Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
Deskripsyon: Isang maikling talambuhay ng kasama, kaibigan ni Propeta Muhammad, at ang ikatlong matuwid na Pinatnubayang Khalifah ng Islam at isang maliliit na sulyap sa ilan sa mga tagumpay at hamon ni Uthman ibn Affan.
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 80 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,146 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin:
·Upang mapag-aralan ang buhay ni Uthman ibn Affan at maunawaan ang kahalagahan ng papel niya sa kasaysayan ng Islam.
Terminolohiyang Arabik:
·Khalifah (maramihan: Khulafa’) – Caliph. Minsan naibaybay na Khalif. Siya ang pangunahing pinuno ng relihiyon at palingkurang-bayan na pinuno, na itinuturing na kahalili ng Propeta Muhammad. Ang isang Khalifah ay hindi isang hari.
·Ummah – Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
·Rakah – isang yunit ng pagdarasal.
Isang araw habang ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nasa Bundok ng Uhud sa Madinah, ito ay umuga at pinalo niya ito ng isang pamatpat at sinabi: "O Uhud, maging matatag! Tunay na nasa ibabaw mo ay isang Propeta, isang Sid'deeq (nagsasalita lamang ng katotohan) at dalawang martir. "Ang salitang 'Sid'deeq' ay tumutukoy kay Abu Bakr, ang unang Khalifah ng Islam, at ang dalawang martir ay sina Umar at Uthman. Si Uthman ay naging khalifah (caliph) matapos ang pagpatay kay Umar ibn Al-Khattab noong 644 CE. Siya ay namuno sa loob ng 12 taon, at sa panahon ng kanyang pamamahala, ang lahat ng Iran, karamihan sa Hilagang Aprika, ang mga Caucus at Cyprus ay idinagdag sa Islamikong Imperyo. Nang siya ay mamatay na, si Umar, ang pangalawang khalifah ng Ummah ay nagtalaga ng konseho ng anim na kalalakihan upang pumili ng isang bagong pinuno. Kaya si Uthman ibn Affan ay hinirang na khalifah sa pamamagitan ng isang proseso ng konsultasyon at masusing pag iisip. Si Uthman ay magiging 70 taong gulang noong inihalal siya sa katungkulan na ito. Sa loob ng maraming taon ay pinigilan niya ang mga kaluguran ng buhay na ito upang mapalapit sa Allah kaya noong nagtalumpati siya sa mga tao bilang bagong inihalal na khalifah hindi nakakabigla na nagtakda siya ng paggalang at malasakit at ito ay ang naging simbolo ng kanyang pamumuno.
Si Uthman ang unang khalifah na nag-ayos ng isang hukbong-dagat. Inayos niya ang mga administratibong dibisyon ng Ummah at pinalawak at pinasimulan ang maraming pampublikong proyekto. Sa ilalim ng pamamahala ni Uthman maraming mga moske, mga paaralan at mga bahay ng panauhin (guest house) ang itinayo sa patuloy na pagpapalawak ng Caliphate. Pinangasiwaan niya ang pagtatayo ng mga kanal upang hikayatin ang agrikultura at tinanggal ang mga paghihigpit sa pagbili ng lupa sa mga nasasakupan na lupa. Minahal ng mga tao si Uthman dahil labis siyang mapagbigay at nagtatag ng isang balangkas na sistema ng kapakanan para sa mga taong hindi ganoon kapalad. Sa pamamagitan ng sistemang ito, ang mga tao ay natamasa ang mga luho na hindi natatamasa ng Khalifah mismo. Kasama ng mga magagandang halimbawa na ito, si Uthman ay lubos na matatag at mahigpit kapag ito ay dumating sa mga usaping hustisya. Wala siyang tinatangi sa kanyang pamilya sa bagay na ito; isang beses ang kanyang kalahating kapatid na lalaki ay iniharap upang parusahan para sa isang krimen na ginawa niya, ang kaparusahan ay hindi nabawasan o pinawalang-bisa kahit pa sa kanyang relasyon sa khalifah.
Si Uthman ay napaka-mapagpakumbaba at karaniwan makikita na natutulog nang nag-iisa sa moske na nakabalot sa isang kumot na walang mga kasama o mga gwardya sa paligid niya, o nakasakay sa isang mola. Siya ay isang deboto na lalaking nagmamahal sa Quran at kinahihiligan ito. Sa panahon ng kanyang pamumuno na kung saan ang iba't ibang mga dialekto ng Quran ay maaaring mabigkas ay ginawang isang dialekto at kopya na kilala ngayon bilang 'Mushaf Uthman'. Ang pamantayang kopya na ito ay walang tutol na tinanggap ng Ummah at ito ay parehong kopya na binabasa natin ngayon.
Kahit na ang Caliphate ay mabilis na lumalawak, ang mga taong may lihim na motibo ay nagsimulang magkalat ng mga binhi ng pagtatalo-talo sa mga kabataan at walang karanasan; kaya, ang mga huling taon ng paghahari ni Uthman ay minarkahan ng isang paghihimagsik. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagpropesiya na ito ay magaganap, tulad ng sinabi niya: "Ang Islam ay tatakbo nang maginhawa tulad ng isang maaayos na pagkakalagay ng batong panggiling, hanggang sa taong 35." Ang taong 35 ay marka ng taon kung saan si Uthman, nawa ay kalugdan nawa siya ng Allah, ay pinatay.
Ang mga rebelde na nagtipun-tipon sa Madinah mula sa iba't ibang panig ng Caliphate ay kinubkob ang tahanan ni Uthman sa loob ng 40 araw, kung saan ay pinigilan siya kahit sa pag-inom ng tubig. Si Uthman ay lumabas upang kausapin sila, ngunit ang ilan sa kanila ay hindi nahihikayat. Sa simula, sila ay hinarangan sa pamamagitan ng batalyon ng mga kasamahan na nagsilbing bantay ng kanyang tahanan kasama ng mga ito ay sina Al-Hasan at Al-Hussain (ang mga anak ni Ali), nawa ay kalugdan nawa sila ng Allah. Inutusan sila ni Uthman na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil hindi niya nais na dumanak ang dugo ng sinuman. Pagkaalis nila ang mga rebelde ay pumasok sa kanyang bahay at pinatay siya sa harapan ng kanyang asawa. Habang tinatamaan ng tabak ng mamamatay-tao, binabanggit ni Uthman ang mga sumusunod:“Sapat na ang Allah sa iyo laban sa kanila. At Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman.” (Quran 2:137)
Si Propeta Muhammad ay nag propesiya na malalagay si Uthman sa isang malubhang sitwasyon nang sabihin niya, "Marahil ay bibihisan ka ng Diyos ng isang kamiseta(damit pang ibabaw), Uthman, at kung gusto ng mga tao na hubarin sayo ito, huwag mong alisin ito para sa kanila." Bagaman hinihiling ng mga rebeldeng ito na siya ay bumaba bilang Khalifah, tumanggi siya at hindi nagpadala sa kanilang mga hinihingi. Ang kanyang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang Sugo ay nagbibigay sa kanya ng parehong lakas at pagpapakumbaba sa harap ng katandaan at matinding paghihirap.
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman