Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
Deskripsyon: Ang isang sulyap sa kung papaano si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, at ang sahabah nakitungo sa kanilang mga kapitbahay.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 74 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,414 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang makita at maintindihan kung paano ang ugnayan sa kapwa ay nakaka-apekto sa mas malawak na komunidad.
·Upang maunawaan na ang mga mabubuting kapitbahay at malasakit sa mula kanila ay isang pagpapala mula sa Allah na dapat mapanatili at mapangalagaan.
·Upang maunawaan na ang malasakit para sa mga kapitbahay ay nangangahulugang para sa lahat ng mga kapitbahay hindi lamang sa mga parehong lahi, etniko o relihiyon.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, na kahit ano na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na naisasalin sa mga Kasamahan. Ang isang sahabi, kung saan ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
Sa isang tunay na hadith, ang mainam at magandang pakikitungo sa mga kapitbahay ay nakaugnay sa paniniwala sa Allah at sa mga nasasakupan ng Islam. Sinabi ni Propeta Muhammad na, "Sinumang naniniwala sa Allah at sa Araw ng Paghuhukom ay mahalaga sa kanya na hindi niya saktan ang kanyang mga kapitbahay ..." [1] Sa gayon ay naintindihan natin na ang mga karapatan ng mga kapitbahay ay may mataas na katayuan sa Islam, sa katunayan na ang mahal na asawa ni Propeta Muhammad na si Aisha ay nagsabi sa isa pang hadith na ang anghel na si Gabriel ay sobrang mapilit sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga kapitbahay, na napaisip si Propeta Muhammad kung ang mga karapatan ng mana ay ibibigay ba sa malapit na mga kapitbahay.
Ang mga sahabah ay patuloy na pinapaalalahanan ng parehong salita at gawa na binigyang ng Allah at ng Kanyang Sugo ang malaking kahalagahan ng pagsasaalang-alang at maayos na pakikitungo sa mga kapitbahay. Si Propeta Muhammad ay isang beses nagkaroon ng isang kapitbahay na sinasaktan at iniinsulto siya sa bawat pagkakataon. Nang ilang araw na ang nakalipas at hindi nakita ng Propeta ang lalaki, binisita niya ito dahil nababahala siya na ang kanyang kapitbahay ay maaaring may sakit o nangangailangan ng tulong. Ganito ang pakikitungo ni Propetang Muhammad sa kanyang mga kapitbahay, kahit na hindi sila mga kapatid sa Islam. Ang isang mabuting kapitbahay ay isa na nagtitiyak ng kaginhawaan, seguridad at kaligtasan. Ito ay totoo maging anuman ang etniko o relihiyon ng mga kapitbahay. Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ay napakahalaga at dapat malampasan ang mga hadlang tulad ng lahi, relihiyon o pagka-akibat sa pulitika.
Ang lipunan ng mga Muslim, lalo na ang lipunan na itinatag sa lungsod ng Medina, ay nagbigay diin sa pagkakaisa ng komunidad. Kung ang isang miyembro ng komunidad ay naghihirap ang buong komunidad ay nalalagay sa panganib. Noong nakaraan, ang mga kapitbahay at mga malawak na mga miyembro ng komunidad ay nakasalalay sa bawat isa sa mga panahon ng alitan o kalamidad. Hindi ito kagay sa mga sitwasyon na nakikita natin ngayon; ang mga matatandang tao ay kinakalimutan at namamatay mag-isa at ang mga kapitbahay ay nagugutom sa likod ng mga saradong pinto. Maraming mga problema sa komunidad na tulad ng mga ito na maaaring malutas sa pamamagitan ng malasakit sa kapwa.
Kamakailan lamang ang isang grupo ng mga batang nasa high school sa Sydney Australia ay nagsimulang magtabas ng mga halamanan at maglinis ng mga yarda ng kanilang mga matatanda at may kapansanan na mga kapitbahay. [2] Ang mga kalalakihan ay mga Muslim; subalit karamihan sa kanilang mga kapitbahay ay hindi. Isang marangal na pamamaraan para sundin ng mga kabataan na ito ang mga yapak ng kanilang minamahal na Propeta. Ang mga kapitbahayan ay nag-uusap tungkol sa kanilang sorpresa at pag-aalala sa mga layunin ng mga lalaki ngunit nang tumagal ay naging komportable din sila. Ang mabuting pakikitungo sa kapwa ay ang tiyak na sinabi ng Propeta Muhammad na ito; ay isang kagalakan sa buhay ng isang tao.
Tulad ng makikita natin mula sa halimbawa sa Sydney, ang mga Muslim ay nasa isang natatanging kalagayan upang bigyan ang mga komunidad ng isang bagay na kadalasang nawawala habang naglalakbay ang mundo sa hinaharap: pagkakaisa ng komunidad at isang ligtas na kapaligiran. Bilang mga Muslim alam natin na bahagi ng pagsunod sa Allah at ng kanyang Sugo ay ang pagtitiyak ng isang ligtas na komunidad para sa lahat. Hindi natin kailangang hulaan ang mga paraan upang gawin itong isang katotohanan ngunit magagawa nating sundin ang patnubay ng Quran at ng tunay na Sunnah.
Dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mabubuting kapitbahay, ang mga tao ay kadalasang gumagawa ng mga katanungan bago lumipat sa isang lugar. Ito ay marahil ang isang maling uri ng kapitbahay ay maaaring gawin ang buhay na miserable. Tulad ng isang masamang relasyon sa isang kapitbahay ay maaaring gawin ang buhay na ubod ng sama, ang isa namang mabuting kapitbahay ay maaaring gawin ang kabaligtaran. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Kabilang sa mga bagay na nagdudulot ng kaligayahan sa isang mananampalataya sa buhay na ito ay isang matuwid na kapitbahay, maluwang na bahay at maginhawang paraan ng transportasyon". [3] Kung hindi tayo sigurado kung paano pakikitunguhan ang ating mga kapitbahay maaari nating tingnan ang sahabah at subukan tularan ang kanilang pag-uugali sa paraan na angkop sa ating oras at lugar.
Si Abu Dhar, ay sinabihan ni Propeta Muhammad na magdagdag ng tubig sa kanyang sabaw upang makapag-alok ng iilan sa kanyang mga kapitbahay. [4] Si Abdullah ibn Amr ay nagtanong minsan sa kanyang tagapaglingkod pagkatapos magkatay ng isang tupa, "Ibinigay mo ba ang ilan sa ating mga Hudyo na kapitbahay?" [5] Ang isang mananampalataya ay hinihimok na magbigay ng mga regalo kahit na maliliit na halaga lamang. Ang tunay na halaga ng regalo ay ang diwa kung para saan ito ibinigay. Ang pagbibigay ng mga regalo ay naghihikayat ng pagkakaibigan at mabubuting relasyon sa kapwa. Nang tanungin ng asawa ng Propeta na si Aisha ang Propeta kung aling mga kapitbahay ang dapat niyang padalhan ng kanyang mga regalo, sumagot siya, "Sa mga pinto na pinakamalapit sa iyo". [6] Bagaman ang pinakamalapit na mga kapitbahay ang dapat nating alalahanin unang-una, hinihimok tayo ng Islam na pangalagaan ang lahat ng ating mga kapitbahay at alalahanin ang mas malawak na komunidad.
Mayroong maraming mga ahadith na binibigyang diin ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa mga kapitbahay. "Ang pinakamainam sa mga kasamahan para sa Allah ay ang pinakamabuti sa kanyang kasamahan, at ang pinakamabuti sa mga kapitbahay para sa Kanya ay ang siyang pinakamabuti sa kanyang kapwa." Ngunit paano ang mga kapitbahay na nakagagambala sa ganap na kasiyahan at karapatan ng isang tao sa kanyang sariling tahanan? Si Propeta Muhammad ay tinanong tungkol sa isang babae na nagdarasal at nag-aayuno higit pa sa mga obligado sa kanya, at nagbibigay nang sagana ng kawanggawa, ngunit sa kasamaang palad, hindi siya humihinto sa pagsasalita nang masasaki na salita sa kanyang mga kapitbahay. Inilarawan siya bilang kabilang sa mga taong Impiyerno. Ang isa pang babae ay inilarawan sa kanya na sumasamba ayon sa kung ano lang ang obligado sa kanya at sinabi niya na siya ay isang tao mula sa Paraiso dahil lamang siya ay isang mabuting kapitbahay. [7]
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman