Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)
Deskripsyon: Ang mga araling ito ay ipakikilala ang mambabasa sa mga kasalanan, mga uri nito, kalubhaan, paano matatamo ang kapatawaran para sa kanila, at paano ang mga ito makakaapekto sa isang tao sa buhay na darating.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 126 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,633 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin:
·Upang matutunan ang mga paraan kung saan ang mga kasalanan ay napapatawad.
·Upang matutunan ang tungkol sa walang kapatawarang kasalanan.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Hajj – Ang paglalakbay sa Mekka kung saan ang manlalakbay ay nagsasagawa ng isang lipon ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang mga haligi ng Islam, na ang bawat nasa hustong gulang na Muslim ay kailangang isagawa ng kahit man lang isang beses sa kanilang buhay kung makakaya itong tustusan at makakaya ng pangangatawan.
·Kafir – (pangmaramihan: kuffar) di-mananampalataya.
·Laylat al-Qadr – isang pinagpalang gabi sa huling sampung araw ng Ramadan, ang buwan ng pag-aayuno.
·Ramadan - Ang ika-siyam na buwan ng Islamikong kalendaryong lunar. Ito ay ang buwan kung saan ang obligadong pag-aayuno ay itinagubilin.
·Shirk – isang salitang nagpapahiwatig ng pag-uugnay ng mga katambal kay Allah, o pag-uugnay ng banal na mga katangian sa iba bukod kay Allah, o paniniwalang ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at mga pagpapala ay nagmumula sa iba bukod kay Allah.
·Ummah - Tumutukoy ito sa kabuuang komunidad ng Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
Ang parusa para sa kasalanan ay inaalis mula sa isang tao sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Pagsisisi
Ang Pagsisisi ay may mga kundisyon na natalakay na nang una. Walang pagsisisi kung ang mga kundisyong yaon ay hindi natugunan. Ang katugunan sa mga kondisyon ng pagsisisi ay tinitiyak ang kapatawaran. Ang pagsisisi ay tinitiyak ang kapatawaran sa malalaking mga kasalanan din. Si Allah ay nagsabi:
"Sabihin: 'O Aking mga aliping lumabag laban sa kanilang mga sarili (sa paggawa ng mga kasalanan)! Huwag mawalan ng pag-asa sa awa ni Allah, katiyakan, si Allah ay nagpapatawad sa lahat ng mga kasalanan. Katotohanan, Siya ang Laging Nagpapatawad ang Lubos na Maawain'" (Qur'an 39:53)
“At Siya ang tumatanggap ng pagsisisi mula sa Kanyang mga alipin, at nagpapatawad sa mga kasalanan" (Qur'an 42:25)
2. Pagdarasal para sa kapatawaran
Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi nakatali sa mahigpit na mga kundisyon tulad ng pagsisisi. Ito ay isang pagdarasal lamang na Si Allah ay maaari o hindi maaaring tanggapin. Ang Propeta ay nagsabi: "Kung ang isang tao ay gumawa ng kasalanan, pagkatapos ay nagsabi, 'O Panginoon, nakagawa ako ng kasalanan kaya patawarin Mo ako,' Siya ay nagsasabi, 'Alam ng Aking alipin na mayroon siyang Panginoon na Siyang maaaring magpatawad ng mga kasalanan o magparusa para dito; Pinatawad Ko ang Aking alipin ...'"[1]
3. Paggawa ng mabuting mga gawa na pumapawi ng mga kasalanan
Si Allah ay nagsabi:
"Katiyakan, ang mabuting mga gawa ay nagtatanggal ng masamang mga gawa." (Qur'an 11:114)
·Pang-araw-araw na mga pagdarasal at Pagdarasal ng Biyernes
"Ang bawat isa sa limang pang-araw-araw na pagdarasal at mula sa isang pagdarasal ng Biyernes hanggang sa susunod ay pagtatakip (mga kasalanan) para sa oras na nasa pagitan, hangga't siya ay hindi gumagawa ng anumang malaking kasalanan."[2]
·Paghuhugas
Kapag ang isang Muslim, o isang mananampalataya, ay naghugas ng kanyang mukha (sa paraan ng espesyal na paghuhugas), ang bawat kasalanan na nagawa ng kanyang mga mata, ay mahuhugasan palayo mula sa kanyang mukha ng tubig, o sa huling patak ng tubig; kapag hinugasan niya ang kanyang mga kamay, ang bawat kasalanang ginawa ng kanyang mga kamay ay mapapawi mula sa kanyang mga kamay ng tubig, o sa huling patak ng tubig; at kapag hinugasan niya ang kanyang mga paa, ang bawat kasalanang ginawa ng kanyang mga paa ay mahuhugasan palayo ng tubig, o sa huling patak ng tubig; hanggang sa lumitaw siyang nalinis sa lahat ng kanyang mga kasalanan."[3]
·Pag-aayuno sa Ramadan
"Sinumang mag-ayuno sa Ramadan dahil sa pananampalataya at umasa para sa gantimpala, ang kanyang mga nakaraang mga kasalanan ay patatawarin.[4]
"Sinumang gugulin ang gabi ng Laylat al-Qadr sa pagdarasal dahil sa pananampalataya at pag-asa sa gantimpala, ang kanyang mga nakaraang mga kasalanan ay patatawarin."[5]
·Hajj
"Ang sinumang magsagawa ng Paglalakbay sa Bahay na ito, at hindi nakipagtalik sa kanyang asawa habang narito at hindi nakibahagi sa makasalanang pag-uugali ay magbabalik na malaya sa kasalanan tulad ng araw na isinilang siya ng kanyang ina."[6]
Ang mabuting mga gawa tulad ng pagdarasal, pag-aayuno, Hajj, atbp ay nagtatakip o nagtatanggal lamang para sa mga paglabag laban sa mga karapatan ni Allah. Tungkol sa mga kasalanang may kinalaman sa mga karapatan ng ibang tao, siya ay kailangang magsisi mula sa kanila.
4. Mga pagdarasal ng kapwa mga mananampalataya tulad ng pagdarasal sa libing
Ang Sugo ni Allah ay nagsabi: "Walang taong Muslim na namatay, at apatnapung lalaki ang nagdasal ng pagdarasal sa libing para sa kanya, hindi nagtatambal ng anumang bagay kay Allah, kundi si Allah ay tatanggapin ang kanilang pamamagitan para sa kanya."[7]
Ang mga anghel ay nagdarasal din para sa mga mananampalataya:
"Yaong mga nagdadala sa Trono, at yaong mga nasa paligid nito, ay niluluwalhati ang kanilang Panginoon sa Kanyang papuri, at naniniwala sa Kanya. Sila ay humihingi ng kapatawaran para sa mga naniniwala, na nagsasabing, Panginoon namin, Iyong niyayakap o pinalilibutan ang lahat ng mga bagay ng awa at kaalaman. Patawarin Mo ang mga nagbabalik sa Iyo at sumusunod sa Iyong landas. Iligtas Mo sila mula sa kaparusahan ng Impiyerno." (Qur'an 40: 7)
5. Pamamagitan ng Propeta sa Araw ng Pagkabuhay Muli
Ang Propeta ay nagsabi:
"Ang aking pamamagitan ay para sa kanila na kabilang sa aking ummah na siyang gumawa ng malaking mga kasalanan."[8]
At siya ay nagsabi:
"Ako ay binigyan ng mapagpipilian sa pagitan ng pagtanggap sa kalahati ng aking ummah sa Paraiso at pamamagitan, at pinili ko ang pamamagitan."[9]
6. Si Allah ay pinapawi ang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga kalamidad ng mundong ito.
Ang Propeta ay nagsabi: "Walang pagkapagod, pagkahapo, pag-aalala, pagdadalamhati, pagkabalisa o pinsala ang sumasapit sa isang mananampalataya sa mundong ito, kahit na ang isang tinik na tumurok sa kanya, maliban na si Allah ay tinatakpan o tinatanggal ang ilan sa kanyang mga kasalanan dahil doon."[10]
7. Ang paghihirap, paglamusak, at takot sa libingan ay magtatakip o magtatanggal din ng mga kasalanan.
8. Pagdaranas ng mga pagkatakot, pagkabalisa at kahirapan sa Araw ng Pagkabuhay Muli ay magtatakip o magtatanggal ng ilang mga kasalanan.
9. Awa ng Lubos na Maawain
Sa pamamagitan ng awa ni Allah, na walang usapin sa bahagi ng Kanyang mga alipin, marami ang mapapatawad. [11]
Walang kapatawarang kasalanan
Kung ang isang tao ay namatay bilang isang kafir siya ay hindi patatawarin. Ang Qur'an ay nagsabi:
"Katotohanan, si Allah ay hindi nagpapatawad sa nagtambal sa Kanya ng dapat nakatakda lamang sa Kanya na pagsamba, subalit patatawarin Niya ang sinumang nais Niya para sa anumang bagay bukod dito." (Qur'an 4:48)
"Sila ay tiyak na hindi naniwala na nagsasabing, 'Si Allah ang Mesiyas, ang anak ni Marya'. Subalit ang Mesiyas ay nagsabi, 'O Mga anak ni Israel, sambahin si Allah, ang aking Panginoon at iyong Panginoon.' Katotohanan, sinuman ang nagtakda ng mga katambal sa pagsamba kay Allah, magkagayun si Allah ay ipagbabawal ang Paraiso para sa kanya, at ang Apoy ay magiging kanyang tahanan. At walang para sa mga gumagawa ng masama ang sinumang tutulong." (Qur'an 5:72)
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)