Naglo-load...

Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang mga aralin ay sumasakop sa mga pangunahin ng Shariah at fiqh na kinakailangan upang maunawaan ang panloob na mga gawain ng mga Islamikong panuntunan at regulasyon.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 93 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,316 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang matutunan ang kahulugan ng Shariah.

·Upang mapahalagahan ang saklaw ng Shariah.

·Upang matutunan ang anim na natatanging mga tampok ng Shariah.

·Upang matutunan ang tungkol sa mga pinagmumulan ng Shariah.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Fiqh – Islamikong Palabatasan (jurisprudence).

·Istihsan - huristikong pagkatig (juristic preference)).

·Jihad - isang pakikibaka, pagsisikap sa ilang bagay, at maaaring tumukoy sa isang lehitimong digmaan.

·Maslahah mursalah - pampublikong interes.

·Shirk – isang salitang nagpapahiwatig ng pag-uugnay ng mga katambal kay Allah, o pag-uugnay ng banal na mga katangian sa iba bukod kay Allah, o paniniwalang ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at mga pagpapala ay nagmumula sa iba bukod kay Allah.

·Qiyas – pagwawangis.

·Shariah – Islamikong batas.

·Sunnah – Ang katagang Sunnah sa pangkalahatan ay tumutukoy sa anumang iniulat na ang Propeta ay sinabi, ginawa, o pinayagan.

·Urf - kaugalian.

·Zakah – obligadong kawanggawa.

Ano ang Shariah

IntroToShariah1.jpgAng "Shariah" ay isang maling inuunawang katagang pumapangalawa sa 'Jihad' at karaniwang isinasalin bilang 'Islamikong Batas.' Ang hindi kumpletong pagsasalin ay humahantong sa labis na pagkalito. Samakatuwid, kailangan muna nating unawain ang kahulugan ng kataga.

Sa kakanyahan, ang "Shariah" ay tumutukoy sa kung anong isinabatas ni Allah para sa Kanyang mga alipin,[1] maging ito ay sa mga paniniwala, kinasanayan, pagsamba, o mga ugali. Ito ang kabuuan ng mga kautusan ni Allah.[2] Isa pang may-akda ang tinukoy ang 'Shariah' bilang 'mga kautusan, mga pagbabawal, patnubay at mga alituntuning itinugon ng Diyos sa sangkatauhan ukol sa kanilang pag-uugali sa mundong ito at kaligtasan sa susunod.'[3]

Ang Shariah ay kinabibilangan ng mga sumusunod[4]:

1.Kredo: kabilang ang kaisahan ni Allah, pagtanggi sa shirk, paniniwala sa mga Anghel, Banal na Kasulatan, mga Propeta, at ang Huling Araw.

2. . Etika: pagiging totoo, mapagkakatiwalaan, pagtupad ng mga pangako, at pagtanggi sa imoralidad tulad ng pagsisinungaling, pagsira ng mga pangako, atbp.

3.Mga Relihiyosong Kinasanayan: mga bagay na may kinalaman sa pagsamba at pakikitungo sa kapwa tao kabilang ang mga partikular na mga krimen at ang kaparusahan nito.

Sa madaling salita, ang Shariah ay gumagabay sa lahat ng aspeto ng buhay ng Muslim, kabilang ang pang-araw-araw na mga pagdarasal, pag-aasawa, diborsyo, mga obligasyon sa pamilya, at pananalaping mga pakikitungo.

Natatanging mga Tampok ng Shariah

1.Ang Shariah ay nagmula kay Allah. Ito ay pahayag ni Allah sa Kanyang Propetang si Muhammad, alinman sa tahasan sa anyo ng Qur'an o hindi tahasan sa anyo ng Sunnah. Ito naman ay nangangahulugang:

a.Ang mga alituntutunin ng Shariah ay malaya sa kawalang katarungan at hindi nasasaklaw ng pantaong pagpapasya. Ang isang halimbawa ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao anuman ang kanilang kulay, kasarian, o wika. Sila ay 'itinatangi' lamang mula sa bawat isa batay sa kanilang mabubuting gawa!

b.Ang Shariah ay dapat itaguyod ng lahat ng mga mananampalataya, maging sila ang mga pinuno o ang pinamumunuan dahil ito ay mula kay Allah. Ang isang halimbawa ay ang pagbabawal ng mga droga at alkohol; ito ay ipinagbabawal sa lahat nang walang pagtatangi.

c.Ang Shariah ay ipinangangako sa gumagawa ng mabuting mga gawa ang malaking gantimpala sa buhay na ito at sa susunod, at binabalaan ang makasalanan ng isang matinding kaparusahan sa buhay na ito at sa susunod. Ang gantimpala sa buhay na darating ay nakatali sa pamumuhay sa pamamagitan at pagsasagawa ng Shariah sa kanyang pang-araw-araw na buhay sa mga bagay na tulad ng paghuhugas, pagdarasal, at zakah.

2.Ang Shariah ay magpakailanman at naaakma sa pandaigdigan. Kami ay naniniwalang ang Shariah ay naaangkop at naaakma sa lahat ng mga panahon at mga lugar.

3.Ang Shariah ay komprehensibo. Kabilang dito ang mga bagay ng paniniwala, Islamikong etika, at mga panuntunang namamahala sa pagsasalita at pagkilos. Ang mga panuntunang namamahala sa pagsasalita at pagkilos ay tinatawag na "fiqh" o Islamikong palabatasan at maaaring mahati pa sa sumusunod na mga kategorya:

a.Pagsamba tulad ng pagdarasal at pag-aayuno. Ito ay namamahala sa kaugnayan ng isang tao sa kanyang Panginoon.

b.Ang mga kaugnayang pantaong kinabibilangan ng personal, batas sibil, batas pananalapi, batas ng digmaan at kapayapaan, at batas kriminal.

4.Ang Shariah ay makatao. Ito ay nagdadala ng kagaangan (ease) at nag-aalis ng mga paghihirap na likas na ibinibunga ng pagkakomprehensibo at kasakdalan nito. Si Allah ay nagsabi,

"…Si Allah ay ninanais ang kagaangan (ease) para sa iyo at hindi ninanais ang paghihirap para sa iyo…" (Qur'an 2:185)

Samakatuwid, ang Shariah ay pinagagaan ang ubligadong tungkulin kapag ang pagsasagawa nito ay nagiging sanhi ng labis na paghihirap at pansamantalang pinahihintulutan nito ang isang ipinagbabawal na pagkilos kapag mayroong isang malubhang pangangailangan para dito.

"... Subalit kung sinuman ang pinilit [sa pangangailangan], ni hindi nagnanais [ito] o lumalabag sa [hangganan nito], wala siyang kasalanan . Katiyakan, si Allah ay Mapagpatawad at Maawain. "(Qur'an 2:173)

Ang isang halimbawa ng isang paghihirap na magpapagaan ng isang obligadong tungkulin ay kung siya ay nagkasakit o naglalakbay, maaari nilang itigil ang kanilang pag-aayuno.

5.Ang Shariah ay batay sa katarungan. Nangangahulugang hindi lamang ng isang hukom ang nagpapatupad ng batas nang patas sa lahat, subalit ang batas mismo ang makatarungan. Yaon ang likas na ibinubunga ng banal na pinagmulan nito. Ang tunay na katarungan ay dapat magtatag ng isang pagkakapantay sa pamamagitan ng pagtupad sa mga karapatan at mga obligasyon at sa pamamagitan ng pag-aalis ng labis at pagkakaiba sa lahat ng nasasakupan ng buhay. Ang pamantayan ng katarungan sa Qur'an ay tinukoy sa ilang limampung mga talata. Ang mga tao ay hinihimok na maging makatarungan sa iba sa lahat ng mga antas, maging personal o pampubliko, sa mga salita o sa pag-uugali, sa pakikitungo sa mga kaibigan o mga kaaway, Muslim o hindi Muslim, ang lahat ay dapat pakitunguhan ng may katarungan. Si Allah ay nagsabi sa Qur'an,

"Kami ay nagpadala ng aming mga sugo na may mga katibayan at ipinahayag ang Aklat at ang panimbang sa pamamagitan nila upang magtatag ng katarungan sa pagitan ng mga tao ..." (Qur'an 57:25)

6.Ang Shariah ay nagtataguyod ng katamtaman. Si Allah ay nagsabi sa Qur'an,

"At sa gayon Kami ay ginawa kayong isang bansa na katamtaman sa kalikasan (malaya mula sa kalabisan at pagkukulang) ..." (Qur'an 2:143)

Ang mga panuntunan ng Shariah ay ang gitnang landas sa pagitan ng mga kalabisan. Ang isang halimbawa ay ang Islamikong pananalapi na nasa pagitan ng sosyalismo at malayang ekonomiyang kapitalista.

Mga Pinagmumulan ng Shariah

Ang pangunahing pinagmumulan ng Shariah ay ang kapahayagan ni Allah.[6]

"Katiyakang Kami ay nagpadala ng kapahayagan sa iyo (O Muhammad) tulad ng Kami ay nagpadala ng kapahayagan kay Noe at sa mga propeta pagkatapos niya ..." (Qur'an 4:163)

Ang kapahayagan ni Allah kay Propeta Muhammad ay nasa dalawang uri:

a.Salita ni Allah, ang Qur'an. Ang kahulugan nito at mga salita ay kapwa mula kay Allah.

b.Ang Sunnah, na ang kahulugan ay mula kay Allah, subalit ang mga salita ay mula kay Propeta Muhammad. Ang ilan sa mga Sunnah ay mga pagpapasyang ginawa ng Propeta na pinagtibay ni Allah, at ang ilang Sunnah ay ang pag-unawa ng Propeta sa Qur'an. Ang Sunnah ay nangangahulugang ang mga turo ni Propeta Muhammad na nilalaman ng kanyang mga salita at mga gawaing naipasa sa atin.

Ilan sa mga pangalawang mga pinagkukunan ng Shariah ay qiyas (pagwawangis),istihsan (huristikong pagkatig), maslahah mursalah (pampublikong interes) and urf (kaugalian).



Mga Talababa:

[1] Al-Madkhal li-Dirasa al-Sharia al-Islamia ni Abd al-Karim Zaidan p.38

[2] The Schools of Islamic Jurisprudence: A Comparative Study ni Mohammad Hamidullah Khan, p. 5

[3] Shariah Law: An Introduction ni Mohammad Hashim Kamali, p. 14

[4] Al-Madkhal ila al-Shariah wa Fiqh al-Islami ni Dr. Umar al-Ashqar, p.18. Tingnan din ang Al-Madkhal li Dirasa Shariah al-Islamiyya ni Nasr Farid Wasil, p. 15-16.

[5] Ang malubhang pangangailangan ay isang pangangailangan na umaabot sa "buhay at kamatayang" katayuan; tulad ng pagkamatay sa gutom at walang mahanap na makakain maliban sa isang bagay na ipinagbabawal.

[6] Al-Madkhal ila al-Shariah wa Fiqh al-Islami ni Dr. Umar al-Ashqar, p.107-108.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6