Naglo-load...

Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)

Marka:

Deskripsyon: Mga pangunahing hakbang na kailangang malaman ng bawat magulang upang makamit ang tagumpay sa pagiging magulang.

Ni Abdurrahman Murad (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 84 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,662 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin:

·Upang malaman na ang pagiging mabuting magulang ay nagsisimula bago ang pagbubuntis.

·Upang malaman na ang responsibilidad ng pagiging mabuting magulang ay para sa parehong mga magulang.

·Ang kahalagahan ng pagbibigay ng magagandang pangalan sa mga bata.

Terminong Arabik

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.

·Du’a panalangin, pagdarasal, na paghiling kay Allah ng isang bagay.

Maghanap ng Mabuting Kasama

Parenting2.jpgAng pagkakaroon ng mabubuting kaibigan ay mahalaga sa pagbubuo ng isang matibay na pamilya. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay sinabi:

"Ang isang tao ay naiimpluwensyahan ng kanyang kasamahan, kaya't maging mapagmatyag sa kung sino man ang kinakasama nila."[1]

Ito ay totoo para sa mga magulang at mga bata. Ang mga bata ay madaling naiimpluwensyahan ng mga nakapaligid sa kanila; kung ang mga magulang ay pinananatili ang mabubuting panauhin , hihikayatin nito ang mga bata na gawin din ito. Sa Kanluran, ito ay napakahalaga, marahil ang isa sa mga kaibigan ay maaaring maging marahas na sumasalungat sa Islam sa pamamagitan ng kanilang pananaw at pag-uugali, kaya dapat na malinaw sa mga magulang na ang pagpapanatili sa mabubuting panauhin at pag-iwas sa masasamang panauhin ay makakatulong sa kanilang mga anak sa pagsusuri sa pagitan ng kung ano ang pinahihintulutan mula sa kung ano ang hindi. Ito ay makakatulong sa mga bata na maunawaan na bagama't mayroong mga umiinom ng alak o gumagawa ng mga bagay na labag sa batas, ang mga ito ay hindi magandang bagay na dapat gawin at may mga tama na mapapagpipilian.

Dapat maging aktibo ang mga magulang sa pagpili ng mga pinakamainam na kasama at mga kaibigan para sa kanilang mga anak. Kung nais ng mga bata na dalhin ang kanilang mga kaibigan sa bahay, mas maganda na pahintulutan ito, upang makita ng mga magulang kung sino sila at maging aktibong na kasama ang kanilang mga anak.

Mga Panalagin sa Allah

Ang Allah, Ang Maluwalhati, ay nagsabi:

"... Manalangin sa Akin, at sasagutin ko ang iyong mga panalangin ..." (Quran 40:60)

Ang paghiling sa Allah na maging matagumpay ang mga anak ay isa sa pinakadakilang bagay na maaaring gawin ng magulang para sa kanilang mga anak. Ang du'a ng mga magulang ay tinatanggap ng Allah, ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay sinabi:

"Tatlong du'a na tinatanggap ng Allah, ng walang pag aalinlangan, ang du'a ng isang inapi, ang du'a ng isang naglalakbay at ang du'a ng isang magulang para sa kanilang mga anak."[2]

Sa ngayon ay natalakay natin ang mga pangunahing punto na dapat na isa-isip ng bawat magulang. Ngayon ay tatalakayin naman natin ang isang hakbang na kasing halaga, ngunit isa itong hakbang bago ang pagkakaroon ng isang pamilya.

Pagpili ng isang Asawa

Ito ang pinakamahalagang hakbang patungo sa pagkakaroon ng matagumpay na pamilya sa Kanluran. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay sinabi:

"Piliin ang pinakamainam na asawa upang simulan ang iyong pamilya."[3]

Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay pinalawig ang pagpapaliwanag kung sino ang 'pinakamainam' na asawa. Ipinaliwanag niya na ang pinakamainam na asawa ay isang taong relihiyoso at nagtataglay ng mabuting pagkatao. Sinabi Niya:

"Ang mga babae ay maaaring pakasalan para sa apat na bagay: ang kanilang kayamanan, ang kanilang lahi, ang kanilang kagandahan at pagiging relihiyosa. Piliin ang isa na nakatuon sa relihiyon, nawa ang iyong mga kamay ay mahaplusan ng alabok (ibig sabihin, nawa ay umunlad ka). "[4]

Mula sa dalawang tekstong ito, malinaw na dapat pumili ang isang Muslim ng isang mabuting asawa; ito ay para sa lahat ng mga kalalakihan at kababaihan.

Kung ang pagpili ay ginawa lamang dahil sa makamundong bagay, ang relasyon na iyon ay hindi magiging makabuluhan sa mga tuntunin sa pagpapalaki ng isang mabuting pamilya.

Ang parehong mag-asawa ay dapat lawakan ang pananaw di lang sa unang yugto ng kasal kundi sa kung ano ang darating; ang pamilya. Paano magagawa ang kapaligiran na nabuo sa pamamagitan ng pag iisang dibdib na maging kaaya aya sa pagpapalaki ng isang mabuting pamilya? Ito ay isang napakahalagang tanong na dapat masagot. Sa isang maayos na relasyon, ang mag-asawa ay nagtutulungan sa pagpapalaki ng isang mabuting pamilyang Muslim. Ito ay isang malaking responsibilidad; malinaw na ipinahiwatig ng Propeta sa pamamagitan ng kanyang mga salita, sinabi Niya:

"Ang bawat isa sa inyo ay may pananagutan sa mga nasa ilalim ng kanyang pangangalaga. Ang isang pinuno ng isang nasyon ay may pananagutan para sa mga nasa ilalim ng kanyang pangangalaga; ang lalaki ay may pananagutan sa kanyang pamilya; ang babae ay may pananagutan sa mga nasa ilalim ng kanyang pangangalaga. "[5]

Mayroong mga pangunahing kaugalian o kaasalan na napakahalaga para sa mag asawa sa pag sisimula ng kanilang relasyon; kapag ang mga ito ay ipinatupad, masisiguro nito para sa kanila ang isang mabuti na pagsisimula sa kanilang buhay. Ang isa rito, ay pamamaraan na sinabi sa atin ng Propeta na dapat ilagay ng lalaking asawa ang kanyang kamay sa noo ng kanyang babaeng asawa at sabihin:

"O Allah ako ay humihiling sa iyo ng kanyang kabutihan na likas na sa kanya at ako ay nagpapakupkop sa iyo mula sa kanyang kasamaan at sa kasamaan na likas ng nasa kanya."[6]

Marami pang ibang mga kaugalian o kaasalan na dapat malaman at panindigan ng mag-asawa.

Mga Bata

Matapos ang kritikal na yugto ng pagpili ng isang mabuting asawa, ang mag-asawa ay dapat magsikap sa pagtataguyod sa mga kagawian na nabanggit na napapaloob sa Sunnah sa pagpapalaki ng isang pamilya.

Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi:

"Katunayan tatawagin ka sa Araw ng Paghuhukom sa pamamagitan ng iyong mga pangalan at ang mga pangalan ng iyong ama, kaya mamili (para sa inyong mga anak) ng mabubuting pangalan."[7]

Sa ngayon, ang ilan sa mga pangalan na ibinibigay sa ating mga anak ay napakasama! Kung minsan, ang mga magulang ay pumipili ng mga pangalan ng mga kilalang tao na hindi Muslim, o mag sasaliksik sila sa kanilang kultura upang pumili ng mga kakaibang 'natatanging' mga pangalan na may koneksyon sa kultura.

Ang mga pangalan na ibinibigay sa isang tao ay may malalim na epekto sa kanilang paglaki; ang isang pangalan na may masamang kahulugan o negatibo ay dapat iwasan. Ang Propeta ay nagbigay sa atin ng malinaw na mga tagubilin kung paano pumili ng mga pangalan. Ipinakita ito ng Propeta; Isang beses, isa sa kanyang mga kasamahan, Si Zaid al-Khail, ay pinalitan ng pangalan na Zaid al-Khair; Ang Khail ay nangangahulugan na mga kabayo samantalang ang Khair ay nangangahuluga ng kabutihan. Mariin din niyang tinagubilinan ang kanyang mga kasama na iwasan ang paggamit ng mga pangalan na may kakaibang kahulugan. Ang payo na ito ay napakahalaga, lalo na sa paglaganap ng suliranin ng bullying(pang-aapi) sa mga paaralan. Kung isang mabuting pangalan ang pinili, ito ay pangangalagaan ang bata mula sa negatibong kadahilanan na yaon na maaari nilang maranasan sa paaralan.

Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay tinuro sa atin sa pagsasabi:

"Ang pinakamamahal na mga pangalan sa Allah ay Abdullah at Abdur-Rahman."[8]

Ang Abdullah ay nangangahulugang na 'Alipin ng Allah' at ang Abdur-Rahman ay nangangahulugang na 'Alipin ng Pinaka Mapagpala'.

Huwag Kalimutan ang Maliliit na Bagay

Bawat yugto ng paglaki ng mga bata ay dapat pinagmamasdan ng mga magulang; dapat nilang ituro sa kanila ang mga kinakailangang kasanayan habang sila ay lumalaki. Halimbawa, kapag ang mga bata ay musmos pa lamang, ang mga tamang pamamaraan at kagawian ay dapat na ituro sa kanila. Kalaunan maituturo sa kanila kung bakit dapat sila kumilos sa isang nasabing pamamaraan. Ang mga kuwento na isinasalaysay sa yugtong ito ay bihirang makalimutan.

Ang isang bata ay dapat ding hikayatin na isaulo ang du'a at ang Qur'an. Kung sila ay pinalaki sa mga 'maliliit na bagay' na ito, tiyak na magagawa nilang umunlad sa kanilang buhay sa pinakamagandang pamamaraan.



Talababa:

[1] Abu Dawood

[2] Ibn Majah

[3] Sahih al-Jami

[4] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[5] Sahih al-Jami

[6] Abu Dawood

[7] Abu Dawood

[8] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7