Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
Deskripsyon: Ang pagpapatuloy ng pamamaraan upang makilala o matukoy ang bidah na gawain at paniniwala, ang maikling listahan ng karaniwang bidah at ang mga kawikaan ng mga pantas ukol sa "Mabuting Bidah".
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 17 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 120 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,076 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Upang makilala ang isang bidah.
·Upang malaman ang ilang mga karaniwang bidah at maidagdag sa listahan.
·Upang malaman ang opinyon ng ilang iginagalang na mga iskolar.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Deen - ang panuntunan ng pamumuhay batay sa kapahayagan ng Islam; ang kabuuan ng pananampalataya at gawain ng isang Muslim. Ang Deen ay madalas na ginagamit bilang pantukoy sa pananampalataya, o ang relihiyong Islam.
·Eid - Pista o pagdiriwang. Ipinagdiriwang ng mga Muslim ang dalawang pangunahing relihiyosong pista, na kilala bilang Eid-ul-Fitr (Na ipinagdiriwang pagkalipas ng buwan ng Ramadhan) at Eid-ul-Adha (Na ipinagdiriwang sa panahon ng Hajj).
·Eid ul-Adha - “Pista ng pag-alay ng sakripisyo (Katay)".
·Hajj - Ang paglalakbay tungo sa banal na lugar ng Makka kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng isang hanay ng mga takdang ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na obligadong isagawa ng bawat may sapat na gulang na Muslim ng hindi bababa ng isang beses sa kanilang tanang buhay kung may kakayanan silang pinansiyal at pisikal.
·Itikaf - ang pananatili sa loob ng masjid na may layuning maging mas mapalapit pa sa Allah.
·Ramadan - Ang ikasiyam na buwan ng Islamikong kalendaryong lunar. Ito ang buwan kung saan ang obligadong pag-aayuno ay ini-atas sa mga mananampalataya.
·Shaban - ang tawag sa ika-walong buwan ng Islamikong Kalendaryong lunar.
·Shirk – Salitang nagpapahiwatig ng pagtatambal sa Allah, o nagpapahiwatig ng katangiang banal maliban sa Allah, o paniniwala na ang lakas kapangyarihan, pinsala, at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod sa Allah
·Sunnah - Ang katagang Sunnah ay may iba't ibang pagpapakahulugan batay sa larangan ng pag-aaral, gayunpaman ang kahulugan na karaniwang pinaniniwalaan o tinatanggap, anumang iniulat na sinabi, ginawa, at sinang-ayunan ng Propeta.
Paano natin malalaman kung ang gawaing pagsamba ay tunay na gawaing bidah?
3. Bilang ng pagsamba:
Isa sa mga paraan upang matukoy natin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang Sunnah at isang bidah ay batay sa dami ng bilang ng pagsamba. Kung ang isang tao ay nagpasyang magdasal ng limang rakah para sa salah ng dhuhr tunay na ito ay bidah. Batid natin na ang dasal na ito ay binubuo ng apat na unit o rakah; ito ang siyang isinabatas at itinakda at ang pagpapakilala ng karagdagang unit o rakah ay maituturing na makabago, bid'ah.
4.Pamamaraan ng pasasagawa ng pagsamba:
Isa pang paraan upang matukoy natin ang kaibahan ng anumang nagmumula sa Quran at Sunnah at nang Bid'ah ay sa pamamagitan ng pagsuri ng pamamaraan ng pagsasagawa. Yaon ay kung paano natin isinasagawa ang gawaing pagsamba, ito ba ay naaayon sa kung paano ito itinuro ng Islam, o tayo ba'y nagmalabis sa hangganan at nagdagdag ng anuman sa relihiyon na kung saan ay ginawang ganap na. Ang halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng takdang paghuhugas o wudhu bago ang pagdarasal nang mali ang pagkakasunod sunod, tulad ng pasisimula sa paghuhugas ng paa sa halip na ito ay sa pagtatapos.
5.Takdang Oras ng Pagsamba:
Ang takdang oras kung kailan isinasagawa ang gawaing pagsamba ay mahalaga rin. Kung ang pagsamba ay isinagawa ayun sa turo ni Propeta Muhammad at sa takdang oras nito, samakatuwid ito ay tunay na makapagpapalugod sa ating Tagapaglikha. Datapwa't kung ang isang tao ay kanyang tangkain na baguhin ang tiyak na oras, samakatuwid, ang taong yaon ay nahuhulog sa kasalanan ng bidah. Halimbawa, ang pag-aalay (Pagkatay) ng tupa sa buwan ng Ramadhan na may layuning paghahangad ng gantimpala tulad ng gantimpala ng pag-aalay (pagkatay) ng tupa sa panahon ng Eid ul-Adha, samaktuwid ito ay maituturing na makabago o bidah.
6.Lugar ng Pagdarausan ng Pagdarasal:
Ang lugar kung saan isasagawa ang gawaing pagsamba ay marapat ding naaayon sa kung anu ang itinakda o isinabatas. Kapag, halimbawa ang isang tao ay magsasagawa ng Itikaf sa kanyang tahanan, katunayang ito ay hindi katanggap tanggap. Ang lugar na marapat pagdausan ng Itikaf ay ang Masjid, kaya't ang pagsasagawa nito sa kahit saang lugar maliban sa masjid ay maituturing na bidah.
Ang Talaan ng mga karaniwan at laganap na Makabago o Bidah
·Paghahangad ng tulong mula sa patay sa libingan.
·Pag-upo ng sama-sama at pagbigkas ng mga salitang naglalaman ng pag-alaala sa Allah, tulad ng Allahu Akbar ng sabay-sabay.
·Pagturing sa araw ng kapanganakan ng Propeta bilang isang Pista.
·Pag-ayuno sa ika labing limang araw ng Islamikong buwan ng Shaban at paggugol sa gabi nito sa pamamagitan ng pagsamba.
·Pagdiriwang para sa kaarawan ni Propeta Muhammad sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah.
·Pagbasa ng Quran upang makinabang ang patay (kasama na dito ang pagkuha ng tagabasa ng Quran).
·Paghaplos ng tubig sa batok sa tuwing nagsasagawa ng takdang paghuhugas o ablusyon.
·Paghahanda ng namatayan ng pagkain para sa mga bumibisita.
Anu ang “Mabuting bidah”?
May mga pagkakataon na makakarinig kayo ng isang bagay na kung tawagin ay ‘mabuting bidah’. Ayon kay Sheikh Ibn Uthaymeen, sumakanya nawa ang habag ng Allah, “… Walang ganoong bagay sa Islam (sa relihiyosong pagkaunawa) bilang mabuting bidah.”[1] Ang Sheikh ay nagbigay-diin din na “…tungkol sa karaniwang usapin sa kaugalian at asal, ito ay hindi matatawag na bidah (makabago) sa Islam, kahit na ito ay maaring ilarawan bilang ganoon sa alituntuning pang wika. Ngunit ito'y hindi bidah (makabago) sa relihiyosong pagkaunawa, at hindi ito ang mga bagay kung saan tayo ay binalaan ng Propeta laban dito ”. Bilang karagdagan sa mga nabanggit, ang pantas ng Islam na si Imam Ibn Rajab[2] ay nagsabi “anumang salita mula sa mga naunang matutuwid na mananampalataya na nagtuturing sa isang bagay bilang mabuting bidah ay tumutukoy sa lingguwistikong pagkaunawa at hindi sa islamikong pagkaunawa”.
Sa pagtatapos, ang bidah ay isang makabagong gawagawa na paniniwala at gawa sa Relihiyong Islam kung saan ang mapalapit sa Allah ang hangad mula rito ngunit wala itong matibay na patunay mula sa mapananaligang katibayan sa alinman sa pundasyon nito o sa pamamaraang ito ay isinasagawa.[3]
Talababa:
[1] Majmoo’ Fataawa Ibn ‘Uthaymeen, vol. 2, p. 291
[2] Si Ibn Rajab ay isang kilalang pantas noong ikaanim na siglo CE, mahusay sa maraming mga larangan ng Islam kabilang ang tafsir, hadith at fiqh.
[3] Ang kahulugan na ito ay hango mula sa Makabago sa liwanag ng Kaganapan ng Shariah ni Sheikh Muhammad ibn Salih al-Uthaymeen.
Nakaraang Aralin: Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
Susunod na Aralin: Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)