Pagmamataas at Kayabangan
Deskripsyon: Maikling paglalarawan ng mga panganib na kaakibat ng pagmamataas at kayabangan at kung paano ito iiwasan .
Ni Aisha Stacey (© 2015 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,105 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin:
·Upang maunawaan ang kahulugan ng wikang Arabe na kibr at kung paano ito nauugnay sa pagmamataas at kapalaluan.
· Upang matuklasan ang mga simpleng paraan upang alisin ang pagmamataas at kayabangan sa ating buhay.
Mga Wikang Arabe:
·Shaytan - paminsan-minsan ay sinusulat na Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang arabe ito ay nangangahulugan na ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan sa lahat ng kasamaan.
·Kibr - kayabangan, pagmamataas, kapalaluan, kahambugan o panlalait.
·Dunya - mundong ito, kabaliktaran ng mundo sa Kabilang Buhay..
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinasalin na mga Kasamahan. Ang sahabi, bilang sa salita ay karaniwang ginagamit ngayon, na isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Iblees – pangalang Arabe para sa satanas.
·Risq – pantustos o kabuhayan. Ang lahat ng mga aspeto ng ikinabubuhay at kabuhayan ng isang tao ay napapa sailalim sa kahulugan ng risq, kabilang ngunit hindi limitado sa yaman at istado.
·Du’a - panalangin, pagdarasal, paghiling kay Allah ng isang bagay.
Ang unang nilalang na nagpakita ng pagmamataas at kayabangan ay si Shaytan o siya ay madalas na tinatawag lalo na sa kuwento ni Adan, na si Iblees. Siya ay punung-puno ng pagmamataas at kayabangan sapagkat inisip niya na mas higit siya kaysa kay Adan. Nakadama siya ng pagmamataas.
“…Aming sinabi sa mga Anghel , 'Kayo ay magpatirapa kay Adan', kaya sila ay nagpatirapa, maliban kay Iblees,siya ay hindi kabilang sa mga nagpatirapa. Si Allah ay nagsabi: 'Ano ang pumigil sa iyo (O Iblees) mula sa pagpapatirapa nang ikaw ay aking utusan?' Siya ay sumagot: 'Ako ay nakahihigit sa kanya (kay Adan),ako ay nilikha Mo mula sa Apoy, samantalang siya ay nilikha Mo mula sa putik [lupa].’” (Quran 7:11-12)
Ang pakiramdam ng pagiging higit na mataas ay ang ugat ng lahat ng pagmamataas at kayabangan. Mas magaling ako sa iyo. Mas kumikita ako, ang aking bahay ay mas malaki, ako ay mas matalino, mas marami akong lugar na napuntahan, ang aking mga kalamnan ay mas malaki,mas masarap akong magluto; at kung ano ano pa. Isang bagay na sa lahat ng nararamdaman natin na pagmamataas ay karaniwan halos lahat ng mga ito ay may kaugnayan sa mga bagay dito sa dunya. Ang pagmamahal natin sa dunya at ang lahat ng nakagayak dito ay katunayan na nagtutulak sa atin palayo sa Paraiso. Ang pagiging mataas o pagmamataas sa pamantayan dito sa dunya ay maaaring mas maging sagabal kaysa makatulong. Ang ating kamalayan sa presensya ng Diyos ang nagbubukod sa atin sa iba; pagiging mataas sa usaping yan lamang ang pag mamataas na may halaga.
Maaari kang kumita ng mas malaki, ngunit ginugugol mo ba ito para sa ikalulugod ni Allah? Maaaring gumagawa ka ng masasarap na pagkain ngunit nagpapakain ka ba ng mga dukha? Kung sumagot ka ng oo at ipinagmamalaki mo ang iyong mga nagawa, hindi ito ang pagmamataas at kayabangan na isinasalin sa salitang Arabe na kibr (hindi karapat-dapat at hindi kinakailangang pagmamataas at kayabangan). Ang Islam ay hindi kontra sa pagbabago at tagumpay, ito ay nagbibigay ng mga gantimpala at hinihikayat ang kahusayan at tagumpay, at gayundin ang pagganyak, pagnanais para sa gantimpala at kahit na ang pagnanais para sa pagkilala ay hindi mga kasalanan. Ang kasalanan ay ang paggawa ng mga bagay na may maling intensyon. At ang tagumpay na alang-alang kay Allah at ang maglingkod sa sangkatauhan ay ang tamang intensyon, ang paggawa ng isang bagay para sa pansariling kapakinabangan o dahil sa pagmamahal para sa sarili ay isang maling intensiyon. Ang paggawa ng isang bagay upang iyong mapakinabangan para sa iyong sariling pangangailangan at pagnanasa sa mundo sa anumang paraan na umiiral sa iyo ay kibr.
Ang kibr ay mayroong hindi sinasadyang epekto upang ang mga tao ay hindi ka magustuhan, nagdudulot din ito ng pagkatakot sa iyo; inaalis nito ang respeto. Bilang karagdagan at ang mas malala ay maaaring tanggihan ka ng isang lugar sa Paraiso. Madalas na pinapayuhan ni Propeta Muhammad ang mga sahaba hinggil sa kahalagahan ng pagpapakumbaba. Sinabi niya, "... Ang sinumang nagtataglay ng kalahati ng butil ng mustasa ng kibr sa kanyang puso ay hindi makakapasok sa Paraiso".[1]
“Ito ang sasabihin sa kanila : 'Humayo kayo't magsipasok sa pintuan ng Impiyerno, upang manatili roon. At tunay na napakasamang hantungan ito para sa mga mapagmalaki.’” (Quran 39:72)
Inilalagay sa panganib ng kibr ang ating lugar sa Paraiso dahil pinipigilan tayo nito sa pagkamit ng mga katangian ng isang mananampalataya. Ang isang mapagmataas na tao ay walang pagnanais para sa iba kung ano ang nais niya para sa kanyang sarili. Hindi rin siya mapagpakumbaba o umiiwas sa inggit. Ang isang mayabang na tao ay hindi tumatanggap ng mga payo at madalas na hindi nakakapagpigil ng kanyang galit o pagkapoot. Gayunpaman ang isang mananampalataya, ay nagsusumikap na alisin ang mga katangiang ito mula sa kanyang pagkatao. Iniisip niya palagi ang kanyang pag-uugali.
Sinabi ni Propeta Muhammad na sa Araw ng Paghuhukom ay hindi titingnan ni Allah ang taong humihila ng balabal sa likod niya dahil sa pagmamataas. Ang kanyang malapit na taong pinagkakatiwalaan na si Abu Bakr ay tumugon, "Oh Sugo ni Allah, ang isang bahagi ng aking balabal na kasuotan ay lumuwag ngunit ako ay napaka-maingat dito (i.e, iaangat ko ito)." Sumagot si Propeta Muhammad, "Ngunit hindi mo ginagawa iyon dahil sa pagmamataas .”[2] Muli ay nakita natin kung paano ang pag-uugali ng isang mapagmataas, ang kibr, ito ay nagmumula sa intensyon.
Ang lunas para sa kibr, at ang paraan kung saan maaari tayong mailayo sa pagmamataas at kayabangan, ay kasing simple ng pag-alala kung sino ka; na isang tao lamang, na may ina at ama na tulad ng lahat . Tayong lahat ay pare-parehong lumuluha ng maalat at pare-parehong dumudugo ng kulay pula . At lahat tayo ay may parehong layunin sa buhay; ito ay upang sambahin si Allah. Dapat din nating ipaalala sa ating sarili na ang lahat ng risq ay nagmula kay Allah. Ang isang tao ay maaaring kumita ng maraming pera ngunit si Allah ang Siyang nagbigay sa kanya ng kakayahan na magawa niya ito. Ang ibang tao naman ay maaaring mas gwapo o maganda, ngunit si Allah ang nagpasiya sa kalidad ng kanyang mga hene (genes). Kapag nakatanggap tayo ng isang bagay na nakikita natin ito bilang isang espesyal na pagpapala mula kay Allah ay nararapat nating ipaalala sa ating sarili na maging mapagpasalamat at mapagpahalaga. Isang hakbang para rito ay magsikap na gamitin ang pagpapalang ito para sa landas ni Allah at upang makinabang ang sangkatauhan o ang planetang ito sa ilang mga paraan.
Ang isa pang lunas para sa kibr ay ang pag-aalala kay Allah; upang panatilihin Siya sa sentro ng ating isipan, at kung maaari, sa lahat ng oras. Tandaan na nakikita ni Allah ang lahat, maging ang nasa puso ng bawat tao. Bilang mga Muslim tayo ay pinagpala na mayroon tayong paraan o sistema ng pag-alala kay Allah. Nagdadasal tayo ng limang beses sa isang araw, gumagamit tayo ng mga tamang salita ng pag-alala, at hinihikayat tayong mag-du'a o manalanaginat alalahanin si Allah ng madalas. Ginagamit natin ang mga pamamaraan na ito upang maging malapit kay Allah, upang sundin ang Kanyang mga utos at makuha ang Kanyang kaluguran. Sa pagsasagawa nito pinoprotektahan natin ang ating sariling mga puso mula sa mga kasalanan ng pagnanasa at kasakiman at ang mga kasalanan na sangkot sa pagiging mapagmataas sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang mundong ito ay mahalaga dahil ito ang ating tunay na pagsubok; hindi dahil ito ay nagbibigay-daan sa atin upang mag-imbak ng mga kalakal at ari-arian. Nais nating makaramdam ng mabuti sa ating sarili dahil nakamit natin ang kagustuhan ng Diyos at hindi dahil nakuha natin ang ating mga risq at linlangin ang ating sarili sa pag-iisip na ginawa natin ito mismo. Ang pagmamataas at kayabangan ay dapat na tanggalin mula sa ating buhay at palitan natin ito ng kabaitan at habag.
Nakaraang Aralin: Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
Susunod na Aralin: Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)