Tiwala at Pananalig Kay Allah
Deskripsyon: Ang araling ito ay upang tayo ay matulungan na maunawaan kung ano nga ba ang kahalagahan ng Pagtitiwala kay Allah nang sa gayon ay atin siyang pagkatiwalaan sa kahit anumang sitwasyon.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,575 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Upang maintindihan ang kahulugan ng pagtitiwala kay Allah.
·Nang matutunan kung paano magtiwala kay Allah.
·Para maunawaan ang kapakinabangan ng pagtitiwala kay Allah.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Tawakkul – Pagtitiwala kay Allah.
·Imaan - pananalig, paniniwala o matatag na pananampalataya .
·Al-Qadr - banal na pasya o kapalaran.
Kahulugan ng Pagnanalig sa Allah
“Ang Pananalig sa Allah” ay tumutukoy sa salitang Arabe na tawakkul. Ang literal na kahulugan ng salitang ito ay paglagay ng isang sitwasyon sa kamay ng iba.
Ang Allah ay mayroong madaming magagandang pangalan. Isa sa mga pangalan Niya na iniugnay sa 'pagtitiwala' ay AL-Wakeel- Ang Tagapangasiwa ng lahat ng Pangyayari. Isinaad ang ngalan ng Allah sa kabanata ng Al-Wakeel ng labing apat na beses. Halimbawa,
“At kanilang sinabi: Ang Allah ay sapat para sa amin, at Siya ang pinakamahusay na tagapangasiwa ng lahat ng Pangyayari” (Quran 3: 173)
“Ang Allah ay sapat bilang Tagapangasiwa ng lahat ng Pangyayari.” (Quran 4:81)
“Siya ang Tagapangasiwa sa lahat ng Pangyayari.” (Quran 6:102)
Ipinag-utos sa atin ni Allah na atin Syang pagkatiwalaan: “ (Siya) and Panginoon ng Silangan at ng Kanluran. Walang ibang tunay na Panginoon kundi Siya lamang. Kaya tanggapin mo Siya bilang Tagapangasiwa sa lahat ng mga Pangyayari.” (Quran 73:9)
Gayundin, pinagbawalan tayo ni Allah na lubos na magtiwala sa kanyang mga nilikha: “Ibinigay kay Musa ang libro, at ginawa itong gabay sa mga Anak ng Israel (nag-aatas): ‘Walang ibang dapat tanggapin na Tagapangasiwa kundi ang Allah lamang.’” (Quran 17:2)
Magkalakip ang dalawang taludtud o ayat na ito upang maipakita sa atin na ang pananalig o pagtitiwala sa Allah ay isang paraan ng pagsamba. Sa pamamagitan ng ating tapat na tiwala at pananalig, ating ipinapahayag ang ating paniniwala sa iisang Diyos lamang, at sa gayon, ito ay mga bagay na direktang para kay Allah lamang.
Paano Magtiwala kay Allah?
1. Huwag malito sa pagtitiwala at katamaran
Ang tawakkul ay minsang namamali ng pagkakaintindi ng mga tao bilang pagiging mahinahon at pag-iisip na ang mga problema ay mareresolba nang wala kang pagsisikap. Hindi dapat ito mapagkamalan na iyong tatalikdan ang magsumikap dahil iyong iniisip na ang lahat ng pagsubok ay mareresolba din naman. Sa halip, magsikap at magtrabaho ng may tamang pag-uugali na ang Allah ang Siyang mangangasiwa sa lahat ng nangyayari sa atin at tutulong sa iyo sa pagtahak sa mga pagsubok at ito ay bahagi ng pananalig kay Allah.
Hindi ibig sabihin na kapag ikaw ay nananalig, hindi ka na gagawa ng paraan para tustusan ang iyong sarili, pabayaan ang pag-aaral at hindi maghanap ng trabaho, o di kaya ay hindi pagdalo sa job interview. Ipinag-utos ni Allah na tayo ay dapat magtrabaho at Siya ay magbibigay mula sa Kanyang sariling pamamaraan sa mga taong nagsusumikap. Huwag lamang maupo sa inyong mga tahanan at hihintayin mong dumating ang iyong mga pang-araw-araw na pangangailangan. Ipinag-utos ng Allah na magtiwala tayo sa Kanya ngunit nararapat na tayo ay magtrabaho din. Sa gayon, ang pagsusumikap para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ay paraan ng ating pisikal na pagsamba habang tayo ay nagtitiwala kay Allah ng buong puso, sabi ng Allah, " Kaya naman humanap kayo ng inyong ikabubuhay mula kay Allah at tanging Siya lamang ang inyong sambahin." (Quran 29: 17)
Isa pang paraan upang lubos na maintidihan ang tiwala ay para tingnan kung ano ang Imaan. Hindi lamang ito ang pagkakaroon ng paniniwala sa puso kundi ito ay kombinasyon ng paniniwala at gawa. Katulad nito, ang pananalig kay Allah ay hindi nangangahulugan na hindi ka na magsusumikap. Sa halip ay magsumikap na may paniniwala na ang Allah ang siyang tagapangalaga ng mga pangyayari at Siyang tutulong upang iyong malampasan ang mga pagsubok.
Tandaan nang tinanong ng Propeta ang isang Bedouin, "Bakit hindi mo muna itali ang iyong kamelyo?” Siya ay sumagot, “ Ako ay nagtitiwala kay Allah!” At sumagot ang Propeta, “ Itali mo muna ang iyong kamelyo saka ka magtiwala kay Allah.”
2. Huwag maging mapagmataas
Ikaw ay dapat na laging magpaplano base sa kung anong ibinigay ni Allah na biyaya sa iyo. Nararapat na lubos mo itong gamitin sa pamamagitan ng pasasalamat kay Allah para sa mga ito, nang walang halong pagyayabang sa kung ano iyong mga kalakasan. Lahat ng iyong lakas at kakayahan ay sa huli, ang pabor ng Allah lamang ang siyang magpapasya sa iyong tagumpay.
3. Tanggapin ang mga Desisyon ng Allah
Pagkatapos ng iyong lubos na pagsusumikap, tanggapin mo kung anuman ang mangyayari. Nararapat na ikaw ay maniwala na ang Allah, mula sa Kanyang karunungan, ay maaaring magpasya kung Kanyang papalitan ang iyong mga plano sa kadahilanang Siya lamang ang nakakalaam.
4. Kunin ang lahat ng ibayong Pag-iingat
Sa Quran, nagsabi ang Allah ng isang kwento tungkol sa dalawang Propeta; Yaqub (Jacob) at ang kanyang anak na si Yusuf (Joseph). Sa isang okasyon, nang ipinadala nya ang kanyang mga anak sa Ehipto, ipinag-utos nya na sila ay pumasok sa magkakaibang tarangkahan ng lungsod para hindi sila paghinalaan, ngunit iniba ng Allah ang nangyari. Ang punto dito ay ginawa lahat ni Yaqub ang paraan upang maiwasan ang mga posibleng panganib.
Dapat na nating iwasan ang karaniwang patibong. Ating sinusubukan na umasa sa ating pagpupunyagi o kalimutan na pagkatiwalaan ang Allah o di kaya ating iniisip na tayo ay nananalig kay Allah ngunit sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mga praktikal na pamamaraan sa pagresolba ng ating mga problema.
Kapakinabangan ng Tawakkul
Kinakailangan natin na gamitin ang tawakkul sa pang-araw-araw nating buhay. Isa sa mga kabutihang dulot ng tawakkul ay nagagawa tayo nitong matulungan na mapaginhawa mula sa di inaasahang pagkabahala, pangamba na nagdudulot ng depresyon na nagmula sa mga hamon sa buhay. Sa pamamagitan ng paniniwala na lahat ng pangyayare sa buhay natin ay nasa mga kamay ng Allah at atin lamang magagawa ang mga bagay na kaya nating ikontrol ngunit ating ipaubaya kay Allah ang anumang kalalabasan ng mga ito at ating tanggapin na ang Allah ang may kontrol sa mga maaaring mangyari. Ang matalinong Muslim na nakakaunawa sa tawakkul ay hindi kailanman susuko na magsikap at di labis na magagalak sa tagumpay o mapanghihinaan nang dahil sa kabiguan.
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)