Naglo-load...

Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling pagtingin sa mga paraan upang maturuan ang mga kaibigan at pamilya hinggil sa kagandahan ng Islam, ng may pagpapahalaga sa pagkilos sa pinakamahusay na paraan.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 77 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,276 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin:

·Upang maunawaan na tayo ay tumatawag tungo sa Islam sa pamamagitan ng pagpaparating ng mensahe ngunit si Allah ang siyang tunay na nagbibigay ng gabay.

·Upang maunawaan ang kahalagahan ng tiyaga at ang hindi agad pagsuko.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Dawah - minsan sinusulat itong Da'wah. Ang ibig sabihin nito ay tumawag o mag-anyaya ng iba tungo sa Islam.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan ay karaniwang tinanggap na, anupamang iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o inaprubahan.

·Du’a - dasal, panalangin, ang paghiling kay Allah ng isang bagay.

Ang layunin ng pag-anyaya sa mga tao sa tamang landas ay upang iparating ang mensahe; hindi tayo mananagot kung hindi nila tanggapin ang Islam. Tulad ng nabanggit, si Allah ang nagbibigay ng gabay at ang pagnanais na tanggapin ang Islam. Tandaan na sa tuwing magnais tayong ipaabot ang mensahe dapat nating gawin ito ng may kaalaman, malinaw na pananalita at sa pinaka-maginoong paraan. Ang mga pangangatwiran at mainit na talakayan ay hindi ang siyang pinakamainam na paraan ng dawah.

Ang isang taong tumanggap ng Islam ay dapat na iparating ang mensahe sa mga pinakamalapit at pinakamamahal sa kanya. Sa sandaling natamasa ng isang tao ang tamis ng pananampalataya, ay nagiging imposible na hindi niya ito hangarin para sa lahat ng mga miyembro ng kaniyang pamilya at mga kaibigan. Ang pagtawag sa mga miyembro ng pamilya ay ang siyang dapat na pangunahing priyoridad ngunit minsan ito rin ang pinakamahirap na gawin sa lahat. Minsan kapag ikaw sa iyong pamilya ang siyang unang nagparinig ng mensahe ay nailalagay mo ang iba pang mga miyembro ng iyong pamilya sa estado ng pagkabigla; lalo na kung hindi sila nakikihalobilo sa sinumang Muslim sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang iyong pamilya ay nangangailangan ng kaunting oras upang tanggapin ang katotohanan. Tiyaking mayroon kang maibibigay na mga maliliit na aklat na madaling basahin o mga polyeto. Kung nakatira ka sa bahay maaari mong iwan ang mga ito na nakalatag sa paligid, kung hindi magtabi ng mga babasahin sa iyong bag o kotse. Madalas ang mga tao ay gustong malaman kung ano ito o iyon at kung minsan ay hindi mo alam ang sagot sa lahat ng mga tanong na iyon. Ikaw ay nag-aaral pa lamang para sa iyong sarili kaya huwag kang matukso na makagawa ng isang sagot. Marahil ay maaari niyong tingnan ito nang sama-sama sa pag-alala na laging bibigyang-diin ang Kaisahan ni Allah, ang Lumikha ng lahat ng naririto .

Ang iyong pamilya at mga malalapit na kaibigan ay maingat na nakamasid at ito ay kapag ang iyong pag-uugali ay magkakaroon dito ng malaking bahagi. Marahil ay tinigilan mo na ang maraming malalaking bagay gaya ng alak, mga pagsasaya o parties, malayang pakikisalamuha sa magkakaibang kasarian, at ang pagkain ng baboy at mga produkto na mula rito. Gayunpaman, nagdagdag ka rin ng maraming maliliit na bagay; mas maraming mabubuting gawa, pagiging mapagbigay, pagiging masigasig sa pagtulong, mas mabait na pag-uugali at ang pagnanais na maitatag ang malakas na di mawawasak na ugnayan ng pamilya. Ang pagpapakita ng kabutihan at ang pagsunod sa mataas na pamantayang moral ay marahil ang siyang pinakamahusay na paraan upang ipakilala ang Islam sa isang tao. Ang magandang asal at pagiging magalang ay isa rin sa napakagandang anyo ng dawah. Ikaw ay isang huwarang modelo ng kung ano ang Islam.

Ang pag-uugali ni Propeta Muhammad ay nakapag-akit sa iba tungo sa Islam. Ang kanyang minamahal na asawa na si Aisha ay tinawag ang kanyang karakter na isang buhay na halimbawa ng Quran. [1] Siya ay mabait at magalang sa lahat at kahit na ang kanyang mga kaaway pinupuri ang kanyang marangal na pag-uugali. Ito ang pag-uugali na dapat nating pagsikapang tularan at ang mga taong mas makikinabang ay ang ating pamilya at mga malapit na kaibigan. Ang mabuting salita, ngiti, ang regalo, o tulong sa anumang paraan, ay pagpapakita ng kagandahan ng Islam.

Maging maingat na huwag mawalan ng pag-asa kapag nakita mo ang iyong pamilya o mga kaibigan na mayroong nagagawang bagay o pag-uugali na itinuturing mo ngayon na masama. Huwag mong iwanan ang mga ito dahil sa kanilang mga pamamaraan. Maaari mo silang hindi samahan kung sila ay umiinom ng alak o kumikilos ng hindi naayon sa Islam - iwanan ang lugar, o ang sitwasyon, hindi ang tao. Anyayahan ang mga ito sa iyong bahay at sa iyong mga kaganapan upang makita nila na ang kasiyahan at kaligayahan ay maaaring matagpuan nang walang alak o nakakawalang-ganang aliwan.

Ang mga pag-uusap sa lugar kung saan ka nagtatrabaho ay isang paraan din upang maipalaganap ang mensahe ng Islam. Sa pamamahagi ng mga polyeto ay malamang na hindi ka magakakroon ng kaibigan o makaimpluwensya ng mga tao ngunit ang iyong mga kaugalian at paraan ng pakikitungo sa mga tao ay makakatulong. Gayunpaman, tandaan na ang iyong mga kasamahan ay malamang na nagulat din gaya ng iyong pamilya. Kung ikaw ay kamakailan-lamang yumakap sa Islam ay huwag asahan ang kasiyahan at pagbati ngunit ang asahan ay ang pag-uusisa. Muli huwag magbigay ng mga hindi karapat-dapat na mga sagot sa mga bagay na hindi ka sigurado tungkol sa Islam. Ang isang bagay na nararapat na sigurado ka ay ang tungkol sa Kaisahan ni Allah at ang Kanyang karapatan na sambahin Siya.

Huwag kailanman mawalan ng pag-asa. Hindi mo man makita sa mga taong gusto mong pumasok sa Islam ang interes at maaari itong maging isang dahilan ng pagkabigo. Subalit tandaang mabuti na si Allah ang nagbibigay ng gabay sa isang tao tungo sa tamang landas. Ang iyong tungkulin sa prosesong iyon ay maaaring maliit na tulad ng isang may magiliw na mukha sa isang araw na malungkot. Ang pag-asa ay isang bagay na marapat na masagana na mayroon ang mga Muslim, kaya gumawa ng kaunting pagsisikap at maraming du'a para sa mga taong minamahal mo at sa mga nakapaligid sa iyo.

Ang pagpapalaganap ng mensahe at pagtawag sa mga tao tungo sa tamang landas ay gawain na isinagawa ng lahat ng mga sugo ni Allah. Ang bawat isa ay tinawag ang kanyang sariling mga angkan sa Nag-iisang Diyos, si Allah. Gayunpaman, ipinadala si Propeta Muhammad para sa lahat ng tao; Ibinigay niya ang mabuting balita sa mga mananampalataya ng may malaking gantimpala sa Kabilang Buhay, at nagbabala sa mga hindi naniniwala laban sa isang matinding kaparusahan. Inaasahan ni Propeta Muhammad ang lahat ng mga sumusunod sa kanyang mga yapak upang na tawagin ang iba sa tamang landas. Sinabi niya, "Kung si Allah ay gumabay sa isang tao sa pamamagitan mo, ito ay mas mabuti para sa iyo kaysa magkaroon ng pulang mga kamelyo.[2]

“Ang sugo ni Allah ay isang mahusay na halimbawa para sa sinumang umaasa sa pakikipagtipan kay Allah at sa Huling Araw at ng sa tuwina ay nag-alaala kay Allah” (Quran 33:21)

Sa konklusyon nakita natin na kung susundin natin ang Quran at ang Sunnah ni Propeta Muhammad, maipapakita natin ang Islam sa pinakamahusay na paraan at wala nang mas mainam pa na paraan ng pag-aanyaya sa iba tungo sa tamang landas.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Ang mga pulang kamelyo ay ang pinakamahalagang uri ng kayamanan sa mga Arabo noong panahong iyon.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8