic_Guidelines_for_Gender_Interactions_-_part_1._001.jpgAng "katangian" ay isang moral na pamantayan na pinanghahawakan ng isang lipunan bilang isang bagay na karapat-dapat na tularan. Ngunit sa modernong mundo ang katangian ay napapalitan kasabay ng paglipas ng panahon. Ang mga makalumang katangian ay inu-usisa, habang ang mga makabagong katangian naman ay ipinakilala. Ang mga pamantayang moral na minsang pinupuri at pinahahalagahan noon ay pinag-aalinlanganan at pinagtatawanan na sa panahon ngayon. Ang mga pre-marital relations (hindi kasal na relasyon) at homosexuality ( ang pakiki-pag relasyon sa parehong kasarian) ay ang dalawang halimbawa nito. Ang mga Kabutihan ay nabubuo at napapatibay sa pamamagitan ng paniniwala ng bawat isa. Tulad ng pagbabago ng mga paniniwala, gayon din ang mga kabutihan na itinataguyod at pinanghahawakan ng lipunan ay nagbabago rin.

2. Ang mga katuru-an ng Islam ay daongan pag bagyo (solusyon sa mga mahihirap na sitwasyon o problema).

Ang Islam ay parang isang daongan pag may bagyo (solusyon sa mga mahihirap na problema o sitwasyon) sa pagbaba ng moralidad at mga pag-uugaling pinapahintulutan. Tanging sa pamamagitan lamang ng tunay na kapahayagan-sa Islam - makakayang matukoy ng mga tao kung ano ang tama at kung ano ang mali. Ang Islam ay isang relihiyon na hindi nagbabago ang etika, o alituntunin ng moralidad at katangian (virtue) tulad ng karangalan, dignidad, haya at paggalang. Kung ang Quran at Sunnah ay ang ating pagbabatayan, maaari niya tayong mailigtas mula sa kaguluhan na pumapaligid sa atin at mula sa mga pagkalito na umiiral sa napakaraming isipan.

3. Sa Islam ang ilang mga bagay ay binigyang-diin kaysa sa iba.

Sa Islam, makikita natin na ang ilang mga bagay ay ginawang mas madali, habang ang ilang mga bagay ay mas binigyang-diin. Maaari nating sabihin na ang isa sa mga bagay na binigyang-diin ng husto ay ang mga patakaran sa pakikisalamuha sa ibang kasarian. Iba pang mga halimbawa nito ay ang mga bagay na nakakalasing at riba (interes).

Habang ang mga Muslim at ilang mga di-Muslim ay tinatanggap ang kahinhinan bilang isang katangian, ang "kahinhinan" nga ba ay na-aayon sa kultura? Sa madaling salita, ang pamantayan ba ng pagiging mahinhin ay nagkakaiba sa iba't ibang kultura? Ang ilang mga aspeto ng pagiging mahinhin ay malinaw na naipahayag sa Quran at sa Sunnah na dapat sundin, samantalang ang ibang aspeto naman nito ay binuo at isinagawa ng kulturang Muslim sa kani-kanilang sariling mga pamamaraan. Ang ilan ay malinaw na patakaran, samantalang ang iba ay mga alituntunin. Gayunpaman, ang ilang mga usapin ay mga produkto ng mga lupain kung saan namayagpag ang Islam.

Ang arabong salita na ikhtilaat ay nangangahulugan ng 'pagsasama-sama,' "sa Islamikong pamaraan, nangangahulugan ito ng pagsasama-sama sa isang lugar ng walang-kaugnayang kalalakihan at kababaihan na hindi mahram. Nagreresulta ito sa kanilang pagpupulong, pakikipag-usap, at pagsulyap sa bawat isa.

Anu ang masasabi ng Islam patungkol rito?

Ang unang punto na kailangang maunawaan ay hindi ipinagbabawal ang anumang uri ng ikhtilaat. Ang ilan ay pinahihintulutan samantalang ang ilan ay ipinagbabawal.

Kapag ang mga Muslim na iskolar ay pinag-iingat laban sa "malayang" pagsasama-sama ng mga kalalakihan at kababaihan, hindi ito nangangahulugan ng ang pagkakaroon ng mga kalalakihan at kababaihan na magkakasama sa parehong lugar. Ito ay hindi ipinagbabawal. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay natitipon sa parehong lugar sa panahon ng Propeta ng Islam, halimbawa, sa moske at sa pamilihan. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay lumakad sa parehong mga kalsada at kalye.

Halimbawa, ang isang babaeng Muslim ay pinapahintulutang dumalo sa moske, kahit na kalalakihan ang nakakarami rito. Kaya, ito ay isang anyo ng ikhtilaat, ngunit ang Propeta ng Awa ay nagbigay ng mga alituntunin kung paano ito ayusin at buuin.

Una, ang mga kalalakihan ay dapat manalangin sa kanilang sariling hanay at kababaihan sa kanilang sariling hanay. Hindi sila nakatayo sa tabi ng isa't isa.

Pangalawa, ang mga hanay ng mga kalalakihan ay nasa harap habang nasa likod naman kababaihan upang hindi mapatingin ang mga kalalakihan sa mga kababaihan sa panahon ng pagdarasal.

Ikatlo, ipinahayag ni Propeta Muhammad na ang pinakamagandang hanay para sa kalalakihan ay ang pinaka-unahan, habang ang pinakalikod ang hindi mainam at ang pinakamagandang hanay naman para sa mga kababaihan ay ang pinakalikod habang ang pinakaunahan naman ay hindi mainam (Muslim). Sinabi niya ito upang mahiwalay ang mga kalalakihan at kababaihan kapag sila ay pisikal na natipon sa isang lugar.

Ika-apat, ang Propeta ng awa ay ipinahayag niyang paghintayin ang mga kalalakihan hanggang sa ang mga kababaihan ay maunang umalis sa moske upang pigilan ang kanilang paggitgitan sa paligid ng mga pintuan. Nang maglaon, nang dumami ang populasyon ng Muslim, pinagawan sila ni Propeta Muhammad ang isang hiwalay na pasukan para sa mga kababaihan. Kung bumisita ka sa Mosque ng Propeta sa Madina ngayon, ito ay kilala bilang Bab un-Nisa' (Pintuan ng mga kababaihan).

Tandaan na ang mga pag-iingat na ito ay kinuha sa mga taong may pinakamainam na pananampalataya, may pinakadalisay na puso, at may pinakamahusay na hangarin, ang Sahabah. Bukod dito, ang mga hakbang na ito ay kinuha mula sa panahon at presensya ng marangal na Propeta. Hindi lamang iyon, ang Sahabah ay nasa paligid niya, at ang kanilang paggalang sa Propeta ay lubos na kilala. Higit pa rito, ang mga hakbang na ito ay pinasimulan sa Moske ng Propeta kung saan ang Allah ay pinarangalan at binigyan nya ito ng espesyal na gantimpala. At higit pa, ang mga pag-iingat na ito ay sa panahon ng panalangin kung saan ang isang tao ay nakatayo sa harap ng kanyang Guro at hindi malamang magagambala ng basta basta! Sa kabila nito, ang mga tagubilin na ito mula sa ating minamahal na Propeta ay kinuha o dinala upang maiwasan ang matukso sa kasalanan.

Sa tuwing pinag-uusapan natin ang isyung ito, dapat nating tandaan ang mga pag-iingat na ginawa ng ating minamahal na Propeta at timbangin ang ating mga sinasabi at ginagawa sa kagaanan nito at hatulan kung gaano kalapit o kalayo sa kanyang patnubay.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6