Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
Deskripsyon: Isang madaling sundan na gabay na naglilinaw sa mga mahahalaga na dapat malaman ng bawat bagong muslim tungkol sa Hajj, ang mas mataas na pilgrimo sa Mecca.
Ni Abdurrahman Murad (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,168 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin:
·Upang malaman ang kahalagahan ng Hajj.
·Upang matutunan ang mga pangunahing kundisyon na nauugnay dito kasama ang mga katibayan.
Terminong Arabik
·Hajj - Ang pilgrimo papunta sa Mecca kung saan ang mga pilgrimo ay nagsasagawa ng takdang ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat nasa tamang edad na Muslim ay kailangang magsagawa ng hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay kung nasa kakayahan nila ito sa salapi at pisikal.
·Jihad – pakikibaka, magsumikap sa isang bagay, at maaaring ipakahulugan na isang lehitimong(naaayon sa batas) digmaan.
·Kabah – Ang hugis-kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.
·Mahram – Isang tao, lalaki o babae na may kaugnayan sa isang natatanging indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Isang tao na hindi sa kanya ipinahintulot na maging asawa, tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.
·Talbiyah – Ang pahayag ng mga Muslim na binibigkas sa panahon ng pilgrimo.
·Umrah – Ay isang paglalakbay sa Banal na Bahay ng Allah sa lungsod ng Mecca, Saudi Arabia. Kadalasang tinutukoy ito bilang ang mas mababang pilgrimo. Maaari itong maisagawa sa anumang oras ng taon.
Introduction
Taon taon milyon-milyon ang nagbibigkas ng Talbiyah ‘Lab’baik Al’laahum’ma Lab’baik, Lab’baika laa Shareeka laka Lab’baik, In’nal Hamda wan Ni’mata laka wal Mulk, Laa Shareeka lak’[1].
Ang 'Talbiyah' na ito ay isang proseso himala; henerasyon sa henerasyon, taon-taon, milyun-milyon ang nagbigkas nito at sasabihin nila ito bilang tugon sa panawagan ni Propeta Abraham. Ang Allah, ang Dakila, ay nagsabi:
“At ipaalam mo, O Abraham, sa sangkatauhan ang kautusan sa kanila na magsagawa ng Hajj, na sila ay tutungo sa iyo batay sa antas ng kani-kanilang kalagayan, may naglalakad, at may nakasakay sa mga payat na kamelyo; pupunta sila sa iyo na nagmula pa sa mga malalayong lugar” (Quran 22:27)
Naiulat ito mula sa totoong tradisyon, nang ang Propeta Abraham ay matapos ang pagtatayo ng Kabah, sinabi sa kanya, 'Tawagin ang mga tao!' At pagkatapos ay sinabi niya, 'Panginoon ko, gaano kalayo ang maabot ng aking tinig?' at sinabi sa kanya, 'Tumawag ka, kami ang magpapaabot sa iyong panawagan na umabot sa malalayong lugar!' Si Propeta Abraham ay nanawagan: "O mga tao katunayag ang Allah ay nagtagubilin ng pilgrimo (Hajj) sa inyo sa Sinaunang Bahay (Kabah)!" narinig ng mga tao ang kanyang tinig at sila ay tumugon mula sa lahat ng lugar habang nagbibigkas nitong Talbiyah! [2]
Sa seryeng ito ng Hajj, paguusapan natin ang tungkol sa ilang mahahalagang aspeto ng Hajj, mga bagay na dapat isa-isip ng lahat kasama ang praktikal na payo na gagabay sa isang tao sa pagsasagawa nito.
Kagandahan ng Hajj
Maraming kagandahan ang Hajj, ang babanggitin ko dito ay ang mga kagandahan na tumutukoy sa Hajj sa pangkalahatan, at pagkatapos ay babanggitin ang natitirang bahagi ng mga ito habang tinatalakay ang pamamaraan ng Hajj.
1.Ito ang ikalimang haligi ng Islam. Ang Allah, ang Dakila, ay nagsabi:
“…Ang Hajj sa Tahanan ay isang tungkulin ng sangkatauhan sa Allah, sa mga may kakayahang gumugol (sa sasakyan, pagkain at tirahan)…” (Quran 3:97)
2.Ito ay isang tungkulin na isinasagawa ng isang Muslim na may buong dangal at pagsuko sa Diyos lamang. Dahil sa pagiging mahirap nito inilarawan ito ng Propeta bilang isang anyo ng Jihad (pakikibaka); tama naman, dahil nangangailangan ito mula sa tao ng sakripisyo sa kanilang pera, oras at dapat silang maging mapagtimpi sa kabuuan ng gawaing pagsamba. Si A'ishah, nawa ay malugod ang Allah sa kanya ay sinabi: "Sinabi Ko O Sugo ng Allah (SWT) Ang pananaw namin sa Jihad ay isa sa pinakamainam na mga gawain; hindi ba natin gagawin ang Jihad? "Sinabi niya sa kanya:" Ang pinakamainam na Jihad (para sa iyo) ay isang Hajj na tinanggap. "[3]
3.. Ang gawaing ito ng pagsamba ay nangangailangan na ang isang tao ay ialay ang lahat ng nasa kakayahan na ibinigay ng Diyos upang magawa ito! Ipinangako ng Diyos sa mga taong nagampanan ang gawaing pagsamba na ito ang isang malaking gantimpala; ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay sinabi: Ang tinanggap na Hajj (Hajj Mabroor) ay walang ibang gantimpala maliban sa Jannah (Tahanan ng Paraiso).[4]
4.Ang Propeta ay tinanong: "Ano ang pinakamainam na gawain sa paningin ng Diyos?" Sumagot siya: "Paniniwala sa Allah!" Pagkatapos ay tinanong siya, "Ano ang sunod?" Sumagot siya: "Jihad sa landas ng Allah". Pagkatapos ay tinanong siya, "Ano ang susunod?" Sabi niya: "Isang tinanggap na Hajj!"[5]
5.Ang Propeta ay nagsabi: "O Amr 'hindi mo ba nalalaman na ang Hajj ay nagpapawi ng lahat ng mga kasalanang nagawa bago ito ( Hajj)?"[6]
6.. Ang Propeta ay nagsabi: Ang isang nagsasagawa ng Hajj na hindi nagsagawa ng sekswal na gawain kasama ang kanyang asawa sa panahon ng Hajj at hindi nag-asal ng kasamaan (sa panahon ng Hajj) ay babalik mula sa Hajj sa araw yaon na siya ay parang bagong silang (malinis sa kasalanan).[7]
7.Sinabi ng Propeta: "Habang ang kamelyo ng isang tao na dumarating para sa Hajj ay itinataas at binababa ang mga paa nito habang naglalakad papunta sa Mecca para sa pilgrimo, ang taong naghahangad ng Hajj ay nakatatanggap ng gantimpala para sa bawat hakbang at isang kasalanan ang buburahin sa bawat hakbang at siya ay inaangat ang ranggo. "[8]
8.Sinabi rin ng Propeta: "Ang nagsasagawa ng Hajj ay isang panauhin ng Allah; Tinawag Niya sila na gawin ang tungkuling ito at sinagot nila ang tawag na iyon! Sila ay mananalangin sa Kanya at Siya ay tutugon sa kanila. "
Mga kondisyon ng Hajj
Inuuri ng mga iskolar ang mga kondisyon para sa katungkulan ng Hajj sa iba't ibang mga uri, ngunit sa pangkalahatan lahat ay sang-ayon na ang mga nauugnay na kondisyon na naaangkop sa panahon ngayon ay ang mga sumusunod:
1. Pagiging isang Muslim.
2. Tamang pag-iisip at pagiging makatwiran na kapasidad.
3. Umabot sa tamang gulang.
4. Kakayahan (salapi at pangangatawan).
Ang unang kondisyon sa 'pananampalataya' ay isang pangunahing kailangan sa lahat ng mga uri ng pagsamba. Kahit na naperpekto ang isang gawain ng pagsamba at ginagawa ito sa isang dalisay na paraan, hindi ito tatanggapin maliban kung ang taong iyon ay isang Muslim. Ang Allah, ang Dakila, ay nagsabi:
“At Kami ay babaling sa mga gawa na kanilang ginawa at ikalat sila na parang alabok.” (Quran 25:23)
Ang ikalawang kondisyon ng kakayahan sa pag-iisip at pagiging makatwiran ay isang pangunahing kailangan para sa lahat ng mga gawaing pagsamba, at kung wala ito ang mga gawain ng isang tao ay hindi tatanggapin. Sinabi ng Propeta:
“Tatlo ang hindi mananagot sa kanilang mga pinaggagagawa "at binanggit niya sa kanila:" isang nasiraan ng bait hanggang sa siya ay muling magbalik sa kanyang katinuan.”[9]
Ang ikatlong kondisyon ang siyang mahalaga. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng Hajj bago siya umabot sa edad ng pagbibinata/pagdadalaga, kinakailangan nila gawin ito muli kapag umabot na sila sa edad ng pagbibinata/pagdadalaga. Ang katibayan para sa kondisyong ito ay binanggit sa tradisyon, kung saan binanggit ng Propeta ang tatlo na hindi mananagot sa kanilang mga gawa, sinabi niya: "isang bata hanggang sa maabot niya ang edad ng pagbibinata/pagdadalaga."
Ang ika-apat na kondisyon ng kakayahan ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi; kakayahan sa mga tuntuning pinansiyal at lakas ng pangangatawan.
Kung ang isang tao ay walang pinansiyal(salapi) na kakayahan, hindi siya pinipilit magsagawa ng pilgrimo. Sa halip hindi magiging obligado sa kanya ang pagsasagawa ng Hajj. Siya ay makakatanggap ng gantimpala dahil sa kanyang layunin.
Parehas lang din ito isang tao na walang kakayahang pisikal ; hindi siya obligadong pumunta mismo para sa Hajj, ngunit kung mayroon siyang pinansiyal na kakayahan, maaari siyang magpadala ng isang tao sa kanyang ngalan upang magsagawa ng Hajj.
Ang kalagayan na ito ay may iba pang sukatan na may kinalaman sa kababaihan. Kung wala silang mahram na maaaring sumama sa kanila sa paglalakbay na ito, sila rin ay malaya (hindi obligado) na magsagawa ng Hajj.
Sa susunod na aralin tatalakayin natin kung paano isinasagawa ang Hajj.
Talababa:
[1]Kahulugan: Narito ako O Allah, (bilang pagtugon sa iyong panawagan), narito ako. Narito ako, wala Kang katambal, narito ako. Tunay na ang papuri, biyaya at ang paghahari ay nauukol Sayo ; wala Kang katambal.
[2] Fath al-Bari 3/478
[3] Saheeh Al-Bukhari
[4] Al-Jami as-Sagheer #5733.
[5] Saheeh Al-Bukhari
[6] Saheeh Muslim
[7] Saheeh Al-Bukhari
[8] Baihaqi
[9] Abu Dawood
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman