Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Isang talaan ng ilan sa pinaka-karaniwang Islamikong mga kataga at parirala, ang mga kahulugan nito at kabuluhan nito.
Ni Aisha Stacey (© 2014 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 10 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 76 - Nag-email: 0 - Nakakita: 13,145 (pang-araw-araw na average: 5)
Layunin:
·Upang maunawaan at sa gayon ay maging kumportable sa paggamit ng hindi pamilyar na salita.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Du’a - pagsusumamo, pagdarasal, paghiling kay Allah ng anuman.
·Ummah- Tumutukoy sa buong komunidad ng Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
·Surah – kabanata ng Qur'an.
Bagama't hindi Arabe ang katutubong wika ng karamihan ng mga Muslim sa mundo, ito ay ang wika ng Qur'an at sa gayon ng Islam. Samakatuwid kanais-nais para sa lahat ng mga Muslim na magkaroon ng isang gumaganang kaalaman sa mga karaniwang Islamikong kataga. Kapag natututong magdasal at kapag lumalawig ang iyong pakikipag-ugnayan sa ibang mga Muslim ay makakaharap mo ang karamihan sa mga katagang ito. Ang ilan sa mga ito ay maaaring tila kakaiba at hindi maunawaan subalit hindi rin magtatagal ay mapagtatanto mong ang mga ito ay nagagamit nang may kagaangan at kadalasan. Ito ay dahil sa ang karamihan sa mga karaniwang Islamikong kataga ay mismong du'as. Ang wikang Arabe ay nagsisilbi upang papag-isahin ang Ummah ng Muslim; kung ang dalawang tao ay nagsasalita ng ganap na magkaibang mga wika kahit papaano ay magkakaisa sila sa pamamagitan ng kanilang paggamit ng Arabe sa paggunita at pagsamba kay Allah.
1.Assalam Alaikum. Ito ay ang Islamikong pagbati. Ang unang salitang, Assalam, ay nagmula sa parehong lingguwistikang ugat tulad ng mga salitang Muslim at Islam, sa - la - ma, na nangangahulugang pagpapasakop sa kalooban ni Allah at sumasaklaw din sa mga konsepto ng kapayapaan, seguridad at kaligtasan. Kapag ang isang Muslim ay nagsabi ng Assalam Alaikum siya ay humihiling kay Allah na pagkalooban ang tumanggap ng pagbati ng pangangalaga at seguridad. Ang tugon ay Wa Alaikum Assalam, na nangangahulugang, 'Nawa'y si Allah ay pagkalooban (din) kayo ng pangangalaga at seguridad'. Ang maiikling mga Arabeng salitang ito ay nagpapabatid sa mga Muslim na sila ay kabilang sa mga kaibigan, hindi mga dayuhan.
Kapag kayo ay binati ng isang pagbati, bumati pabalik ng anumang higit na mainam kaysa dito o (kahit papaano) ibalik ang katumbas nito. Katiyakan, ang Diyos ay Laging isang Maingat na Tagapaghatol sa lahat ng mga bagay." (Qur'an 4:86)
Ang higit na mainam na Islamikong pagbati ay kabilang ang, Assalam Alaikum Wa Rahmatullah, na nangangahulugang, 'Nawa'y si Allah ay pagkalooban kayo ng pangangalaga, seguridad at awa', at Assalam Alaikum Wa Rahmatullah Wa Barakatuh, na nangangahulugang, 'Nawa'y ang Diyos ay pagkalooban kayo ng pangangalaga, seguridad, awa at nawa'y pagpalain Niya kayo'. Ang pagbabalik ng pagbati nang may bagay na higit na mainam ay magiging, halimbawa, pagkatapos marinig ang mga salitang Assalam Alaikum ikaw ay maaaring tumugon ng, Wa Alaikum Assalam Wa Rahmatullah.
Si propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi, " Hindi kayo makapapasok sa Paraiso hanggang sa kayo ay sumampalataya, at hindi kayo sasampalataya hanggang sa magmahalan kayo sa isa't isa. Sasabihin ko ba sa inyo ang tungkol sa bagay na, kung gagawin ninyo ito, ay magagawa ninyong mahalin ang isa't isa? Bumati sa bawat isa ng Salam".[1]
2.Bismillah. Ito ay ang panimulang salita ng lahat maliban sa isang surah sa Qur'an at ito ay nangangahulugang 'Magsisimula ako sa ngalan ni Allah'. Ito ay isang salitang madalas ninyong maririnig bago ang isang Muslim magsimula ng anumang gawain o pagkilos. Kapag ang isang Muslim ay nagsabi ng Bismillah siya ay tumatawag sa mga pagpapala ni Allah sa anumang kanyang gagawin, mula sa malaking nakakapagpabagong buhay na mga sandali hanggang sa makamundong araw-araw na gawain tulad ng paghuhugas ng mga kamay o pagkain. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng salitang Bismillah dinadala natin ang Allah sa harapan ng ating mga kaisipan at sa paggawa nito ay malamang na mapipigilan ang anumang kasalanan na maaaring sana maganap kung hindi man galing sa ating mga ikinikilos.
Ang isang Muslim ay hinihikayat na magsabi ng Bismillah bago magsimula/gumawa ng anumang bagay, sapagkat ito ay magpapala sa pangungunang yaon.
3.InshaAllah. Ito ay nangangahulugang loloobin ni Allah, o kung loloobin ni Allah (Diyos) na mangyari. Ito ay isang paalala at pagkilala na walang pangyayari maliban sa pamamagitan ng kalooban ni Allah.
At huwag kailanman magsabi ng anumang, "Gagawin ko ang ganito at ganoong bagay bukas." Maliban (ng may pagsasabing), "Kung loloobin ni Allah". At alalahanin ang iyong Panginoon kapag nakalimot ka at magsabing, "Maaaring ang aking Panginoon ay ginagabayan ako sa isang higit na malapit na landas ng katotohanan kaysa dito." (Qur'an 18:23 at 24)
Ang salitang InshaAllah ay ginagamit upang bigyang diing ang isang tao ay walang kaalaman sa hinaharap o kapangyarihang apektuhan ang hinaharap. Sa gayon siyang nagsasabi ay kinikilalang kung may bagay na mangyayari ito ay sa pamamagitan ng kalooban ni Allah lamang. Kung ang isang tao ay nagnanais na gawin ang isang bagay sa isang ipinagpalibang pagkakataon siya ay magsasabi ng InshaAllah, ito ay para sa isang maikling yugto ng panahon o higit na mahabang yugto. Ipapaskil ko ang kasulatang yaon ngayon, InshaAllah, o ipapaskil ko ang kasulatang yaon bukas, InshaAllah, o ipapaskil ko ang kasulatang yaon sa susunod na taon, InshaAllah.
Ang susi para sa tamang paggamit ng salitang ito ay ang layunin. Kung ang isang tao ay nagnanais na gumawa ng isang bagay ang InshaAllah ay ang tamang salita. Kung ang isang tao ay wala talagang layuning gawin ang pagkilos magkagayon ang paggamit ang salitang InshaAllah ay mapanlinlang at mali. Halimbawa, kung ang isang tao ay inanyayahan sa tanghalian subalit nalalamang wala siyang layuning daluhan gayunman ay sumagot ng InshaAllah upang paglubagin ang siyang nag-alok ng paanyaya ay nakagawa siya ng pagkakamali. Gayunpaman kung ang tao ay sumagot ng, oo InshaAllah, na may layuning dumalo maliban kung siya ay sa hindi inaasahan ay nahadlangan, marahil sa pagpalya ng sasakyan o masamang panahon, kung gayon ang paggamit ay tama.
Sa ganitong makabagong panahon maraming tao ang nahuhulog sa pagkakamali sa paggamit ng salitang InshaAllah nang hindi tama. Halimbawa, ang pagsasabi ng InshaAllah sa isang bata kapag ang magulang ay walang layuning tuparin ang kahilingan ay nagtuturo sa batang ang panlilinlang ay katanggap-tanggap.
4.Alhamdulillah. Ito ay nangangahulugang, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para kay Allah. Kapag ang isang tao ay ipinahayag ito siya ay nagpapasalamat kay Allah para sa Kanyang mga pabor at biyaya. Gayunpaman ito ay isang salitang sumasaklaw ng higit pa sa pasasalamat lamang. Kinikilala nitong anuman ang kalagayan kung saan tayo nagpapasalamat, ito ay dumating lamang dahil sa biyaya at pagpapalang mula kay Allah. Ito ay isang pahayag ng pagpapahalagang nangangahulugan upang purihin at sambahin at sa gayon ay maaaring ipahayag bilang kapwa isang pagtugon at bilang isang kusang-loob na gawaing paggunita.
Ang Alhamdulillah ay isang salitang maririnig ninyo ng madalas, sa ilalim ng maraming iba't ibang mga pangyayari at sa maraming mga kalagayan. Kung tatanungin mo ang isang Muslim kung kumusta sila ay kadalasang tumutugon sa salitang Alhamdulillah, na nangangahulugang anuman ang kanilang nararamdaman sa partikular na oras na yaon ay pinasasalamatan nila si Allah at pinupuri Siya. Marahil ay maaari mong pasalamatan ang isang Muslim para sa kanilang pagkamapagbigay at muli silang tutugon ng salitang Alhamdulillah, na nangangahulugang sa pagkakataong ito ang pasasalamat at papuri ay para lamang kay Allah na nagbigay sa kanila ng paraan upang maging mapagbigay.
Ito ay isang komprehensibong salita na kahit ang mga propeta ay ginamit upang ipakita ang pasasalamat kay Allah. Si Propeta Noe ay inutusang ipahayag ang kanyang pasasalamat, sinabi ni Allah:
“... sabihin, 'Ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay ukol kay Allah na Siyang sumagip sa amin mula sa mga mapang-aping tao.'" (Qur'an 23:28)
Si propeta Abraham ay ginamit din ang salita sa pagsasabing:
“Ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay ukol kay Allah na Siyang nagkaloob sa akin kay Ismael at Isaak sa aking katandaan..." (Qur'an 14:39)
Nakaraang Aralin: Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
Susunod na Aralin: Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)