Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Ang talakayan tungkol sa kung paano ang riyaa ay maaaring mailakip sa ating pagsamba at mapalitan nito ang sinseredad.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 81 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,622 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin
·Upang maunawaan ang konsepto ng riyaa at upang mapangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa pagpapabaya sa ating pagsamba at sa relasyon kay Allah.
Mga Salitang Arabe
·Aayaat - (isahan – ayah) ang salitang aayaat ay may maraming kahulugan. Ito ay madalas na ginagamit kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga katibayan mula kay Allah. Kabilang dito ang mga ebidensya, mga bersikulo, mga aralin, mga palatandaan at mga rebelasyon.
·Dunya - ang mundong ito, bilang kabaligtaran sa mundo sa kabilang-buhay.
·Hadith - (maramihan – ahadith) isang kapirasong impormasyon o istorya. Sa Islam ito ay isang talaan ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Hadith Qudsi - Ang mensahe ni Allah sa sanlibutan na isinalin sa mga salita ni Propeta Muhammad , na karaniwan sa pakikitungong espiritwal o etikal na mga paksa.
·Ihsan - kasakdalan o kahusayan .Sa Islam, ito ay ang pagsamba kay Allah na parang nakikita mo Siya. Kahit hindi nakikita si Allah, nalalaman niya na si Allah ay nakikita ang lahat.
·Ikhlas - sinseridad, kadalisayan o pagkakabukod. Sa Islam, ang tinutukoy nito ay ang pagdadalisay ng ating mga motibo at intensyon upang makamit ang kaluguran ni Allah. Ito din ay ang pangalan ng ika-112 na kabanata ng Quran.
·Riyaa - Ito ay nagmula sa salitang ra'aa na nangangahulugang makita, mapagmasdan, upang tingnan. Kaya ang salitang riyaa ay nangangahulugang pagpapakita, pagkukunwari, at pagsasabwatan. Sa Islam ang riyaa ay nangangahulugang magsagawa ng mga kilos na nakalulugod kay Allah na may intensyong ikalugod ng iba maliban pa kay Allah. .
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinasalin na mga Kasamahan. Ang sahabi, bilang sa salita ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Shariah - Batas ng Islam.
·Shaytan - paminsan-minsan ay sinulat ang Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at ang wikang Arabe upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan sa lahat ng kasamaan.
·Shirk - isang salita na nagpapahiwatig ng mga pagtatambal kay Allah, o nagpapahiwatig ng mga katangiang banal sa iba pa maliban kay Allah, o naniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod kay Allah.
·Surah – kabanata ng Qur'an.
·Ummah - Ang tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim na walang pagsasaalang-alang sa kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
Ang Ikhlas ay nangangahulugang na ang isang ang puso ay dalisay at siya ay sumasamba kay Allah upang kaluguran siya ni Allah. Sa unang pag aaral ay ating itinatag o bingyang diin na upang ang mga gawa ng mananampalataya ay tanggapin ni Allah dapat sila ay gumanap nang may ikhlas, dapat na mauna sa tamang layunin at dapat itong isagawa ayon sa Shariah. Ipagpapatuloy natin ang ating mga aralin sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga bagay na maaaring sumalungat o masira ang ating ikhlas; i-e, riyaa. Ang Riyaa sa katunayan ay isang maliit na shirk, ito ay ang pagbibigay halaga sa paghanga mula sa tao imbes na hangarin natin ang pagkalugod ng Allah.
Ang isang mahusay na iskolar ng Islam ay minsa'y nagsabi , "Sa katunayan ang pinakamahirap makamit sa mundong ito ay ang ikhlas. Ilang ulit na ako ay nahirapan upang puksain ang riyaa (pagpapakitang-tao) mula sa aking puso subalit ito ay lumitaw muli sa ibang kaparaanan "?[1] Ito ay malinaw mula sa pahayag na ito na kahit na ang pinaka edukadong tao ay nagpupumilit na manatiling may taos na puso at maiwasan ang riyaa. Ngunit sa katunayan ito ay isang bagay na dapat nating iwasan. Sinabi ni Propeta Muhammad na ito ang bagay na pinaka-kinatakutan niya para sa kanyang Ummah."Sa katunayan ang bagay na pinaka natatakot ko para sa inyo ay ang maliit na shirk," sabi niya. Ang sahabah ay nagtanong, "At ano ang maliit na shirk, Oh Sugo ni Allah?" Na kung saan siya ay sumagot, "Ito ay Riyaa. Sasabihin ni Allah sa mga tao ng ang riyaa sa Araw ng Paghuhukom - kapag ang mga tao ay pagbabayaran ang kanilang mga gawa - 'Pumunta ka sa mga taong ipinakita mo ang iyong mga gawa sa mundo, at tingnan mo kung makakakuha ka ng gantimpala mula sa kanila ! '" [2]
Mayroon ding hadith qudsi kung saan sinabi ni Allah, "Ako ay di nangangailangan ng mga katambal (na itinambal sa akin). Sinuman ang nagsagawa ng pagtatambal sa akin , iiwan ko siya at ang kanyang shirk. "[3] Ang Riyaa ay maaaring tumukoy na pagganap ng isang gawa na may intensyon ng pagkalugod ng isang tao o isang bagay maliban kay Allah. Ito ay isang uri ng shirk at isang bagay na dapat katakutan dahil madali itong mahulog sa riyaa nang hindi namamalayan.
Ang ating mabubuting gawa at pagkilos ay maaaring mapawalang-saysay dahil riyaa. Tignan natin ang halimbawa ng isang taong may $ 100 na nais niyang ibigay sa kawang-gawa. Sinimulan niya ang kanyang-gawa sa kapwa na may dalisay at taos-puso at nagbigay ng $ 50 ngunit pumasok sa kanya ang ideya ng pagpapakita kung gaano siya kayaman kaya ginawa niyang lubos ang pagganap ng pagbibigay ng isa pang $ 50. Maaaring hindi tatanggapin ni Allah ang ikalawang $ 50 bilang isang kawang-gawa sa kapwa dahil ito ay may halong pagpapakitang-tao. Kung ang ideya ng pagpapakitang-tao ay nangyari pagkatapos na maabot ang kabuuang $ 100 ay hindi ito makakaapekto o magpapawalang-saysay sa kanyang kawang-gawa.
Sa mga nabanggit na mahalagang tandaan na hindi pagpapakitang-tao kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng kasiyahan pagkatapos niyang magsagawa ng isang gawaing pagsamba. Ito ay tanda ng pananampalataya. Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi: "Ang sinumang nakadarama ng kasiyahan dahil sa kanyang mabubuting gawa at kalungkutan dahil sa kanyang masasamang gawa, ay isang mananampalataya." [4] Bilang karagdagan, kung pupurihin kayo ng mga tao para sa isang mabuting gawa ay walang dapat ikahiya o ikatakot , ito ay isang bahagi ng masayang balita ng Kabilang Buhay. Si Propeta Muhammad ay tinanong, "Ano sa palagay mo kung ang isang tao ay gumagawa ng mabuting gawa at pinupuri siya ng mga tao dahil dito?" Sinabi niya: "Iyan ang bahagi ng masayang balita para sa mananampalataya na ibinigay sa mundong ito." [5]
Mayroong maraming mga bagay na nais mong bigyan ng higit na pansin upang hindi magawa ang anumang riyaa na maaaring nasasama sa iyong pagsamba.
·Sikaping isipin ang konsepto ng ihsan. Ang Allah ay palaging nakamasid..
·Itago mo ang iyong pagsamba o pagsumikapan na huwag itong ipakita sa tao o sa iyong sarili.
·Pagnilay-nilayan ang iyong mga pagkukulang at ang iyong mga napagtagumpayan. Alalahanin na si Allah lamang ang pinagmumulan ng ating mga napagtagumpayan.
·Humingi ng tulong kay Allah upang malabanan ang anumang riyaa sa iyong pagsamba.
·Pagnilay-nilayan ang ayah na sinasabi natin ng maraming beses sa isang araw sa ating mga pagdarasal. "Ikaw (lamang) ang aming sinasamba, at Ikaw (lamang) ay aming hinihingan ng tulong (sa lahat-lahat)" (Quran 1: 5)
Isa pang mahalagang punto na dapat tandaan ay ang hindi tayo dapat huminto sa paggawa ng mabubuting gawa dahil sa takot na makagawa ng riyaa . Ito ay isa sa mga paraan ng Shaytan. Sinisikap niyang pahinain ang pagpapasiya ng mga tao upang maiwasan ang paggawa ng mga bagay na minamahal at ikinalulugod ni Allah. Kung maingat nating gagawin ang intensyon na para lamang sa kaluguran ni Allah makatitiyak na ang riyaa ay hindi maisasama sa ating pagsamba.
Sa konklusyon dapat nating tandaan na ang sinseredad sa pagsamba ay mahalaga. Ang mga mananampalataya ay dapat maghangad na magkaroon ng isang dalisay na puso at ang layunin na malugod si Allah sa lahat ng kanilang ginagawa.
Nakaraang Aralin: Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
Susunod na Aralin: Legal na Kita
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)