Naglo-load...

Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa

Marka:

Deskripsyon: Mga maiikling talambuhay ng iba pang mga asawa ni Propeta Muhammad.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 99 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,811 (pang-araw-araw na average: 2)


Layunin

·Upang matutunan at maunawaan ang mga bagay patungkol sa mga natitirang Ina ng mga Mananampalataya.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Du’a - dasal, panalangin, ang paghiling kay Allah ng isang bagay.

·Mahr - dowry, regalo ng isang lalaki sa kanyang asawa sa kanilang kasal.

Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya na karugtong ng Aralin 1

·Zaynab bint Khuzaymah (b.595 – d.624)

MothersofBelievers_02.jpgSi Zaynab ang una sa mga asawa ni Propeta Muhammad na hindi nagmula sa tribu ng Quraish[1]. Namatay siya ng hindi bababa sa isang taon matapos ang kanyang kasal at kung kaya't kaunti lamang ang nakakakilala sa kanya.Bago ang kanyang kasal ay nakuha niya ang titulo na Ina ng mga Mahihirap dahil sa kanyang trabaho kasama ng mga mahihirap at ang kanyang kagandahang-loob sa mga ito.May mga ilang pagtatalo hinggil sa kung gaano karaming beses na si Zaynab ay nabiyuda bago ang kanyang kasal kay Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya. Subalit ang kanyang huling asawa ay namatay sa labanan at ang kanyang kasal kay Propeta Muhammad ay naglagay ng isang alituntunin para sundan ng iba. Hindi na kailanman natakot ang mga kalalakihan na ang kanilang pagkamatay sa labanan ay mangangahulugan ng gutom at kapabayaan para sa kanilang mga pamilya. Naging isang karangalan ang pakasalan ang mga balo ng mga namatay sa labanan.

·Umm Salamah bint Abu Umayyah (b.596 – d.680 CE)

Si Umm Salamah ay naging asawa ni Propeta Muhammad sa edad na dalawampu't siyam, matapos na ang kanyang unang asawa ay mamatay mula sa mga sugat na kanyang natamo habang nakikipaglaban sa labanan ng Uhud. Si Umm Salamah at ang kanyang asawa ay naging bahagi ng paglipat sa Abyssinia. Ang kanyang buhay ay puno ng mga halimbawa ng pagtitiis sa pagharap ng mga pagsubok at kapighatian. Siya at ang kanyang asawa ay kabilang sa mga unang umalis sa Mecca papuntang Medina noong siya ay sapilitang hiniwalay sa kanyang asawa at ang pagkuha sa kanyang anak na lalaki. Sa pagkamatay ng kanyang asawa siya ay nanalangin kay Allah, "O Panginoon, gantimpalaan mo ako sa aking kapighatian at bigyan ako ng isang bagay na mas mabuti kaysa dito bilang kapalit, na kung saan Ikaw lamang, ang Dakila at Makapangyarihan, ang Siyang makapagbibigay." Ang Pagpapakasal sa Propeta ni Allah ang sagot sa kanyang du'a na iyon. Si Umm Salamah ay nagsalaysay ng mahigit sa 300 na ahadith, at karamihan dito ay ang tungkol sa mga kababaihan. Sinamahan niya ang Propeta sa maraming ekspedisyon at nanatiling kasal sa kanya ng pitong taon hanggang sa kanyang kamatayan. Si Umm Salamah ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa mga ibang mga asawang babae at namatay sa edad na walumpu't apat.

·Juwayriyah bint al-Haarith (b.608 – d.673 CE)

Si Juwayriyah ay napansin ng Propeta nang siya ay nahuli sa labanan laban sa tribu ng Banu Mustaliq. Siya ay ang 20 taong gulang na anak na babae ng pinuno ng Banu Mustaliq at ang kanyang pag-aasawa ay nagdulot ng pagkakahanay sa pagitan ng kanyang tribu at ng mga Muslim. Nang inasawa ni Propeta Muhammad si Juwayriyah, pinahintulutan nito ang tribo na pumasok sa Islam nang may karangalan sa pamamagitan ng pagtanggal sa kahihiyan ng kanilang pagkatalo. Nang ibinalita ang pag-aasawa, ang lahat ng nadambong sa digmaan na kinuha mula sa Banu Mustaliq ay ibinalik, at ang lahat ng mga bihag ay pinalaya. Si Juwayriyah ay naging asawa ng Propeta sa loob ng anim na taon, at nabuhay pa ng tatlumpu't siyam na taon pagkamatay ng Propeta. Namatay si Juwayriyah sa edad na animnapu't lima.

·Zaynab bint Jahsh (b.590 – d.641 CE)

Si Zaynab, na isang dalagita mula sa marangal na hanay ng mga Quraish ay naikasal sa napalayang alipin at ampon na lalaki ni Propeta Muhammad na si Zayd, isang lalaking malapit na malapit sa Propeta. Tulad ng lahat ng mga kabataang babae na pinalaki sa karangyaan ay napakataas ng kanyang inaasahan pagdating sa pag-aasawa at si Zayd ay hindi naaayon sa uri ng lalaki na nasa isip niya. Gayunpaman upang ang Propeta ay matuwa, ay pumayag ang kanyang pamilya na maikasal sila. Ang kanilang pagiging mag-asawa ay maiksi at magulo, at upang mapangalagaan ang dalawa, pinahintulutan sila ni Propeta Muhammad na magdiborsyo. Ito ay naging sanhi ng problema dahil ang diborsyo ay hindi sinasang-ayunan at naiiwan ang isang babae sa isang mahirap na sitwasyon; at para makuntento ang lahat ng partido kabilang ang pamilya ni Zaynab siya ay ikinasal kay Propeta Muhammad. Ang mga talata sa Quran ay ipinahayag upang harapin ang bagay na ito at sa pamamagitan ng pag-aasawa kay Zaynab, ipinakita ni Propeta Muhammad na sa Islam ang ampon na anak ay hindi katulad ng isang tunay na anak. Si Zaynab ay sumama sa lumalaking pamilya ni Muhammad at nakilala siya dahil sa kanyang kagandahang-loob at mapagkawang-gawa. Namatay siya sa edad na limampu.

·Umm Habeebah bint Abu Sufyan (b.589 – d.666 CE)

Si Ramlah, na kilala rin bilang Umm Habeebah ay ang anak na babae ni Abu Sufyan na lider ng Quraish at sa yugtong iyon ay isang kaaway ng Islam. Ipinahayag niya ang kanyang pananampalataya na walang takot sa mga kahihinatnan ng kanyang sarili at kumapit siya ng mahigpit sa kanyang pananampalataya nang siya ay may mabigat na pagsubok. Nang siya ay nagmuslim at patuloy na nagdusa sa mga pang-aapi, si Umm Habeebah at ang kanyang asawa ay sumama sa paglipat sa Abyssinia. Ang kanyang asawa ay namatay pagkatapos noon. Siya ay nag-iisa sa isang kakaibang bansa kasama ang musmos na anak na babae at walang mapagkukunan ng suporta. Nang marinig ng Propeta ang kanyang suliranin ay inalok siya nito na pakasalan siya. Ito ay tinanggap niya. Ang hari ng Abyssinia, na lihim na nagbalik-loob sa Islam at naging isang mabuting kaibigan sa bagong komunidad ng mga Muslim, ang siyang nagbigay ng kanyang mahr at siyang naging saksi sa kasalan. Iyon ay nangyari ilang taon bago siya nakasama sa kanyang asawa sa Medina. Siya ay kasal kay Propeta Muhammad sa loob ng apat na taon hanggang sa siya ay namatay.

·Safiyyah bint Huyayy ibn Akhtab (b.610 – d.670 CE)

Si Safiyyah ay isinilang sa Medina kay Huyayy ibn Akhtab, ang pinuno ng tribong Hudyo na Banu Nadir. Si Banu Nadir ay pinalayas mula sa Medina at nanirahan sa Khaybar. Noong 629 CE, ang mga Muslim ay nanalo sa Labanan ng Khaybar at si Safiyyah ay nabihag. Iminungkahi ni Muhammad kay Saffiyah na magmuslim siya, siya ay sumang-ayon, at naging asawa ni Muhammad.

Sa kabila ng kanyang pagbabalik-loob sa Islam, ay tinutukso siya ng iba pang mga asawa ni Muhammad dahil sa Hudyo na kanyang pinagmulan. Minsan sinabi ni Propeta Muhammad sa kanyang asawa, "Kung tatratuhin ka nilang muli ng kakaiba, sabihin sa kanila na ang iyong asawa ay si Muhammad, ang iyong ama ay si Propeta Aaron at ang iyong tiyuhin ay si Propeta Musa. Kaya ano ang ikakasuklam nila dito? "Si Safiyyah ay dalawampu't isang taong gulang nang mamatay ang Propeta. Nanirahan siya ng 39 na taon pa, at namatay siya sa Medina sa edad na 60.

·Maymunah bint al-Haarith (b.594 – d.674 CE)

Si Maymunah, o Barra kung tawagin siya noon, ay nagnanais na pakasalan ang Propeta at ihandog ang kanyang sarili at pakasalan siya. Tinanggap ito ng Propeta. Naging asawa niya ang Propeta sa loob lamang ng mahigit tatlong taon, hanggang sa mamatay ang Propeta. Siya ay napakabait at ang kanyang pamangkin na si Ibn Abbas, na kalaunan ay naging pinakadakilang iskolar ng Quran, ay natuto nang higit mula sa kanyang kaalaman.



Talababa:

[1] Ang Quraish ay ang pangalan ng pinakamakapangyarihang tribo sa Mecca sa pagdating ng Islam at ang tribo na kinabibilangan ni Propeta Muhammad. Ito rin ang pangalan ng isang kabanata ng Quran.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8