Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
Deskripsyon: Isang pagtuklas sa kung ano ang sinasabi ng Sunnah ng Propeta Muhammad tungkol sa interes at mga mungkahi kung paano maiiwasan ang karaniwang mga uri ng riba sa modernong buhay.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 71 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,290 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Upang maunawaan ang ilang mga talata sa Quran sa riba.
·Upang malaman ang ilan sa sinabi ni Propeta Muhammad tungkol sa riba.
·Upang malaman ang ilang mga payo sa pakikitungo sa riba.
·Upang malaman ang tungkol sa ilang mga alternatibo sa riba.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Riba - patubo/interes.
·Shariah– Batas ng Islam.
·Shirk – isang salita na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng kasosyo sa Allah, o nagpapahiwatig ng mga katangiang banal sa iba kaysa sa Allah, o naniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod sa Allah.
·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.
·Zakah - obligadong kawang-gawa
Riba sa Quran (pagpapatuloy)
Interes Laban sa Zakah
“At anuman ang inyong ibinigay bilang pautang na ang layunin ay ‘Ribâ’; upang kumita mula sa pagmamay-ari ng mga tao ay wala ritong nairagdag na anumang kabutihan sa paningin ng Allâh subali’t ang anumang ibinigay ninyo bilang ‘Zakâh’ bilang paghahangad ng Kanyang gantimpala,papalakihin at paparamihin niya ito sainyo." (30:39)
Ang Interes ay Kinakain ang mga Kayamanan ng Tao ng Di-makatarungan
“ At dahil sa katampalasanan ng mga Hudyo ay Aming ginawa na bawal sa kanila ang ilang piling pagkain (na mabuti), na noon ay hindi bawal (pinapayagan) sa kanila, at sa kanilang paghadlang ng marami sa Landas ng Allah; At sa kanilang pagtanggap ng Riba, bagama’t sila ay pinagbawalan at sa kanilang pagkamkam ng walang katarungan sa yaman ng mga tao. At Aming inihanda sa mga hindi sumasampalataya sa lipon nila ang kasakit-sakit na kaparusahan.. (Quran 4:160-161)
Pagbabawal ng Pagiipon ng Kayamanan sa Pamamagitan ng Interes
“O! kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong kumain ng Riba, ng dalawang ulit at patong-patong, datapuwa’t pangambahan (ninyo) ang Allah upang kayo ay maging matagumpay.” (Quran 3:130)
Interes Laban sa Kawang-gawa, Mga Kumakain ng Riba sa Araw ng Paghuhukom
“Ang mga nagpapakasasa sa Riba, ay hindi titindig (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) maliban sa pagtindig ng isang tao na hinataw ni Satanas, na nagdulot sa kanya ng pagkabaliw. Ito’y sa dahilang sila ay nagsasabi: “Ang pangangalakal ay tulad din ng Riba”, datapuwa’t ang Allah ay nagpahintulot ng pangangalakal at nagbawal ng Riba . Kaya’t sinuman ang tumanggap ng paala-ala mula sa kanyang Panginoon at tumigil sa pagpapasasa sa Riba ay hindi parurusahan sa anumang nakaraan; ang kanyang usapin ay na sa Allah; datapuwa’t kung sinuman ang magbalik (sa hanapbuhay) na may Riba , sila ang magsisipanahan sa Apoy, mananatili sila rito magpakailanman. Ang Allah ay hindi magkakaloob ng anumang biyaya sa Riba, datapuwa’t magbibigay (Siya) ng higit pang (biyaya) sa mga gawa ng pagkakawanggawa sapagkat Siya ay hindi nagmamahal sa mga walang damdamin ng utang na loob ng pasasalamat at makasalanan.” (2:275-276)
Itigil ang Pagpapasasa sa Interes Kaagad Kapag Dumating na Sainyo ang Patnubay ng Allah, Pahayag ng Allah ng Digmaan sa mga Gumagawa ng Riba
“O kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah, at inyong ipagparaya ang anumang natira sa tubo ng inyong pautang, kung kayo ay tunay na sumasampalataya. At kung ito ay hindi ninyo gawin, dapat ninyong alamin na kayo ay binigyang babala ng digmaan mula sa Allah at ng Kanyang Sugo (sa madaling sabi, ang isang nagpapatubo ng salapi ay nakikipaglaban sa Allah at sa Kanyang Sugong si Muhammad), datapuwa’t kung kayo ay magsisi, sasainyo ang halaga na inyong ipinautang. Huwag kayong makitungo ng walang katarungan at kayo rin naman ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan. At kung ang nagkakautang ay nasa kahirapan (o gipit), inyong gawaran siya ng palugit hanggang sa maging madali sa kanya ang pagbabayad. Datapuwa’t kung ipatawad ninyo ito at ibigay sa kanya bilang kawanggawa, ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman. At pangambahan ninyo ang Araw na kayo ay ibabalik sa Allah. Sa gayon, ang bawat kaluluwa ay babayaran ng ayon sa kanyang kinita at sinuman ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan.” (Quran 2:278-281)
Pahayag ni Propeta Muhammad Patungkol sa Riba
1. Sinabi ng Propeta:
“Huling gabi nakita ko (sa isang panaginip) may dalawang lalaki na dumating sa akin at dinala ako sa isang banal na lupain. Nagpatuloy kami hanggang sa dumating kami sa isang ilog ng dugo kung saan nakatayo ang isang lalaki, at sa tabing-ilog ay may isa pang lalaki at sa harapan ng mga ito ay ilang mga bato. Ang lalaking nasa ilog ay tumungo sa kanya, at kapag gusto niyang lumabas, ang isa pang lalaki ay nagtatapon ng isang bato sa kanyang bibig at ipinapadala siya pabalik sa kung saan siya nagsimula. Bawat oras na sinubukan niyang lumabas, hinahagis ng isang tao ang isang bato sa kanyang bibig at ipinapadala siya pabalik. Sinabi ko, 'Ano ito?' Sabi nila, 'Ang nakita mo sa ilog ay ang gumagawa ng riba.’”[1]
2 . Sinabi ng Propeta:
‘Iwasan ang pitong nakakapinsalang kasalanan’
Sinabi nila: O Sugo ng Allah, ano sila? 'Sabi niya:
‘Shirk, pangkukulam, pagpatay ng isang kaluluwa na ipinagbabawal sa atin ng Allah na patayin, pagpapasasa sa riba (interes), pag-aangkin ng mga kayamanan ng mga ulila, pagtakas mula sa labanan, at paninirang puri sa mga dalisay at walang-sala na mananampalatayang kababaihan.’[2]
3 . Sinumpa ng Sugo ng Allah ang sampung tao:
“Ang kumakain ng riba, ang nagbabayad ng riba, ang nagsusulat nito, ang dalawa na nakasaksi nito, ang nagpapahintulot sa batas, ang nagpahintulot nito, ang taong pinipigilan ang pagka-kawang-gawa, ang mga tao na naglalagay ng tato at mga nilalagyan nito”[3]
Samakatuwid, ang lahat ng pakikitungo na may interes ay ipinagbabawal.
Ano Ang Gagawin Mo?
1 . Iwasan ang direktang paglahok sa anumang transaksyon batay sa interes lalo na sa trabaho.
Kalutasan: Kung ang iyong trabaho ay nangangailangan ng iyong pakikitungo sa interes, maghanap ng iba.
2 . Lumayo mula sa pagmamay-ari ng checking account sa isang bangko o isang credit union.
Kalutasan: Ang mga bangko sa pangkalahatan ay nagbibigay ng isang maliit na halaga ng interes sa mga checking at savings na mga account. Ang mga natamo na interes ay dapat ibigay sa kawang-gawa para sa mga mahihirap, nang hindi nagbabalak ng anumang gantimpala, ngunit para lamang mapawi ang iyong sarili sa labag sa batas na yaman. Maaari ka rin makipag-ugnayan sa iyong lokal na moske at bumili ng pamunas, atbp. para sa kanila sa pamamagitan ng pera.
3 . Huwag kumuha ng pautang mula sa isang bangko sa pamamagitan ng interes para sa negosyo.
Kalutasan: Maggalugad ng mga pagpipiliang Islamic financing na naibigay sa baba.
4 . Umiwas sa pagkakautang ng credit card
Kalutasan: Bayaran mo ang kumpletong balanse na iyong nautang sa iyong credit card ng agad-agad tuwing nakukuha mo ang buwanang statement upang hindi mo kailangang magbayad ng interes dito. Maaari ka ring mamili kung kukuha ng pre-paid credit card, na inaalok ng karamihan sa mga pangunahing bangko.
5 . Iwasan ang pagbili ng bahay o kotse sa interes. Huwag kumuha ng auto o house mortgage kung saan kailangan mong magbayad ng interes.
Kalutasan: Isa, maaari kang magrenta, makatipid ng pera, at bumili ng bahay na foreclosure. Dalawa, maaari mong isaalang-alang ang mga pagpipilian sa financing ng Islam na ibinigay sa ibaba. Tatlo, kung minsan may isang gumagawa ng bahay na direktang nagbebenta sa iyo ng isang bahay na walang interes Maaari kang umarkila ng bago o di kaya bagong kotse. Maaari ka ring bumili ng ginamit na kotse. Kung naghahanap ka ng isang sasakyan maaari mo ring isaalang-alang ang isang 'in-house finance' na nakatakda sa 0%. Palaging basahin ang nakasulat at huwag magmadali habang sinusuri mo ang mga kontrata na ito.
6 . Iwasan ang mga pautang sa mag-aaral.
Kalutasan: Kumuha ng karagdagang mga scholarship at bursaries, mag alay ng isang semestro upang magtrabaho, o kumuha ng isang mas maliit na kurso at magtrabaho habang pumapasok sa paaralan. Kung nahihirapan ka sa paggawa nito, mangyaring kumunsulta sa isang scholar sa iyong gusto.
Mga Pagpipiliang Islamic Financing
UK Islamic Home Financing
Manzil House Financing programa na inaalok ng Islamic Investment Bank Unit (IIBU) na bahagi ng Kuwait Bank.
HSBC’s Amanah sa pagtutustos ng bahay.
US Islamic Home & Business Financing
www.guidanceresidential.com: ay isa sa pinakamalaking tagapagbigay ng US ng financing ng bahay na sumusunod sa Shariah na ipinagkaloob ang higit na $ 3 bilyon sa home financing sa mga American-Muslim na may-ari na mga bahay sa nakalipas na 10 taon.
www.devonbank.com: tagapagkaloob ng pananalapi na nakabatay sa pananampalataya at komersyal sa US. Ang kanilang mga produkto ay binubuo ng real estate financing na sumasaklaw sa pagbili ng real estate, refinance, konstruksiyon, at mga linya ng kredito, pati na rin ang financing ng negosyo at kalakalan. Kasalukuyan silang nag-aalok ng mga produkto sa Illinois, Indiana, Wisconsin, Minnesota, California, North Carolina at Texas.
www.myuif.com: Nagsisilbi ang UIF sa mga pangangailangan ng komunidad ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga savings account na alinsunod sa Shariah sa pamamagitan ng University Bank at Mortgage Alternative na mga produkto, pati na rin ang alinsunod sa Shariah na komersyal na real-estate at home financing sa pamamagitan ng mga programang Murabaha at Ijara.
Nakaraang Aralin: Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
Susunod na Aralin: Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman