Naglo-load...

Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Dalawang bahagi ng aralin na ukol sa pagkakaroroon ng mabuti at malapit na mga kaibigang Muslim. Ang pangalawang bahagi ay nagbibigay ng mga mungkahi sa kung paano makahanap at magkaroon ng mga mabuting kaibigang Muslim.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 82 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,979 (pang-araw-araw na average: 2)


Hangarin:

·Upang malaman ang iba pang mga lugar kung saan makakasalamuha ang mga Muslim para pagyamanin ang pagkakaibigan.

·Upang maintindihan ang mga iba't ibang mungkahi o paraan para makasali sa usapan.

· Paano maging isang mabuting kaibigan?

Mga Terminolohiyang Arabik

·As-Salamu Alaikum -kapayapaan at pagpapala para sa iyo.

·Eid- piyesta o pagdiriwang. Ipinagdiriwang ng mga Muslim ang dalawang pangunahing piyesta na kilala bilang Eid-ul-Fitr (na nagaganap pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (na nagaganap sa panahon ng Hajj).

·Hijab– Ang salitang hijab ay may iba't ibang kahulugan tulad ng ilihim, itago at ikubli. Ito ay karaniwang tumutukoy sa bandana sa ulo ng mga kababaihan at sa mas malawak na termino, sa mabining pananamit at asal.

·Ramadan - Ang ika-siyam na buwan sa kalendaryong lunar ( ginagamit ng mga muslim). Ito ang buwan kung kelan obligadong itinakda ang pag-aayuno.

·Salam- Ang pagbati sa Islam tulad ng ‘As-Salamu Alaikum’.

Tip 1. Saan makakatagpo ng mga Muslim?

Who Is a Good Friend21.jpgAng pagkakaroon ng malapit na relasyon ay hindi mangyayari sa magdamagan ngunit may mga hakbang na makakatulong upang ikaw ay kumonekta sa ibang Muslim at makipagkaibigan.

Dumalo sa dasal kada-Biyernes at sa iba pang lingguhang panalangin. Kahit oras ito ng pagsamba at hindi oras ng pakikipagkapwa tao ay makakakilala ka pa din ng mga kapwa Muslim na madalas pumunta sa mosque at makakabuo ka pa rin ng espesyal na espirituwal na samahan sa kanila.

Kumuha ng klase na inaalok sa inyong lokal na mosque o islamic center para sa mga bagong Muslim upang makakilala ng mga tao na may kaparehong hangarin. Ang mga website tulad ng www.facebook.com at www.twitter.com ay makatutulong na makahanap ng lokal na grupo o magsimula ng iyong sariling grupo at maki-pag ugnayan sa iba na may katulad na mga layunin.

Ang Pagboboluntaryo ay isang mahusay na paraan upang makatulong sa kapwa habang nakakatagpo ng mga iba pang bagong Muslim. Ang mga islamic centers ay laging naghahanap ng mga boluntaryo tuwing malapit na ang Eid at Ramadan o ang ibang pangunahing mga kaganapan ng taon. Ito ay nagbibigay ng mainam na pagkakataon para makipag ugnayan sa ibang mga Muslim.

Dumalo sa mga salu-salo para sa komunidad sa inyong mosque na kadalasang hinahandog buwan buwan. Kahit na ikaw ay hindi sanay sa mga etnikong pagkain o ikaw ay naaanghangan sa pagkain, makakakilala ka pa din ng ibang mga bagong Muslim sa lipunang kampante ang kapaligiran.

Dumalo sa mga kaganapan, pagpupulong, at panayam sa komunidad ng mga Muslim sa inyong lokalidad o sa mga kalapit na lungsod o estado kung saan ka makakatagpo ng mga taong may kaparehong layunin. Ikaw ay makakakilala ng ibang mga tao, makakatikim ng mga ibang pagkain, at magkakaroon ng pagkakataon upang makabili ng mga damit at mga libro.

Tip 2. Matutong sumali sa usapan

Likas na sa iilang mga tao ang marunong mag pasimuno ng usapan kaninuman kahit saang lugar. Kung hindi ka isa sa mga uri na ito, narito ang ilang mga madaling paraan upang magpasimuno ng isang pag-uusap sa isang bagong kakilala:

Gamitin ang pagbati sa Islam at makipagkamay nang may kumpiyansa. Maraming tao ang nahihirapan sa pagsasabi ng ‘As-Salamu Alaikum.’ Kailangan mong praktisin ito upang maging likas na sa iyo sa mga pagtitipon. Tandaan ang sinabi ng Propeta na, “Kapag ang dalawang Muslim ay nagtagpo (nagbigay ng salam), at nakipagkamay, sila ay pinatatawad sa kanilang mga kasalanan bago sila maghiwalay. (Abu Dawud)

Magkomento ukol sa mosque at sa mga Muslim sa paligid mo o sa okasyon. Maaari kang mag-iwan ng ilang mga positibong komento tulad ng, “Gustong-gusto ko itong mosque,” o “Napakasarap ng pagkain. Natikman mo ba ung manok?”

Magtanong ng katanungan na nangangailangan ng higit pa sa isang oo o hindi na sagot. Magtanong ng isang katanungan na nagsisimula sa sino, saan, kailan, ano, bakit o paano. Halimbawa,

·“Sino ang kakilala mo dito?”

·“Saan ka karaniwang pumupunta tuwing Biyernes para sa dasal?”

·“Kailan ka lumipat dito?”

·“Kumusta ang pagkain?”

Karamihan sa mga tao ay gustong-gustong pag-usapan ang tungkol sa kanilang sarili kaya naman ang pagtatanong ay isang mahusay na paraan upang magsimulang maki pag-usap.

Gumamit ng isang papuri. Halimbawa, “Gusto ko talaga ang iyong hijab, maaari bang malaman kung saan mo iyan nabili?” o “Mukhang nagawa mo na ito dati, maaari mo bang ituro sa akin?”

Makinig ng maigi. Napagtanto ng mga tao na kapag sila ay nakikipag-usap kay Propeta Muhammad ay tila interesado lamang siya sa pakikinig sa kanila at ganap na nakatuon sa kanila. Ang isa sa mga susi sa epektibong komunikasyon ay ang ganap na pagtuunan ng pansin ang nagsasalita at magpakita ng interes sa kung ano ang sinabi niya. Tumango paminsan-minsan at ngumiti sa taong nagsasalita. Ayon sa Propeta, “Ang iyong ngiti sa harap ng iyong mga kapatid ay isang kawang-gawa” (Tirmidhi). Naghihikayat sa nagsasalita na magpatuloy sa pamamagitan ng maliliit na tugon tulad ng "oo" o "uh huh" at huwag sumabat.

Tip 3. Paano maging isang mabuting kaibigan

Sinabi ni Allah sa Quran na “O sangkatauhan, nilikha Namin kayong lahat mula sa isang lalaki at isang babae, at ginawa kayong mga angkan (lahi) at tribo upang makilala niyo ang isa't isa.” (Quran 49:13). Hindi lang ‘sila’ ang kailangang makakilala sa atin, kailangan din natin 'silang' makilala. Kailangan nating umalis sa ating mga lugar na nakasanayan na.

Tandaan na ang pakikipagkaibigan ay simula lamang ng isang paglalakbay ng isang relasyon na nangangailangan ng panahon upang mapalalim. Ang pakikipag-kaibigan ay isang proseso na nangangailangan ng oras, pagsisikap, at tunay na interes sa ibang tao. Sundin itong ilang mga simpleng hakbang:

·Maging isang kaibigan na nais mong magkaroon. Tratuhin ang iyong kaibigan tulad ng gusto mong pagtrato sa iyo. Ang payo ng Propeta ay “Walang sinuman sa inyo ang may pananalig hanggang sa mahalin mo para sa iyong kapatid kung ano ang hangad mo para sa iyong sarili.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

·Maging isang mabuting tagapakinig.Upang magkaroon ng isang matibay na pagkakaibigan sa isang tao, maging handa na makinig at suportahan sila tulad ng inaasahan mo sa kanila.

·Pag-gugulan ang pagka-kaibigan. Walang pagka-kaibigan ang yumabong na hindi binibigyan ng atensyon o pansin.Anyayahan ang iyong bagong kaibigang Muslim sa hapunan at magplano ng mga aktibidad kasama sila.

·Bigyan ang iyong kaibigan ng espasyo . Huwag kayong maging mapag-kailangan (needy) at siguraduhin na huwag abusuhin ang kabaitan ng iyong kaibigan.

·Maging mapagpatawad. Walang sinuman ang perpekto at ang bawat kaibigan ay nagkakamali. Matutong magpatawad, mapapalalim nito ang inyong pagkakaibigan. Inilalarawan ng Allah ang mga mananampalataya sa Banal na Koran bilang mga taong patuloy na nagsisikap na magkaroon ng malinis na puso, malaya mula sa masamang hangarin, galit at poot. Sila ay nagsumamo para sa tulong ni Allah upang makamit ito, "Aming Panginoon, patawarin mo kami at ang aming mga kapatid na nauna sa amin sa pananampalataya, at huwag ilagay sa aming mga puso ang anumang sama ng loob laban sa mga naniniwala. Aming Panginoon! Ikaw ay talagang puno ng kabaitan, Pinakamahabagin. " (Quran 59:10)

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8