Naglo-load...

Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti

Marka:

Deskripsyon: Mga payo at mga pahiwatig para sa mabuting pakikitungo sa mga kapitbahay at paano harapin ang mga hindi matuwid o masasamang kapitbahay.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 78 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,891 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang matutunan kung paano ipatupad ang mga karapatan ng mga kapitbahay sa isang madali at tamang Islamikong pamamaraan.

·Upang maunawaan na ang pakikitungo sa isang masamang kapitbahay ay wala dapat kasama na paninirang-puri o iba pang masasamang asal.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na naisasalin sa mga Kasamahan. Ang isang sahabi, kung saan ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

The Rights of Neighbours in Islam2.jpg

Sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang pinakamabuti sa mga kasamahan para sa Allah ay ang pinakamabuti sa kanyang kasamahan, at ang pinakamabuti sa mga kapitbahay para sa Kanya ay ang pinakamabuti sa kanyang kapitbahay."[1]Sinabi rin niya, "Ang pumipinsala sa kanyang kapitbahay ay hindi papasok sa Paraiso."[2]

Sa gayon ay makikita natin na ang pakikitungo sa mga kapitbahay nang mabuti at may paggalang, ay isang napakahalagang konsepto sa Islam. Ginagawang mas kasiya-siya ang buhay para sa lahat ng nauukulan; kapag napapalibutan ka ng mga taong maaari mong asahan, ang mga pagsubok at kapighatian ay maaaring mas madaling harapin dahil sa kanilang suporta at pagpapalakas. Kung ang iyong mga kapitbahay ay mga Muslim, ang pagiging mabuting kapitbahay ay madali sapagkat ang mga karapatan ng mga kapitbahay ay nakapaloob sa mga mananampalataya sa Islam. Kabilang sa mga karapatan ng isang Muslim sa iba ay ang mga sumusunod:

·Batiin mo siya sa Islam sa pagbati ng Assalam alaikum[3].

·Bisitahin kapag siya ay masama ang pakiramdam.

·Maghandog ng mga tulong at makiramay sa panahon ng kalamidad.

·Mag-alok ng mga pagbati sa mga oras ng kagalakan at kaligayahan.

·Hangga't maaari, pabayaan ang mga pagkakamali, magtiis sa mga nakakagambala at itago ang mga pagkakamali.

·Magbigay ng mga regalo.

·Tumulong sa pamamagitan ng salapi.

·Huwag tumingin sa kanyang mga ari-arian ng may inggit.

·Patnubayan siya sa mga bagay na pakikinabangan niya sa kanyang relihiyon at makamundong gawain.

Kung ang iyong mga kapitbahay ay hindi Muslim hindi ito nangangahulugan na sila ay dapat tratuhin ng anumang naiiba. Sa katunayan ang pakikitungo sa kanila ng may paggalang na mismong Islam ang naghihikayat, ay siguradong isang magandang bagay. At maaring ito pa ang maging daan upang sila ay yumakap sa Islam at ang pinaka konting maidudulot nito sa pangkalahatan sa kuminidad ay ang makapamauhay ng payapa at nag tututulungan ang bawat isa.

Ang mga sumusunod ay ilang mga kapaki-pakinabang na payo para sa mga nakatira sa mga komunidad na tinitirhan ng mga tao mula sa iba't ibang mga etniko at pananampalataya:

·Ipakilala ang iyong sarili sa mga kapitbahay kapag lumipat ka sa isang bagong bahay o kapag lumipat ang mga bagong kapitbahay.

·Ipakita ang pangangalaga at malasakit sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa kalusugan ng mga matatanda o may sakit. Ang isang Muslim ay hindi dapat kumain kung ang kanyang kapitbahay ay gutom kaya't maaari kang tumulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng pagkain pati na rin sa pagsasagawa ng mga gawain katulad ng pag-gapas ng damuhan o pagtatapon ng mga basura. Pinayuhan ni Propeta Muhammad ang isang sahabi na pa-usbungin ang mabubuting kaugnayan sa kapitbahay nang sinabi niya, "... Sa tuwing maghahanda ka ng sabaw, maglagay ng maraming tubig sa loob nito, at ibigay ang ilan nito sa iyong mga kapitbahay".[4]

·Magbigay ng mga regalo. Ang pagbibigay ng mga regalo ay nagpapalambot sa kahit na mga matitigas na puso.

·Mag-anyaya ng mga kapitbahay para sa kainan o barbeque o kahit na isang simpleng tasa ng tsaa. Sa iyong paanyaya siguraduhin na banggitin ang mga paghihigpit sa Islam sa alkohol (alak) at ilang mga kaugalian ng pagkain na kinakailangan para walang mga nakakahiyang sandali. Ito rin ay isang pagkakataon upang ipakita na ang alak ay hindi isang sangkap na kinakailangang sa masayang buhay ng pakikipagkaibigan.

·Tanggapin ang mga imbitasyon. Maliban kung may isang mabuting dahilan ng hindi pagtanggap tulad ng alak o sayawan.

·Habang nakikipag-usap, ilahad ang Islam sa pinakamainam na pamamaraan. Huwag pumasok sa walang saysay na mga argumento tungkol sa relihiyon o pulitika.

·Kung ang iyong mga kapitbahay ay nagpapakita ng interes sa Islam, huwag maging mapilit o sila'y madaliin (na tanggapin ang Islam). Marahil maaari kang magbigay ng mga mga libro na nakaka-anyaya o mag-imbita sa kanila sa mga kaganapan na naglalahad ng Islam.

·Manguna sa pagtulong sa mga oras ng kalamidad. Ang iyong mga kapitbahay ay maaaring mangailangan ng pera, transportasyon o isang balikat na iiyakan.

Ang pagkakaroon ng mabubuting kapitbahay ay isang pagpapala at ang pakikitungo sa mabuting pamamaraan sa iyong mga kapitbahay ay kinakailangan sa Islam, ano ang dapat gawin ng isang tao kapag nahaharap sa masamang pag-uugali ng mga kapitbahay? Sa isang lipunang Muslim o kapitbahayan, isang mainam na pamamaraan upang mapigilan ang iyong kapitbahay na Muslim sa pagkilos nang hindi-kaaya-aya ay ipahayag sa madla ang kanyang pag-uugali.

Binanggit ng isa sa mga sahabah na tinanong ng isang lalaki ang Propeta kung paano haharapin ang isang kapitbahay na nagdulot sa kanya ng pinsala. Iminungkahi ng Propeta ang paghakot ng kanyang mga gamit at pagtayo sa daan. Nang gawin ng lalaki ang iminungkahi, nagtipon ang mga tao sa paligid at nagtanong kung ano ang nangyayari. Ipinaliwanag ng sahabi kung ano ang kanyang ginagawa at na ito ay ang iminungkahi ni Propeta Muhammad. Ang mga tao ay nagulat at ang lalaki ay napahiya. Ito ay sa kahihiyan at pagsisisi na ang masamang kapit-bahay ay nagpunta sa nagawan niya ng di-tama at sinabi, "Bumalik ka sa iyong bahay. Sumpa man sa Allah, hindi na kita gagawan ng kahit anumang pinsala. "[5]

Gayunpaman mahalaga na kung isa-publiko ang katotohanan na siya ay may isang masamang kapitbahay hindi siya dapat magsagawa ng panlilibak o pagmamalabis sa pag kwento tungkol sa masamang pagtrato sa kanya. Ang payo ng Propeta ay upang ipakita sa kanyang kapitbahay na ang kanyang pakikitungo ay naging dahilan ng paglisan niya sa bahay. Hindi na siya nagsabi ng higit pa rito. Ito ay sapat na para malaman ng mga tao na ang bagay ay seryoso. Mahalagang tandaan na binigyang diin ang pakikitungo gamit ang mataas na pamantayan ng asal at moralidad sa parehong mga Muslim at di-Muslim at kadalasan ay nakagagawa ng kababalagahan (tungo sa mabuting samahan).

Ang kilalang pantas sa Islam na si Al-Qurtubi (1214 -1273 CE) ay nagsabi, "Sinasabi ko ang mabubuting pakikitungo sa mga kapitbahay ay inuutos at iminumungkahi, sila man ay Muslim o hindi. At ito ang tamang gawain. Ang mabubuting pakikitungo ay maaaring maging pagtulong o maaari sa pagiging mabait, pag-iwas sa pagkayamot at pakikisama sa kanila. "


Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Saheeh Muslim

[3] Ang pagbati sa Islam ay 'Assalam Alaikum' (Sumainyo ang kapayapaan at kaligtasan ng Diyos). Ang tugon dito ay 'Wa Alaikum Assalam' (At mapasainyo rin ang kapayapaan ng Diyos). Ang mga maikling salitang Arabik ay nagpapabatid sa mga Muslim na sila ay mga kaibigan, at hindi mga estranghero.

[4] Saheeh Muslim

[5] Abu Dawood.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7