Naglo-load...

Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)

Marka:

Deskripsyon: Ang buwan ng Ramadan ay nagtatapos sa araw ng pagdiriwang na naglalaman ng kasiyahan, pagiging mapasalamatin sa Allah, pagkakaisa ng pamilya, pagsasaya at pamahagi ng kawanggawa sa mga taong nasa kahirapan. Ang araling ito ay nagbibigay ng mga alituntunin na nauukol sa araw na ito.

Ni NewMuslims.com

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 608 - Nag-email: 0 - Nakakita: 27,040 (pang-araw-araw na average: 11)


Layunin

·Makilala kung ano ang Zakat ul-Fitr.

·Mapagtanto ang pinakadiwa at obligasyon ng Zakat ul-Fitr.

·Matutunan ang mga pangunahing patakaran ng Zakat ul-Fitr.

·Makilala kung ano ang Eid.

·Mapahalagahan ang kahalagahan ng takbeer.

·Maunawaan ang ilang gabay hinggil sa Pagdarasal sa Eid at ang pagdiriwang dito.

Termenolohiyang Arabik

·Ramadan - ang ika-siyam na buwan ng kalendaryong base sa galaw ng buwan. Ito ang buwan kung saan ang obligadong pag-aayuno ay naitagubilin.

·Ghusl – espesyal na pagligo.

·Eid - kasayahan o pagdiriwang. Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang pangrelihiyong kasayahan, kilala sa katawagang Eid-ul-Fitr (na nagaganap pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (na nagaganap sa tuwing panahon ng Hajj).

·Eid ul-Fitr – Pagdiriwang ng mga Muslim pagkatapos ng Ramadan.

·Eid ul-Adha – “Pagdiriwang sa pag-alay ng pagkatay”.

·Rakah - isang yunit ng espesyal na pagdarasal.

·Zakat ul-Fitr - isang uri ng obligadong kawang-gawa na binibigay sa pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno.

I-aanunsyo ng Islamic Center sa inyong lugar ang pagtatapos ng Ramadan at kung kailanang pagdiriwang ng Eid. Ang unang araw ng buwan na kasunod ng Ramadan ay ang araw ng Eid ul-Fitr, ang pagdiriwang sa pagtatapos ng pag-aayuno. Kadalasan, sa huling mga araw ng Ramadan, ang masjid (mosque) sa inyong lugar ay magsisimula nang tumanggap ng mga obligadong "pang-katapusan ng Ramadan" na kawang-gawa na pagkain (o pera upang sila na ang bibili ng pagkain) para sa mga mahihirap na mga Muslim, na tinatawag sa katawagang Zakat ul-Fitr (Obligadong kawang-gawa para sa pagtapos ng pag-aayuno).

Zakat ul-Fitr

Isa sa mga kasamahan ng Propeta ay nagsabi,

"Ginawang obligado ng Sugo ng Allah ang Zakat ul-Fitr upang dalisayin ng mga nag-aayuno ang kanilang mga sarili mula sa mga maling salita at gawa, at upang maglaan ng pagkain para sa nangangailangan. Tanggap ito bilang Zakah sa tao na nagbigay nito bago naganap ang pagdarasal sa Eid, at ito ay (bibilangin) maibilang na karaniwang kawang-gawa lamang (tulad ng iba pang mga kawang-gawa) ng nagbigay nito pagkatapos ng pagdarasal."[1]

Matutunan natin ang tatlong bagay hinggil sa Zakat ul-Fitr:

(a) Ito ay naglilinis sa taong nag-ayuno sa Ramadan at nagdadalisay sa kanya mula sa mga maling salitang nabanggit at mga minor na kasalanang nagawa noong kasalukuyang nag aayuno sa buwan ng Ramadan.

(b) Ang Eid ay araw ng pagkain at pag-inom, sapagkat ang buwang sinundan nito ay para sa pag-aayuno. Ang Zakat ul-Fitr ay nagsisiguro na kahit ang pinaka-mahirap na Muslim ay maging bahagi nitong naitanghal ng pagdiriwang.

(c) Ang pagpamahagi ng Zakat ul-Fitr ay kinakailangan sa bawat Muslim na may kakayahang magbigay para sa kanyang sarili at sa bawat miyembro ng pamilya na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga.

Kabuuang dami ng pagkain

Ang kabuuang dami ng pagkaing ibibigay ng bawat tao ay kasingdami ng apat na dakot ng pinagsamang kamay bilang sukatan. Ang timbang ay magdedepende sa uri ng pagkain. Ipinahintulot na ang i-abot mo ay salapi sa mga organisasyong pang kawang-gawao di kaya’y sa masjid (mosque) para sila na ang bibili ng pagkain at sila na rin ang magpamahagi nito sa mga mahihirap para sayo. Kaya naman maraming masjid (mosque) ang nag-aalok na kolektahin mula sayo ang katumbas nitong halaga sa pera. Mayroon ding opsyon na pagkain ang i-abot mo sa mga organisasyong pang kawang-gawao di kaya’y sa masjid, i-aabot mo sa kanila para sila na ang mamahagi ng Zakat ul-Fitr para sayo, o kaya'y ikaw mismo ang mamahagi nito.

Ang Uri ng Pagkain

Maaaring ibigay ang "pangunahing pagkain" ng mga tao sa iyong lugar. Sa panahon ng Propeta, mga datiles, barley, trigo, olive, pasas, at tuyong yogurt ang karaniwang pagkain. Ngayon, ang bigas, beans, patatas, pasta, keso, at mga katulad na pagkain ay siya'ng mas karaniwan.

Ang Pinakamainam na panahon sa Pagpamahagi

Ang pinakamainam na panahon ng pagbigay nito ay sa pagsapit ng gabi hanggang sa umaga bago magtungo para dumalo sa Pagdarasal sa Eid.

Pinahintulutang Oras ng pagpamahagi nito

Maari mo itong ibigay sa isa o dalawang araw sa hindi pa sumapit ang araw ng Eid.

Pag-antala nito sa pagkatapos ng pagdarasal sa Eid

Kasalanan ang sadyang pag-antala nito sa pagkatapos ng pagdarasal sa Eid.

Kanino ito ipamahagi?

Ito ay ipapamahagi sa kapwa Muslim na limitado ang kabuhayan, ngunit hindi kinakailangang lubos ang kahirapan.

Eid ul-Fitr

Ang “Eid” ay nangangahulugan ng araw ng pagtitipon at pakikisalamuha. Sa Islam ay mayroon lamang tatlong pagdiriwang:

(a) Ang taunang Eid ul-Fitr

(b) Ang taunang Eid ul-Adha

(c) Ang lingguhang pagtitipon tuwing byernes.

Ang Eid ul-Fitr ay isang pangunahing pagdiriwang para samga Muslim, panahon ng pasasalamat sa Allah, pakikiisa saPamilya, kasiyahan, at pagsasaya. Sa araw na ito ay binabati ng mga tao ang isa’t isa at binibisita ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Handaan ng mga pagkain ay nakalatag, ang mga bagong damit ay sinusuot, nagbibigayan ng mga regalo, at ang mga bata ay nagsasaya.

Ang mga sumusunod ay ilang mga naitagubiling gawa na isinasagawa sa Eid:

a)Ghusl o pagligo ng maaga sa araw bago ang kaganapan ng pagdarasal sa Eid.

b)Pagandahin ang sarili: Ang Propeta at nagsusuot ng kanyang pinaka-magandang damit bago magtungo sa Pagdarasal sa Eid. Siya ay may espesyal na kapang parikular niyang isinusuotsa dalawang Eid at tuwing Biyernes.

c)Ang pagbigkas ng takbeer (Pagpapahayag na ang Allah ang Pinakadakila) ay isang Kilalang bahagi ng Eid at ito ay nakasaad sa Quran:

"…At upang ipahayag ninyo na ang Allah ang Pinakadakila na nag-gabay sa inyo, at upang kayo ay maging mapasalamatin." (Quran 2:185) (salin ng kahulugan)

Kailan?

Ang oras ng pag-takbeer sa Eid ay simula sa sandaling umalis ang tao sa kanyang pamamahay patungo sa lugar ng paggaganapan ng Pagdarasal sa Eid. Ang Propeta, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay lumalabas sa kanyang tahanan nang binabanggit ang takbeer sa araw ng Eid at hanggang sa maisaganap niya ang Pagdarasal. Titigil lamang siya sa pagbigkas ng takbeer pagkatapos ng Pagdarasal.

Ano ang bibigkasin?

Meroong mga ilang matibay na mapapanaligang salaysay tungkol sa kung ano ang bibigkasin sa takbeer. Para sa maikli, babanggitin natin ang isa na pinaka-karaniwan.

Allahu Akbar, Allahu Akar, La ilaha ill-Allah, w’Allahu Akbar, Allahu Akbar, wa lillahil-Hamd.[2]

Ang Pagdarasal sa Eid

Itinuturo sa atin ng Islam kung paano ipagdiwang ang mga okasyong ito ng kasiyahan. Ang kanilang diwa ay upang isaala-ala ang mga biyayang ipinagkaloob ng Allah sa ating pang-araw-araw na buhay; kaya nga ang pangunahing bahagi ng pagdiriwang ay isang Pagdarasal sa publiko. Ang Pagdarasal sa Eid ay binubuo ng dalawang rakah, na may ilang mga karagdagan. Ang lider ng pagdarasal ay naglalarawan ng pamamaraan ng Pagdarasal sa Eid. Matapos ang Pagdarasal ay magbibigay siya ng Talumpati sa Eid, na karaniwang tumatagal ng kalahating oras.

At kasunod nito, ang mga tao ay magbabatian sa isa't isa, sa pagsasabi ng ‘Taqabbal-Allahu Mini wa Minkum,’[3]Kulla aam wa antum bi-khayr,’[4] ‘Eid mubarak,’[5] o simpleng ‘Maligayang Eid.’

Hinihikayat kita na maglaan ng oras labas sa trabaho o paaralan upang ipagdiwang ang Eid kasama ang mga kapwa Muslim. Sa pagpapatuloy ng iyong pang-kaluluwang pag-unlad sa mga darating na taon, pagpalawak ng mga makasalamuhang kaibigan, at inaasahang pagbuo ng isang masayang pamilyang Muslim, ang Eid ay tiyak na magiging isang makabuluhang pagdiriwang ng pamilya, kung saan ang lahat ay nagtitipon at nagpupuri sa Diyos para sa ipinagkaloob na biyaya ng Patnubay.



Talababa:

[1] Abu Dawoud, Ibn Majah, Darqutni, Hakim

[2] Ang Allah ang Pinaka-dakila. Ang Allah ang Pinaka-dakila. Walang nararapat sambahin liban sa Allah. Ang Allah ang Pinaka-dakila. Ang Allah ang Pinaka-dakila lahat ng Pasasalamat at Pagpuri ay tanging Kanya lamang!

[3] Tanggapin nawa ng Allah ang ating Pagsamba.”

[4] Naway sa bawat taon kayo ay maging mabiyaya.

[5] Mabiyayang Eid sa inyo.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.