Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Ano ang naisip ng ating mga sinaunang matutuwid na tao tungkol sa taqwa at ilang mga payo para mapalakas ang ating kamalayan sa Allah.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 82 - Nag-email: 1 - Nakakita: 5,619 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin:
·Upang maintindihan na ang taqwa ay isang mahalagang konsepto ng Islam at dapat nating sikaping manatiling tapat.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Alhamdulillah– Lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Allah. Sa pagsasabi nito ay nagpapasalamat tayo at kinikilala natin na ang lahat ng bagay ay nagmula sa Allah.
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Salaf - Ang terminolohiyang ito ay karaniwang tumutukoy sa mga unang mga Muslim; katulad ng mga kasamahan ng Propeta, kanilang mga tagapagmana, at kanilang mga tagasunod. Kabilang din dito ang lahat ng sumusunod sa kanilang mga yapak hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
·Taqwa- Ang pangamba o takot sa Allah, kabanalan, kamalayan na may Diyos. Inilalarawan nito ang isang kalagayan ng kamalayan sa Allah sa lahat ng ginagawa niya.
Sa nakaraang aralin natin napagmasdan ang mga bunga ng taqwa sa pamamagitan ng pagtingin sa ilang mga talata mula sa Quran. Mula dito natutunan natin na ang taqwa ay isang kanais-nais na katangian na kailangan ng mga mananampalataya na pagsikapan; na ang pagsisikap ay magdadala sa mga mananampalataya ng hindi mabilang na mga biyaya. Sa araling ito titingnan natin kung ano ang sasabihin ng salaf tungkol sa taqwa. Ang mga kalalakihan, kababaihan at mga bata ay pag-aaralan ang kanilang taqwa, gayunpaman hindi sila nag-aangkin na merong taqwa. Ito ay isang bagay na itinuturing nilang nasa pagitan nila at ng Allah, sapagkat sinabi ng Allah ang mga sumusunod sa Quran:
“… Kaya't huwag kayong magmalinis, Siya ang higit na nakakaalam kung sino ang may taqwa.” (Quran 53:32)
Sinabi ni Propeta Muhammad, "Narito ang Taqwa," at itinuro niya ang kanyang dibdib.[1]
Si Umar ibn Abdul Aziz, ang matuwid na pinuno ng mga Muslim, ay nagsabi, "Walang makakaabot sa kalagayan ng taqwa hangga't wala siyang gawa o mga salita na maaaring maglantad sa kanya ng kahihiyan alinman sa mundong ito o sa Kabilang Buhay." Naitanong sakanya isang beses, "Kailan naaabot ng mananampalataya ang taluktok ng taqwa?" Sumagot siya, "Kung inilalagay niya ang lahat ng kanyang mga saloobin at pagnanasa sa kanyang puso sa isang plato at pagkatapos ay naglibot sa palengke, hindi siya dapat makaramdam ng hiya sa anumang bagay doon."
Si Umar ibn Al-Khattab ay nagtanong kay Ubay ibn Kaab tungkol sa taqwa (kabanalan). Ang huli ay nag sanabi: Nakalakad kanaba sa isang matinik na landas? Sumagot si Umar: "Oo, tunay". Pagkatapos ay tinanong siya ni Ubay: "Ano ang ginawa mo?" Tumugon si Umar: "Inangat ko (ang aking damit) at ginawa ko ang lahat (upang maiwasan ang mga tinik)". Sinabi ni Ubay na, "Iyan ang Taqwa".
Si Fudhayl ibn 'Iyad (namatay noong 803 CE), isang magnanakaw na binago ang kanyang buhay para sa kapakanan ng Allah ay tinanong, "Aling bansa ang gusto mo manirahan ako?" Sumagot siya, "Walang kinalaman sayo ang anumang bansa. Ang pinakamainam na bansa para sa iyo ay ang bansa na tumutulong sa iyo na magakaroon ng taqwa".
Si Sufyan ath-Thawri ibn Said (716-778 CE) ay isang iskolar ng Islam at hukom na nagtipon din ng ahadith. Isang malaking bilang ng mga salaysay ay maiuugnay sa kanya. Sinabi niya tungkol sa taqwa, "Nakilala namin ang mga tao na minahal ito noong sinabi sa kanila - Matakot sa Allah ang Kataas-taasan at pakikinggan nila ito ng agaran, ngunit ngayon matatagpuan mo ang mga tao ay naiinis lamang dito!" Kung titingnan natin ang taon na namatay ang dakilang lalaking ito ay makikita natin na ito ay wala pang 100 taon mula ng pagkamatay ni Propeta Muhammad. Sa napaka ikling panahon ang taqwa ay nagsimula nang mawalan ng kahalagahan. Ang pag-unawa sa kahulugan ng taqwa at kung paano makakuha nito ay isang napakahalagang konsepto ng Islam.
Pinayuhan ng mga Khalifah ng Islam ang kanilang mga sarili at ang mga nasa paligid nila na magkaroon ng taqwa. Alam nila na ang takot sa Allah ay sinadya upang malaman na ang Allah ay nagmamasid sa kanila sa lahat ng oras, alam nila na walang lugar upang itago ang isang kasalanan, pagkakamali o maliit na kasalanan. Ang Allah, ang Pinakamaawain, ay nakikita ang ating mga paglabag, gayunma'y tinatrato tayo ng walang hanggang pagpapala kung meron tayong tapat na taqwa.
Sinabi ni Abu Bakr sa isang sermon, 'Pinapayo ko sa inyo na magkaroon ng takot sa Allah.[2] At nang mamamatay na siya, tinawag niya si Umar at pinayuhan siya na matakot sa Allah.[3]Sa parehong paraan, sumulat si Umar sa kanyang anak na lalaki na nagsasabing, "Pinapayuhan kita na magkaroon ng takot sa Allah."[4]Pinayuhan ni Ali ibn Abi Talib ang pinuno ng isa sa kanyang mga hukbo na nagsasabing "Pinapayuhan ko kayo ng takot sa Allah na siguradong makakatagpo ninyo."[5]
Tandaan na hinihikayat ng taqwa ang isang mananampalataya na maging maingat sa anumang bagay na hindi ikasisiya ng Allah. Nagagawa din ng Taqwa naang isang mananampalataya ay manabik sa pagkalugod ng Allah. Ang mga sumusunod ay ilang madaling mga bagay na maaari nating gawin upang madagdagan ang ating taqwa:
1.Gumugol ng ilang oras araw-araw sa pagbabasa ng Quran.
2.Pag-isipan ang mga kahulugan ng mga salita ng Diyos at subukang kumilos nang naaayon.
3.Alalahanin ang Allah sa mga salita ng papuri, tulad ng Alhamdulillah.
4.Sikaping abalahin ang sarili sa paggawa ng mga mabubuting gawa, tandaan na ito ay maaaring kasing simple ng pagngiti.
5.Panatilihin ang magandang mga kaibigan. Subukang maging nasa paligid ng mga nakikita mo na mayroong taqwa.
6.Sikaping maging mapagpakumbaba.
7.Magsaliksik ng kaalaman tungkol sa relihiyon.
“…At kayo ay magbaon ng inyong ikabubuhay, datapuwa’t ang higit na mainam na baon ay Taqwa . Kaya’t Ako ay pangambahan ninyo, O kayong mga tao na may pang-unawa!” (Quran 2:197)
Nakaraang Aralin: Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
Susunod na Aralin: Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman