Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
Deskripsyon: Kailan at kung paano magsisimula ang Araw ng Paghuhukom.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,634 (pang-araw-araw na average: 4)
Layunin
·Upang maunawaan ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa Araw ng Paghuhukom at upang maintindihan ang kanilang kahalagahan.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Rakah - isang yunit ng pagdarasal.
Bago natin masuri ang mga pangyayari na sinabi ng Allah na mangyayari sa Araw ng Paghuhukom ay dapat nating itanong sa ating sarili kung kailan ang Araw na iyon. At hindi tayo ang unang henerasyon na nagtanong sa katanungan na iyon. Si Propeta Muhammad ay maraming beses na tinanong ng maraming tao kung kailan darating ang Araw na ito. Ang kasagutan ngayon, kahit na nakagawa tayo ng mga kahanga-hangang pag-unlad sa lahat ng sangay ng kaalaman, lalo na sa teknolohiya at agham, ay ganoon pa rin. Ang Allah lamang ang nakakaalam kung kailan ang oras ng pagsisimula ng Araw ng Paghuhukom mangyayari. Nang ang anghel Gabriel ay dumating sa Propeta naka balat-kayo na isang na tao na may matiwasay na pananamit, isa sa mga tanong na kanyang tinanong ay tungkol sa Oras. Sinabi ni Propeta Muhammad na, "Ang tinanong ay walang mas higit na kaalaman kaysa sa nagtanong."
“Ang mga tao ay nagtatanong sa iyo patungkol sa Oras, Sabihin ang kaalaman tungkol dito ay sa Allah lamang, at paano mo mababatid, maaaring ang Oras ay malapit na.” (Quran 33:63)
“Katotohanang darating ang Oras at ang Aking Kagustuhan ay itago ito...” (Quran 20:15)
Ang Allah ay itinatago ang petsa ng Araw ng Paghuhukom mula sa atin. Ang talatang ito lamang ay ipinapahiwatig sa atin na ito ay katulad ng isang napakalaking okasyon ng mga katakut-takot na pangyayari. Kahit na hindi natin alam kung kailan ang Araw ng Paghuhukom, ang Allah at ang Kanyang Sugo na si Muhammad (ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya) ay inilarawan nang detalyado kung ano ang mangyayari sa Araw na iyon. Mula rito at sa mga susunod na dalawang aralin ay ilalarawan natin ang mga kaganapan ng Araw ng Paghuhukom tulad ng inilarawan sa atin sa Quran at ng tunay na ahadith.
Pag-ihip ng Trumpeta.
Ang Araw ng Paghuhukom ay biglang darating sa sangkatauhan. Hindi mahalaga kung gaano kahusay ang kaalaman o interesado ang isang tao sa mga palatandaan na mauuna sa kanya, ang pagsisimula nito ay darating ng biglaan. Ang trumpeta ay hihipan at ang mga tao ay makakarinig ng isang tunog na nakakasindak na ang mga bundok at ang lupa mismo ay guguho at magiging alabok.
“At kapag hinipan na ng anghel ang trumpeta ng isang ihip, at aalisin ang kalupaan at ang kabundukan mula sa kinaroroonan nito, at wawasakin at yayanigin ito ng isang pagyanig na napakatindi. At sa mga oras na yaon ay mangyayari ang pagkagunaw ng daigdig” (Quran 69:13-15)
Sinasabi ng Allah na ito ay magiging isang sigaw, isang matagal na patuloy na tunog na hindi titigil hangga't ang lahat ay masawi (Qur'an 38:15). Pagkatapos ay susundan ito ng pangalawang pag-ihip ng trumpeta. Dito, sinasabi sa atin ng Allah na ang lahat ng nabuhay ay matatagpuang, nakatayo, nakatitig, at gulat sa mga pangyayari.
“At ang trumpeta ay hihipan, at ang sinumang nasa kalangitan at ang sinumang nasa ibabaw ng lupa ay masasawi maliban sa kung sino ang naisin ng Allah. magkagayo'y hihipan muli, at kaagad sila'y nakatayo, nakatingin!” (Quran 39:68)
Ang Pagtayo
Ang trumpeta ay hinipan, ang lupa ay natiklop na parang isang kalatas at ang mga patay ay bumangon. Ang mga buto at mga bahagi ng katawan ay pagdudugtungin, ang mga utak ay magsisimulang gumana. Tunay na ang mga tao ay ibinalik sa Allah. Ang lahat ng mga tao ay patay na, ang mga namatay bago ang pag-ihip ng trumpeta at yaong mga namatay sa matitinding kaganapan ng pinantay ang lupa na patag. Nagsimula na ang Araw ng Paghuhukom. Ang mga tao ay nakatayo ng pangkat-pangkat, nakatingin sa harapan.
“Lahat ng kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan, matapos ay sa amin ang inyong pagbabalik” (Quran 29:57) Katunayan
“ Iniisip ba ng tao na hindi Namin kayang ipuning muli ang kanyang buto(pagkatapos magkadurug-durog nito at kumalat?) Bagkus! Katotohanan kaya naming buuin kahit dulo ng mga daliri niya” (Quran 75:3-4)
Sa sandaling ang unang sindak ng pagkabuhay muli ay nagsisimulang humupa na, ang katotohanan sa kalagayan na iyon ay nagsisimulang matanggap. Ang takip ng pisikal na mundo ay inalis. Ang mga gawaing nagawa natin ay itinakda para ating makita. "Kaya ang sinumang gumagawa ng na katiting na kabutihan ay makikita ito. At ang sinumang gumagawa ng katiting na kasamaan ay makikita ito. "(Qur'an 99: 7, 8) Isa mula sa mga pangako ng Allah ay natupad. Ang ilang mga tao ay masaya sa kanilang kalagayan at ang iba ay nagsisimulang manginig sa takot.
Ang mga gawa ng isang tao ang tutukoy kung gaano katagal ang pagtayo niya ngunit ang lahat ng taong naghihintay ay nakayapak, hubad, at hindi tuli. Sinasabi sa atin ng Ahadith na ang pagkatayo sa takot at sindak ay maaaring maging hanggang 50,000 na taon [1] ngunit para sa isang mabuting tao maaaring itong katulad ng oras na kinakailangan upang magdasal ng dalawang rakah ng pagdarasal. Ang mga taong naghihintay ay matatakot, ang kanilang mga puso'y tumitibok na parang dram sa kanilang mga dibdib at mga tainga. Sila ay magtatakbuhan na parang mga lasing at wala silang sinumang iisipin kundi ang kanilang mga sarili. Ang mga magulang, asawa at mga anak ay kakalimutan. Nababalot sa takot magsisimula silang tanungin ang kanilang sitwasyon.
“Sasabihin Niya: 'O Panginoon ko! Bakit mo ako binuhay na bulag, Samantalang ako ay may paningin (dati)? '[Ang Allah] ay sasabihin,' Ganito ito: Ang aming mga tanda ay dumating sa iyo, ngunit iyong binabalewala sila, at sa gayon ikaw ay malilimutan sa Araw na ito. '” (Quran 20:125)
Ipinaalam sa atin ni Propeta Muhammad na sa Araw ng Paghuhukom ay ilalagay ang araw na malapit sa sangkatauhan. Ang araw ay magiging isang milya lamang ang layo at ang mga tao ay pagpapawisan ayon sa antas ng kanilang mga gawa. [2] Para sa ilan, hindi na kailangan matakot, sila ay pasisilungin ng Allah. Ang pitong uri ng mga tao na pasisilungin sa Araw na walang lilim. Ang mga ito ay, isang makatarungang pinuno, isang tao na ang puso ay malapit sa moske, isang tao na pinalaki sa pagsamba sa Allah, dalawang taong nagmamahalan sa isa't isa para lamang sa Allah, isang tao na kapag inaalala ang Allah ay umiiyak, isang tao na nagbibigay ng kawang-gawa sa kapwa ng lihim at isang tao na tinukso upang gumawa ng kasalanan sa kasalungat na kasarian ngunit napigilan at sinabi na siya ay natatakot sa Allah. [3]
Ang mga tao ay maiiwang nakatayo, doon sa isang malawak na patag, at magsisimula silang tumawag. "Nasaan ang Allah upang hatulan tayo?"
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman