Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
Deskripsyon: Isang pambungad na talakayan tungkol sa ating responsibilidad na ipahayag ang mensahe ng Islam.
Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 10 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Jul 2018
Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,118 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin:
·Upang maunawaan ang tungkulin ng isang taong nag-aanyaya sa iba sa landas ng Islam.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Shariah- Islamikong Batas.
·Rabb - literal na nangangahulugang, Panginoon, nagmamay-ari, Maestro, o pinuno. Sa Islam ito ay kadalasang ginagamit patungkol kay Allah - ang Nagmamay-ari, ang Maestro, ang Siyang nag-iingat ng, tumutustos, nangangalaga, at nagpapanatili ng lahat ng bagay.
·Dawah - kung minsan ay binabaybay na Da’wah. Ito ay nangangahulugang tawagin o anyayahan ang iba sa Islam.
·InshaAllah – niloloob ng Diyos, kung loloobin ng Diyos na mangyari. Ito ay isang paalala at pagkilala na walang pangyayari maliban sa pamamagitan ng kalooban ni Allah.
Ang bagay tungkol sa pagka-alam sa katotohanan, pag-unawa sa layunin ng buhay at pagka-alam ng kasagutan sa matandang katanungang kung bakit ako naririto, ay kapanapanabik ito; kapanapanabik na tila paglukso palabas sa iyong balat. Kaya sa pagkakatuklas, ang unang bagay na nais mong gawin ay sabihin sa ibang tao, at kung minsan ang padaklos na pagsasabi ng isa sa pandaigdigang katotohanan ng buhay ay medyo mapanghamon. Ang ilan ay maaaring isiping ikaw ay baliw o manlilinlang, subalit hindi yaon ang problema, dahil yaon ay naglalagay sa iyo sa ganito karangal na samahan tulad ng kina Propeta Muhammad o Propeta Noe (Noah). Ang problema ay kapag inaanyayahan natin ang mga tao sa katotohanan ng Islam ay nais natin silang makinig at maunawaan kung ano ang ninanais nating sabihin. Samakatuwid para sa kapakinabangan nilang mga lumulukso palabas sa kanilang balat (sa galak) ay tatalakayin natin ang ilang mga payo para sa pag-aanyaya ng iba sa tamang landas.
Una muna ay kunin natin ang ating mga naaayong kahulugan. Ang pandiwang, invite, ay nangangahulugang hilingin ang pagdalo o pakikilahok sa isang mabuti, magalang, o kapuri-puring paraan.[1] Ang Shariah ay literal na nangangahulugang 'isang landas sa tubig,' ang pinagmulan ng lahat ng buhay, kaya sa Islam ang Shariah ay ang matuwid na landas tungo kay Allah, ang Tagapagbigay at Tagapagsimula ng lahat ng buhay. Si Allah ay nagsabi sa atin na:
“Anyayahan (manawagan) sa landas ng inyong Rabb nang may karunungan at mabuting pangangaral at makipag-usap sa kanila sa paraang higit na mainam...'' (Qur’an 16:125)
Sa tuwing inaanyayahan natin ang isang tao sa Islam, sa tamang landas, ihinaharap natin sila sa mga kagandahan at kahalinahan ng Islam. Ang ating tungkulin ay upang maihatid ang mensahe sa pinakamahusay na paraang posible ayon sa ating kaalaman at mga kakayahan. Ang pagtanggap o pagtanggi ng mensahe ay nakasalalay sa taong kinauukulan; walang sapilitan sa relihiyon at higit sa lahat ay si Allah ang Siyang nagkakaloob ng gabay. Hindi tayo ang nagpapabago o nagpapalipat sa kanila sapagkat si Allah, at si Allah lamang ang tunay na gumagawa nito. Ang ating tungkulin ay upang tulungan lamang ang iba sa kanilang paglalakbay o magtanim ng binhi na balang araw, InshaAllah, ay lalaking maging isang puno ng Islam.
''Walang pamimilit sa relihiyon. Ang katotohanan ay ginawang maging malinaw mula sa kamalian...'' (Qur'an 2:256)
''...Sabihin, 'Kay Allah ang pagmamay-ari ng silangan at kanluran. Siya ang gumagabay sa sinumang Kanyang naisin sa matuwid na landas.''' (Qur'an 2:142)
Mahalagang tandaan gayunpaman na ang pagpapahayag ng mensahe at pagtawag sa mga tao sa Islam o pagbibigay dawah, bilang nais itawag dito ng karamihan, ay isang obligasyon ng lahat ng mga Muslim. Siyempre tayo ay hindi lahat inaasahang gumawa sa larangan ng dawah subalit tayo ay inaasahang maging mulat sa lahat ng pagkakataong ang ating pag-uugali, mga pananalita at mga pagkilos, ay dawah. Sa kanilang hindi pamilyar sa Islam ay tumitingin sa mga Muslim upang makita lamang kung saan ang relihiyong ito lahat patungkol. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, "Ipahayag ang mula sa akin, kahit na ito ay isang talata".[2] Ang Qur'an din ay nagpapahiwatig ng parehong mensahe.
''... At sino ang higit na mainam sa pananalita kundi ang siyang nag-aanyaya kay Allah at gumagawa ng kabutihan at nagsasabing, 'Tunay na, ako ay sa mga Muslim.''' (Qur'an 41:33)
Ang lahat ng ito kung pakikinggan ay napakadali hindi ba? Tayong lahat ay minamahal si Allah at ang Kanyang Sugong si Muhammad at walang pag-aalinlangang tayo ay umaasang ang lahat ng mga tao ay balang araw makararamdam sa parehong paraan. Gayunpaman ang pagmamahal para sa Islam at ang lahat ng inuugnay dito ay medyo hindi sapat. Kapag tinanggap ng isang tao ang hamon upang ipahayag ang mensahe ay ang isang tao ay kailangang maging handa. Hindi na maaari tayong magkunot ng noo sa tindero kapag ang presyo ay tumaas. Hindi na maaari tayong umasta nang may galit kapag may ilang taong magparinig ng pangungutya habang tayo ay napapadaan. Ang isang taong naghahatid ng mensahe ng Islam ay dapat maging handa upang tanggapin ang mga pangungutya, maging matiisin, magsakripisyo, at makinig sa ideya at mga ideolohiya na malayo sa katotohanan ng Islam. Ang Propeta Muhammad ay nagsabing, "Ang mananampalatayang nakikihalubilo sa mga tao at hinaharap ang kanilang mga pangungutya nang may pagtitiis ay mas mainam kaysa siyang hindi nakikihalubilo sa mga tao o dinadala ng kanilang mga pangungutya nang may pagtitiis."[3]
Sinuman na nakikilalang Muslim ay nagpapahayag ng mensahe sa tuwing sila ay lumalantad sa publiko o nakihalubilo sa mga di-mananampalataya, samakatuwid ang ating mga salita ay dapat laging maging mabuti at magiliw, at ang ating pagtitimpi ay dapat na maging ganap na napipigilan nang sa gayon ang mga masasakit na salita ay hindi kailanman lalabas sa ating mga bibig. Isa sa mga kasamahan ni Propeta Muhammad ay nagsabi, "Tayo ay ngumingiti sa mga tao kahit na sa ating mga puso ay isinusumpa natin ang kanilang mga salita o pag-uugali". [4] Bukod dito ang isang Muslim ay ginagawa ang mga bagay na madali para sa iba. Ito ang inaasahan ni Allah at hinikayat ni Propeta Muhammad nang sabihin niya, "Magturo at gawin ang mga bagay na madali, huwag gawin ang mga yaong mahirap. Kung sinuman sa inyo ang maging galit, hayaan niyang manatiling tahimik."[5]
“... si Allah ay hinahangad para sa inyo ang kagaangan, at Siya ay hindi ninanais na gawin ang mga bagay na mahirap para sa inyo…” (Qur'an 2:185)
Si Propeta Muhammad ay nauunawaan ang mga kahinaan ng tao at kasabay na nauunawaan ang potensyal ng tao tungo sa kahusayan. Ang kanyang mga pamamaraan ng dawah ay perpekto; kailangan lamang nating sundin ang kanyang halimbawa upang matiyak na natutupad natin ang ating obligasyong maihatid ang mensahe nang malayuan at malawakan. Palagi niyang kinukuha ang higit na madaling pagpipilian para sa kanyang sarili at sa iba. Gayunpaman tiniyak niyang ang higit na madaling pagpipilian ay nasa loob ng balangkas ng shariah.
Sa susunod na aralin ay ating titingnan pa nang maingat ang mga paraan upang maipalaganap ang mensahe.
Nakaraang Aralin: Ang Khushoo sa Pagdarasal
Susunod na Aralin: Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)